Wednesday, July 6, 2011

Chapter 8: Feel The Love Chapter Ending....

Para akong lumulutang sa cloud 9 kahit oras ng klase di ko maifocus ang isip ko sa mga subjects ko, bakit pa kasi sinabi ni Tofie ang mga salitang yun kanina, sana pala di na lang ako nagpunta sa kanya during breaktime di sana di ako nagiisip ng kung anu-ano.

“Ah!! Yumi gumising ka focus-focus sa pagaaral di pwedeng masira ang concentration” pero hinihila ko ang magkabilang dulo ng buhok ko. “Pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Tofie mabilis ang tibok ng puso ko na parang gustong lumundag mula sa dibdib ko”


“Ms. Santos, is there any problems in your area? Do you understand what I’m trying to explain here infront?”


Bigla akong tumayo at nagsalita “Yes, ma’am everything is clear to me, I’m just checking those notes written on the side of the board” eto na natuto na rin ako magpalusot para pagtakpan ang pagkakamali ko “Mali ito Yumi ano bang nangyayari sayo bakit ka nagkakaganito”


“Okay you may seat here if you want to take down these notes”


“Ah… Okay…. Thanks Ma’am”,”Whew!!! Nakaligtas” this time talagang sa professor ako tumingin para di mapansin kung ano mang kahina-hinalang gagawin ko sa sarili ko pero bago pa man mangyari ang anumang di magandang pangyayari nagtapos na rin ang klase para sa subject na ito.


30mins BREAK!

I have all the time to start some of my home works. Binuklat ko ang aking mga aklat at kwaderno pagkatapos ay sinimulang magsulat ngunit sa tuwing lalapat ang aking panulat sa mga pahina ng aking kwaderno nawawala ang mga ideang dapat kong isulat para sa aking takdang aralin.

“Yumi, gusto mo sumama sa coffee shop para magcoffee atska dun ka na rin gumawa ng mga homeworks?”


“Ah eh… sige nga para makapagisip-isip ako ng maisusulat dito sa homework natin”


“Bakit may iniisip kabang malalim?”


“Ha?! Eto yung assignment medyo nahihirapan lang”


“Ang weird mo tara na nga gutom lang yan tara magmirienda ka na rin dun”


Nang dumating sa shop agad ng tanong si Joan kung anong gusto kong maiinom at makakain.


“Ano gusto mo Yumi?”


“Yung frappe atsaka yung cheesy ensaymada ikaw muna magbayad bigay ko sayo mamaya okay?”


“Sure, humanap ka ng pwede nating maupuan”


Tingin dito tingin doon lingon dyan lingon sa likod parang ang daming may vacant ng ganitong oras puno ng mga estudyante ang coffee shop.


“Yumi!! Yumi!!”


Parang may tumatawag sa pangalan ko o pakiramdam ko lang…


“Hoy! Kanina ka pa tinatawag ni Julius ayon oh!” sabay nguso sa kinaroroonan ni Julius


“Akala ko kasi nakakarinig lang ako kaya di ko masyado pinapansin”


“Alam mo talagang naninibago ako sayo nagdru-drugs ka ba?”


“Sira ulo ka pala eh bakit naman ako magdru-drugs”


“Kasi kakaiba ka ngayon eh parang hindi ikaw si Yumi”


“Eh kung ganon sino ako baka kaluluwa ako ng ibang tao na naposes ang katawan ni Yumi”


“Tse! Ang weird mo talaga ano ba sasama ba tayo sa kanila o hihiwalay tayo?”


“Hiwalay na lang para makagawa ako ng assignments pag andun tayo katakot takot na chismis na naman at payabangan ang labanan”


“Tignan mo to tinanong lang kita kung sasama tayo sa kanila o hindi ang dami mo ng explanations”


“Mas mabuti na yung klaro sa lahat”


“At talagang klaro na para sakin”


“Bakit naman?”


