Wednesday, September 8, 2010

Chapter 3: Fine Tuning Vocalization….. Continuation

Di ako makatulog habang pinagmamasdan ko ang text ni Tofie sakin at nang pakawalan niya ang makabasag salitang “napa-ibig” di ko alam pero parang bigla akong bumangga sa isang pader. Parang mga alingaw-ngaw na di mawala sa tenga ko.

“Yumi, Yumi gumising ka ang hilig mong mangarap at umasa mahirap ang ganyan” pumaling ako sa kanan na bahagi ng aking kama nakatingin sa music box.


“Huhuhuhu ang hirap naman nito talaga paano ako makakatulog ng mahimbing kung laging maiisip ko ikaw Tofie” marahan kong kinuha ang music box at unti-unting pinihit ang turnilyo nito tila tinipa ang bawat kwerdas ng gitara habang naririnig ko ang mga tonong ginagawa ng music box.


Nakailang beses na rin nagtext si Tofie pero hindi ko magawang magreply hindi ko alam dahil sa nahihiya akong sagutin ang kanyang tanong o sakyan ang kanyang pagbibiro pero sa tuwing makikita ko ang pangalan ni Tofie na magaappear sa screen ng cellphone ko parang may kung anong kabog ang tumutunog sa aking dibdib.


Napatingin ako sa bintana at napansing maliwanag pala ngayon ang kalangitan wala ni isang ulap na gumagala sa kalawakan kitang kita ang kislap ng mga bituin pati ang liwanag ng buwan. Tumayo ako sa higaan at binuksan ang buong buo ang bintana. Tumayo ako sa tabi nito habang iniisip ang mga bagay, bagay na tungkol sa mga nangyayari sa akin ngayon.


“Yumi inlove ka na ba? Pero paano? Bakit? Alam ko crush lang ang tingin ko Tofie pero bakit iba ang pakiramdam pag nasa tabi ko siya?” kahit yata mga bituin kinakausap ko na tinatanong kung tama bang mainlove kay Tofie, isama mo na ang mga pusang naghihiyawan sa bubong ng bahay na animo’y audience sa isang stage play.


“Hmmm Ano ba ang nagustuhan mo kay Tofie, Yumi?” hakbang pabalik sa higaan

“Mabait naman siya gentleman, I like the way he smile ano pa ba?” hakbang pabalik sa bintana

“Cute siya pumorma at neat siya tignan, pero talagang yun lang ba?” hakbang papunta sa higaan pati tuloy konsensya ko nagising sa pagiisip at pagtatanong.


“Si Tofie kaya ganito din kaya nararamdaman niya para sakin?” dun lang yata ako napatigil sa pagpapabalik-balik sa dalawang lugar ng kwarto ko.


Ikaw ang nagbigay ng buhay
Sa mundo kong wala nang kulay
Ako sa 'yo ay tila ganyan din
At iisa ang ating puso't damdamin
Tayo tayong nagsimula nito
Sana'y umapaw pa ang pagsuyo
O giliw kay saya
Tanggal aking kaba kapag kapiling ka


“Ah basta ang alam ko masaya ako kapag kasama ko siya” nang maramdaman ko ang kaligayahang dulot nito sa puso ko para akong nagdive sa kama ko.


Blag!


“Aray...” tuloy pati ulo ko tumama sa head board ng higaan, pero parang wala akong inindang sakit kinuha ko ang unan at mahigpit kong niyakap.


“Tofie… I LOVE YOU”


Dito dito sa puso ko
Pag-ibig ko'y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko'y hindi na magbabago
Dito dito sa puso ko
Pag-ibig ko'y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko'y hindi na magbabago


Agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang huling mensahe ni Tofie, nagumpisa akong magtype ng mensahe para sa kanya.


“Pasensya na late reply may ginawa kasi ako home work alam mo na estudyante, tungkol sa tanong mo kanina kung magpapabola ako sayo dyan ka tama di talaga ako nagpapabola pero tungkol sa mapapaibig ayaw ko magsalita ng tapos mahirap na” sent


Kilig na kilig ako habang hawak ang cellphone ko habang patuloy pa rin ang mahigpit kong yakap sa unan, ramdam ko ang pamu-mula ng aking pisngi dahil mainit sya nanunuot hanggang sa aking mga cheek bones.


Pero mukhang ang tagal magreply ni Tofie, ilang minuto na ang nakakaraan wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa kanya. Kaya ang dami nang tumakbong idea sa isip ko.


Di nakapagreply dahil?


A. Nagulat ng mabasa ang text ko
B. Na turn off
C. Low batt
D. Nakatulog
E. Wala sa nabanggit


Desidido talaga akong makuha ang reply niya kaya muli akong naghantay sa darating na mensahe niya hanggang sa dumalaw nang tuluyan ang antok sa aking katawan pero pilit kong nilalabanan habang hawak ang cellphone ngunit natalo pa rin niya ako nakatulog akong hawak ng mahigpit ang cellphone at nagsasabing “Reply ka naman Tofie”


Dito dito sa puso ko
Pag-ibig ko'y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko'y hindi na magbabago
Dito dito sa puso ko
Pag-ibig ko'y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko'y hindi na magbabago

No comments:

Post a Comment