Tuesday, August 31, 2010

Chapter 3: Fine Tuning Vocalization…..

Mula nang makabalik kami ni Yumi galing sa lunch lagi akong nakatitig sa mga sulat kamay niya sa notebook ko. Buong araw yata yun na lang ang tinititigan ko parang makikita ko ang kayang mukha sa notebook ko kung baga nakadrawing parang isang portrait. Nakarating ako ng bahay na unang bumungad sakin si Nanay.

“Aba Tofie mukhang inspired ka iho”


“Tignan mo tong si Nanay naguumpisa pa lang ako inspired na agad!”


“Teka teka tama ba tong naririnig ko naguumpisa ka pa lang?”


“Opo umpisa pa lang kung baga first move…” pati kamay ko nakisama sa pagiimagine ng first move.


Doinks


“Aray naman nay, sakit nun tama bang hampasin ako ng throw pillow”


“Hoy Christopher Alcaraz, pagaaral ang unahin mo wag yang pag-girlfriend na yan tandaan mo nagpapakahirap ako para makatapos ka ng pagaaral mo”


Nagumpisa na naman ang mga litanya ni nanay sakin tiyak mahabang paliwanagan to.


“Alam ko po yun nay wag ka magalala gusto ko lang magkaroon ng inspirasyon sa pagaaral ko dahil isa akong tugtugero di ba?”

Doinks…

“Aba nanay nakakarami ka na masakit”


“Tumigil ka dyan” bigla na lang syang tumalikod sakin at nagtungo ng kusina agad naman akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanyang likod.


“Nanay, kahit may nililigawan na ako sympre ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa buong buhay ko at sympre ikaw ang pinakamamahal ko”


“Salamat anak, basta ipangako mo sakin na magtatapos ka muna ng college bago ka magasawa ipangako mo”


“Hala nanay nanliligaw pa lang ako di pa ako magaasawa”


“Basta ipangako mo”


“Opo pangako, love you nanay” at tuluyang nagumpisa ang drama scenes ng aking nanay pero di ko rin naman sya talaga masisi talagang lahat nagbabago. Matapos kumain ng hapunan excited akong buklatin ang notebook kung saan isinulat ni Yumi ang kanyang cell number. Ingat na ingat ako sa bawat pahina baka mapilas o kaya naman matupi, ganito talaga ako sa gamit ko masinop sabi ni Nanay nakuha ko daw yun sa aking ama. Nang makita ko ang kanyang cell number agad akong tumungo sa istante kung saan nakalagay ang cellphone ko at nagchacharge.


Pinindot ang On button, ang bagal naman ng loading ng phone ko parang ang ilang segundo sa pagaantay ay isang lingo ang katubas ang OA ko talaga pati ang pagbubukas ng phone ko natatagalan na ako.


Naitype ko na ang bawat numero niya sa screen at muli kong binalikan double checking baka ma-wrong send pa ako. Lumabas ako ng bahay dahil mainit sa loob isa pa malibang habang naghahantay ng reply ni Yumi kung sakaling matagalan. Umupo ako sa isang mahabang upuan sa harap ng bahay nagumpisang magtype ng mensahe para kay Yumi.


“Good Evening kamusta ka na Yumi? – tofie” sent nagulat ako dahil biglang tumunog ang cellphone ko pagkasend ko.


“Check Operator Service” asar talo naka unlimited text ako for 5 days bakit bigla akong na check opt? pati balance inquiry di ko rin magawa. Agad kong inilibot ang aking mga mata baka sakaling may makita kaibigan nagawa ko na ring hanapin ang mga kababata ko.


Si Dan bigla kong nakita naglalakad at hawak ang cellphone mukhang may katext agad ko syang nilapitan.


“Dan, kamusta?”


“Tofie, okay lang eto kagagaling lang sa trabaho, ikaw kamusta anong balita?”


“Ako wala ganun pa rin nagaaral pa rin para may magandang trabaho”


“Okay nga yan pagbutihan mo”


“Salamat Dan favor naman pare?”


“Ano yun basta kaya ko walang problema”


“Pasahan mo naman ako ng load na check opt kasi”


“Yun lang pare naka all text lang ako wala akong extra load pasensya na”


“Okay lang sige na lakad ka na para makapagpahinga ka agad”


“Pasensya na talaga Tofie tuloy na ako”


“Wala yun sige ingat”


Tatlong bente singko lang ang aking kailangan
upang makausap ka kahit sandali lang
Tatlong bente singko lang ang aking kailangan
parang nasa langit na ako
Sige na Ale papalit ng barya
Sige na please naman ale, miss na miss ko na sya, haaaah


“Malas naman ng gabing to kung kalian nakuha ko na yung number ni Yumi saka pa ako nacheck opt si Joe baka may extra load sya”


“Pareng Joe tulungan mo naman ako sa problema ko sige na please?”


“Bakit ano ba yan at mukhang mabigat masyado yang problema na yan para magsabi ka ng please sakin?”


“Pasahan mo naman ako ng extra load mo please sige na please”


“Sira ulo ka ba? Sakin ka pa talaga nanghingi ng load alam mo naman di ko hawak ang cellphone ko atsaka bakit yata atat ka magkaroon ng load may katextmate ka siguro”


“Oo meron importante kasi kaya sige na please?”


“Wala nga akong cellphone di ko hawak ang kulit mo ngayon Tofie may nakain ka bang kakaiba at nagkakaganyan ka?”


Tatlong bente singko lang ang aking kailangan
upang makausap ka kahit sandali lang
Tatlong bente singko sa isang araw
tatlong beses ko rin maririnig sayong mga labi na
mahal kita, mahal kita, wala ng iba, wala ng iba woooh
mahal kita, mahal kita, wala ng iba woooh


mawawalan pa yata ako ng pagasa para matext ko si Yumi ngayong gabi tiyak magtatampo sakin yun dahil hiningi ko pa naman number nya di pa ako nagtext lagot talaga ako nito dapat makagawa ng paraan. Bumalik ako ng bahay at naghalungkat sa lahat ng bulsa ng damit at pantalon ko baka sakaling may barya at makapagpaload kahit pasa lang.


Pero ni singkong duling walang magpakita sakin para akong pulubi kahit piso walang maligaw sa palad ko. Anong oras na wala pa rin akong text kay Yumi baka matutulog na yun di pa nya mababasa ang text ko kasi naman bakit kasi di nagtatabi ng pera. Nga pala naubos kanina kasi natreat ko si Yumi ng lunch naku talaga. Nangangati na ang palad ko para makatext ka Yumi.


