Thursday, September 30, 2010

Chapter 3: Fine Tuning Vocalization….. (Chapter Ending)

Masakit para sakin na makita kong pinaglalayo kami ng tadhana at kapalaran ni Yumi, di ko alam kung dahil ba ito sa katayuan ko o dahil sa katauhan ko. Ngunit ng makita kong kasama ni Yumi ang mga alta-sa syudad na mga estudyante para akong nanliit sa harap nila di ako makatingin ng diretso kay Yumi ni makausal ng isang salita di ko magawa para akong tinanggalan ng karapatan bilang isang tao, karapatan para magmahal kung sino ang gusto kong mahalin.

Di ko rin masisi si Yumi kung di niya ako papansinin dahil talagang ni siya nababagay sa isang katulad ko walang ipagmamalakaing kayamanan o nagmamahalang gamit o ari-arian ang tanging alam ko lang at maipagmamalaki ko ang musika ng puso ko. Musika na iilan lang ang nakakarinig at nakakaintindi.


Naglakad ako sa napakahabang pasilio ng gusali tinutunton ko ang daan palabas, parang lahat ang dilim parang walang kulay sa aking paningin dahil na rin siguro sa nangyari.


“Hay kasi naman Tofie, ayan kasi umasa ka agad masyado” sabay batok sa ulo upang maramdaman ko yung sakit para na rin magising sa panaginip na ito.


“Hello, Tofie!” kahit si Eunice di ko man lang pinansin o binigyang atensyon dahil ang gulo ng isipan ko, tila kahit siya napansin din niyang wala ako sa sarili ko. Dahil patuloy pa rin ako sa paglalakad sa pasilio hanggang sa matagpuan ko ang sikat ng araw.


Ang tagal kong nakatayo sa liwanag di alintana ang init nito sa balat, gusto ko lang sigurong magising sa panaginip ko na kahit kailan man di mangyayari. Nasa gitna ako ng mga daan kasabay ang mga nagdaraanang estudyante may ilang tangan ang kanilang payong ang iba naman gamit ang kanilang panyo o binder ginagamit na panakip laban sa sikat ng araw may iba naman na nakikipagpatintero sa liwanag nagkukubli sa lilim ng mga punong kahoy.


Kahit gutom di man lang sumagi sa isip ko at tyan ko absent yata sya ngayon sa katauhan ko, kaya naglakad na lang ako papunta sa gym, naupo sa gitna ng sementadong entablado at tumingin sa ibang estudyanteng ginagawang tambayan ang gym para sa kanilang ligawan o kaya naman ay lugar para kumain kung may dala kang baon o meeting place para makipagchismisan kung anung latest sa paborito nilang artista o kaya yung mga crush nila sa campus.


Para akong nakatingin sa kawalan, ang tanging kumuha ng aking pansin ang map na ginamit ko nung pinaglinis ako ni Ms. Dulce kanina dahil lagpas sa kalahati ng period ang inabutan ko sa kanyang klase. Dahil na rin siguro wala akong maisip na magandang dahilan para makalusot sa kanya kaya tinanggap ko na lang ang kanyang parusa kaysa naman di na muli akong makatungtong ng kanyang subject.


Muli kong nilapitan at kinuha ang map pagkatapos ay inilapag ko ang aking bag sa flooring ng simentadong entablado at muli akong nagmop ng sahig. Kahit mainit tuloy pa rin ako kahit mabasa ng pawis ang damit ko okay lang tuloy pa rin ako sa pagma-mop.


“May natira pang mantsa ng flooring dito nakalimutan mong pasadahan ng mop mo” at nang lumingon ako nakita ko si Eunice sinundan pala nya ako. Kaya binalikan ko ang lugar kung saan niya nakita ang nalagpasan kong linisin.


“Ngayon ko lang nalaman na ang mga lalakeng nagtataglay ng boses na baritone ang susungit” sagot ni Eunice sakin.


Ngunit di pa rin siya pinagukulan ng pansin, di ko man lang pinatulan ang kanyang panunukso kahit tingin hindi ko ginawa. Pero parang di titigil ang babaeng to mapansin o pansinin lang sya. Kumuha sya ng dust pan at walis at naglinis na rin ng entablado.


Pero gaya pa rin ng una at sumunod kong reaction wala pa rin akong imik pero sa totoo lang nagulat ako sa ginawa niya. Di ko akalaing sasabayan nya ako sa paglilinis ng sementadong entablado, tumigil man ako para tignan sya sa kanyang ginagawa pero saglit lang at muli kong itinuloy ang paglilinis.


umiling na lang si Eunice ng makitang tuloy pa rin ako sa pagma-mop ng sahig, pero ibis na magalit nakuha pa niyang ngumiti sa akin tila pinaglalaruan niya ako ng mga sandaling yon.


“Kahit kalian talaga Tofie mailang ka pa rin sa aming mga kaklase mo, mahirap ka rin palang pakisamahan medyo moody” habang tuloy pa rin ang pagwawalis at pagdakot ng alikabok sa sahig gamit ang dust pan.


“Hindi naman wala lang siguro ako sa wisyo para magbiro o makipagbiruan sa mga kaklase natin, teka nga pala bakit andito ka di ka ba maglulunch?”


“Ako? Mabilis kasi ako kumain hehehe, kaya maaga akong nakakatapos ng lunch”


“Wala kang kasabay o kasama man lang?”


“Naku madami bakit mo naman naitanong?”


“Madami eh bakit andito ka na asan na yung mga sinasabi mong nakasabay mong kumain?”


“Hahaha, mausisa ka rin pala ano?”


“Hindi naman nagtatanong lang ako kasi kakaiba sabi mo kumain ka na at may kasama pero asan sila”


“Okay sige let me explain to you, Tofie libre na yung gulay mo kapag umorder ka ng special menu for today”


“Hala! Kilala ko yan”


“Ano kilala mo na at alam mo na rin saan ako kumakain ng lunch?”


