Monday, December 27, 2010

Chapter 5: Music Notes of My Heart Continuation....

“Teka nga lang Eunice, bakit kami ang pinagdidiskitahan mo?”

“Hehehe, bakit nga ba? Siguro dahil napansin ko kanina kung paano mo tignan si Yumi habang suot niya ang damit na binili natin sa boutique”


“Yun lang…!”


“Hindi pa ako tapos, Tofie.. at lagi kang nauutal at di pamakali pag katabi mo at kasama natin si Yumi, ano ba talaga ang meron sayo Tofie?”


“Ikaw talaga nangiintriga ka pa”


“Kasi nahahalata ka at napaghahalataan ka talaga”


“Wah!, tumigil ka na” sabay tapal sa kanyang bibig pero patuloy pa rin ang pagsasalita ni Eunice kahit hindi na halos maintindihan ang sinasabi niya.


“Tofie, tama na tama na huy!” suway ni Yumi habang tuloy pa rin ang balyahan naming dalawa.


“Eto kasi maingay kung ano-anong sinasabi eh”


“Kasi talagang nagpapahalata hmmm ahmmm”


“Hindi ka talaga titigil ha”

“Tofie!” tumaas bigla ang boses ni Yumi

“Babae si Eunice hindi lalake na para balyahin mo at harutin mo sa public places gaya nito”


Dahan-dahan kong pinakawalan si Eunice at umupo sa tabi ni Yumi.


“Sorry na di ko po sadya”


“Ayan ayan, ayan ang sinasabi kong pangyayari kung bakit napaghahalataan ka”


“EUNICE!”


“Ay sorry po!”


“Bleh!”


“Hmpt!” simangot ni Eunice sa akin


“Kayong dalawa talaga parang aso’t pusa, minsan magkasundo minsan naman ang lalakas ng topak”


“Hehehehe, minsan lang naman kami magkaroon dalawa ng topak”


“Pero alam mo Yumi, kahit ganito kaming dalawa ni Tofie magkaibigan lang talaga kami at hanggang dun lang talaga ang relasyon na yon”


“Anung ibig mong sabihin, Eunice”


“Ang ibig kong sabihin kung magiging kayong dalawa ni Tofie magiging masaya ako dahil alam kong bagay kayong dalawa at isa pa palagay kayo sa isat isa”


“Pero paano mangyayari ang sinasabi mo Eunice eh hindi nga nanliligaw sakin si Tofie”


Bigla na lang tumayo si Tofie sa kanyang kinatatayuan at nagsalita nang marinig ang panig ni Yumi.


“Bakit magpapaligaw ka ba?”


“Bakit naman hindi!” sagot ni Yumi


“Yun naman pala eh, tapos ang usapan”


“Hep… hep… ano tong naririnig ko” mula sa likuran lumakad papunta sa aming kinatatayuan sina Amy, Crissy at Cheska


“Crissy, anong ginagawa nyo rito!?”


“Anong ginagawa naming dito or dapat kami ang magtanong nyan sa iyo, ano ang ginagawa mo dito at kasama ang mga ganitong klaseng tao”


“Ah nagkita lang kami sa dito sa mall wala kasi akong ginagawa sa bahay kaya I decided to buy clothes”


“Pero infairness bagay sayo ang damit mo pero dapat tinatanggal mo pa rin ang price tag”


“Hahaha excited lang alam mo na” pero kitang kita ko ang mga butil ng pawis mula sa mukha ni Yumi.


“Hmmm, to tell you the truth Yumi, I don’t like you to mingle with the beings like them”


“Don’t be rude Crissy”


“I’m not rude I’m just telling the truth and alam mong prangka ako at ayaw ko sa lahat plastic”


“Yumi, siguro kailangan na naming umalis ni Tofie nasamahan ka na namin bumili ng kailangan mo ayaw ko rin kasing mag-amoy malangsa”


“Watch your words girl you might end up eating those words”


“Hindi ako natatakot, Tofie lets go!”


Tumayo na lang si Tofie mula sa upuan at sumama sa paglalakad ni Eunice papalayo kay Yumi, subalit sinubukan niyang pigilan si Yumi.


“Eunice I’m sorry”


“Yumi, don’t be sorry wala kang ginagawang masama its just that I need fresh air maraming polutions nagkalat kahit dito sa mall”


“Tofie, I’m sorry too”


“Gaya nga ng sabi ni Eunice wala kang dapat ipagsorry usap na lang tayo sa text okay”


“Sige I’ll text you later again I’m sorry”


Hinawakan ko lang ang kamay ni Yumi at ngumiti sa kanya pagkatapos umakbay ako kay Eunice habang papalayo sa kinatatayuan ni Yumi.