Kaya magmula ngayon iipunan ko na aking pera
tatlong bente singko para sa isang araw
tatlong beses ko rin maririnig sayong mga labi na
mahal kita, mahal kita, wala ng iba, wala ng iba woooh
mahal kita, mahal kita, wala ng iba, woooh


“Tofie… asan ka Tofie!”


“Po bakit po Nanay?”


“Matutulog na at maaga ka pa bukas sa klase mo”


“Nanay favor pahingi naman po ng tatlong piso magpapaload lang ako sa tindahan kahit pasa load lang please po please po Nanay please?”


“Hmmm ikaw talagang bata ka nauubos mo na pera mo ngayon ha magastos ka na masyado”


“Hindi po may binili lang po kasi ako kanina sa school project kasi” gumawa pa talaga ako ng palusot para lang makahingi at bigyan ni Nanay


“Sige eto na bilisan mo lang at magsasara na tayo ng pinto gabi na”


“Opo saglit lang Nanay dyan lang sa tindahan yan… thank you Nanay love you”


mahal kita, mahal kita, wala ng iba, wala ng iba woooh
mahal kita, mahal kita, wala ng iba, woooh
Sige na Ale, papalit ng barya
sige na please naman Ale miss na miss ko na sya, haaaah
Sige na Ale, papalit ng barya
sige na please naman Ale miss na miss ko na sya, haaaah


nagmamadali ako para maabutan ko ang tindahang bukas. At nang makita kong isinasara na ang tindahan agad kong pinigilan ang pagsasara nito.


“Teka lang po emergency pa load naman po kahit pasa lang po? Please?”


“Tofie di ka talaga nagbabasa ano?”


“Po?”


“Ayun basahin mo?”


“No Smart/Globe E-Load Available”


“Wahhhh…. Tapos na wala na talagang pagasa”


Malungkot akong lumayo sa tindahan at biglang tumunog ang cellphone na hawak ko


“You have just received 2 pesos worth of load from Yumi, consumable for 24 hours only”


“Si Yumi nagpasa ng load sakin?!!!” pero di pa dun natapos biglang may kasunod pang text


“Ang tagal mo magtext sakin kaya nagpasa ako ng load pakiramdam ko wala kang load – Yumi”


Monday, August 30, 2010

Chapter 2: Clef, Beginning of Lines… (Chapter Ending)

“Wag mo nga ako niloloko, Tofie”

“Hindi kita niloloko, gusto mo ako ang magtuturo sayo?”


“Ano ipambabayad ko? Sige nga sabihin mo?”


“Hmmm… notes?”


“Notes? Ano ako taga gawa ng assignments mo, swerte mo naman”


“Hindi yun anu ka ba, sabi mo pangarap ng mommy mo ang makatugtog ng piano gusto ko yung ibabayad mo sakin magandang notes ng music okay ba?”


“Sige pagiisipan ko yan pero mahirap yan di kaya maubos utak ko dyan?”


“Hmmm may tendency hahahaha”


“Aba sira ulo ka pala eh gusto mo ba ng magasawang sampal?”


“Hala di kaya hehehehe biro lang tara kain na tayo”


Pagpasok sa loob ng karindera agad akong sumilip sa nakahain na mga putahe sa loob ng salaaming aparador. Ang dami pala talagang luto at mukha talaga masarap sa tingin ko pa lang nakakatakam na.


“Yumi, sure ka ba talaga na okay lang dito kita yayain kumain?”


“Oo, anu ka ba okay lang yun mukhang maganda at masarap ang luto dito”


“Tofie ano ulam mo? Mukhang may bago kang kasama ngayon”


“Hehehe kaibigan ko po Tita Ruth at possible regular customer”


“Okay yan Tofie sige libre na yung gulay para sa inyo”


“Thank you po Tita Ruth”


“Sino sya, Tofie?”


“Sya si Tita Ruth sya may ari ng karinderyang ito”


“Ah ganun ba, di naman kayo close?”


“Hehehe medyo naging regular customer na ako kaya nakilala ko siya”


“Talaga?”


“Oo nga totoo yun bakit selos ka?”

Uminit ang pakiramdam ko at alam kong namumula ang mga pisngi ko sa sinabi ni Tofie na syang di ko aakalaing sasabihin niya sakin kahit na pabiro pa wala akong nagawa kung di yumuko.

“Yumi, sorry di ko sadya sorry”


“Hmm… wala yun okay lang ako tara pili na tayo ng ulam”


“Sige… pero sigurado ka okay ka? Kung galit ka eto o sampalin mo ko” iniharap niya ang kanyang kanang pisngi para sampalin ko


“Sigurado ka?”


“Sige... okay lang wag ka lang po magalit” pero makikita mong nakapikit sya at naghahantay na lumapat ang mga kamay ko sa kanyang pisngi. Pero mas lalo syang nagulat sa ginawa ko.


“Aray... aray... Yumi”


“Gusto ko yun ayun o..” hinila ko ang kanyang pisngi at inilapit sa estante ng mga nakahaing ulam.


“Yun ba? Sige libre kita” habang hinahaplos pa rin niya ng kanyang pisngi at tila na napalakas yata ang hila ko dahil kitang kita ko ang pamumula nito.


“Brutal ka pala, Yumi”


“Hehehe sabi mo di ba?”


“Sige panalo ka na… Softdrinks gusto mo? Sabihin mo ako naman magbabayad”


“Sige coke na lang” agad akong humanap ng lamesa kung saan maari kaming pumuwesto ni Tofie at agad naman akong naupo.


“Okay Tita Ruth isang coke at isang pop, magkano po lahat?”


“70 pesos lahat Tofie”


“Eto po yung bayad” pagkaabot ng bayad ni Tofie kay Tita Ruth napansin kong may binulong sya kay Tofie di ko alam kung ano yun malamang tungkol sakin. Malalaman ko rin mamaya itatanong ko kay Tofie.


Maya-maya’y lumapit si Tofie dala ang tray ng mga order naming pananghalian, inilapag niya sa lamesa ang tray at agad na inihain sakin ang order kong ulam at kanin kasama ang isang coke. Bigla akong tumayo at hinanap ang lagayan ng kutsara at tinidor.


“Teka Yumi san ka pupunta?”


“Wala tayong kutsara at tinidor”


“Hehehe nakalimutan ko pasensya na”


“Okay lang ako na kukuha” bumalik akong dala-dala ko ang dalawang pares ng kutsara at tinidor. Inabot ko kay Tofie ang kanyang kutsara at tinidor at inumpisahan namin ang pagkain ng pananghalian. Magana pa lang kumain si Tofie pati tuloy ako napasarap sa pagkain na dati rati ay concious ako kung anung kakainin ko pero ngayon ang ginagawa ko kain lang ng kain. Minsan lang may magalok ng libreng lunch.


