Tuesday, November 8, 2011

Chapter 10: Now I’m In Love That’s for Sure Continuation


“Walang mangyayari sa atin kung babagal-bagal kayo isa pa dapat bago mananghalian nakabalik na tayo dito Yumi sa bahay dahil magluluto pa ako ng ulam natin”

“Pero akala ko ba Daddy, magluluto ka ng ulam para dalhin kina Tofie pagbisita natin?”

“Oo nga pala sige kayong dalawa magayos na habang niluluto ko na yung dadalhin nating ulam sa kanila”

“Yumi…” pabulong na salita nit okay Yumi habang pabalik ng kusina ang Daddy ni Yumi

“Uhmmm…?”

“Sigurado ba kayo sa sinasabi nyo, nakakahiya ang panget ng bahay namin, di kami nakatira sa subdivision at maraming tao samin”

“Naku basta si Daddy nagisip wag mo nang balaking pigilan”

“Bakit naman?”

“Dahil mabibigo ka lang, kung ako nga itong anak di ko yan mapigilan sa gusto nya ikaw pa na…” tingin sa katawan ng binata at biglang ngumiti…

“Ano? Hmmm… yang mga tingin nay an may ibig sabihin yan”

“Wala…! Magayos ka na pagagalitan ka ulit nun pag hindi ka pa nagayos ng sarili mo isa pa gawin mo na ang dapat mong gawin”

“Gaya ng?”

“Aba sabihin mo na si Nanay na may pupuntang mga bwisita sa inyo kasama ka”

“Oo nga pala baka magulat yun at sabihin may ginawa akong kasalanan, nangako pa naman ako magtatapos ng pagaaral”

“Hoy! Hoy! Iba na yang sinasabi mo ha”

“Joke lang eto na nga nagtetext na para masabihan si Nanay”

“Aakyat muna ako sa taas para ilagay yung nagamit na unan at mga kumot pati yung foam”

“Ako na lang kaya magbabalik nyan”

“Kaya ko to gawin mo na yan, kung maliligo ka pala ulit may nakaready ng towel sa CR”

“Sige, mabuti pa nga makapagshower para mawala nerbiyos ko”

“Wish ko lang mawala nerbiyos mo hahahaha”
“Yumi  naman eh”

Nagshower na ako ulit pero di maalis sa isip ko kung anung mangyayari. Ang daming pumapasok sa isip ko ang magiging reaction ni Nanay pag nakitang kasama ko ang Daddy ni Yumi tyak akong maraming titingin sa aming mga kapitbahay. Isa pa anu na lang sasabihin nila sa tinitirahan naming mag-ina tyak ako madidisappoint lang sila sa makikita nila.

“Tofie…Tofie…” habang kumakatok sa pinto

“Tapos ka na ba kasi gagamit din ako nakakahiyang ako ang malalate”

“Saglit lang Yumi matatapos na ako”

“Okay dapat pagbalik ko nakalabas ka na dyan kung di papasukin kita dyan”

“Uh?! Subukan mo lang”

“Grrr… Bilisan mo DYAN!!!”

“Nyay! Eto na nga eto na, patapos na baka pagsamantalahan mo pa ako”

“Sira ulo! Buang… Baliw!”

“Hala kung nakakamatay ang salita duguan na ako, pero okay lang”

“At bakit”

“Kasi andyan ka naman para saluhin ang katawan ko… ayhieeee!”

“Plak!”

“Aray naman… bakit mo ko sinampal?”

“In your dreams… Tabe…”

“Ang sungit naman…”

“Tapos na ba kayo maligo?”