“Okay na sana ang lahat kung di lang dumating ang tatlong asungot”


“Hayaan mo na okay lang naman yun”


“Tse! Ang bagal mo kasi ayan tuloy nauunahan tuloy ikaw sa dapat na para sa iyo buti na lang di nila kasama si Julius kung hindi sigurado ako may sapakang mangyayari”


“Hahaha wag ka mag-alala ready naman ako sa bakbakan”


“Owsss?!”


“Oo ako pa!”


“Sigurado ka?!”


“Oo nga”


“Sige ayan si Julius mag-ready ka na!” sabay tago ni Tofie sa likuran ni Eunice

“O akala ko ba ready ka?!”

“Pasaway ka talaga, kanina ready ako pero hindi ngayon na nakaakbay pa ako sayo”


“Ayunnnn… palusot ka pa takot naman pala pero seryoso tayo talaga bang masama tama mo kay Yumi?”


“Hmm, Oo may pagtingin ako kay Yumi pero pinipigilan ko”


“Bakit mo naman pinipigilan ang sarili mo?”


“Takot akong makasakit at masaktan”


“Hala! Part ng lovelife yan paano ka matututo kung di ka masasaktan? Paano ka titibay kung di ka luluha”


“Malalim masyado Eunice di ko ma-arok ang iyong tinuran”


“Baliw umandar na naman ang pagiging makata mo lahat yan maiintindihan at malalaman mo sa tamang panahon sa panahong di mo kailangan sabihin ang lahat sa pamamagitan ng isang salita kung di sa pamamagitan ng puso”


“Thank you Eunice”


“Thank you ka dyan kumilos ka bago mahuli ang lahat!”

Monday, December 20, 2010

Chapter 5: Music Notes of My Heart Continuation....

Ang bawat segundo parang buwan ang bawat oras parang taon na nagdaan sa aming dalawa mas lalo kong naramdaman ang bawat sandali ng hinawakan ni Yumi ang aking kamay tila napalagay ako sa ginawa niya di ako nagalinlangan sa mga pangyayari.

“Hindi pa rin ba mabuksan yan?!” patuloy pa rin ang pagdadabog sa labas ng dressing room kaya pinigilan ko ang pagpilit na pagbukas ng pinto sa pamamagitan ng aking kamay at itinulak palabas pinaling ko ang mga mata ko sa pinto.


“Miss may tao po pala”


“Ano ba yan ngayon lang kung kailan malapit ko ng ipagiba ang pinto nay an hmpt!”


“Miss if you want you can use the other dressing room?”


“Do I have a choice? Sige na ituro mo na”


Nang maramdaman kong wala na ang babaeng nagnanais makapasok sa loob ng dressing room agad ako bumaling ng tingin kay Yumi, nakatitig pa rin siya sa akin walang kakurap-kurap walang kaimik-imik.


“Yumi, okay ka lang ba?”


“Bakit, Tofie?”


“Anung bakit?!”


“Bakit mo ako hinalikan?”


“Ha?!” kung kanina takot akong makita ng babaeng pinagtataguan namin mas takot akong sagutin ng totoo ang bawat tanong ni Yumi kaya inilayo ko muli ang paningin ko at sumilip sa siwang ng pinto.


“Wala yun ginawa ko lang yun kasi… kasi…. Kasi baka sumigaw ka at marinig tayo”


Kaya lang may gusto marinig si Yumi bukod sa paliwanag at mga sinabi ko muli syang nagsalita na syang kinagulat ko ng husto.


“Halikan mo ako ulit… tapos sabihin mo walang pakiramdam ang halik mo sakin”


Para akong bato ng mga oras na yun di ko alam kung anung gagawin nawalan ako ng boses, napaos at nanuyo ang aking lalamunan.


“Ano pang hinihintay mo Tofie, halikan mo ako pagkatapos sabihin mo sa akin kung wala kang naramdaman sa mga nangyari”


“Yumi, ano ba talaga ang gusto mong malaman”


“Gustong malaman? Gusto kong malaman kung ano ako sa iyo at bakit mo ginawa yun”


Tok! tok!


“Tofie, Yumi labas na kayo dyan bilisan nyo bago pa tayo mahuli dito”


Si Eunice tinatawag kami mula sa labas ng dressing room, minarapat kong buksan agad ang pinto ngunit dahan-dahan upang hindi mapansin. Hinawakan ko ang kamay ni Yumi at lumabas ng pinto.