“Nabusog ka ba Yumi?”


“Oo, tama ka nga masarap dito, masarap silang magluto ng pagkain dito”


“Buti naman nagustuhan mo akala ko kasi di mo type kumain sa ganitong klaseng lugar”


“Okay lang thank you nga pala sa treat mo”


“Anong thank you may bayad yun”


“Aba di ba sabi mo treat mo?”


“Yung coke treat pero yung ibang order hindi hehehe”


“Hmmm di ko gusto yang mga tawang yan”


“Bakit naman wala naman akong masamang intension”


“E bakit ka natawa?”


“May hihingiin sana akong favor”


“Ano naman yang favor na yan Tofie?”


“Sana pumayag ka?”


“Pumayag na ano?”


“Pwede ko bang mahingi ang number mo please please?”


“Number ko?”


“Oo sige na please please pumayag ka na”


“Sa isang kondisyon?”


“Kaw din magkondisyon?”


“Ayaw mo?”


“Hindi sige na payag na ako kahit anu pa yang kondisyon mo papayag ako ibigay mo lang number mo sakin”


“Okay basta lagi mo akong treat dito sa canteen nila Tita Ruth”


“Ha? Paktay ubos lagi allowance ko nito”


“Ayaw mo sige walang number!”


“Hindi joke lang k@w naman di ka naman mabiro”


“Okay deal pahiram notebook”


“Notebook?”


“Oo, notebook dali”


Hinalungkat ni Tofie ang bag nya at naghanap ng magandang notebook, agad naman niyang binigay ang bagong biling music notebook na walang kasulat sulat at walang bahid ng dumi.


“Eto Yumi”


“Aba bagong bago wala pang kasulat sulat”


“Sige na dyan ka na magsulat sa 1st page”


“Gusto ko sa likod walang pakialamanan”


Pagkatapos kong isulat ang aking cellphone number ko agad kong ibinigay kay Tofie at dali-dali nyang isinilid ang notebook sa kanyang bag pagkatapos ay bumalik na kami ng school para sa next period.


 

Tuesday, August 24, 2010

Chapter 2: Clef, Beginning of Lines… Continuation...


Mula ng maghiwalay kami ni Tofie magisa akong naglakad papasok ng unibersidad, ngunit nababakas pa rin sa aking mukha ang saya dala ng mga nangyari kaninang umaga. Mula ng antayin ako ni Tofie at lumuhod sa aking harapan para magpakilala pakiramdam ko isa na ako sa pinakaswerteng babae sa mundo para makilala ang isang Christopher Alcaraz.

Kahit sa buong oras ng subject di nawala sa isip ko ang mga nangyari kaninang umaga, lumilipad sa alapaap ang isipan ko at talagang kakaiba ang feeling ko. Sana hindi mawala ang ganitong pakiramdam.


“Yumi, di ka ba maglu-lunch ngayon?”


“Sige mauna na kayo may…”


“May kadate ka?”


“Ah… wala may sasabayan lang ako”


“Whatever Yumi it’s your choice”


“Cheska I’m sorry pero nakapagpromise na ako”


“Remember this Yumi, were different and we don’t belong in their world coz we have our own world”


“Cheska, please don’t be rude. I only want to make friends”


“Then choose your friends wisely or else stay out of our sight, let’s go girls”


Cheska, Amy and Crissy ang barkada ko sa school, they are the type of girls na mahilig tumingin sa status ng isang tao sa buhay, before ka nila maging kaibigan first you have to be rich, can afford ka kumain sa mamahaling restaurant and sympre mahilig ka dapat sa mga nightlife and gigs.


Mababait naman sila yun nga lang kailangan mong makibagay sa takbo ng utak nila kung hindi sila ang makakaharap mo. Sila ang group ng girls na kinatatakutan sa campus dahil sila ang bullies sa girls. Nang makita kong wala ang mga kabarkada ko sa paligid agad kong inayos ang mga gamit ko at isinilid sa loob ng bag ko at tumungo ng school canteen.


Nagiingat akong wag mapansin o makita nila Cheska dahil alam kong malaking gulo oras na makita nila na kasama ko si Tofie. Kaya nagiba ako ng daan para makarating ng mabilis sa school canteen. Nang matanaw ko ang pintuan ng school canteen agad kong hinanap ang mukhang matyagang nag-antay mula sa kanto ng school.


Si Tofie nakasandal sa pader sa labas ng canteen palingon-lingon at tila matyagang naghahantay sa pagdating ko. Dito na kaya ang simula ng love story ko? Si Tofie kaya, anu kayang love story nya? Di bale darating din kami dun sa tagpong yun sa ngayon dapat kilalanin ko ng maigi sino si Christopher Alcaraz.


Agad akong lumapit sa kinatatayuan nya habang nakatitig sya sa lupa.


“Ano naming iniisip ng isang tofie sa oras na ito?”


“Yumi, akala ko di kana darating kasi nainis ka sakin kanina dahil iniwan kita. Pasensya na talaga medyo nagkaprob din ako sa klase ko muntik na akong di umabot sa first subject ko”


“Todo explain ka naman wala pa naman akong tinatanong sayo, pero okay lang yun don’t worry. Ano lunch na tayo?”


“Gusto mo sa kinakainan kong canteen tayo kumain? Masarap dun ang luto at mura pa”


“Hmmm, sure ka?”


“Ah… eh.. sorry ha di kasi ako mahilig sa mga sosyal na restaurant”


“Hahaha ano ka ba okay lang yun sanay ako dun. Saan ba yan?”


“Natatandaan mo yung kanto kung saan tayo kanina nagkita kaninang umaga?”


“Oo”


“Dun yung canteen dun masarap sila magluto, malinis pa at murang mura pa”


“Di ko alam si Tofie pala endorser?”


“Hahaha… di naman pero masarap talaga sila kasi magluto. Ano punta na tayo?”


“Sige” lumingon lingon muna ako sa paligid


“Ah… bakit Yumi may magagalit ba kung dun tayo kakain?”


“Wala tara na dali” bigla kong kinuha ang kamay ni Tofie at tumakbo kami sabay palabas ng gate ng school. Ang lambot ng kamay nya parang kamay ng prinsepe at parang alagang alaga ang mga daliri nya kaya lalong tumindi ang kilig sa mga sandaling yun. Para kaming mga bata nung sandaling yun naghahabulan hanggang sa makarating sa finish line at mahuli may tae sa puwet. Pero sabay pa rin kaming nakarating sa gate ng school.