“Ang mga weird mong pinsan”


“Sa taas tayo bilis Joan”


Nakita ko na lang sumunod ng tingin ang grupo ni Julius ngunit susubukan sana nito kaming sundan pero pinigilan din sya agad ng kanyang mga kaibigan kaya di na nito nakuha kaming sundan. Para kaming nakikipagtaguan sa mga pusa lalo na si Joan dahil alam nya ang kahihinatnan nya kapag nahuli ng mga pinsan kong nakadikit sya lubusang panlalait at pangmamata.


Nakakita ng mga bakanteng lamesa at upuan na hindi gaanong pansinin kaya nagging kalmado naman kaming dalawa.


“Hindi ba tayo makikita dito Yumi?”


“Hindi dahil ang paborito nilang pwesto sa coffee shop ay yung lamesa na nasa ilalim ng punong ito” sabay dungaw sa mga pinsan


“Buti na lang akala ko katakot takot na panlalait na naman ang makukuha ko ayaw ko na sanang maulit pa iyon”


“Wag mo nang balikan ang nakaraan kung masasaktan ka lang buti pa tulungan mo ko dito para matapos na natin yung homework natin para kahit free time may natatapos tayo”


“Okay pero ang weird mo talaga Yumi”


“Sige tatawagin ko sila para makita nila kasama kita”


“Hindi na nga eto na nga oh tutulong na”


“Good!”


May natapos naman kaming dalawa ni Joan kahit paano kahit na puro na lang pangungulit at pagtatanong ang inabot ko sa kanya sa haba ng oras pero sa tuwing naiinis at napupuno ako sa kanya inuulit ko ding sabihin sa kanya na tatawagin ko ang mga pinsan ko para matahimik lang sya.


Bumalik kami sa aming susunod na klase ngunit gaya ng dati patago at dahan dahan lang ang aming mga kilos para hindi mahalata hindi na rin namin natanaw ang grupo nila Julius marahil na una na sila para sa susunod na klase.


“Teka kanino ba ang susunod na klase?” napaisip ako agad dahil hindi naman basta nagmamadali si Julius kung hindi si


“MS. DULCE!!!” sabay na sigaw pa namin ni Joan


“Bilisan mo Yumi alam mo naman ang nangyayari sa mga estudyanteng nahuhuli sa klase nya!”


“Oo alam ko yun hindi mo nakailangan banggitin”


Takbo habol sa hininga lundag hakbang hanggang tumulo ang unang patak ng pawis mula sa aming mga balat. Di na namin inalintala ang sasabihin ng ibang tao dahil sa bilis naming tumakbo pero talagang hindi pa ubos ang aming swerte at naabutan pa naming papasok ng silid si Ms. Dulce kaya agad kaming humanay sa kanyang likuran.


Kinapa ko ang aking panyo sa aking bulsa sa aking bag pero wala akong nakita wala akong nakapa isa lang ang tumakbo sa isip ko naiwan ko sa coffee shop ang aking panyo.


“Sa susunod ako lang ang huling papasok ng silid walang mga langaw na aaligid sa likuran ko dahil kung hindi kayo mismo ang magpapagawa pintuan para sa sarili nyo…. Hahayaan kong puro pintuan ang na lang ang silid na ito di baling walang bintana kanya kanya naman ng PINTO! Entiendes!”


Akala ko kaming dalawa lang ni Joan ang late at ang kanyang sinasabihan ng lingunin ko ang hilera namin ni Joan


“Pila ng Lotto! Ako pa ang unang tataya!”


“Take your seats NOW!” Parang binugaw ng patpat ang pila ng estudyante at lahat napunta sa mga upuan.


“Today we going to study music genre what is music genre? categorical and typological construct that identifies musical sounds as belonging to a particular category and type of music that can be distinguished from other types of music.”


“In order words identity… You as a singer must have an identity why?” nagumpisa na ang paglalakad ni Ms. Dulce sa loob ng klase.


“Yes, Julius why do need to have an identity?”


“Ma’am para makilala parang pangalan… para malaman ang pangalan kung isang babae o isang lalake?”