“Tofie, teka lang paano ang suot kong damit”


“Oo nga pala kailangan bayaran pa natin yan”


“Wag na kayong magalala bayad na yan”


“Hala!?”


“Oo bayad ko na yan kaya wag nyo na problemahin”


“Pero Eunice…”


“Sus saka na ang paliwanagan gusto nyo bang mahuli tayo dito o hindi?”


“Sige basta babayaran ko sayo yan Eunice”


“Sya okay lang basta lakad na tayo dali…”


Para kaming mga preso na tumatakas sa mga security guard ng bilangguan ang nagsilbing mga damo at dahon na pagkukublian namin ay ang mga damit na nakadisplay at nakahang sa loob ng tindahan.


At nang makalabas ng tindahan…


“Food Court!”


“Bakit doon mo naman naisip Tofie”


“Hindi ba kayo nagutom sa ginawa nating pagtakas?”


“Sabagay tama ka dyan nakakagutom tara kain tayo”


“Ako na lang sasagot”

Humanap kami ng lamesa na hindi pansinin ng mga tao pagkatapos ay inilibot ko ang aking mga mata kung saan makakahanap ng mura at masarap na pagkain.

“Rice Surprise o Steak House?”


“Steak House!” sagot ni Eunice


“Ganun na rin sakin”


“Okay deal, Coke or Ice Tea”


“Ice Tea….”


“Same here!” sagot ni Yumi


Kaya lumayo ako at umorder ng makakain para sa aming tatlo habang naorder ako di ko rin maiwasang ilibot ang aking paningin nagbabakasakali na kung makita ko sila agad, agad ko rin masasabihan ang dalawa. Ngunit iba ang pumapasok sa aking ulirat ang alaala naming dalawa ni Yumi ng magkasama kami sa loob ng dressing room.


“Sir 345 pesos po! Sir?! Sir?!”


“Po?!”


“Sir ang bill nyo po 345 pesos”


“Pasensya na po”


“May iniisip po ba kayo?!”


“Wala naman po bakit nyo naman po naitanong?” pagtataka ko sa kahera ng tindahan


“Kasi nakangiti po kayo habang nakatingin sa mga orders nyo, baka po gutom na gutom na kayo!”


“Hala!!”


“Biro lang po Sir!”


“Ah, joke lang pala ikaw kaya kainin ko joke pa rin kaya?!”


“Nyek!”


Binuhat ko ang tray kung saan nakalagay ang order ko at dinala sa table kung saan nakaupo sina Eunice at Yumi. Tumabi ako kay Eunice ngunit tinabik nya ako sa pamamagitan ng kanyang siko.


“Huy! Dun ka na sa tabi ni Yumi”


“Bakit naman!”


“Wag ka na sumagot basta dun ka tumabi!”


“Sige na nga!”

“Pasensya ka na Yumi kay Tofie pasaway lang talaga yan”

“Okay lang sanay na ako”


Pero kitang kita ko sa mga mata ni Yumi ang mga tanong na nangangailangan ng sagot di ko lang alam paano muling maitatanong niya sakin at ano ang isasagot ko.


Dahan-dahan akong umupo sa kanyang tabi samantalang inumpisahan naman ni Eunice ang pagkain sa mga order ko. Napansin kong nakalagay pa rin ang price tag ng damit na suot ni Yumi kaya kinuha ko at pilit na inalis sa pagkaka-kabit nito mula sa kanyang damit….


“Ano ka ba Tofie ano ba ang ginagawa mo itigil mo nga yan!”


“Kasi eto oh nakasabit pa rin sa damit mo”


“Ako na lang wag mo na galawin”


“Ako na kaya ko na yan”


“Eto na tinatanggal ko na nga eh”


“Ako na nga lang wag mo na galawin”


“Alam nyo bagay kayong dalawa sa isat isa”


At sabay kaming sumagot ng “Tumigil ka!?”

Tuesday, December 14, 2010

Chapter 5: Music Notes of My Heart Continuation...

“Paktay kang bata ka!” muling sagot ni Eunice, habang hila-hila nito ang mangas ng damit ko pero di ko sya pinansin sa kanyang ginagawa. Kaya muli kong hinila ang mangas ko sa pagkakahila ni Eunice.

“Paktay na talaga…. Tofie….” Sabay hila muli sa mangas ng damit ko, habang nakatitig pa rin ako kay Yumi sa kanyang napakagandang mukha at suot na damit….