Born gentleman din pala si Tofie, sya ang nagbukas ng gate para sakin. Pakiramdam ko habang kasama ko sya ligtas ako. Pero di ko muna inisip na mahal ko sya in a deeper version mahirap magassume, sympre mahirap din masaktan sa huli sa ngayon enjoy muna sa lahat ng oras namin.


“Teka nga pala Tofie, anong course mo?”


“Naku boring Yumi super boring”


“Ang tanong ko anong course mo di ko tinatanong kung boring ang course mo”


“Ah… Ms. Dulce… reincarnation?”


“Ano yun? Anong reincarnation?”


“Wala yun, boring kasi iilan lang kami sa class alam mo na parang di pang masa ang course, weird kung baga”


“Eh ano nga yung course mo?”


“Bachelor of Music Major in Piano and Composition, in order words tugtugero”


“Wahahahaha! Hmppp… sorry”


“Ayan sige tanggap ko na tatawanan mo lang ako kaya ayaw kong sabihin sayo”


“Hindi naman ako natatawa sa course mo, natatawa ako kasi yung term mo”


“Alin yung tugtugero?”


“Wahahaha”


“Bakit di naman nakakatawa”


“Wag mo nga gagamitin yun humahagalpak ako sa katatawa” at talagang sumakit ang tyan ko sa kakatawa sa sinabi ni Tofie.


“Ang ganda mo naman pala kapag natawa ka”


“Uy, Tofie wag ka dyan segway di bagay atsaka bulok na yang style mo”


“Hindi pwera biro maganda ka and you have sparkling eyes”


Mula ng sabihin ni Tofie ang salitang sparkling eyes napatitig ako sa kanyang mga mata. Ngayon lang ako nakakuha ng magandang papuri sa buong buhay ko buhat sa isang kaibigang lalake dahil maliban kay Daddy sya lang ang nagsasabing maganda ang mga mata ko katulad ng kay Mommy nung nabubuhay pa sya. Ngunit masyadong nagiging mabilis ang oras kaya inilihis ko ng kaunti ang attention sa mga mata nya.


“Anong ginagawa mo nga pala sa bookstore nung una mo akong makita?” biglang napahalukipkip si Tofie sa kanyang pantalon at napatingin sa kalye.


“Yun ba bibili kasi ako ng notebook ko para sa isang subject namin kaya andun ako ng mga oras na yun, ikaw Yumi anong ginagawa mo dun at bakit may libro ka ng piano basic”


“Hehehe… mahirap man sabihin at intindihin pero gusto kong matuto kaya nagself study ako, mahirap kasi maghanap ng ibang teacher isa pa dagdag gastos kaya ayun sa libro na lang ako umaasa para magbasa at magexplore”


“Ikaw? Gustong matutong magpiano? Bakit isa pa maganda naman ang course mo, Communication Arts”


“Basta gusto ko lang matuto may masama ba?”


“Wala naman hehehehe… pero seriously tell me how eager are you to learn about piano?”


“Pangarap!”


“Ha, pangarap?”


“Pangarap ng mommy ko ang matutong magpiano at gumawa ng mga composition, that’s why I’m very eager to learn yun lang wala akong ganung kalaking pera para magaral isa pa ayaw kong umasa sa daddy ko”


“I can be your teacher, if you want?” napatigil ang mga paa ko sa paglalakad matapos bangitin ni Tofie ang kanyang suggestion. Piano teacher ko si Tofie?


 

Thursday, August 19, 2010

Chapter 2: Clef, Beginning of Lines… Continuation...


“Pero Ms. Dulce may punishment po ako diba?”

“Bakit ayaw mong maligtas sa kasalanan mo Mr. Alcaraz?”


“Gusto po”


“Yun naman pala, ano kakanta ka dito sa harap o mananatili ka sa dulo ng nakatayo?”


Napakamot na lang ako sa ulo ko habang naglalakad papunta sa harap ng klase, nagiisip anong awit ang aking aawitin para sa tono ng baritone? Naguguluhan na talaga ako walang ibang napasok sa isip ko kung di si Yumi. Ang bus na sinakyan ko kung saan nahulog ang pin ko at sya ang nakadampot.


At nang marating ko ang unahan ng klase huminga muna ako ng malalim at muling nagisip. Anong kanta ang magiging halimbawa ko para sa tonong binanggit ni Ms. Terror.


“Ready ka na Mr. Alcaraz?”


“Ah…?”


“Ang isasagot mo lang Yes or No? Are you ready Mr. Alcaraz?”


“Yes, Ms. Dulce I’m ready” bahala na, bahala kung anong mangyayari bahala na kung di ako pumasa sa subject ko basta gagawin ko na lang ang dapat gawin at ano ang naiisip kong awitin.


Muli kong ipinitik ang mga daliri ko at unti-unting kumuha ng tiempo, dahan dahan ipinadyak ang isang paa at humugot ng tono.


Isang araw nagmamaneho sa Cubao


(Beep, beep, beep) (Biglang sumunod sa pag awit ko si Ronald bilang second voice….)


Aking nakita, babaeng saksakan ng ganda


(Waow…. Hmmmmmm)


Sinundan ko ang kotseng sinasakyan nya

Hindi ko nakitang may dumarating pala

(Bop, bop, chuap, hmmmmm)


Hindi ko naiwasan, kami biglang nagkabanggaan


Nagumpisa akong maglakad sa bawat sulok ng silid habang kumakanta, ngunit tuloy pa rin ang pagpitik ng aking mga daliri saliw sa aking pag-awit. Bawat kaklase ko sa loob ng silid sumunod sa pagpitik ng kamay ang iba ginagawang drum ang desk at kinakalampag.


Ale,

(Ale, Ale)

nasa langit na ba ako

Mama, kayo po ba si San Pedro

(kayo po ba si San Pedro…)


Ok lang sa akin kung ako’y dedo na

Basta’t ikaw ang lagi kong kasama

Kaya ale (ale, ale)

Nasa langit na ba ako….
(hmmmm..)


At si Ms. Dulce mas lalo akong nagulat ng makita ko syang nakangiti at umiindak sa boses ng buong klase. Mas higit pang naging maganda ang bawat tono ng sumabay sina Eunice at Julius bilang mga co-performers ko sa gitna ng klase.