“Good explanation ang iyong pagkakakilanlan o identity ay ang iyong pangalan ganon din sa musika maaring mapabilang ang isang musika sa isang melo-dramatic, operetta, ballroom, religious, military, regional and national music”


“Yan ay iilan lamang sa mga music genre o category kung saan maaring mapabilang ang isang musika pero… pero alam nyo bang maari din makaapekto ang uri ng instrumentong ginagamit ng isang musika sa kanyang pagkakakilanlan?”


“Halimbawa… ang pangalan ay Joey pambabae o panlalake? Joan?”


“Panlalake po Ms. Dulce”


“Tama dahil alam mong ang pangalang Joey ay maari lamang sa isang lalake pero sa panahon ngayon maari na ring gamitin ang Joey bilang pangalan ng isang babae sa musika ganyan din pag nakarinig ka ng isang musika na ginamitan ng electric guitar maaring pop o alternative ang musikang ito pero kung palitan kaya natin ang electric guitar ng isang normal na guitar isang beat box ito ay matatawag na…? Yes Yumi?”


“Acoustic po Ms. Dulce”


“Tama nang dahil sa mga instrumentong ginamit sa isang musika naiba ang pagkakakilanlan nito naintindihan nyo ba? Pero mas maganda kung actual na makikita ng ating mga mata at maririnig ng ating mga tenga”


Eto na kabado na ang lahat kung anong sasabihin ni Ms. Dulce.


“Bukas gusto kong pumili kayo ng isang awit pagkatapos ibahin nito ang kanyang identity o pagkakakilanlan sa pamamagitan ng paggamit ng instrument at sa auditorium tayo bukas walang mahuhuli at walang LANGAW na susunod sa likuran ko dahil hindi ako KALABAW!”


Muntik na akong humagalpak sa tawa sa sinabi ni Ms. Dulce buti na lang at napigilan ko ang aking pagtawa pero dahil kampante akong kapareha ko ang aking mga kaklase nagulat ako ng bigla niyang iniba ang mga alituntunin.


“Magmumula sa ibang section ang magiging kapareha nyo ibig sabihin magtutulungan kayo para mabuo ang isang magandang idea kaya magmumula ang inyong kapareha sa Bachelor of Music”


“Patay, Sina Tofie!”


“Ayumi Santos ang iyong kapareha ay si Christopher Alcaraz”


“Crizzy Santos ang iyong kapareha ay si Ronald Ciudad”


At hanggang sa matapos ang mabanggit ang lahat ng nasa listahan


“Inaasahan ko ang magandang idea mula sa inyong mga kapareha at sa inyo na rin gawin nyo itong kapakipakinabang na oras para puntahan ang inyo mga kapareha upang pagusapan ang inyong mga idea at gagawin Class Dismissed”


“Ang swerte mo sa kapareha mo si Christopher ang balita ko magaling yang mangaawit at kompositor pero di ko lang sure kung magkakasundo kayo”


“Tofie….”


“Oo Tofie nga ang nickname nya teka magkakilala na kayo?”


“Medyo sya kasi ang nagtuturo sakin pagdating sa music lessons”


“Kaya pala nagtake ka ng mga subjects na ito ang layo kaya ng course mo pero nagtake ka ng extra subjects sa music ikaw na ang matibay oh sya good luck na lang hahanapin ko pa ang kapareha ko ni hindi yata existing ang pangalan na ito sa campus”


“Sino ba yang kapareha mo?”


“Eunice Estrada? Kilala ko din yan best friend ata ni Tofie yan”


“Ikaw na Ms. Congeniality halika ka na nga tulungan mo akong hanapin kapareha ko”


“Hindi mo na kailangan dumungaw ka sa labas ng gusali makikita mo sa ibaba yung nagiisang babae na nasa ilalim ng puno ng acacia na nagsusulat sya si Eunice”


“Paano mo nalaman na si Eunice yun?”