“Ako po tapos na Daddy si Yumi na lang”

“Eh paano naman Daddy ang tagal maligo ni Tofie”

“Hala ang bilis ko nga maligo”

“Oh sya, bilisan mo Yumi at maliligo din ako, Tofie tulungan mo ko sa kusina para mailagay ko sa lalagyan yung dadalhing ulam”

“Opo”

Sa wakas lahat naka ayos na para sa pagalis pero parang ako na lang ang hindi nakahanda pakiramdam ko lalabas ang puso ko sa sobrang kaba ko at higit sa lahat wala pang text si Nanay kung anung reaction nya tungkol sa pagbisita nila Yumi at ni Daddy sa bahay.
“Ah bahala na kung anung mangyayari, dun ko na lang iisipin sa bahay ang mga susunod na pangyayari”

“Ready na ba kayong dalawa aalis na tayo”

“Ako ready na po, di ko lang alam po si Yumi”

“Hoy! Hoy! Anung ako kanina pa ako ready noh! Ikaw lang tong mabagal kumilos”

“Hahahahaha”

“Daddy anu naming nakakatawa dun”

“Tignan nyong maigi ang mga sarili nyo kahit anung kailangan magtuksuhan kayong dalawa sa harap ko eh mas lalo kayong nagiging malapit sa isat isa ang tawag dyan BONDING!”

“Ako makikipagbonding kay Tofie no way”

“Mas lalo naman ako Daddy”

“Oh?! Sya sya alis na tayo”

“Habang nasa byahe di mawala sa isip ko anung mga gagawin ko pilit ko pa rin nitext si Nanay pero wala paring reply anu na kayang nangyayari”

“Okay ka lang Tofie?”

“Okay naman bakit mo naitanong?”

“Mukha kasing ang lalim ng iniisip mo”

“Ganun ba naiisip ko lang kasi si Nanay di pa rin nagrereply sinabihan ko na sya na may pupuntang bisita kasama ko”

“Eh sinabi mo ba kung sino ang kasama mong bisita?”

“Hinde?!”

“Eh kaya naman pala”

“Kasi baka lalong magalala kaya di ko sinabi”

“Don’t worry everything will be fine wala ka namang ginawang masama diba?” pagkatapos unti-unti nyang hinawakan ang aking kamay para mawala ang pagkabalisa ko.

Hindi ko namalayan na nakita ng Daddy ni Yumi ang mga sandaling yun at muli na namang nagpangiti sa kanya. Mabilis din ang byahe walang traffic sa daan walang mga nag co-counter flow na sasakyan at walang kahit anung sagabal. Magandang senyales ba ito o papalapit ito sa katapusan ng career ko sa Nanay.

Pagdating sa kanto pilit kong pinagdidikit ang magkabilang sakong ng paa ko para matagal bago kami makarating ng bahay at parang lahat ng di kanais nais na tanawin sa lugar namin ay binigyan ko ng paliwanag kung bakit ganun ang mga lugar na dinaanan namin. Pero imbes na tumigil at bumalik ang mag-ama tuloy pa rin sila sa paglakad “Diyos ko po anu na po bang gagawin ko?”
Narrating namin ang pintuan ng aming bahay ngunit bago pa may kumatok sa pinto todo pa rin ang paliwanag ko sa kanila kung bakit ganun ang bahay namin puro yata ngiti ang ginawa ko kahit alam kong pilit. Eto na bubuksan ko na tyak kong magulo ang bahay tyak ako mapapahiya sa pamilya nila Yumi…

I'll hold the door
please come in and just sit here for a while
this is my way of telling you
I need you in my life
It's so cold without your touch
I've been dreaming way too much
can we just turn this into reality

Bumukas ang pinto at sumalubong ang aking Nanay…

“Kanina ko pa kayo hinihintay kamusta… Tuloy… Tuloy…”

“Tuloy daw po tayo sa bahay Yumi, Daddy” ang ganda ng ayos ng bahay bagong palit ang mga kurtina pati ang mga pundan ng throw pillows bago at nasa ayos ang lahat.

“Nay, ikaw ba nagayos ng bahay?” bulong ko sa kanya

“Natural sino pa bang aasahan mo dito sa bahay ikaw?”

“Nay naman… pero ang ganda ng bahay ha”

“Ikaw lang wala ka kasing bilib sakin eh”

Pinutol kong saglit ang bulungan namin ni Nanay at pinakilala ko sa kanya ang mga kasama kong bisita.