At paglabas ko, niyaya ko na syang pakasal

Tinanggihan nya, at nasabi may asawa na sya


Habang inaawit ko ang linyang ito, nagawa ko pang magacting sa gitna ng performance, lumuhod ako sa harap ni Eunice at gumawa ng eksena na parang nagaayang magpakasal.


Dinamdam kong masyado’ng sinabi nya

Hindi ko nakita, hagdan ubos na
Ako ay nahulog, sa semento ulo ko’y nauntog
Ngunit di lang doon natapos acting nagawa ko pang humiga sa sahig at maghimatay himatayan, nakasabay naman ang dalawang mokong sina Ronald at Julius, lumapit pagkatapos ay pinaypayan ako.

Nung magkamalay ay nandun na naman ako

Inasikaso ng doktor na pili ng utol ko

Muli akong bumangon sa pagkakahiga at lumakad papalapit kay Ms. Dulce.


Biglang-bigla na lang, ang bagong nurse nandyan na

Tinanong ko muna sya kung may asawa na sya


“Ms. Dulce may asawa ka na ba?” nagulantang ako ng sinundan nya ang mga linya ng kanta


“Wala”


Ang sabi nya wala, ang puso ko’y biglang natuwa

At nasabi kong
Ale, nasa langit na ba ako
Mama, kayo po ba si San Pedro
Ok lang sa akin kung ako’y dedo na
Basta’t ikaw ang lagi kong kasama
Kaya ale, nasa langit na ba ako


Dinala ko si Ms. Dulce sa unahan ng klase, kasama ang tatlo kong kaklase na sina Ronald, Julius at Eunice at sabay sabay naming tinapos ang awit na aking sinimulan at may posing pa sa mga huling scenes.


“Ehmmm…. Ngayon ko lang nalaman na may mga actors and actress pala sa klase ko”


At sabay sabay kaming nagsalita sa harap ni Ms. Dulce “Sorry po Ms. Dulce”


“Sorry po Ms. Dulce nadala lang po ako sa awit ko”


“Hmmm.. kung sino man yang inspirasyon mo, mukhang nagbibigay ng magandang boses sayo” ngumiti lang ako sa sinabi ni Ms. Dulce akala ko tapos yun pala may kasunod pa.


“Pero next time, next time Mr. Alcaraz na late ka pa sa klase ko your going to clean the whole gym for a week or two. Understand!”


“Yes, Ms. Dulce”


“Good and by the way nice performance to you and your group”


At tuluyang nag-ring ang bell ng school “its break time”


“Yumi, here I come!” 


 

Wednesday, August 18, 2010

Chapter 2: Clef, Beginning of Lines… Continuation...



Di ko na nagawang malaman anung course, building o room naka-assign si Yumi, pero isa lang nasa isip ko, nagawa ko na ang first move kaya dapat sundan ko na ng panibagong points sa pagpapa-pogi sa kanya. Di ko na inalintana ang mga tao sa aking daraanan dahil nagmamadali na rin ako para umabot sa klase bago pumasok si Ms. Dulce ang terror kong teacher. Bawat maalpasan kong naglalakad laging bukang bibig ko “Excuse po”, “Excuse po makikiraan lang”..

Nararamdaman ko na ang bawat pawis sa aking likuran habang unti-unting tumutulo at nasisipsip ng aking damit.


“Konti na lang sana umabot ako, isang hagdan na lang, isang hagdan na lang…” at nang matapos kong baybayin ang bawat baiting ng hagdan, agad akong lumiko para dumiretso sa pintuan ng salubungin ako ng…


“Mr. Alcaraz, why are you late?” sabay salo ng patpat sa ilalim ng ilong ko, para akong ooperahan sa itsura ko para saluhin ang ilong ko ng patpat. Mamalasin ba ako ngayong araw, Ang aga ko namang gumising nalate lang talaga ako dahil naghahantay ako kay Yumi. Pero di ko dapat gawing rason yun isip dali isip Tofie.


“Sorry Ms. Dulce, I’m late because of there was… there was..”


“What? Mr. Alcaraz”


“There was an emergency, yes… yes… emergency my cousin called she’s about to give birth to my new nephew”


“Are you the father?”


“Of course not!” astig diretsong English to tsong dugo ilong ko, may kasama pa yang head gestures sabay simangot


“Bakit parang mas excited ka pa sa tatay, hindi naman pala ikaw ang ama” malakas na boses ni Ms. Dulce habang nakapamewang.


“Ms. Dulce, I saw him with a girl earlier this morning” asar may asungot na naman si Julius talaga pasaway ka kahit kailan pahamak ka…


“What did you said Mr. Castillio?”


“Yes, Ms. Dulce I saw Christopher together with the girl earlier this morning. I think he is courting that girl. Nakita ko pa nga pong nakaluhod sya infront of the girl”


Pati ba naman yun Julius, pati ba naman ang diskarte ko kay Yumi papakialaman mo? Humanda ka mamaya sakin… umuusok na talaga ang tenga ko sa inis sa kanya.


“So emergency pala Mr. Alcaraz can you explain this?”


“I’m sorry Ms. Dulce…”


“Okay so much for the arguments, I will not tolerate this attitude for your punishment Mr. Alcaraz doon ka sa likod tumayo hanggang matapos ang subject na ito”


Habang naglalakad ako papunta sa likuran ng klase, nakuha ko pang tumingin kay Julius na nakangiti sa akin. Malas na nga talaga isang oras na nakatayo, tignan ko kung tatagal ang mga binti ko habang nakatayo lang at nakikinig sa klase ni Ms. Terror.


“As I were saying, bring out notes and let’s discuss about the tones of voices or the vocal range. Let’s start first with Bass, yes Mr. Ronald Ciudad can you define to us what is bass tone?”


“Yes, Ms. Dulce, bass tone a type of male singing voice and possesses the lowest vocal range of all voice types”


“Very good Mr. Cuidad, male singing voice with the lowest vocal range a good example for this type of vocal range are Dan Britton, JD Sumner and James "Big Chief" Wetherington” pagkasulat sa pisara ng mga pangalan ng mga kilalang mang-aawit agad na humarap si Ms. Dulce at ibinagsak ang yeso sa table.


“Next Baritone, what is baritone? Yes Ms. Estrada”


“Ms. Dulce baritone?”


“Are you deaf, Ms. Estrada?”


“No Ms. Dulce”


“Good so there is no need to repeat the question again and again”


Umandar na naman ang kasungitan ni Ms. Terror at kahit nasa dulo ako kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata niya dahil sa pagtatanong niya kay Eunice.