“Nakita ko kanina ng tumatakbo tayo papasok ng silid”


“Sige iiwan na kita dito ayaw ko matawag na langaw sa susunod”


“Okay ingat”


“Hanapin mo na rin si Tofie….” Sigaw niya habang papalayo sa aking kinauupuan


Di na rin ako nagaksaya ng oras tumayo na rin ako at inayos ko ang mg gamit ko pagkatapos ay tumungo na ako ng auditorium. Oras na ng ensayo naming dalawa ni Tofie at isa pa dapat maumpisahan na namin ang gagawin project namin.


Gaya ng dati ako pa rin ang kulelat sa usapan nauuna pa ring dumating si Tofie sa auditorium hindi ko man lamang sya maunahan kahit isang minuto ang aga ko nang dumating sa oras na pinagusapan namin.


“Aga mo yata Yumi 5 minutes ka ngayong advance…”


“Wala ka bang klase?”


“Meron bakit?”


“Kasi ang aga mong dumating ni hindi man lang kita maunahan”


“Hahaha nakikipagunahan ka pala sakin at hindi ko alam”


“Hindi naman gusto ko lang…. gusto ko lang mauna yun lang”


“Okay sinabi mo… may sasabihin ka?”


“Ha?”


“Alam ko may sasabihin ka kaya ikaw na ang unang magsabi para naman ikaw ang first okay ba?”


“Okay sige… project Ms. Dulce partners”


“Saglit hinay-hinay lang… wag putol-putol buo dapat ang meaning okay hinga muna ng malalim”


“May project tayo kay Ms. Dulce music genre at tayong dalawa ang magkapartner”


“Ah okay yun ba alam ko na yan”


“Alam mo nap ala bakit pinahirapan mo pa akong magsalita sayo”


“Akala ko kasi may sasabihin ka eh… akala ko lang naman”


“So dahil alam mo naman ang sasabihin siguro may naisip ka ng pwede nating gawin para bukas?”


“Sa totoo lang nagiisip ako ano ang pwede nating gawin para sa ganyang pagsasanay maraming idea maraming awit yung naiisip ko kaya lang makakaya kaya natin sa kakaunting oras?”


“Bakit naman hindi magaling ka naman”


“Ako kaya ko ikaw kaya kaya mo kayang gawin at pagaralan?”


“Susubukan ko yung makakaya ko”


“Sinabi mo yan ha teka…” kinuha ni Tofie ang kanyang bag pagkatapos kinapa ang isang kwaderno


“Oh heto..”


“Ano naman eto”


“Piyesa…”


“Piyesa ng?”


“Piyesa ng isang awit na gagawin natin”


“Pero hindi pa ako masyadong magaling pagdating sa pagbabasa ng ganito”


“Kaya nga tuturuan kita di ba partners?”


“Okay…”


“Let’s start”


At sabay naming inaral ang piyesa na naisip ni Tofie habang tinitipa niya ang mababang octave ng piano ako naman sa mataas unti-unti naming inilalagay sa tono ang bawat tiklado kasama nito ang tamang boses kung kailangang itaas o hindi kung kailangang ibaba o kailangan bang flat lang…


Maraming beses din kaming paulit-ulit sa isang bahagi ng kanta kung saan biglang bibilis at biglang bibitiw may bahagi ng isang kanta na dapat sabay kami sa pagbitaw sa tiklado para maiwan sa hangin ang nagiisang tono at biglang susundan ng aming boses may bahagi din na solo ni Tofie pero tingin ko mas malamang ang solo ko dahil sa magaling sya sa instrumento kaya ibinigay niya ang karamihan sa pagawit sa akin.


Nakukuha lang namin magbreak kapag parehas kaming nauuhaw pero si Tofie ang bumibili ng maiinom tatanungin nya lang ako kung ano ang gusto ko. At pagbalik presto gaya ng kinain sa coffee shop ensaymada na naman di ba ang sweet nakakaumay na ensaymada?