Cuz I've been thinking 'bout you lately
maybe you can save me
from this crazy world we live in
I know we could happen cuz you know
that I've been feeling you

Storms they will come but I know
that the sun will shine again
he's my friend and he says
that we belong together
and I'll sing a song to break the ice
just a smile from you would suffice
it's not me being nice, girl this is real tonight

“Nanay…. Siya po si Yumi”

“Magandang araw po sa inyo”

“Magandang araw din sayo, ang ganda mo pala sa personal at ang amo ng iyong mukha”

“Okay ba Nanay?”

“Tse!...”

“Eh?! Sige na nga at ang kasama nya ang Daddy ni Yumi si Daddy Danilo”

“Danilo? Tama ba ang dinig ko Danilo?”

“Teka parang pamilyar sakin ang mukha mo, Maricel?”

“Ako nga…”

“Maricel? Ikaw na ba talaga yan?”

“Hahahaha loko ka pa rin kahit kalian….”

“Nanay?! Daddy?! Magka-magkakilala kayong dalawa?”

“Oo magkakilalang-magkakilala” sabay na sagot ng dalawa

“Oh no! Disaster”

“Disaster talaga!” sagot ni Yumi

There's no other, there's no other love
that I'd rather have, no
There ain't no one, there ain't no one else
I want you for myself

Wednesday, October 26, 2011

Chapter 10: Now I'm In Love That's for Sure (Continuation)


Nagising na lang ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha, mainit ngunit masarap sa pakiramdam. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at unang bumungad sa aking paningin ang mukha ni Yumi nakangiti...

“Good Morning!”

“Hummmmm… Good Morning Mahal ko!” sabay ngiti sa kanya

“Plak!” isang sampal ang bumugad sa aking pisngi…

“Ilusyunado… hahahaha”

“Bakit naman sinabi ko lang naman ang totoo”

“Kahit na magsabi ka ng totoo dyan bolero ka pa rin”

“Aha ganon ha!”

“Oo ganon nga! Bleh!”

“Humanda ka pag naabutan kita lagot ka sakin”

“Wahhh… ayaw ko na Tofie… wahhhahahaha tama na walang kilitian”

“Hinde tinawag mo kong bolero eh”

“Totoo naman talaga…”

“Hindi talaga kita tatantanan”

Mula sa sala pa-ikot sa mga upuan at sa mga side table bawat sulok ay pilit pinupuntahan para takasan ni Yumi ang pangingiliti ni Tofie. Ngunit sadyang mabilis at magaling si Tofie kaya agad nyang nahuli sa kanyang mga bisig si Yumi.

“Ano ngayon ha sino ang bolero sinabi ko lang mahal kita tapos tinawag mo na akong bolero”

“Sige hindi ka na bolero”

“Aba mukhang niloloko mo lang ako eh”

“Nagsasabi na nga ako ng totoo sige tatawagin kita ulit bolero gusto mo ba?”

Well, you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but your so hot that I melted
I fell right through the cracks, now I'm tryin to get back
before the cool done run out I'll be givin it my best test
and nothin's gonna stop me but divine intervention
I reckon it's again my turn to win some or learn some
“Ehmmm… Ehmm….”

Naputol ang mga sandaling iyon ng marinig namin ang boses ng Daddy ni Yumi agad naman naming nilingon ang pinangalingan ng boses.

“Bagay talaga ang kape sa malamig na umaga diba?” agad namang inalis ni Yumi ang mga bisig ni Tofie mula sa kanyang bewang para hindi na muling mapansin ng kanyang ama.

“Good Morning po!”

“Good Morning din… mukhang hindi ka nilalamig… tara dun tayo sa kusina at magtimpla ka na rin ng kape”

“Opo..” tinungo agad ni Tofie ang daan papuntang kusina kasunod ang mga tingin ng Ama ni Yumi pagkatapos ay muling ibinalik nito ang mga mata sa kanyang anak at isang kakaibang ngiti ang ibinalik sa anak.

Mula sa estante kumuha ng isang baso at bumaling papalapit sa lamesa.