“Yes Ms. Dulce, baritone type of male singing voice that lies between the bass and tenor voices. It is the most common male voice”


“Thank you Ms. Estrada, you may now take your seat or if you want you can join Mr. Alcaraz at the back” sabay turo ng kamay ni Ms. Dulce sa kinatatayuan ako. Kaya mas lalo akong pinagpawisan kung kanina dahil sa pagod at pagtakbo ngayon ay dahil sa kahihiyan.


Sumulyap sakin si Eunice at nang magkasalubong ang aming mga mata agad akong tumingin palayo at ibinaling ang atensyon sa labas ng bintana. Samantalang si Eunice naman agad umupo sa kanyang silya at yumuko.


Ang taray mo talaga Ms. Terror, maligawan ka lang ng lalake tyak babait ka…


“As I was saying famous Baritones singers include John Charles Thomas, Lawrence Tibbett, Leonard Warren and Robert Merrill.”


Ang tagal ng mga discussion sa loob ng klase para na akong baliw kahit na anung topic pa ang kanilang pinaguusapan at kahit ano pang tinatanong ni Ms. Terror sa buong klase tyak di nya ako papansinin dahil may punishment ako sa pagiging late. Lumilipad ang imagination ko tungkol kay Yumi.


Ilang awit pa ba ang aawitin o giliw ko?

Ilang ulit pa ba ank uulitin o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapacute sa 'yo
'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko
Ilang isaw pa ba ang kakainino giliw ko?
Ilang tansan pa ba ang iipunin o giliw ko?
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Huwag mo lang ipagkait ang hinahanap ko


Ang pinakamaganda at pinaka-mamahal kong si Yumi, habang naglalakad kami papasok ng campus magkahawak kamay at bago maghiwalay hahalik sa akin at sasabihin ang mga katagang “I Love you Tofie” hay ang sarap ng pakiramdam ang ganda ng mundo ang sarap ng buhay. Makulay at maaraw ang lahat basta kasama kita lang kita.


Sagutin mo lang ako aking sinta'y

Walang humpay na ligaya
At aasahang iibigin ka
Sa tangahali sa gabi at umaga
Huwag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay ng tahamik at buong
Ligaya


“Mr. Alcaraz…” sigaw ni Ms. Dulce


Para akong ginising sa isang magandang panaginip at si Ms. Dulce ang may kagagawan kung bakit nasira.


“Yes, Ms. Dulce?”


“Your voice is baritone, right?”


“Ah yes?”


“Infront now… and sing a few sample lines…”


“Me… infront, sing?”


“Bingi ka na rin ba Mr. Alcaraz?”


Nanahimik na ako, ipapain na naman ako sa mga leon….


 

Tuesday, August 17, 2010

Chapter 2: Clef, Beginning of Lines… Continuation...


Para akong ninakawan ng boses at di makapagsalita sa ginawa ni Tofie habang hawak niya ang kamay ko kasama ang tatlong tali ng sampaguita.

“Christopher?, Anong ginagawa mo dito?”

“Ah… eh… hehehehe, hinahantay kita!”

Totoo ba to? Baka nanaginip lang ako si Christopher Alcaraz, si Mr. Killer Smile hinahantay ako nakakakilig naman ahm…


“Bakit mo naman ako hinahantay, Christopher?”


Eto na nga ba sinasabi ko eh, di ako nakapagready sa mga itatanong ni Yumi, kung bakit ako naghahantay sa kanya. Isip bilis isip ng dahilan Tofie…


“Ah, gusto ko kasing magpasalamat sa pagsauli ng pin ko tama salamat naibalik mo yung pin ko, ang galing mo nga shoot, sa bag ko talaga”


Buti na lang nakaisip ako agad ng alibi, kung hindi paktay kang bata ka. Mabubuko agad ang mga diskarte ko.


“Yun ba? wala yun gumulong kasi sa paa ko akala ko kung ano nakita ko at nabasa ko yung name mo”


Yes, thank you talaga kay pin kung hindi di kita makikilala Mr. Killer Smile… gusto ko na talaga himatayin sa harap mo nakakatunaw.


“Oo nga buti na lang nakita mo at nakilala kita”


“Ano yun tofie buti na lang ano?”


“Ah.. buti na lang nakita mo at naibalik kasi mahal pa naman magpagawa ng pin yun ang sabi ko”


“Okay, sigurado ka yun lang sinabi mo?”


“Oo yun lang”


“Parang may narinig pa akong iba”


“Naku wala baka narinig mo lang yung ingay ng mga sasakyan”


“Sabagay may point ka dyan, salamat sa sampaguita Christopher”


“Wala yun pasensya ka na yan lang nakita kong pakalat kalat dito”


“Ha?”


“Ah hehehehe, yung nakita kong binebenta dito ng bata nanghingi kasi ng pambili ng pagkain sabi ko bibili na lang ako ng sampaguita kaya ayan binili ko para sayo”


“Akala ko kung anung pakalat-kalat” pero kahit na napulot o pinitas mo pa basta bigay mo tatanggapin ko.


“Let’s go, Yumi?” gusto ko sanang kunin at hawakan ang kamay ni Yumi kaya lang dyahe pakiramdam ko pag ganun ang gagawin ko bigla na lang nya ako sampalin. Pero kahit di ko hawak ang kanyang kamay sapat na ang makasabay ko sya sa paglalakad.


minsan pa,

nang ako'y papalayo,
hindi ko alam na ika'y tutugon
sa mga tanong na aking nabitawan
hindi ko alam na ito'y totoo

pangarap ka,

sa bawat sandali
langit man ang tingin ko sayo sana'y marating...
ooh..oh..oh..


“Teka, di ko pa nga pala alam ang tunay na pangalan mo, ang tanging alam ko lang ay Yumi”


“Oo nga pala pasensya na di ako nakapagpakilala sayo ng ayos, Ako nga pala si Ayumi Santos” pagkasabi ni Yumi ng kanyang totoo at buong pangalan, bigla akong lumundag sa kanyang harapan at kinuha ko ang kanyang kamay at lumuhod sa kanyang harapan


“Nice to meet you Ms. Ayumi Santos, ako nga pala si Christopher Alcaraz”


“Hoy Christopher! Anung ginagawa mo dyan tumayo ka nga”


“Hindi ako tatayo dito hanggat di mo sinasagot ang pagpapakilala ko sayo”


“Ang OA mo Christopher, tumayo ka na dyan”


“Hinde!”


“O sige para lang matapos to dahil pinagtitinginan na tayo dito” biglang may sumigaw na driver ng jeep sa di kalayuan.