Natapos namin ng maayos ang pageensayo ng medyo huli na sa oras kaya nagpasya si Tofie na sabayan akong maglakad hanggang sa sakayan kahit na iisang direksyon lang ang aming uuwian.


“Alam mo Tofie habang tumatagal lalo akong bumibilib sayo, ang galing mo talaga sa piano”


“Hindi naman tama lang atsaka ikaw din naman ang ganda kaya ng boses mo, sana lang magawa natin ng maayos ang performance para bukas”


“Sana nga at sana hindi ako mawala sa tono kasi halos ang buong kanta ay ibinigay mo sakin”


“Kahit ano pang sabihin mo mas bagay kasi sayo ang ganun”


“Oo na hindi na nga ako sumalunghat sayo PROF!”


“Hahahaha… teka lang ha antayin mo ko dito please?”


“Ha?! Bakit saan ka pupunta?”


“Basta antayin mo ko dito mangako ka!”

“Okay pero bilisan mo lang ha?”

“Oo saglit lang basta dyan ka lang”


Umalis si Tofie at ako naman naiwang naghahantay sa kanya pero di pa naman nakakaisang minuto buhat ng umalis si Tofie bigla naman tinawag ang pangalan ko.


“Yumi!”


“Julius, ikaw pala yan”


“Ako nga bakit ka nagiisa atsaka sino kasama mo?”


“Ha? Ano kasi may hinahantay kasi ako”


“Sino naman naku delikado dito”


“Ano naman yang dala mo?”


“Ah eto ba para sayo sana dadalawin kita sa inyo pero since nakita kita dito ibibigay ko na”


“Uy thank you sa flowers ang dami at ang ganda ha”


Maya-maya’y bumalik si Tofie at nakitang kausap ko si Julius…


“Ang tagal mo naman Tofie”


“Sya ba ang kasama mo Yumi? Bakit mo naman pinaghantay si Yumi sa ganitong klaseng lugar napaka careless mo alam mo namang delikado dito… Ihahatid ko na sya”


“Pero Julius si…”


“Sige na Yumi gabi na maganda na yung may maghahatid sayo papauwi isa pa mas mapapabilis ang lakad mo kasi may sasakyan sya”


“Bakit ayaw mo dito lumapit samin Tofie”


“Okay lang sige na una na kayo ako na bahala sa sarili ko”


“Narinig mo sya Yumi tara na!”


“Sigurado ka ba talaga Tofie parang may dala ka?”


“Wala kinuha ko lang yung gamit ko… sige na”


“Okay lang…”


Sumakay sa sasakyan si Julius kasama si Yumi at tuluyang naglaho mula sa aking mga paningin. Hindi ko na nakuhang iabot sa kanya ang binili kong bulaklak sabagay sino nga naman ang tatanggap sa isang bulaklak na nakalagay pa sa isang maliit na paso keysa sa labing dalawang rosas na pulang-pulang. Tiyak akong mahihirapan dahil kung titignan sa estado ng buhay wala akong binatbat kay Julius.


Pagdating ko naman sa bahay ibinaba ko lang sa lamesa ang bulaklak sa nasisinagan ng maliit na bumbilya. Marahil tulog na si Nanay kaya tahimik na ang bahay gaya ng dati nagpalit lang ako ng damit pagkatapos ay kumain ng hapunan. Bigla na lang bumukas ang pinto.


“Nay, gabi na san ka galing akala ko natutulog ka na?”


“Nagkakwentuhan lang kami ng Ninang mo sa kanila nagkita kasi kami tapos niyaya nya ako sa kanila ayun kinakamusta ka kung anung lagay ng pagaaral mo?”


“Ano naman po sinabi nyo?”


“Ayun magaling at habulin ng babae”


“Shhzzz nambola na naman ang Nanay ko”


“Bakit totoo naman ha aba ang ganda naman ng bulaklak na ito para kanino naman ito?”


“Binili po”


“Binili? Para kanino?”


“Para sa inyo yata?”