“Hindi yan ang gagamitin mo…”

“Nagulat naman ako sayo Yumi bigla bigla ka naman nagpapakita”

“Hahaha pasensya naman pero mali kasi ang nakuha mo para sa kape baso yan eh hindi tasa akin na nga”

Biglang kinuha ni Tofie ang kamay ni Yumi at dahan dahang inabot ang baso sa kanyang mga kamay ngunit naramdaman ni Yumi ang maingat na paghawak nito sa baso at sa kanyang kamay. Mula mismo sa baso napatitig si Yumi papunta sa mga mata ni Tofie.

“Aaaa… akin na nga at papalitan ko ng tasa” nanginginig ang mga kamay ni Yumi hindi nya maipaliwanag kung bakit, ang mga tingin ni Tofie na hindi nya masabayan, maingat ngunit puno ng pangarap at pagmamahal. Bigla na lang syang tumalikod kay Tofie at pinalitan ang baso ng tasa.

So, i won't hesitate no more,
no more, it cannot wait i'm sure
there's no need to complicate our time is short
this is our fate
I'm yours

Scooch on over closer, dear
And I will nibble your ear

“Umupo ka na dun at kukunin ko lang ang tasa mo ako na rin magtitimpla ng kape mo o kung anung gusto mong maiinom”

“Sigurado ka?”

“Opo kaya ko na to, don’t worry”

“Sige”

Bumalik si Yumi sa tapat ng lamesa dala ang dalawang tasa, inilagay sa lamesa at kumuha ng mga sangkap para matimpla ang maiinom.

“Tamang tama, Tofie iho eto mainit na pandesal masarap sabayan ang mainit na kape ng isa pang mainit na pandesal”

“Oo nga po salamat po Daddy”

“Aba nakaka-catch up ha akala ko tatawagin mo pa rin akong Tito”

“Ayaw ko na pong mapagalitan nyo pa”

“Hahaha wag mo masyado seryosohin ang sinasabi ko gusto ko lang malaman mo may tiwala ako sayo at ang turing ko sa iyo ay parang isang tunay na anak kaya sana wag na wag mong sisirain yun”

“Makaka-asa po kayo sakin Daddy..”

Ring… Ring… Ring…

“Kaninong cellphone ang nagriring?”

“Naku sakin yata po iyon”

“Ako na Tofie ako na ang sasagot, tapusin mo na muna ang almusal mo”

“Pero… baka kasi…”

“Tama si Yumi iho hayaan mo na syang sumagot para makakain ka ng maayos”

Mula sa hapag kainan rinig naman ang usapan sa sala at kung sino ang kausap ni Yumi sa cellphone ni Tofie…

Mula sa sala sinilip ni Yumi si Tofie para sabihing “Tofie nakalagay lang sa screen private number”

Taas leeg naman sinagot ni Tofie ang pagdungaw ni Yumi. “Sige sagutin mo okay lang”

“Hello?”

“Hello Tofie?”

“Ay sorry po hindi po ito si Tofie, si Yumi po ito”

“Yumi ay iha, matanong ko lang si Tofie ba andyan? Kasi kagabi nakitext lang sya sa ibang number hindi naman nagsabi kung saan sya pupunta”

“Naku pasensya na po kayo Tita akin pong number yun na lowbat po kasi ang cellphone ni Tofie number ko po iyon pero kung hinahanap nyo po si Tofie nagaalmusal po kasama ang Daddy ko sa lamesa maari ko pong tawagin kung gusto nyo pos yang makausap”

“Ay hindi na malaman ko lang ayos sya okay na ako, pasensya ka na ha ganito lang talaga magalala ang isang ina alam mo na”

“Alam ko po yun pasensya na rin po kung pinagalala po namin kayo”

“Nais kong makilala ka minsan sana makarating ka dito sa munti naming bahay para makakuwentuhan kita”

“Sige po sa mga darating na araw po”

“Paano pakisabi na lang kay Tofie uwi agad sya maaga at salamat sayo Yumi”

“Wala pong anuman, wag po kayo magaalala makakarating po lahat kay Tofie ang mga bilin nyo”

“Salamat naman kung ganon”

“Nanay?”

“Yep si Nanay nga ang tumawag nagaalala sya sayo at sabi nya gusto nya akong makilala kung maari dalaw daw ako minsan sa inyo”

“Good!...”