“Paktay ka sakin pag hindi mo tinigilang hilahin ang damit ko… Ano ba!!”


“Ayun…” sabay turo ng nguso…


“ha?!” bahagya kong inilapit ang tenga ko para marinig ang sasabihin ni Eunice..


“Tofie, ayun oh… ayun!” kaya sinundan ko ang direksyon ng kanyang nguso at magmukat-mukat ko ang mga di ko inaasahang mga tao pa ang papunta mismo sa direksyon naming papasok mismo sa store kung saan kami nakatayo.


Nanlaki ang aking mata at bigla akong nataranta di ko alam kung anung gagawin ko. Di ko man lang alam saan sisiksik o saan kukubli. Nang mapansin kami ni Yumi na nagkakagulo agad itong naglumapit samin.


“Hoy, anu bang nang yayari sa inyong dalawa para kayong nakakakita ng multo”


“Multo nga Yumi o mas malala pa sa multo mga mangkukulam….”


“Ano daw?!”


“Tofie explain anu ba talaga nangyayari sa inyo” kaya hinawakan ko ang kamay ni Yumi at sabay kaming sumilip sa may salamin para makita kung sino ang papalapit…


“Ayun Yumi…”


“Paktay nga!”


“Alam nyo na ngang paktay tayo… ano pa ginagawa nyo dyan… tago na tayo….” Boses ni Eunice na takot na takot…


Tumakbo si Eunice sa sulok ng store malapit sa employee’s entrance para hindi mapansin. Samantalang kami ni Yumi hindi bumitaw sa pagkakahawak sa isat-isa. Yun nga lang di malaman kung saan sisiksik o saan tatago.


“Dito tayo, Yumi…”


“Hindi pwede dyan makikita tayo agad”


“Eh saan tayo magtatago malapit na talaga nila tayong makita…”


Habang naka-upo kami at naghahanap ng mapagtataguan hanggang sa pumasok na sila ng store ngunit di pa rin kami nakakahanp ng lugar kung saan magtatago.


“What exactly are we looking for?”


“Basta, I wanna see new trends para naman may maiba akong maisuot!”

“Actually we been here yesterday and till now hindi ka pa rin nakakapagdecide kung anung bibilhin mo!”

“Girls, pwede ba how can I choose if you can’t keep your mouth shut!”


Umiling lang dalawang babaeng kaninang nakikipagtalo sa nagiisang babaeng huling nagsalita at nagumpisa na sila maglibot sa tindahan.


“Tofie…” bulong ni Yumi


“Hmmm…”


“Ayun oh…” lumingon ako nakaturo ang kamay ni Yumi sa dressing room


“Galing mo talaga…”


Dahan dahan at maingat kaming humakbang ng nakayuko para hindi mapansin at nang marating namin ang dressing room. Marahan kong binuksan ang pinto at pinaunang pumasok si Yumi samantalang ako sumunod naman. Muli ko namang sinarado ang pinto at naghintay ng mga sumunod na pangyayari.


“Girl what do you thing about this…?”


“Ehmmm… ayaw ko ng kulay masyadong lost age…”


“Ha!? Maganda naman ah!”


“Wag mo akong tanungin kung ayaw mo ng opinion ko!”


“Okay! Sabi mo eh… Miss yung isang kulay patingin”


“At talagang gusto mo ang design nyan”


“Kulay lang ang ayaw mo kaya yun lang ang pinalitan ko!”


“Whatever!!”


“Wait lang girls fit ko lang kung okay sakin”


“Do whatever you please!!”


Naramdaman ko ang dahan-dahang pagyabag ng paa niya papalapit sa dressing room kung saan kami nagkukubli. Kaya naisipan kong sumilip sa siwang ng pintuan at nang makita kong tama ang hinala ko sinabihan ko si Yumi.


“Papalapit sya sa atin”


Ramdam ko ang kaba ni Yumi dahil hindi maipinta ang mukha niya ng mga oras na yun. Hinawakan ko ang kanyang kamay muli para makalma sya sa kung anumang nararamdaman nya. At nang makita naming hinawakan niya ang knob ng pinto ng dressing room, humigpit ang kapit ni Yumi sa aking mga kamay. Pati rin ako mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya. Parang mga batang paslit na takot paghiwalayin.


Parang di pa nakuntento sa ginawang paghila sa knob dahil nakasara mula sa loob ang pinto. Bigla na lang syang nagsalita.


“Bakit sarado ang dressing room na ito, alam naman nilang dito ako madalas gumamit para magfit ng damit, Miss bakit sarado ang dressing room na ito?”