“Bakit may yata…. Hmmmm hindi para sakin to para to kay Yumi? Tama Yumi ang pangalan nya?”


“Nanay…”


“Bakit hindi mo naibigay sa kanya to?”


“Hindi ko lang kaya yun lang…”


“Hindi ako naniniwala…”


“Bakit Nanay?”


“Kasi kilala kita kung gusto mong ibigay ibibigay mo alam ko na may pumigil sayo at sino naman yan?”


“Bakit po dami nyong alam Nanay?”


“Natural dahil anak kita kaya bukas gusto ko nasa kanya na ito at wag mong iiwan dito sa bahay ang ganda pa naman ng bulaklak na ito teka nga diligan ko ng konti para hindi malanta pero anak alam mo ang sweet mo bulaklak na kasama ang paso! Hahahahaha”


“Sinabi ko na nga ba may papansinin ka na naman eh”


“Bakit ang cute naman ah flowers kasama ang paso hahahaha…”


“Matutulog na lang nga ako Nanay aasarin mo lang ako buong gabi eh”


“Mabuti pa nga”


Isang mahabang gabi ang aking nadatnan mahabang gabi na tila ang takbo ng oras ay kasing haba ng isang buong taon, marahil dahil naisip kong muli ang mga pagkakamali na sana hindi ko iniwang magisa si Yumi na sana kung di ko na binili ang bulaklak di sana kasama ko sya paguwi, na sana naihatid ko sya hanggang sa kanilang bahay. Sa pagiisip ng mga sanang nangyari nakatulog din ako ng hindi naasahan.


Narinig ko na lang ang alarm ng cellphone ko hudyat para magsimula nang magayos para sa pagpasok sa klase. Naligo kumain ng almusal kinuha ko ang ilang librong kakailanganin ko para sa mga subjects ko sa araw na ito, nagawa ko ding tignan at siguraduhing nasa bag ko ang piyesa na kailangan para sa pagsasanay namin ni Yumi kay Ms. Dulce.


“Nanay pasok na po ako?”


“Ok teka… teka lang yung paso… este yung bulaklak para kay Yumi”


Inilabas pala ng Nana yang bulalak para masinagan ng bukangliwayway…


“Di ba maganda?”


Ang kulay asul nitong mga talulot ay nagiba ng kulay mula sa malamlam nitong kulay ay mas lalong tumingkad ang aninong mga pakpak ng paru-paro na nakatupi ngayon ay nakabukadkad hadang lumipad ang ganda ang sarap pagmasdan.


“Siguraduhin mong maibibigay mo yank ay Yumi ha?”


“Opo”


“Tapos ikwento mo sakin ang mga pangyayari paguwi mo”


“Nanay….!”


“Ah basta ikwento mo kinikilig ako!”


“Hindi obvious Nanay hindi obvious”


“Magiingat ka anak galingan mo AJA!”


“Nyek!~”


Nakarating ako sa unibersidad at tumapak sa mismong gate nito nang biglang harangin ng security guard.


“Saan mo dadalhin ang halaman na may paso?”


“Tree planting… obvious?”


“Tree planting? Eh bulaklak yan”


“Kaya nga pinapalaki sa mas malawak na lupa at hindi sa paso diba?”


“Sya sige… sige ipasok mo na yan”


“Ayaw nyo yata sasabihin ko na lang sa prof namin hinarang nyo yung science project ko”


“Kaya nga pinapayagan ka na ipasok sa loob di ba lakad na”


Minsan nagtataka ako sa mga security guard dito may pagka OA sa kilos kapag simpleng bagay todo ang tanong kapag kakaibang bagay naman hindi na nila magawang magtanong ng kung anu-ano. Pero bakit ko kailangan sirain ang araw ko sa ganitong uri ng simula kaya patuloy akong naglakad papunta sa unang klase ko.