“Po?”

“Daddy?”

“This is the best time to know her and get in touch with her diba?”

“Pero Daddy…”

“Ah.. walang pero pero get yourself ready and you son… finish that kung gusto mo magshower muna you can use the bathroom ayos na ba ang mga damit nya?”

“Naka ayos na po nakahang sa may cabinet na plantsa ko na rin…”

“Ha? Nilabhan mo na nga naplantsa mo pa”

“Good everything is set pupunta tayo kanila balae”

“Daddy!” sabay na sagot ng dalawa

“Kina Tofie pala”

“Hindeeee…”

But I won't hesitate no more,
no more it cannot wait
I'm yours

well open up your mind and see like me
open up your plans and damn you're free
look into your heart and you'll find love love love love
listen to the music of the moment come and dance with me
ah, la one big family
it's your god forsaken right to be loved, loved, loved, loved

Monday, September 19, 2011

Chapter 10: Now I'm In Love That's for Sure

Ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko ang mga yakap na ganito kahigpit at kainit. Kahit sa gitna ng malamig na patak ng ulan masaya akong nasa tabi palagi ni Yumi.

“Hatid na kita sa inyo?”

Isang tango mula sa kanyang ulo para sabihing pumapayag sya kaya agad akong humanap ng masasakayan at nang makakita agad ko namang sinabihan ang driver kung saan ang aming tungo.

“Basang basa ka Yumi”

“Tofie….” Halata pa rin ang bawat hikbi sa kanyang mukha na tila pinipigilan habang sumusulyap sa amin ang driver. Akala ko ay kakapit lang siya sa aking kamay ngunit mas ninais nyang yakapin ako.

“Alam mo kung hindi kita kilala baka sabihing kong nanaching ka na” isang pabirong sagot ko sa kanya. Ang namumugtong mga mata at tumutulong luha ay napalitan ng isang matamis na ngiti.

“Talagang tinutupad mo ang sinabi ko na wag kang aalis sa aking paningin para pasayahin ako” ninais kong tumingin sa kanyang mga mata ngunit parang hindi ako makatingin sa kanya ng diretso mukhang mamumula lang ako sa kanyang harapan.

Kaya tumingin ako sa bintana habang gumuhit ang butil ng tubig at sa nagkikislapang ilaw habang patuloy ang pagikot ng gulong papunta sa kanilang tahanan.

“Hindi ko kailanman babaliin ang lahat ng pangako ko sa iyo” yan lang ang sinabi ko sa kanya ngunit naramdaman ko ang kanyang ngiti kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Muli akong sumulyap sa driver kung nakatuon pa rin ang pansin sa aming dalawa. Nagtaka ako ng hawak ko ang kanyang kamay ay nakasara ang isang palad nito hindi ko na siya inusisa kung bakit.

“Sana andun si Daddy sana hindi nya ako iiwan”

“Hanggat matibay ang paniniwala mo na hindi ka nya iiwan hindi sya mawawala kahit anung oras”

Natahimik na lang din ako pagkatapos ng sandaling paguusap. Ilang iglap lang ay nasa huling kanto na kami sa makarating sa kanilang tahanan.

“Manong dito na lang po!”

“Yumi, malayo pa isa pa malakas ang ulan”

“Hindi na ako makapaghintay Tofie” binuksan niya ang pintuan ng taxi at tumakbo palabas.

“Manong magkano po?”

“75 pesos”

“Eto po ang bayad salamat po”

Hindi ko na hinantay ang suklli agad na akong bumaba ng taxi at sumunod kay Yumi pabalik sa gitna ng umiiyak na kalangitan. Bawat yapak isa-isang tumitilamsik ang tubig sa lupa sa oras na ito pakiramdam ko baliktad na ang panahon ako na mismo ang humahabol kay Yumi para malaman ko kung anung kalagayan niya ng mga oras na iyon.

Nakita ko na lang nakatayo sa gitna ng ulan si Yumi nakatingin sa harap ng kanilang bahay. Agad akong tumakbo papunta sa kanyang kinatatayuan ngunit hindi ko na nakuhang magtanong dahil nakita ko na rin kung bakit sya tumigil.