“Umamin ka stalker ka Eunice”


“Hoy baliw ka ba ikaw susudan ko palagi kung saan ka pupunta in your dreams”

“Bakit mo alam yung lugar na yun kung saan ako kumakain ng lunch ko”

“Nanay ko si Ruth”


“Hala nanay mo si Tita Ruth?”


“Ay hindi na hindi na ampon na ako ni Tita Ruth mo”


“Hahaha, para kasing hindi ka anak ni Tita Ruth”


“Ayaw mo talagang maniwala”


“Hindi na naniniwala na ako pero talagang mahirap paniwalaan”


“Mahirap na kung mahirap ang mahalaga kilala mo na ako at higit sa lahat mukhang di ka na badtrip”


“Hahaha napatawa mo lang ako sa sinabi mo at hanggang dun lang yun”


“Naku Tofie di pa rin bagay sayo ang ganyang klaseng attitude masakit pero pilit itinatago subalit nangingibabaw pa rin at lumilitaw pa rin sa iyong pagkatao”


Mas lalo akong kinilabutan ng sinabi ni Eunice ang ganun sakin parang kilalang kilala na niya ako kahit ngayon ko lang siya nakausap ng ganito isa pa di rin naman ako close sa kanya pero parang alam nya ang background ng buhay ko.


“Alam mo Tofie ganito lang yan pakinggan mo ha?” kinuha niya ang walis at ginawang microphone sabay kumanta sa gitna ng entablado.


(Eunice’s Part)
Lift your head, Tofie, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try


Habang ako naman hawak ko na rin lang ang mop ginawa ko na ring sabayan sya sa kanyang pagkanta.


(Tofie’s Part)
Girl, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
I never said that there's an easy way
When she’s closing all her doors
And She don't want me anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.


Parang nagsasagutan lang kami sa natural na paguusap ang pinagkaiba lang naman ay idinadaan naming sa pagkanta ang lahat.


(Eunice’s Part)
Sure you’ll stay through her bad times
Even if you have to fetch her everyday
You’ll get by if you smile
You can never be too happy in this life.


Napatigil na lang ako sa aking kinatatayuan ng sinabi ni Eunice na di maaring lahat puro ligaya puro saya, pero sa isang banda gumaan naman ang pakiramdam ko kung marunong akong ngumiti sa lahat ng mga problemang dumarating sa buhay ko.


Lumapit na lang si Eunice ng nakita niyang natigilan ako at din a muling kumibo, tinapik na lang niya ang balikat ko at muling tinuloy ang natitirang part ng kanta.


(Eunice’s Part)
In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
And don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.


“Don’t worry Tofie, its part of our life kaya mo yan mababaw pa lang yang sugat na yan” sabay ngiti sa akin.


“Salamat Eunice kahit paano nakahinga naman ako ng maluwag sa nangyari ngayong araw”


“Wala yun may oras pa naman, ano lunch tayo? Treat ko?”


“Hala?”


“Sa Karinderia ni Nanay”


“Treat hindi mo yun treat si Tita Ruth ang may treat nun”


“Excuse me, di ako ganun kahit nagaaral ako marunong akong magbayad sa kinakain ko sa karinderia”


“Sus di yan totoo”


“Ewan ko sayo, ano kakain ka ba o hindi limited, time lang ang offer ko sayo ha”


“Aba hindi pwede yan nasabi mo bawal nang bawiin”


“Yun naman pala, ano pang hinahantay natin, Let’s go”


Kinuha namin ang aming mga gamit at agad na bumaba sa entablado, nauna akong nakababa mula sa platform habang inaalalayan ko si Eunice bumaba isang boses ang nagsalita na parehas naming ikinagulat.


“Saan ang punta nyo? Christopher Alcaraz at Eunice Estrada, you have atleast 20 minutes to take your lunch!”


 

Sunday, September 26, 2010

Chapter 3: Fine Tuning Vocalization….. Continuation

Nalungkot ako sa nangyari ngayong umaga parang hindi pabor kay Tofie ang oras nay un, hindi nya deserve na magkaganun, di ko alam tuloy sa sarili ko kung magagalit ako kay Julius sa ginawa niyang pag-entra sa usapan naming gayong kinausap ko pa si Tofie at wala namang ginagawang masama si Tofie sakin.

“Yumi umamin ka nga naliligaw ba si Christopher sayo?” habang tuloy pa rin ang paglakad naming at hawak niya ang aking kamay pero ramdam kong nakatingin siya sa malayo.


“Hin… hindi bakit mo naman naitanong?”


“Mas maigi na yung maliwanag isa pa wag kang magdidikit sa katulad niya”


“Teka wala namang ginagawang masama si Tofie inalalayan niya nga ako sa bus siya rin ang nagbayad ng pamasahe ko at nalibre niya na rin ako ng lunch”


“Ano?”


Patay di ko dapat sinabi yun “Oo, kasama ko siya minsan maglunch at siya ang nanglibre sakin”


“Kailan ka pa sumama sa kanya at natutong kumain sa mga canteen sa labas, kung kailangan sunduin kita sa bahay mula pagpasok at paghatid gagawin ko pati sa lunch break huwag lang ka lang sumama sa kanya”


“Bakit ba ang sama ng tingin mo kay Tofie wala naman syang ginagawang masama laban sayo”


“Sayo wala, pero sakin meron Yumi ako nanliligaw sayo ang matagal na at hanggang ngayon naghahantay pa rin sayo, sa sagot mo”


Sa pagkakataong ito naipinid ko ng lubusan ang aking mga labi para manahimik dahil wala akong maisagot sa mga sinabi ni Julius pero kung tutuusin may punto siya sa kanyang mga sinabi dahil kung paguusapan ang tagal ng pagkakakilanlan naming dalawa mas lamang si Julius keysa kay Tofie.


Tuloy tuloy kaming naglakad ni Julius hanggang sa marating naming ang aking room assignment, kung kanina nagmamadali ako at nagaasam na umabot sa first subject ko ngayon parang wala na sakin kung umabot man ako sa first subject ko o hindi kung mapagalitan man o hindi, parang lahat nonsense sakin nung umagang yun.