Inilapag ko ang bulaklak sa may bintana para maarawan, tinubigan panandalian pagkatapos ay hinayaan ko na muli ang bulaklak sa kanyang kinalalagyan. Nagumpisa na ang klase ngunit patuloy pa rin ang pagsulyap ko ukol sa kanyang kalagayan.


“Ang ganda naman ng mga bulaklak nya”


“Uy, Eunice ikaw pala”


“Para kay Yumi?”


“Ha? Paano mo nalaman?”


“Nakasulat sa card”


“Card?” sabay silip sa sinasabing card ni Eunice.


“Nanay talaga!”


“Aba botong boto si Tita kay Yumi tila magandang senyales yan kaya kung ako sayo kumilos ka na Tofie”


“Naku Eunice parang mas gusto pa ni Nanay si Yumi kesa sakin”


“Hindi naman siguro nakita lang ni Tita yung magandang katangian ni Yumi para sayo”


“Hindi ko rin alam…”


“Sya mamaya na lang natin pagusapan yan oras na para sa pagsasanay ni Ms. Dulce dalian natin ayaw kong matawag na langaw”


“Mabuti pa nga!”


“Wag mo kalilimutan ang halaman hindi pala bulaklak”


“Eunice….”


Ngayong araw na ito dalawang magkaibang kurso ang pinagsama dalawang magkaibang katangian ang pagsasamahin para sa isang pagsasanay na magbibigay daan para lalong magkakilanlan ang magkaibang mundo. Walang late puno ang auditorium hindi maingay lahat ay panay ang sulyap sa pintuan habang patuloy sa pageensayo ang iba nagsasaulo ng mga linya ang iba naman ay kinakalabit ang mga kwerdas ng guitara.


Hindi naglaon dumating si Ms. Dulce at ang simoy nang hangin ay nagbago unang tinawag ang magkaparehang sina Joan at Eunice. Excited ako dahil makikita at mapapakinggan ko ang kanilang ginawang pagsasanay. Pigil ang hininga ng lahat ng manunood ramdam ko din ang kaba sa dibdib ni Joan dahil patuloy ang pagpupunas niya sa kanyang pawis na tila hindi nauubos samantalang nanginginig naman ang kamay ni Eunice sa hawak nitong violin.


Sumenyas na lang ako kay Eunice ng nasa itaas na sila ng entablado para sabihing “kaya mo yan”…

“Kung handa na kayong dalawa maari nyo nang umpisahan”

You are not alone

I am here with you
Though we're far apart
You're always in my heart
You are not alone

All alone

Why, oh

Just the other night

I thought I heard you cry
Asking me to come
And hold you in my arms
I can hear your prayers
Your burdens I will bear
But first I need your hand
So forever can begin

May itinatagong boses pala si Joan kahit ako napamangha sa ginawa niyang pagawit pero hindi pa natapos ang mga supresa habang tumutugtog ng violin si Eunice bigla isinaliw niya ang awit na Ave Maria at talagang tumindig ang balahibo ko dahil bukod sa tumutugtog si Eunice isinabay niya ang pagawit.


Whisper three words and I'll come runnin'

And girl you know that I'll be there
I'll be there

You are not alone

I am here with you
Though you're far away
I am here to stay
You are not alone
I am here with you
Though we're far apart
You're always in my heart

“Bravo! Magnifico!”


At sabay sabay na pumalakpak ang lahat ng estudyanteng nasa loob ng auditorium


“Isang musikang gawa sa dalawang magkaibang kategorya at pinagsama para gumawa ng isang pagkakakilanlan… magaling magaling sunod Ayumi Santos at Christopher Alcaraz”


Pero hindi pa pwede dahil wala si Yumi hindi ko sya nakikita sa paligid. Lumingon ako sa lahat ng dako ng mga estudyante pero bigo akong makita sya.