“Daddy?!”

Nakita ko na lang na nakaupo ang Daddy ni Yumi sa gitna ng kanilang bahay at umiiyak hawak ang isang susi.

“Di ba sabi mo walang makakapasok ng bahay na isa lang ang hawak na susi?”

Nagulat ang Daddy ni Yumi at natulala sa narinig na boses hindi makapaniwala sa narinig na boses at unti-unti itong tumingin sa kinatatayuan ni Yumi. Tumakbo na lang ito papunta sa kanyang anak habang nakataas ang isang kamay hawak ang kapares na susi.

“Patawad anak, patawarin mo ako hindi ko gustong mangyari ang ganito” isang yakap na lang ang isinukli ni Yumi sa kanyang ama.

“Iniisip mo lang ang kapakanan ko Daddy pero malaki na ako kaya ko naman pong magaral sa pagsisikap ko basta ayaw ko lang wala ka sa tabi ko”

“Sorry anak…. I LOVE YOU”

“I LOVE YOU TOO DADDY!”

Bigla ko tuloy namiss ang sarili kong ama ni hindi ko na nga alam ang pakiramdam ng may isang amang naghihintay sa aking paguwi ngunit kahit paano masaya naman ako at nandyan ang aking ina kasama ko sa araw araw sa hirap man o ginhawa.

“Paano ka nakaalis sa bahay ng mga Lolo at Lola mo?”

“Tofie!”

“Paanong si Tofie? Pinuntahan ka ni Tofie?”

Mula sa kinatatayuan ng mag-ama dahan-dahang lumingon sa akin si Yumi pagkatapos ay bumalik ang tingin nito sa kanyang ama.

“Iho kung balak mong maligo sa ulan okay lang pero wag mo sisihin pag nagkasakit ka” sigaw ng kanyang ama. Ngumiti na lang ako sa kanyang ama naglakad patungo sa pintuan habang binubuksan ni Yumi.

“Po?”

“Ibig sabihin pumasok na tayo sa loob”

“Okay po”

Pagpasok sa loob ng bahay nanatili lang ako sa pinto.

“Tofie pumasok ka nga dito bakit andyan ka lang”

“Eh Yumi basa ako tumutulo ang tubig sa damit ko”

“Teka ikukuha kita ng towel”

“Anak!”

“Po? Daddy?”

“Ikuha mo ng damit si Yumi sa cabinet ko ikaw ang pumili ng maisusuot nya”

“Tito?”

“Anong sabi ko sayo na dapat mong itawag mo sakin?”

“Daddy pala”

“Wag ka na magalala hindi na iba ang turing ko sayo kaya welcome ka sa tahanan namin”

“Salamat po”

“Wag ka muna aalis dyan para hindi kumalat ang tubig”

“Opo”

Bumalik si Yumi dala ang isang towel, shorts at isang t-shirt

“Dun ka na sa CR magpalit okay na dun mag shower ka rin kung gusto mo para mapreskuhan ka”

“Salamat Yumi…”

“Ako nga dapat magpasalamat eh”

“Sige magpapalit muna ako ng damit”

Lumabas ako ng banyo nakalagay sa ulo ko ang towel natatakpan ang mga mata ko dala dala ko ang mga basang damit ngunit hindi ko napansin na andun din si Yumi kaya hindi sinasadya na magkabang-gaan kaming dalawa.

“Sorry Yumi hindi ko nakita na andyan ka pala sorry….”

“Okay lang hinahantay talaga kita”

“Bakit naman?”

Ngumiti lang sya at biglang itinaas ang kamay…

“Akin na to!” Akala kung anung gagawin nya namula talaga ako sa mga pangyayari naramdaman ko ang init ng aking pisngi.