“Dito na tayo Yumi”


“Sige, salamat Julius”


“Ah Yumi, mamayang breaktime pupuntahan kita at sabay tayong kakain kung sino man ang mauna maghantayan tayo, naintindihan mo ba?”


“Medyo nagiging OA kana Julius, di pa naman tayo ni hindi tayo”


“OA na kung OA pero napakalaki kong ***** oras na pinakawalan ko ang pagkakataong dapat tayong dalawa ang magkasama”


Nagpaalam sakin si Julius at lumakad papalayo, habang unti-unting nawawala siya sa aking paningin nakikita ko ding naghahabol sya ng oras niya para umabot sa kanyang klase. Pero napailing na lang ako sa kanyang mga sinabi.


“Ms. Santos, how rude are to come to my class at this time”


“Sorry Sir Romulo, I didn’t mean to be late at your class its just that my trip went wreck but I managed to get to school even I encounter difficulties travelling”


“Well sorry for you but Christopher Columbus managed to overcome all the sufferings as they travel and you must do what Columbus have done in order to discover the new land”


Sa lahat talaga ng maaring mabanggit sa oras na ito si Columbus pa ang dapat bang sumalubong sa daungan ko at higit pa riyan kapangalan pa ni Tofie. Tiyak mahabang paliwanagan it okay Sir Romulo, siya ang history teacher naming, palagi nyang nacocompare ang daily duties namin as a student sa history kung si Magellan ay buhay pa at si Mc Arthur ay bumalik. Parang lahat sa kanya may relationship sa past. Kahit sa pangaral nakaka-inis na rin at nakakasawa naring pakinggan ang lahat ng kanyang paliwanag pero wag ka minsan may sense.


“Again Ms. Santos I don’t what this thing to happen again, you’re here to learn and gain knowledge like the explorers and historians and not to be late again”


“Yes Sir Romulo”


“Fine then you may now take your seat”


Buti na lang nakuha ko ng medaling paraan para matanggap ni Mr. Romulo ang reason ko bakit ako late ngayon, akala ko buong period namin puro paliwanagan na lang ang gagawin ko sa harap ng klase.


“Hoy, Yumi ang ganda at ang galing ng reason mo para makalusot kay Mr. Timeman paano mo naman nabuo ang ganung kwento may paawa effect ka pa”


“Kaw talaga Cheska, wala yun matraffic kasi talaga isa pa napuyat ako sa kagagawa ng mga assignments natin at projects para sa nalalamin na prelim, mamaya na tayo mag-usap baka patayuin na naman ako sa gitna ng klase at wala na akong maisagot o maidahilan sa kanya”


“Sinabi mo sige, mamayang break”


Buti na lang di nahalata ni Cheska bakit ako late o di man lang niya napansin na medyo malungkot ako ngayong umaga, sana hindi nya malaman ang tungkol kay Tofie tiyak akong puro pangungutya ang abot ko sa kanila isa pa tiyak di nila tatantanan si Tofie.


Tuloy sa pagpapaliwanag si Sir Romulo sa harapan ng klase kung saan naputol ang usapan dahil dumating ako ng late sa klase niya, pero wala pa rin ako sa ulirat para makinig sa kanyang mga sinasabi parang lahat ng kanyang sinasabi pasok sa kanang tenga ko labas sa kaliwang tenga ko.


“Ms. Santos, kindly read infront of the class the history of Barter the Acient Marketing Strategy”

Ayos din to si Sir Romulo kung di ako ang pinasusulat ng lesson plan niya ako pa ang narrator ng klase nya tapos isang beses lang ako na late aba parang gusto na akong parusahan ng din a muli pang maulit ang pangyayari.

“Ms. Santos” muli niyang tawag sa aking pangalan


“Hoy, Yumi Santos tumayo ka na diyan” kalabit ni Amy


“Oo eto na nga, tatayo na nga” tumayo ako dala ang aklat namin sa history at unti-unting lupit sa harapan, pagkatapos ay tumalikod sa pisara at nagumpisang basahin ang pahina kung saan binanggit niyang basahin ko sa harap ng klase.


Ang kalakalang barter ay nagumpisa sa ibat ibang panig ng daigdig. Ang kalakalang ito ay karaniwang nagaganap malapit sa mga daungan dahil mula sa paglalayag galing sa ibang lugar mas nakukuha ng mga mangangalakal ang mga produkto kung bagong bagsak lamang sa daungan isa na rin sa nagiging paraan ng mangangalakal ang pagtaas ng presyo ng bilihin habang lumalayo sa daungan.


At muling nagsalita si Sir Romulo sa harap ng klase. “Ito ang kalakalang legal sa panahon ng ating mga ninuno pero sa ibang lugar may ibat ibang klase ng illegal na kalakalan na nangyayari sa ilang na panig ng daungan, sige Ms. Santos ituloy mo ang pagbabasa sa pahina 87” agad ko naming binuklat ang sinabing pahina ni Sir Romulo at unti-unting binasa sa harap ng klase.


Ngunit sa ibang panig ng daungan may mga kalakalan na walang kontrol ang kasalukuyang gobyerno, ito ang mga kalakalang illegal o mga kalakal na walang pahintulot na kung saan ang mga palitan ng kalakal ay mga nakaw na mga alahas, mamahaling bato at kahit na buhay ng dalaga o binata at kahit na magkasintahan ay pilit na pinaghihiwalay para ipakasal sa ibang babae o lalake upang mapagisa o mapalawig ang kanilang kayamanan at nasasakupan.


Para akong sinampal sa aking mga nabasa ang tagal kong nakatitig sa mga letrang nakasulat sa libro, di ko mawari ngunit ang sakit na malaman na kahit anung pilit mong mahalin ang isang tao ngunit ang daming humahadlang.


“Ms. Santos, are you okay?”


Ngunit di ako sumagot sa pagtatanong sakin ng aking guro


“Ms. Santos?”


“Po, Sir… Sir Romulo?”


“Are you okay Ms. Santos?”