“Sige na miss sagutin mo na.. woh!”


“Grrr mga asungot na to, nice to meet you Mr. Christopher Alcaraz, ayan tapos na tumayo ka na please”


Unti-unti akong tumayo sa aking pagkakaluhod ngunit hawak pa rin ang kanyang kamay.


pangarap ka

o tinig mong kay lambing
ang iyong mga ngiti'y
na sa akin ay nakapag bigay pansin
ngunit ikaw pa'y isang pangarap lang.....


“Ayan okay na tara na lakad na tayo papasok ng school”


“Ah Christopher saglit lang”


“Tofie na lang wag na buong pangalan ko”


“Sige Tofie kasi yung… yun oh..” sabay nguso ko sa kanyang kamay habang hawak nya ang aking kamay.


“Ooppss… pasensya na dumikit hehehehe” yes! Nagawa mo rin tofie nagawa mo rin may pogi point kana rin kay Yumi. Tapos na ang first move. Halos lumundag ang puso ko sa tuwa ng magpakilala ng personal si Yumi sakin.


“Okay lang” Hmmm, tofie. Ang cute mo talaga kung pwede lang mahimatay kanina pa ako nahimatay sa harap mo para mayakap mo ko.


Ang ganda ng moment pero sisirain ng isang alarm ng cellphone.


“Wah!”


Voice Lesson

Ms. Dulce…
5minutes delayed…

Nung una akala ko puso ko lang ang lumundag pero nang mabasa ko ang alarm schedule ng cellphone ko lumundag pati katawan ko hindi dahil sa kilig kung di dahil sa takot.


“Ang terror!”


“Anong terror, tofie?”


“Ah… kasi ganito Yumi ano kasi…”


“Sige na late ka na alam ko schedule mo”


“Pero.. sure ka okay lang Yumi?”


“Oo naman anu ka ba okay lang”


“Babawi ako… hmmm mamaya sa canteen 12nn sharp?”


“Hmmm sige canteen 12nn sharp”


“Ah… sige Yumi una na ako pasensya na sorry talaga”


“Okay lang lakad na”


Tumakbo palayo si Tofie at ako nanatiling nakatulala sa kanyang anino at nang di ko na sya maaninag. Ako ang lumundag sa tuwa.
 

 

Sunday, August 15, 2010

Chapter 2: Clef, Beginning of Lines… Continuation



Mula nang magising ako, nabuo sa isip ko ang solusyon na dapat makilala ko na si Yumi ng personal. Ngunit sa tuwing magiisip ako ng paraan para ituloy ang balak ko ang daming pumapasok sa isip ko, di ko rin alam kung epektibo ang gagawin ko. Kaya napagpasyahan kong wag magsuot ng uniform allowed naman samin ang mag civilian lalo na kung broken schedule ka sa school. Suot ang green na t-shirt, maong na pants at puting rubber shoes.

Umalis ako ng bahay maaga pa sa sikat ng araw. Kahit si nanay nagtaka tila seryoso daw ako sa sinabi ko kagabi na “Bukas luluhod ang mga tala”. Hindi ko na rin nagawang magalmusal dahil sa pagmamadali.


Pagsakay ko sa bus magkahalong saya, pananabik at takot ang naramdaman ko, kasama ang mga tanong na “Kakausapin kaya ako ni Yumi?”, “Papayag kaya sya kung yayain ko sya sa isang date?”


“Ah, bahala na kung anung mangyari ang mahalaga magawa ko”


This time ginawa kong mag-abang sa kanto ng national bookstore kung saan kami unang nagkita ni Yumi. Katabi nito ang karinderya kung saan ako kumakain pag lunch break. 6:30 A.M eksakto, bawat taong nagdadaan sa kalye nabilang ko na.


Sandali na lang

Maaari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang
iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip


Bawat posisyon ng pagtayo sa kanto nagawa ko na, sumandal na ako sa pader at sa poste, umupo sa simento at sumipol habang naghahantay sa kanya. Nagbilang ng mga taong dumaraan ay isinama ko na rin sa listahan ko. Nagbukas ang National Book Store wala pa rin sya, naiinip na ako sa tagal nya pati tuloy na ang tyan ko nainiip kakaantay sa kanya at nagsimula ng magsalita.


“Di nga pala ako kumain ng almusal dahil umalis ako ng bahay tulog pa si inay buti na lang may tindang almusal ang karinderya” kaya naisipan kong magalmusal habang naghahantay sa kanyang pagdaan.


“Miss isang sinangag nga po at isang itlog samahan mo na rin ng kape” pagkatapos magbayad ng naorder ko napili kong umupo sa isang lamesang nakaharap sa may kalsada.


“Sisiguraduhin kong di makakaalpas sakin si Yumi” kaya kahit ngumunguya ng sinangag at itlog nakatutok ang mga mata ko sa kalye at bawat higop sa mainit na kape agad kong nalalagok baka biglang dumaan si Yumi at di ko mahabol. Natapos akong kumain at nagbukas na ang National Bookstore wala pa ring Yumi na naglalakad sa kalye.


Ang daming tumakbong idea sa utak ko “Baka nagkasakit si Yumi?”, “Baka naman wala syang schedule ng pasok ngayon?” at muling nagsalita ang dalawang panig ng utak ko.


“Di na sya darating, umuwi ka na lang”


“Patience is a virtue, Tofie you have to be patient”


“Patient, patient ka pa dyan pasyente ka mamaya kay Ms. Dulce”


Napatingin ako sa relo ko ng maalala ko ang pangalang Ms. Dulce, 7:30 A.M. isang oras na akong naghahantay sa kanya wala pa rin.


'Wag kang mag-alala

Di ko ipipilit sa'yo
Kahit na lilipad ang isip
ko'y torete sa'yo

Ilang gabi pa nga lang

Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
nanlalamig nanginginig na ako


“Lord, pwede favor? Bigyan mo naman ako ng sign kung darating sya o hindi” sabit ko sa langit nagmamaka-awa na sana pakinggan.


“Kuya sampaguita po, bili na kayo ng sampaguita”


“Hmmpp, ayos Lord sampaguita thank you, kung kailangan gawin kong poon si Yumi para sabitan ng sampaguita sige lang”


“Kuya sino kausap mo? Are you drugs?”

“Tignan mo tong batang to, hihirit lang English pa, me drugs no way acetonic to!”

“Anong acetonic kuya”


“Acetone tinira ko ano laban ka? Pabili nga sampaguita”


“Yan ang gusto ko sayo kuya, dahil dyan may free kang power hug!”