“Ako na lang nakakahiya kaya”

“Hindi na kaya ko yan isa pa hindi mo alam kung saan isasampay, kaya ako ang magsasampay ang mabuti pa umupo ka dun sa sofa at antayin mo ako dun”

“Okay”

Muli na naman umalis si Yumi para isampay ang aking mga basang damit. Ako naman ay naupo sa sofa inilibot ang aking mga mata at napansin kong bagong linis ang buong bahay siguro bago pa man sila umalis papunta sa kanyan Lolo at Lola naisipan ni Yumi maglinis ng bahay. Bilib din naman ako sa kanya kahit wala dun ang handaan o okasyon inihahanda pa rin niya ang bahay para sa darating na bisita.

“Aba talagang pinapansin mo ang buong bahay ha, may napansin kabang panget o alikabok?”

“Meron?”

“Ha?! Alikabok?”

“Hindi panget!”

“Hala saan turo mo alin yung kulay ba ng kurtina o yung mga designs pati ba yung flowers?”

“Ako!”

“Ehhhhh… niloko mo ko ha”

“Hahahaha… Si Daddy nga pala?”

“Tulog na yun panigurado o nasa kwarto na sya, bagay naman pala sayo ang damit ni Daddy”

“Hindi ba panget?”

“Hindi naman ngayon ko lang nakita ang pangangatawan mo ha hahahaha macho!”

“Oi.. hindi mo ko maloloko sa ganyan ako lang ang pwede magbiro sayo”

“Hahaha nagsasabi lang ako ng totoo. Teka nga gusto mo ng mainit na chocolate gusto ko kasi pagtitimpla kita ha”

“Kaw bahala”

Sinundan ko ng tingin si Yumi mula sa sala sa sofang kinauupuan ko kita ko sya sa kanyang ginagawa mula sa pagsasalin ng mainit ng tubig hanggang sa pagkanaw ng chocolate.

“Bakit mo ko tinitignan”

“Baka matapunan ka o kaya kailangan mo ng tulong”

“Hindi na kaya ko naman eh, nga pala eto oh!”

“Cellphone?”

“Oo magtext ka sa Nanay alam kong di ka na naman nagpaalam”

“Hehehe oo nga pala pero may cellphone naman ako eh”

“Lowbat ayun nakacharge”

“Sige na wag ka na mahiya itext mo na bago pa magalala ng tuluyan si Nanay”

“Ui Nanay na tawag nya sa Nanay ko”

“Tse!”

Nagumpisa lang ako magsulat ng mensahe sa Nanay ko para ipaalam na nasa bahay ako nila Yumi.

“Ilagay mo na rin na ditto ka matutulog”

“Ha?”

“Aba Tofie alangan pauwiin kita ng ganitong oras isa pa basa pa ang damit mo”

“Okay sige tabi tayo? Hmmm”

“Hoy… Hoy.. dito ka matu…”

“Joke lang ikaw talaga ang hilig mong sumakay sa biro”

“Ituloy mo na yang text mo sa Nanay”

“Okay”

Habang nakatitig sa cellphone at muling nagsusulat ng mensahe para maidugtong sa naunang isinulat ko nakikita kong nakatingin din si Yumi sa cellphone…

“Bakit ka nakikibasa ng text?”

“Wala masama ba? Atsaka akin naman yang cellphone”

For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it overflows like a river through my soul
From every doubt I had, I'm finally free
I truly believe

“Kahit na” bigla na lang kaming nagtawanan sa aming mga asal na parang bata ngunit hindi ko talaga inaasahan at sinasadya na magtatagpo ang aming paningin. Ang kaninang tawanan ay napalitan ng katahimikan at biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Unti-unti na lang naglapit ang mga mukha… ipinikit ang mga mata at naglapat ang aming mga labi. Ang Segundo ay parang isang taon at isang minuto ay isang dekada sa mga oras na yon.

“Di ko alam kung anung buhay ko kung wala ka sa tabi ko Tofie”

“Hindi ko rin alam kung sinong magtyatyagang makinig sa musika ko kung wala ka”

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

At muli isang mahigpit na yakap ang naramdaman ko isang mahigpit at mainit na yakap mula sa bisig ng dalawang tao. Mula sa mainit na chocolate hanggang sa mga biruan at tawanan siguro gusto ko na rin ang tag-ulan hindi para mabasa dahil alam ko sinadya ni kupido ang lahat para mangyari ang lahat.