“Yes, Sir I am okay sorry for the interruption I got dizzy reading the small letters in this book?”


“You better get you eyes check”


“Yes, Sir I will”


At biglang nagring ang bell hudyat ng pagtatapos ng 1st period ng klase para sa araw na ito.


“Tomorrow we will continue our discussion about the Barter and the Laws so better study thoses areas because I will definitely give you a quiz, Class dismissed you may now take you lunch break”


At ang lahat ng mga estudyante ay tumayo sa kanilang kinauupuan at naglakad papalabas ng sillid, samantalang ako ay nanatiling nakatingin sa mga lalakad na mga estudyante.


“Hoy, Yumi nagdaday-dreaming ka na naman ba dyan?” tanong ni Crizzy


“Hindi naman, Crizzy bakit?”


“Baka hinahantay si Prince Charming nya” sabat ni Amy


“Hindi anu ba kayo may iniisip lang ako”


“Pwes kung anu man yang iniisip mo Yumi, tumingin ka muna sa labas at may naghahantay na sayo ayun mo nakadungaw”


Ibibaling ko ang aking tingin sa bintana at nakita ko si Julius at muling syang kumaway at ngumiti nang makita akong nakatingin sa kanya.


“Eto na ang bag mo ayusin mo na gamit mo at lunch na gutom na ako saan kaya masarap kumain?”


“Sis, I heared may bagong bukas na resto sa mall lets check it out” pagaaya ni Amy


“Sure” sagot naman ni Cheska


Sabay sabay kaming lumabas ng silid at sumalubong naman si Julius sa aming tatlo.


“Hi Cheska, Amy and Crizzy”


“Hi Julius let’s have a lunch we heared there is a new resto tara subukan natin ang food”


“Okay lang bang sumama ako?”


“Oo naman basta treat mo kami sa dessert”


“Deal!”


“Ano tara na?” pagtatanong ni Cheska


At sabay sabay kaming lumakad papalabas ng mahabang pasilio dala ni Julius ang aking bag habang hawak ko naman ang ilang libro at folders ko. Ngunit ko di sumagi sa isip ko ang mga sunod na nangyari.


Pagliko naming mula sa pasilio siya naming bungad ni Tofie sa barkada humahangos at hinahabol ang paghinga ngunit parang natulala ng makitang kasama ko si Julius at ang ibang kaibigan ko. Walang nagawa si Tofie kung di ang sumandal sa pader at tumungo habang dumadaan kami.


“Who is he?” tanong ni Amy


“I don’t know ngayon ko lang siya nakita dito sa area natin” sagot naman ni Crizzy

“Kung sino man siya good thing gumilid sya sa dinaraanan natin kung hindi humahanap siya ng gulo”

“Cheska, wag naman niyong pagisipan ng masama yung tao”


“Okay okay sabi mo Yumi, I will listen”


Di ako makalingon sa kinatatayuan ni Tofie para kamustahin sya o magsorry sa nangyari kaninang umaga at ngayong umaga para tingin ko di nya ako mapapatawad sa nangyari. Bumulong na lang ako sa aking isipan at nagsabi ng “Sorry Tofie, I’m really sorry”
Reply With Quote

Friday, September 17, 2010

Chapter 3: Fine Tuning Vocalization….. Continuation

Sa ilalim ng sikat ng araw nakaguhit ang mga ngiti sa aking mukhang tanging ang mga saksi lamang ng oras na yon ay mga gusali na dinadaanan ng bus papuntang unibersidad. Papalapit sa aming kinauupuan ang kundoktor ng bus at hiningin ang aming pamasahe.

“Pasahe?” tanong ng mamang kundoktor at agad ko namang inabot ang 50 pesos sa kanya at muli syang nagtanong sa akin.


“Ilan?”


“Dalawa po university belt lang po” agad na kumuha ng isusukli sa akin ang kundoktor at pumilas ng maliliit na papel para sa aming ticket. Habang inaabot napansin kong nakatitig sa aming dalawa ang mamang kundoktor gusto ko sana syang tanungin kung bakit ngunit lumihis na lang siya ng tingin at agad na tumungo sa ibang pasahero para maningil ng pamasahe.


Nawala ang buong antok ko di ko magawang ipikit ang aking mata dahil ayaw kong palagpasin ang bawat sandali na nakasama ko sa di inaasahang araw at oras si Yumi kahit na ayaw ko ng pumasok parang binibigyan ngayon ng tadhana ng dahilan ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ko. Huminga na lang ako ng malalim at dahan dahang pinalabas ang boses sa aking lalamunan.


I Can't Fight This Feeling lyrics
I cant fight this feeling any longer
Yet, I'm still afraid to let it flow
What started out as friendship has grown stronger.
I only wish I had the strength to let it show.


Napapapikit ako sa bawat salita ng buong kanta ngayon ko lang nalaman ang hirap pala talagang pigilan ang damdamin para sa isang taong alam mong bibigyan mo ng magandang pagtingin. Alam kong mahirap pero handa naman akong mahirapan dahil nasisiyahan akong makasama siya kahit saglit kahit isang minuto ng araw ko.


I tell myself that I can't hold out forever.
I say there is no reason for my fear.
'Cause I feel so secure when we're together
You give my life direction, you make eveything so clear.

Even as I wander, I'm keeping you in sight.
Your a candle in the window on a cold dark winters night.
And I'm getting closer than I ever though I might.


Nararamdaman ko ang paghinga ni Yumi, ang malumanay na paghinga niya ang tibok ng kanyang puso na normal na normal at palagay na nakasandal sa aking balikat. Pero paano ko sasabihin sa kanya o dapat ko bang sabihin sa kanya ang aking nararamdaman.


Dalawang kanto mula sa dinaraanan ng bus muli na kaming maghihiwalay ni Yumi sana talaga may magic lamp ako o kaya time machine para mapatigil ko ang oras o para mabalik balikan ko ang bawat sandali. Umikot na ng dahan dahan ang gulong ng bus kasabay ang unti-unting pagyakap ng lungkot at panghihinayang sa aking mukha ang kaninang ngiti na naidulot mula ng makita at sumandal sakin si Yumi nawawala ng isa-isa.


