Sunday, September 5, 2010

Chapter 3: Fine Tuning Vocalization….. Continuation

That’s it unlimited text na naman ako. Padalos dalos ako sa pagreply kay Yumi kaya pati text ko halatang utal.

“Salamat Yumi ha, salamat ha! – Tofie” naramdaman ko ang init ng biglang tumulo ang butil ng pawis sa aking mukha ngunit di lang basta pawis kung di nanlalamig na pawis.


Binalikan ko ang aking sent messages at muling binasa ang mensaheng ipinadala ko kay Yumi. Dito ko talagang napatunayan na kahit sa text halatang nauutal pa rin ako may bahid pa rin ng hiya. Nagvibrate naman ang cellphone ko kaya agad kong inilipat sa inbox para mabasa ang dumating na mensahe.


“Ibig sabihin talagang wala kang load?”


Naglalakad ako pabalik sa aming bahay pero mas tumindi ang malalamig na butil ng pawis ng buong katawan ko. “Nakakahiya ano kayang ire-reply ko sa ganitong tanong? Sasabihin ko ba ang totoo o hindi?” ang tagal kong nakatayo sa harap ng pinto kabig ang doorknob.


“Hoy! Tofie papasok ka ba o hindi? Ang tagal mong nakatayo dyan sa pinto papasok ang lamok bilisan mo” ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko at pumasok sa loob ng bahay pagkatapos isinara ang pinto. Ipinihit ang mga kandado at umupo sa sofa. Sa tuwing susubukan kong magtype ng simula para sa reply ko laging nagbabago isip ko at muli ko syang binubura. Ibinaba ko ang cellphone ko at nilagay ko sa estante punta sa kusina kumuha ang baso at binuksan ang refrigerator at nagsalin sa baso ng malamig na tubig. Mapalagay na sana ako at sana makaisip na ako ng maisasagot ko kay Yumi.


“Kaya mo yan Tofie sagutin mo lang ang dapat sagutin be yourself be confident” usal ko sa sarili ko kaya binalikan ko ang cellphone ko at nagumpisang magtype ng mensahe.


“Pasensya na Yumi late ang text ko iniwan ko kasi ang cellphone ko para magpaload kaya lang sarado na mga tindahan dito buti na lang pinasahan mo ako ng load salamat ng marami – Tofie PS paano mo nalaman ang number ko?” hinantay ko lang mag-appear ng message sent sa screen at mas lalo ng tumakbo ang isip ko kung anung isasagot niya sa text ko.


Paano kung sabihin nyang wala akong kwentang katext at kung sabihin niyang wala pala akong balak magtext sa kanya mas mahirap yan ang ganun di ko yata kaya na yun ang mabasa kong mensahe sa reply niya. Pasaway ka kasi Tofie sobrang pasaway ka tumunog muli ang cellphone ko nanginginig pa ako nung buksan ko ang mensahe ni Yumi.


“Ah ganun ba pasensya na sa text ko kanina pero bakit nga ang tagal mo magreply? Nakuha ko ang number mo sa notebook mo tignan mo mabuti ang notebook mo”


Mas lalo akong nagulat dahil di sumagi sa isip ko na andun ang notebook ko, dali dali kong kinuha ang bag ko at hinanap ang notebook kung saan niya sinulat ang number niya. Pero wala naman talagang nakasulat sa huling pahina ng notebook ko saan nya kaya nakuha. Pagtingin ko sa first page ng notebook ko.


Christopher Alcaraz

Bachelor of Music Major in Piano and Composition
Email address: calcaraz@gmail.com Mobile No.: 09**-****-588

Napatapik ang palad ko ng malakas sa noo ko.


“Ang t@nga mo Tofie ang t@nga t@nga mo” ugali ko palang maglagay ng pangalan sa first page ng notebook ko kasama ng course ko at contact number kung sakaling mawala ang mga gamit ko. “Bakit ngayon ko lang naalala kaya pala sa likod niya isinulat ang number nya kasi sinaulo nya pa ng mabuti ang number ko”


“Ikaw Yumi ha ang talino mo talagang nasaulo mo lahat ng number na nakasulat sa notebook ko kakaiba ka, oo nga pala bago ko makalimutan salamat sa pasaload mo babawi ako minsan” sent


Reply: “Matagal ko nang alam yan Tofie yung tungkol sa pasaload hayaan mo na yun nilibre mo naman ako kanina sa lunch sarap ng kain ko hahaha thank you nga pala”


“Oo nga matalino na maganda pa, buti nagustuhan mo akala ko di mo gusto kumain sa ganong klaseng lugar” sent


Reply: “Hoy Mr. Alcaraz nagumpisa na naman pambobola mo di mo ko mabibilog hahahaha”


“Talaga paano kung di nga kita mabilog pero napa-ibig naman kita” sent


Ang tagal ng reply ni Yumi mula ng huli kong nasent ang mensahe ko sa kanya malamang nagalit yun sakin naku wag naman sana. Nakailang balik na ako sa sala at sa kusina naubos ko na rin ang isang pitsel ng tubig kakaantay sa reply ni Yumi kaya nagpasya akong umakyat na lang at mahiga na habang naghahantay sa reply niya.


Pagkahiga ko sa kama ko niyakap ko agad si unan at bumulong sa kanya.


“Mag reply ka naman Yumi please naghahantay ako sa sagot mo” ang tagal kong nakatingala sa kisame bawat minutong dumaraan parang habang panahon na paghahantay kahit yata ilang butiki na ang nabilang ko wala pa ring text o reply at ang mas higit pa dyan HINDI AKO MAKATULOG!


Umupo ako sa kama ko at humanap ng ilang song book na pwedeng mabasa o paglibangan pampalipas ng inip habang naghahantay kay pareng antok. Di ko na dinaanan ang table of contents basta tuloy tuloy na ako sa paglipat ng pahina ng song book. Hanggang sa mapako ang mata ko sa isang lumang kanta pero talagang sumikat sa lahat at kahit anong tono ng boses tiyak kayang kaya kantahin ng kahit sino.


Inumpisahan kong kumuha ng magandang tono yung tipong inspired para may feelings ang dating ng song.


I call you and you call me

It's funny how we get on so easily
We're just friends aren't we
You've got yours, I've got mine
And friends are all we ever could be

Sa bawat salita ng galing sa kanta lahat dinadamdam ko, pakiramdam ko kasama ko sya ngayon kausap, kakwentuhan at kakulitan.


(But) We're getting to know each other

A little too well
(Getting to know each other)
(A little too well)
We're starting to show our feelings
And people can tell
(Ooh, people can tell)
Ev'ry time that your eyes meet mine
I light up like a neon sign
Yes, We're getting to know each other
A little too well...
(Getting to know each other)
(A little too well...)

Hawak ko ang kanyang mga kamay habang napapatitig ako sa kanyang mga mata kitang-kita ko ang bawat kislap nito ang mapupulang labi at matamis na ngiti bawat paglalarawan ko sa kanya ay lalo akong kinikilig at mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa aking unan kahit nasa palad ko ang song book.


We have lunch ev'ry now and then

And I find myself humming love songs
Again and again...
Too many nights I'm workin' 'till ten
And I hope that you know
That It's hopeless to go on when...

Sa pagkakataong ito napahiga na lang ako sa aking kama at tuluyang nakatulog habang yakap ang unan sa aking bisig at paulit-ulit kong sinasabi na “I LOVE YOU YUMI!”

No comments:

Post a Comment