“Ah… Sarah? Di ako si John Loyd”


“Hug ka na nga ayaw mo pa ok fine, eto sampaguita mo”


“Eto naman bayad ko, thank you” muli akong bumalik sa poste para sumandal at nang muli kong sulyap sa di kalayuan, naaninag ko ang anino ng babaeng pinakahihintay ko.


“Si Yumi andyan na…”


“Ah inlove ka pala kuya kaya ka ganyan, di ka pala acetonic, lovatonic!”


“Anu naman yun?”


“Meaning ksp ka hmppt”


“Wah… kung di ka lang bata tiniris kita”


“tse! Makaalis na nga mamaya mahawa pa ako sa lovatonic mo”


“Bleh!”


Pagtapak ni Yumi sa kanto agad akong lumabas sa likod ng poste at kumaway sa kanya habang papalapit.


“Hi! Yumi!” kaway ko


“Para sayo sampaguita!” pero parang di maipintang larawan ang nakaguhit sa kanya. Dahil ba sa sampaguita o dahil sa pagaantay ko sa kanya?


 

Saturday, August 14, 2010

Chapter 2: Clef, Beginning of Lines…

Ang higpit ng yakap ko sa unan ng datnan ako ng araw sa higaan, tinatamad pa akong gumising dahil di ako gaanong nakatulog ng maayos kakaisip kay Mr. Killer Smile. Pero kailangan bumangon agad baka matraffic sa daan at mahuli pa ako sa klase ko.

“Good Morning, Sunshine!” agad kong tinupi ang kumot at pinagpag ang unan bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nagulat ako ng makita ko si Daddy na nagluluto ng almusal.


“Aba, Daddy okay ka lang ba? May sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo?” habang idinadampi ko ang kamay ko sa kanyang pisngi at leeg para damahin kung mainit sya.


“Naku ang prinsesa ko, talagang palabiro ayos lang ako mamaya pa schedule ko sa work dahil may mga meeting ang managers kaya ako ang naghanda ng almusal, isa pa bawi ko na rin sayo kagabi kasi ice buko lang pasalubong ko sayo”


“Aba, hindi kita paliligtasin daddy, magdala ka pa rin ng pasalubong ko mamaya”


“Hahaha, sya... sya... pasalubong mamaya! Tatandaan ko yan”


“Yan, muah… Love you Daddy, Ligo muna ako” pumasok ako diretso sa banyo, habang nagluluto si Daddy sa kusina, ngunit rinig ko pa rin ang pakikipaglaban nya sa pritong itlog at sinangag. Hawak ang takip ng kawali bilang kalasag at syanse bilang espada, bawat tilamsik ng mantika kalasag ang ipanananga at para maibaliktad ang pritong itlog syanse, tapos ang laban knock out ang kaaway.


“Naku, Daddy ayan ka na naman sa routine mo, paglabas ko ng banyo dapat malinis ang kusina kung di lagot ka sakin”


“Opo, prinsesa wag ka magaalala ako bahala” sadya talagang iba ang pakiramdam ko ngayong umaga parang sabik akong pumasok sa klase di ko alam parang may nagsasabing may naghahantay sakin. Nakuha ko tuloy kumanta habang naliligo.


Mahal na mahal

'Yan ang damdamin na sa 'yo'y nararamdaman
Kung 'di mo alam
Puso'y 'di mapalagay 'pag 'di ka namamasdan
O, bakit ganyan?
At maging sa 'king pagtulog
Laging alaala ka
Nais makapiling. nais makayakap sa t'wina

Nakuhang iwan ni Daddy ang nilulutong almusal at dahan-dahang lumapit sa pinto ng banyo para pakinggang ang boses ko habang kumakanta. Bukod pa dyan, nakuha pang sumayaw sa harap ng pinto at ulitin ang mga linyang kinakanta ko. Nang buksan ko ang pinto mas lalo akong nagulantang sa nakita ko.


“Ayun oh, sige sayaw pa Daddy!”


Natigil sya sa pagsasayaw ng marinig ang boses ko para punahin sya sa ginagawa niya.


“Aba inlove talaga ang anak ko kay Mr. Smile”


“Daddy, Mr. Killer Smile hindi smile anu yun ngiti lang ng ngiti!”


“Sige Mr. Killer Smile na kung Mr. Killer Smile pero ang mahalaga alam kong inlove ka” nakuha pang muling umawit sa harap ko


Tawag ng aking damdamin

Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin!


“Tse! Tigilan mo yan daddy” hindi pa rin nagpatalo ang daddy ko sinundan pa ng ilang ulit ng mga linya ng kanta.


Puso'y huwag paluluhain

Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin!

 
“Wahhh!! Daddy, tama na grrr”

“Hehehe… sige na prinsesa ko umuusok na ang tenga mo sa galit sige na, magbihis ka dali” kaya tumuloy ako sa paghakbang ko papuntang kwarto nang muli na naman syang kumanta.


Puso'y huwag paluluhain

Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin!


“DADDYY!!! GRRRR” bumukas ang pinto ng kwarto ko sabay sa paglipad ng unan.


“Blag!” sapul sa mukha nang nagpripritong daddy.


“Isa pang beses na kumanta ka, cabinet ang ibabato ko daddy”


“Bakit naman prinsesa ko”


“ANG PANGET NG BOSES MO!” putok ang fuse ni prinsesa.


Natapos ang breakfast kasama si Daddy na punong-puno ng mga pang-aasar dahil sa pagkanta ko habang naliligo. Nakuha pa akong lokohin at sabihing “Pwede ka nang maging isang recording artist” malaking day dreamer din pala daddy ko siguro sa kanya ko namana ang ugaling ganun “Now I really know”.


At habang nakasakay sa bus papunta sa school umatake pa ang sakit kong LSS (Last Song Syndrome) at talagang unang stanza pa ng kanta ang umpisa ng awit ko walang nakaligtas at walang mali sa bawat salita, Perfecto! Kahit gaano pa kahaba ang traffic dedma basta kakanta ako.


Kahit nakababa na ako ng bus dala ko pa rin ang bawat linya sa awit, kung babagal ang tono, babagal din ang lakad ko at kung bibilis naman bibilis naman ang lakad ko. Kulang na lang stage at isigaw kong “RAMPA BABY!”


Pagsapit sa kanto kung saan kailangan lumiko, lumabas ang isang anino kasama ang isang ngiti. Si Mr. Killer Smile, Christopher Alcaraz. Parang pinindot ang rewind button ng player dahilan para magkabuhol-buhol ang bawat salita ng awit ko.