And I can't fight this feeling anymore.
I've forgotten what I started fighting for.
It's time to bring this ship into the shore.
And through away the oars forever.
'Cause I can't fight this feeling anymore.
I've forgotten what I started fightin' for.
And if i have to crawl upon the floor.
Come craching through the door.
Baby I can't fight this feeling anymore.


Sumigaw na si mamang kundoktor “U-belt na yung baba dyan” at namulat si Yumi sa boses na sumalingaw-ngaw sa loob ng sasakyan. Habang hirap ang mga mata sa pagmulat dala na marahil ng liwanag ng araw nagulat na lang siya ng makita ako sa kanyang tabi.


“Tofie?! Kailan ka pa nandito sa tabi ko?”


“Kanina pa mula ng sumakay ako sa terminal”


“Ibig sabihin ikaw ang sinandalan ko kanina habang natutulog ako?”


Tumango na lang ako sa kanyang harap para sabihing “Oo ako mismo”


“Wala na bang baba ng U-belt?” muling sigaw ng kundoktor


“Mama meron pa po saglit lang” sigaw ni Yumi


“Tara na Tofie baka lumampas pa tayo sa babaan natin” sabay hatak sa kamay ko hanggang sa makababa ng bus.


“Tofie sayo ako nakasandal?”


“Oo sakin nga pero di ko sadya yun di ko nga alam na ikaw ang katabi ko”


“Naku pasensya na pati tuloy pamasahe ikaw nagbayad pasensya na talaga”


“Wala yun, okay lang yun wag mo na alalahanin yun”


“Salamat Tofie”


“Yumi!” isang tinig ang nagmula sa di kalayuan at binanggit ang pangalan ni Yumi pati tuloy kaming dalawa napalingon kung kanino galing ang boses na yun. Si Julius pala ang tumawag sa pangalan ni Yumi mula sa likuran.


“Ikaw pala Julius, si Tofie kai…” sabay bati ni Yumi sa paparating na si Julius


“No need to introduce him Yumi, I personally know him coz he is my classmate Mr. Christopher Alcaraz”


“Kamusta Julius, how are you doing?”


“Teka nga pala bakit andito ka pa rin Julius” pagtatanong ni Yumi sa kanya


“Hinahantay ka obvious ba Yumi?”


“Pero dapat pumasok ka na ng klase at di mo na dapat ako hinintay ng matagal late ka tuloy sa klase”


“Okay lang sakin yun” sagot ni Julius


“Yumi, kayong dalawa ba ni Julius?” kahit ako nabigla ako dahil naitanong ko ng diretso kay Yumi ang ganung klaseng tanong at sa harap pa ni Julius.


“Hindi nan…”


“Nanliligaw ako sa kanya pare kaya pwede ba back off?” sabay hatak sa braso ni Yumi papalayo sa aking kinatatayuan. Nakikita ko ang pagpupumiglas ni Yumi sa pagkakahawak ni Julius sa kanyang braso pero nanatili akong estatwa sa aking kinatatayuan dahil sa wala akong karapatang agawin si Yumi kay Julius at dahil di pa ako nagtatapat sa kanya tungkol sa aking tunay na nararamdaman para sa kanya.


My life has been such a whirl wind since I saw you.
I've been running around in circles in my mind.
And it always seems that I'm following you girl.
'Cause you take me to the places that I thought I'd never find.

Even as I wander, I'm keeping you in sight.
Your a candle in the window on a cold dark winters night.
And I'm getting closer than I ever though I might.
Reply With Quote

Sunday, September 12, 2010

Chapter 3: Fine Tuning Vocalization….. Continuation

Mataas na ang sikat ng araw nang naimulat ko ang aking mga mata, dala na marahil sa puyat sa pagaantay ko sa text ni Yumi pero mas una kong hinanap ang cellphone ko kaysa sa tumingin sa relo para malaman ang oras.

Sabik sa pagbukas ng cellphone para mabasa ang mensahe mula sa kanya, ngunit ang isang mensaheng pinakaaabangan ko ay isang panaginip lang, agad kong binalik ang ulo ko sa unan at napabuntong hininga lang. Parang wala ako sa kondisyon para pumasok ngayon di dahil masama ang pakiramdam ko ngunit dahil pakiwari ko di magiging maganda ang araw ko dahil late din ako sa klase ni Ms. Dulce tiyak akong paglilinisin niya lang ako ng covered court.


“Tofie!!! Late ka na sa klase mo!”


Eto na start na naman ng pilitan at litanya ni Nanay dahil alam niya ang schedule ng klase ko...


“Opo nandyan na po” inilapag ko ang cellphone ko sa estante malapit sa higaan nag-unat unat ng mga braso pagkatapos nagpush-up 1.2.3.4.5.6.7.8


Kinuha ko na lang ang twalya na nakahanger sa knob ng cabinet at tuluyang lumabas ng kwarto.


“Aba, Christopher ano ang nangyayari sayo late ka na mapapagalitan ka nyan ng professor mo, hindi tama ang nahuhuli sa klase”


“Opo nanay don’t worry I can handle myself”


“Ha? Kailan ka pa natutulong sumagot ng english”


“Nanay naman ikaw talaga yan ang patunay na nagaaral ako kasi nakakapagsalita ako ng English ng tuwid” ayan may rason na ako para maibaling ko sa iba ang topic ng usapan.


“Naku ikaw talaga Tofie ayaw kong mababalitaan na nagloloko ka sa klase ha, hala maligo ka na at talagang mahuhuli ka na sa klase”


Isang hikab na lang ang naisagot ko pagkatapos pumasok na ako ng banyo para maligo.

Nang makapaghanda ako para pumasok pinipilit ako ni nanay kumain ng almusal pero wala talaga sa kondisyon ang katawan ko pati ang pagkain. Pero habang kinakain ko ang isang pandesal nagawa kong magsalita ng wala sa lugar.

