Saturday, August 14, 2010

Chapter 2: Clef, Beginning of Lines…

Ang higpit ng yakap ko sa unan ng datnan ako ng araw sa higaan, tinatamad pa akong gumising dahil di ako gaanong nakatulog ng maayos kakaisip kay Mr. Killer Smile. Pero kailangan bumangon agad baka matraffic sa daan at mahuli pa ako sa klase ko.

“Good Morning, Sunshine!” agad kong tinupi ang kumot at pinagpag ang unan bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nagulat ako ng makita ko si Daddy na nagluluto ng almusal.


“Aba, Daddy okay ka lang ba? May sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo?” habang idinadampi ko ang kamay ko sa kanyang pisngi at leeg para damahin kung mainit sya.


“Naku ang prinsesa ko, talagang palabiro ayos lang ako mamaya pa schedule ko sa work dahil may mga meeting ang managers kaya ako ang naghanda ng almusal, isa pa bawi ko na rin sayo kagabi kasi ice buko lang pasalubong ko sayo”


“Aba, hindi kita paliligtasin daddy, magdala ka pa rin ng pasalubong ko mamaya”


“Hahaha, sya... sya... pasalubong mamaya! Tatandaan ko yan”


“Yan, muah… Love you Daddy, Ligo muna ako” pumasok ako diretso sa banyo, habang nagluluto si Daddy sa kusina, ngunit rinig ko pa rin ang pakikipaglaban nya sa pritong itlog at sinangag. Hawak ang takip ng kawali bilang kalasag at syanse bilang espada, bawat tilamsik ng mantika kalasag ang ipanananga at para maibaliktad ang pritong itlog syanse, tapos ang laban knock out ang kaaway.


“Naku, Daddy ayan ka na naman sa routine mo, paglabas ko ng banyo dapat malinis ang kusina kung di lagot ka sakin”


“Opo, prinsesa wag ka magaalala ako bahala” sadya talagang iba ang pakiramdam ko ngayong umaga parang sabik akong pumasok sa klase di ko alam parang may nagsasabing may naghahantay sakin. Nakuha ko tuloy kumanta habang naliligo.


Mahal na mahal

'Yan ang damdamin na sa 'yo'y nararamdaman
Kung 'di mo alam
Puso'y 'di mapalagay 'pag 'di ka namamasdan
O, bakit ganyan?
At maging sa 'king pagtulog
Laging alaala ka
Nais makapiling. nais makayakap sa t'wina

Nakuhang iwan ni Daddy ang nilulutong almusal at dahan-dahang lumapit sa pinto ng banyo para pakinggang ang boses ko habang kumakanta. Bukod pa dyan, nakuha pang sumayaw sa harap ng pinto at ulitin ang mga linyang kinakanta ko. Nang buksan ko ang pinto mas lalo akong nagulantang sa nakita ko.


“Ayun oh, sige sayaw pa Daddy!”


Natigil sya sa pagsasayaw ng marinig ang boses ko para punahin sya sa ginagawa niya.


“Aba inlove talaga ang anak ko kay Mr. Smile”


“Daddy, Mr. Killer Smile hindi smile anu yun ngiti lang ng ngiti!”


“Sige Mr. Killer Smile na kung Mr. Killer Smile pero ang mahalaga alam kong inlove ka” nakuha pang muling umawit sa harap ko


Tawag ng aking damdamin

Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin!


“Tse! Tigilan mo yan daddy” hindi pa rin nagpatalo ang daddy ko sinundan pa ng ilang ulit ng mga linya ng kanta.


Puso'y huwag paluluhain

Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin!

 
“Wahhh!! Daddy, tama na grrr”

“Hehehe… sige na prinsesa ko umuusok na ang tenga mo sa galit sige na, magbihis ka dali” kaya tumuloy ako sa paghakbang ko papuntang kwarto nang muli na naman syang kumanta.


Puso'y huwag paluluhain

Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin!


“DADDYY!!! GRRRR” bumukas ang pinto ng kwarto ko sabay sa paglipad ng unan.


“Blag!” sapul sa mukha nang nagpripritong daddy.


“Isa pang beses na kumanta ka, cabinet ang ibabato ko daddy”


“Bakit naman prinsesa ko”


“ANG PANGET NG BOSES MO!” putok ang fuse ni prinsesa.


Natapos ang breakfast kasama si Daddy na punong-puno ng mga pang-aasar dahil sa pagkanta ko habang naliligo. Nakuha pa akong lokohin at sabihing “Pwede ka nang maging isang recording artist” malaking day dreamer din pala daddy ko siguro sa kanya ko namana ang ugaling ganun “Now I really know”.


At habang nakasakay sa bus papunta sa school umatake pa ang sakit kong LSS (Last Song Syndrome) at talagang unang stanza pa ng kanta ang umpisa ng awit ko walang nakaligtas at walang mali sa bawat salita, Perfecto! Kahit gaano pa kahaba ang traffic dedma basta kakanta ako.


Kahit nakababa na ako ng bus dala ko pa rin ang bawat linya sa awit, kung babagal ang tono, babagal din ang lakad ko at kung bibilis naman bibilis naman ang lakad ko. Kulang na lang stage at isigaw kong “RAMPA BABY!”


Pagsapit sa kanto kung saan kailangan lumiko, lumabas ang isang anino kasama ang isang ngiti. Si Mr. Killer Smile, Christopher Alcaraz. Parang pinindot ang rewind button ng player dahilan para magkabuhol-buhol ang bawat salita ng awit ko.


No comments:

Post a Comment