“Ayumi Santos at Christopher Alcaraz”


“Ms. Dulce ipagpaumanhin po ninyo wala po si Yu…”


“Ikaw na lang ang hinahantay nya sa entablado Mr. Alcaraz”

Nakita ko na lang si Yumi sa itaas ng entablado. Wala akong mapaglagyan ng bulaklak na dala ko kaya inilagay ko na lang ito sa upuan at nagmadaling umakyat ng entablado. Ang akala kong susundan ng tingin ni Yumi ay ako pero napatitig sya sa bulaklak na naiwan sa upuan.

“Tofie… flowers?”


“Mamaya ko na ipapaliwanag pwede po?”


“Handa na kayo?”


“Yes, Ms. Dulce” sabay naming sagot


Umupo ako sa tapat ng piano at si Yumi naman ay tumayo sa tabi ng instrumento, isang ngiti ang kanyang isinulyap niya sakin hudyat n gaming paguumpisa. Inisa-isa ko nang kinalabit ng bawat tiklado.


You got a fast car

I want a ticket to anywhere
Maybe we make a deal
Maybe together we can get somewhere

Anyplace is better

Starting from zero got nothing to lose
Maybe we'll make something
But me myself I got nothing to prove

You got a fast car

And I got a plan to get us out of here
I been working at the convenience store
Managed to save just a little bit of money
We won't have to drive too far
Just 'cross the border and into the city
You and I can both get jobs
And finally see what it means to be living

Binitawan ko ang tiklado para ako naman ang sunod na umawit para sa aking bahagi.


You see my old man's got a problem

He live with the bottle that's the way it is
He says his body's too old for working
I say his body's too young to look like his
My mama went off and left him
She wanted more from life than he could give
I said somebody's got to take care of him
So I quit school and that's what I did

You got a fast car

But is it fast enough so we can fly away
We gotta make a decision
We leave tonight or live and die this way

I remember we were driving driving in your car

The speed so fast I felt like I was drunk
City lights lay out before us
And your arm felt nice wrapped 'round my shoulder

Muling ibinalik ang aking mga kamay sa tikladong naghihintay sa muling pagkabuhay at sabay kaming umawit sa bahaging ito…


And I had a feeling that I belonged

And I had a feeling I could be someone, be someone, be someone

Unti-unting dumilim ang paligid naiwang nakabukas ang spot light para saming dalawa tumingin kami kung sino ang may gawa yun pala si Eunice ang may pakana. Kanya kanyang record ng video ang lahat ng kapwa estudyante lahat nakatutok sa aming dalawa mga iilan na flash ng camera pero patuloy pa rin kami sa aming ginagawa.


You got a fast car

And we go cruising to entertain ourselves
You still ain't got a job
And I work in a market as a checkout girl
I know things will get better
You'll find work and I'll get promoted
We'll move out of the shelter
Buy a big house and live in the suburbs

Sa bahaging ito isang panibagong liwanag ang sumibol mula sa kinalalagyan ng bulaklak ang nakapikit na kumakantang si Yumi ay nagulat ng makita ito ng matutunan ng liwanag. Gumagalaw ang mga ito na parang mga paro-parung nagnanais na lumipad. Hindi naman nagalit si Ms. Dulce sa halip napangiti pa ito.


You got a fast car

But is it fast enough so you can fly away
You gotta make a decision
You leave tonight or live and die this way

Hanggang sa matapos ang aming pagkanta bumukas ang lahat ng ilaw para mapawi ang dilim mas ikinagulat ko ang pagtayo ng lahat ng estudyante at sabay sabay na pumalakpak sa aming ginawa.


“You have done well, Ayumi and Christopher one of the best performance…. Ang lamig ng iyong boses ang sarap pakinggan.”


“Salamat po Ms. Dulce”


“Maiwan ko muna kayo at tatawagin ko lang ang susunod para sa pagsasanay”


“Asan si Tofie?”


“Pasensya na nawala na naman ako kinuha ko lang kasi para sa iyo ang bulaklak na ito”


“Salamat Tofie pero mangako ka muna para hindi ako magalit?”


“Anong klaseng pangako?”


“Wag kang mawawala para tuloy pa rin ang pagngiti ko maari ba?”


“Sige pangako!”