“Baka nagalit sakin siya”


“Sino magagalit sayo Tofie?”


“Po wala po yun nanay, ano kasi yung kaklase ko nanghiram ako ng libro di ko agad naibalik kaya nagalit ganun po”


“Hmmm Tofie tandaan mo lagi ang dapat mong gawin bilang isang estudyante”


“Opo nanay di ko nakakalimutan, alis na po ako tiyak mapapagalitan na naman ako”


“Mabuti pa nga lakad na magiingat ka”


“Love you Nanay”


“Love you anak”


Naglakad papunta sa terminal ng tricycle mga ilang minuto pa nang paghihitay para may kasabay akong kapwa pasahero pati yata mga kasabay kong pasahero nakikisabay sa pagiging late ko. Nakakainip din maghantay di mo alam kung may darating o wala para tumakbo ang tricycle.


At nang mapuno agad namang pinatakbo ng driver ang tricycle pagbaba sa terminal ng jeep nakipagsiksikan na lang ako sa paalis na jeep makaabot lang ng maaga-aga sa klase ang hirap din pala sumiksik sa kakaunting espasyo ng jeep lalo na kung ang mga kasabay mo ay mga dambuhala sa laki may iba naman kung makabuka ng hita akala mo binayaran ang upuan ng dalawang tao.


Mga ilang hakbang pa papunta sa terminal ng bus bumaba na ako dahil masakit na ang hita ko at puwet ko sa pagsusumiksik sa jeep. Inayos ko ang polo ko tinignan ko kung may mantsa o kaya dumi muli kong hinila ang bag ko para maiayos pero kamalas-malasan wala pang bus.


Ang tagal kong naghantay sa terminal ng bus nakailang ikot na rin ako nagbabakasakali na may dumaang bus at magkabit ng sign board para agad akong makasakay pero sa kasamaang paalad wala pa rin. Nanlalambot na ako bukod sa antok na antok pa ako iniisip ko pa rin ang sasabihin sakin ni Yumi tila wala akong maihaharap na mukha sa kanya.


“Baka mamaya may bf na siya makikigulo pa ako sa relasyon nila” bahala na kung anong kalalabasan kung magalit sya okay lang kung magtampo man siya darating din ang panahon na magkakaayos din kami.


Dumating ang isang bus may iilang sakay kaya agad na rin akong sumampa para makaupo ng maayos sa isa sa mga upuan niya. Nakatungo pa rin ako habang naghahanap ng mauupuan para akong multo lumulutang sa hangin pero gumagalaw ang katawan, dahil kailangan pumasok at gawin ang dapat gawin ng isang estudyante gaya ng bilin ni nanay.


Agad namang nag-abot ng ticket ang kundoktor ng bus kaya may pagkakataon pa akong maidlip dahil medyo malayo-layo pa ang biyahe ko hanggang sa makababa ako ng unibersidad. Napapikit na lang ako ng di namamalayan di ko na rin alintala kung sino ang katabi ko upuan. Miyembro talaga ako ng MASA isang samahan na masandal tulog kahit saang lugar basta masandal lang.

Kahit nakapikit ako gising ang diwa ko sa sinasabi ng kundoktor kung saang parte ng biyahe ang inabot ng bus dahil sinisigaw niya ang pangalan ng lugar. Hanggang sa naramdaman kong bumigat ang aking balikat kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata para malaman ko kung sino ang nakasandal sa aking balikat.

Nang akmang iiayos ko ang balikat ko para maalimpungatan ang nakasandal sa akin naging pamilyar sakin ang isang ngiti at agad naman akong nagandahan sa kanya. Si Yumi pala ang katabi ko at mukhang tulog na tulog buhat ng sumakay ako, umagos paakyat ang dugo ko sa buong mukha ko naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi na tila nahihiya ako sa nakita ko. Di ko alam kung ano ang gagawin ko, kung gigisingin ko ba siya o hahayaan ko siyang matulog ng ganun sa balikat ko.


Pero sa pagkakataong ito mas nakita ko ng malapitan ang mukha niya. Ang ganda ng kanyang mga labi, matangos na ilong at mahahabang pilik mata. Gusto ko na itigil ang oras kung pwede lang kung maari lang.


“Di pala malas sakin ang araw na ito at kahit late tila pinag-aadya na magkasama kami sa iisang sasakyan” kaya pinabayaan ko na lang syang matulog sa aking balikat pero sabay ng pagharurot ng bus ang malakas na lagabog sa isang butas sa kalye dahilan para magising sa pagkakaidlip si Yumi.


Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko di ko alam kung titingin ako sa kanya, magtutulog-tulugan ako o ipapaling ko ang mukha ko sa ibang direksyon baka kasi kung ano pa ang isipin niya. Dahan dahan sa pagmulat ang mata ni Yumi ngunit ni isa sa naisip ko wala akong nagawa napatingin na lang ako sa kanya habang bumubukas ang kanyang mga mata. Pero imbis na makagising sa kanyang nakitang katabi.


“Tofie…” at muli na naman pumikit ang kanyang mga mata at bumalik sa pagkakaidlip.


Pakiramdam ko may sasabog na bomba sa katawan ko nang magising siya, akala ko sasampalin ako o kaya itutulak ako. Kaya hinayaan ko na lang muli sya sa kanyang pagkakaidlip sa aking balikat. Pero gumuhit ang ngiti sa aking mukha at ang kaninang katamaran napalitan ng kilig sa bawat buto.

Wednesday, September 8, 2010

Chapter 3: Fine Tuning Vocalization….. Continuation

Di ako makatulog habang pinagmamasdan ko ang text ni Tofie sakin at nang pakawalan niya ang makabasag salitang “napa-ibig” di ko alam pero parang bigla akong bumangga sa isang pader. Parang mga alingaw-ngaw na di mawala sa tenga ko.

“Yumi, Yumi gumising ka ang hilig mong mangarap at umasa mahirap ang ganyan” pumaling ako sa kanan na bahagi ng aking kama nakatingin sa music box.


“Huhuhuhu ang hirap naman nito talaga paano ako makakatulog ng mahimbing kung laging maiisip ko ikaw Tofie” marahan kong kinuha ang music box at unti-unting pinihit ang turnilyo nito tila tinipa ang bawat kwerdas ng gitara habang naririnig ko ang mga tonong ginagawa ng music box.


Nakailang beses na rin nagtext si Tofie pero hindi ko magawang magreply hindi ko alam dahil sa nahihiya akong sagutin ang kanyang tanong o sakyan ang kanyang pagbibiro pero sa tuwing makikita ko ang pangalan ni Tofie na magaappear sa screen ng cellphone ko parang may kung anong kabog ang tumutunog sa aking dibdib.


Napatingin ako sa bintana at napansing maliwanag pala ngayon ang kalangitan wala ni isang ulap na gumagala sa kalawakan kitang kita ang kislap ng mga bituin pati ang liwanag ng buwan. Tumayo ako sa higaan at binuksan ang buong buo ang bintana. Tumayo ako sa tabi nito habang iniisip ang mga bagay, bagay na tungkol sa mga nangyayari sa akin ngayon.


“Yumi inlove ka na ba? Pero paano? Bakit? Alam ko crush lang ang tingin ko Tofie pero bakit iba ang pakiramdam pag nasa tabi ko siya?” kahit yata mga bituin kinakausap ko na tinatanong kung tama bang mainlove kay Tofie, isama mo na ang mga pusang naghihiyawan sa bubong ng bahay na animo’y audience sa isang stage play.


“Hmmm Ano ba ang nagustuhan mo kay Tofie, Yumi?” hakbang pabalik sa higaan

“Mabait naman siya gentleman, I like the way he smile ano pa ba?” hakbang pabalik sa bintana

“Cute siya pumorma at neat siya tignan, pero talagang yun lang ba?” hakbang papunta sa higaan pati tuloy konsensya ko nagising sa pagiisip at pagtatanong.


“Si Tofie kaya ganito din kaya nararamdaman niya para sakin?” dun lang yata ako napatigil sa pagpapabalik-balik sa dalawang lugar ng kwarto ko.


Ikaw ang nagbigay ng buhay
Sa mundo kong wala nang kulay
Ako sa 'yo ay tila ganyan din
At iisa ang ating puso't damdamin
Tayo tayong nagsimula nito
Sana'y umapaw pa ang pagsuyo
O giliw kay saya
Tanggal aking kaba kapag kapiling ka


“Ah basta ang alam ko masaya ako kapag kasama ko siya” nang maramdaman ko ang kaligayahang dulot nito sa puso ko para akong nagdive sa kama ko.


Blag!


“Aray...” tuloy pati ulo ko tumama sa head board ng higaan, pero parang wala akong inindang sakit kinuha ko ang unan at mahigpit kong niyakap.


“Tofie… I LOVE YOU”


Dito dito sa puso ko
Pag-ibig ko'y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko'y hindi na magbabago
Dito dito sa puso ko
Pag-ibig ko'y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko'y hindi na magbabago


Agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang huling mensahe ni Tofie, nagumpisa akong magtype ng mensahe para sa kanya.


“Pasensya na late reply may ginawa kasi ako home work alam mo na estudyante, tungkol sa tanong mo kanina kung magpapabola ako sayo dyan ka tama di talaga ako nagpapabola pero tungkol sa mapapaibig ayaw ko magsalita ng tapos mahirap na” sent


Kilig na kilig ako habang hawak ang cellphone ko habang patuloy pa rin ang mahigpit kong yakap sa unan, ramdam ko ang pamu-mula ng aking pisngi dahil mainit sya nanunuot hanggang sa aking mga cheek bones.


Pero mukhang ang tagal magreply ni Tofie, ilang minuto na ang nakakaraan wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa kanya. Kaya ang dami nang tumakbong idea sa isip ko.


Di nakapagreply dahil?


A. Nagulat ng mabasa ang text ko
B. Na turn off
C. Low batt
D. Nakatulog
E. Wala sa nabanggit


Desidido talaga akong makuha ang reply niya kaya muli akong naghantay sa darating na mensahe niya hanggang sa dumalaw nang tuluyan ang antok sa aking katawan pero pilit kong nilalabanan habang hawak ang cellphone ngunit natalo pa rin niya ako nakatulog akong hawak ng mahigpit ang cellphone at nagsasabing “Reply ka naman Tofie”


Dito dito sa puso ko
Pag-ibig ko'y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko'y hindi na magbabago
Dito dito sa puso ko
Pag-ibig ko'y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko'y hindi na magbabago

Sunday, September 5, 2010

Chapter 3: Fine Tuning Vocalization….. Continuation

That’s it unlimited text na naman ako. Padalos dalos ako sa pagreply kay Yumi kaya pati text ko halatang utal.

“Salamat Yumi ha, salamat ha! – Tofie” naramdaman ko ang init ng biglang tumulo ang butil ng pawis sa aking mukha ngunit di lang basta pawis kung di nanlalamig na pawis.


Binalikan ko ang aking sent messages at muling binasa ang mensaheng ipinadala ko kay Yumi. Dito ko talagang napatunayan na kahit sa text halatang nauutal pa rin ako may bahid pa rin ng hiya. Nagvibrate naman ang cellphone ko kaya agad kong inilipat sa inbox para mabasa ang dumating na mensahe.


“Ibig sabihin talagang wala kang load?”


Naglalakad ako pabalik sa aming bahay pero mas tumindi ang malalamig na butil ng pawis ng buong katawan ko. “Nakakahiya ano kayang ire-reply ko sa ganitong tanong? Sasabihin ko ba ang totoo o hindi?” ang tagal kong nakatayo sa harap ng pinto kabig ang doorknob.


“Hoy! Tofie papasok ka ba o hindi? Ang tagal mong nakatayo dyan sa pinto papasok ang lamok bilisan mo” ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko at pumasok sa loob ng bahay pagkatapos isinara ang pinto. Ipinihit ang mga kandado at umupo sa sofa. Sa tuwing susubukan kong magtype ng simula para sa reply ko laging nagbabago isip ko at muli ko syang binubura. Ibinaba ko ang cellphone ko at nilagay ko sa estante punta sa kusina kumuha ang baso at binuksan ang refrigerator at nagsalin sa baso ng malamig na tubig. Mapalagay na sana ako at sana makaisip na ako ng maisasagot ko kay Yumi.


“Kaya mo yan Tofie sagutin mo lang ang dapat sagutin be yourself be confident” usal ko sa sarili ko kaya binalikan ko ang cellphone ko at nagumpisang magtype ng mensahe.


“Pasensya na Yumi late ang text ko iniwan ko kasi ang cellphone ko para magpaload kaya lang sarado na mga tindahan dito buti na lang pinasahan mo ako ng load salamat ng marami – Tofie PS paano mo nalaman ang number ko?” hinantay ko lang mag-appear ng message sent sa screen at mas lalo ng tumakbo ang isip ko kung anung isasagot niya sa text ko.


Paano kung sabihin nyang wala akong kwentang katext at kung sabihin niyang wala pala akong balak magtext sa kanya mas mahirap yan ang ganun di ko yata kaya na yun ang mabasa kong mensahe sa reply niya. Pasaway ka kasi Tofie sobrang pasaway ka tumunog muli ang cellphone ko nanginginig pa ako nung buksan ko ang mensahe ni Yumi.


“Ah ganun ba pasensya na sa text ko kanina pero bakit nga ang tagal mo magreply? Nakuha ko ang number mo sa notebook mo tignan mo mabuti ang notebook mo”


Mas lalo akong nagulat dahil di sumagi sa isip ko na andun ang notebook ko, dali dali kong kinuha ang bag ko at hinanap ang notebook kung saan niya sinulat ang number niya. Pero wala naman talagang nakasulat sa huling pahina ng notebook ko saan nya kaya nakuha. Pagtingin ko sa first page ng notebook ko.


Christopher Alcaraz

Bachelor of Music Major in Piano and Composition
Email address: calcaraz@gmail.com Mobile No.: 09**-****-588

Napatapik ang palad ko ng malakas sa noo ko.


“Ang t@nga mo Tofie ang t@nga t@nga mo” ugali ko palang maglagay ng pangalan sa first page ng notebook ko kasama ng course ko at contact number kung sakaling mawala ang mga gamit ko. “Bakit ngayon ko lang naalala kaya pala sa likod niya isinulat ang number nya kasi sinaulo nya pa ng mabuti ang number ko”


“Ikaw Yumi ha ang talino mo talagang nasaulo mo lahat ng number na nakasulat sa notebook ko kakaiba ka, oo nga pala bago ko makalimutan salamat sa pasaload mo babawi ako minsan” sent


Reply: “Matagal ko nang alam yan Tofie yung tungkol sa pasaload hayaan mo na yun nilibre mo naman ako kanina sa lunch sarap ng kain ko hahaha thank you nga pala”


“Oo nga matalino na maganda pa, buti nagustuhan mo akala ko di mo gusto kumain sa ganong klaseng lugar” sent


Reply: “Hoy Mr. Alcaraz nagumpisa na naman pambobola mo di mo ko mabibilog hahahaha”


“Talaga paano kung di nga kita mabilog pero napa-ibig naman kita” sent


Ang tagal ng reply ni Yumi mula ng huli kong nasent ang mensahe ko sa kanya malamang nagalit yun sakin naku wag naman sana. Nakailang balik na ako sa sala at sa kusina naubos ko na rin ang isang pitsel ng tubig kakaantay sa reply ni Yumi kaya nagpasya akong umakyat na lang at mahiga na habang naghahantay sa reply niya.


Pagkahiga ko sa kama ko niyakap ko agad si unan at bumulong sa kanya.


“Mag reply ka naman Yumi please naghahantay ako sa sagot mo” ang tagal kong nakatingala sa kisame bawat minutong dumaraan parang habang panahon na paghahantay kahit yata ilang butiki na ang nabilang ko wala pa ring text o reply at ang mas higit pa dyan HINDI AKO MAKATULOG!


Umupo ako sa kama ko at humanap ng ilang song book na pwedeng mabasa o paglibangan pampalipas ng inip habang naghahantay kay pareng antok. Di ko na dinaanan ang table of contents basta tuloy tuloy na ako sa paglipat ng pahina ng song book. Hanggang sa mapako ang mata ko sa isang lumang kanta pero talagang sumikat sa lahat at kahit anong tono ng boses tiyak kayang kaya kantahin ng kahit sino.


Inumpisahan kong kumuha ng magandang tono yung tipong inspired para may feelings ang dating ng song.


I call you and you call me

It's funny how we get on so easily
We're just friends aren't we
You've got yours, I've got mine
And friends are all we ever could be

Sa bawat salita ng galing sa kanta lahat dinadamdam ko, pakiramdam ko kasama ko sya ngayon kausap, kakwentuhan at kakulitan.


(But) We're getting to know each other

A little too well
(Getting to know each other)
(A little too well)
We're starting to show our feelings
And people can tell
(Ooh, people can tell)
Ev'ry time that your eyes meet mine
I light up like a neon sign
Yes, We're getting to know each other
A little too well...
(Getting to know each other)
(A little too well...)

Hawak ko ang kanyang mga kamay habang napapatitig ako sa kanyang mga mata kitang-kita ko ang bawat kislap nito ang mapupulang labi at matamis na ngiti bawat paglalarawan ko sa kanya ay lalo akong kinikilig at mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa aking unan kahit nasa palad ko ang song book.


We have lunch ev'ry now and then

And I find myself humming love songs
Again and again...
Too many nights I'm workin' 'till ten
And I hope that you know
That It's hopeless to go on when...

Sa pagkakataong ito napahiga na lang ako sa aking kama at tuluyang nakatulog habang yakap ang unan sa aking bisig at paulit-ulit kong sinasabi na “I LOVE YOU YUMI!”