Nagpapawis ang noo ko ng malamig magkahalong pakiramdam ang nasa katawan ko ngayon, di ko maipinta at di ko maunawaan.


“Hindi Maam bukas po yan”


“Anong bukas eh sarado nga ikaw kaya magbukas para malaman mo ang sarado sa bukas”


Napapikit na lang si Yumi sa mga sumunod na pangyayari at unti-unti gumalaw ang aking mga bisig para yakapin siya. Di ko alam bakit na lang nagkusang gumalaw ang aking mga bisig para yakapin sya.


I can feel the magic floating in the air
Being with you gets me that way
I watch the sunlight dance across your face and I've
Never been this swept away

All my thoughts just seem to settle on the breeze
When I'm lying wrapped up in your arms
The whole world just fades away
The only thing I hear
Is the beating of your heart


Tumigil ang oras yun ang pakiramdam ko nawala ang bawat boses at ingay na naririnig ko di ko napansin na may mga pader na nakapalibot sa aming dalawa. Ang sumunod na pangyayari na lang ang tanging nagsabi ng nararamdaman ko para kay Yumi.


'Cause I can feel you breathe
It's washing over me
Suddenly I'm melting into you
There's nothing left to prove
Baby all we need is just to be
Caught up in the touch
The slow and steady rush
Baby, isn't that the way that love's supposed to be
I can feel you breathe
Just breathe

In a way I know my heart is waking up
As all the walls come tumbling down
I'm closer than I've ever felt before
And I know
And you know
There's no need for words right now


Itinaas ko ang kanyang mukha at nakita ang mga pangamba sa kanyang mga mata hindi ako umusal ng kahit isang salita kahit isang wika hindi ko ginawa bagkus gusto kong maramdaman nya ang pagmamahal ko para sa kanya. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha at dumampi ang aking labi sa kanyang labi.


Caught up in the touch
The slow and steady rush
Baby, isn't that the way that love's supposed to be
I can feel you breathe
Just breathe

I can feel the magic floating in the air
Being with you gets me that way


Mga pangyayaring hindi kailangan ng paliwanag salita o kahit anumang pamamaraan. Na ang katumbas ng lahat ay isang halik lamang.

Wednesday, December 1, 2010

Chapter 5: Music Notes of My Heart Continuation....

“I’m here.. right here, Yumi” yan lang ang mga salitang binitawan ko habang naghahantay sa kanyang pansin. At dahan-dahan niyang inalis ang headset sa kanyang ulo at ibinalik sa estante.

“Uy Tofie, di ko napansin na nandyan ka may sinasabi ka ba sakin kanina kasi di ko narinig nakasuot kasi yung headset sakin”


“Ha!” paktay di ko naisip na di pala ako maririnig ni Yumi napalakas yata ang volume ng kanyang headset kaya di nya ako narinig


“Huy, narinig mo ba ako? Sabi ko may sinasabi ka ba sakin kanina kasi di ko narinig dahil naksuot yung headset sakin”


“Wala.. wala akong sinabi kinalabit lang kita sa braso kasi narinig lang kitang kumakanta tama narinig lang kitang kumakanta”


“Hmmm sigurado ka ba wala kang sinasabi? Baka mamaya sinisiraan mo ako”


“Hala, ako sisiraan kita yan ang di ko magagawa ikaw sisiraan ko talagang di pwede yan malabong mangyari talaga”


“Okay sige kung wala kang sinabi edi wala di kita pipilitin teka bakit andito ka?”


“Ako.. boring kasi sa bahay kaya naisipan kong mag gala alam mo na free time, walang klase, walang masyadong alalahanin”


“Ah ganun ba hmmmm… sino naman kasama mo?”


“Kasama ma?”


“Oo, kasama mo ngayon sino?”


“Actually ako lang magisa pero may nakita akong kakilala kanina sa bookstore nagpasama sya sakin kaya eto natangay ako dito sa music store”


“At sino naman kaya yang girl na yan napakalakas nya sayo para maisama ang isang Christopher Alcaraz sa kanyang lakad”


“Yumi talaga hindi naman”


“Hahaha eh sino nga nahihiya ka pa”


“Si Eunice sya yung nakakita sakin kanina sa bookstore at isinama ako dito”


“Si Eunice?! Uy nangangamoy date yan”


“Ano kamo date?”


“Hahaha joke lang di ka naman mabiro”


“Eh kasi iba naman kasi gusto kong makadate”


“At sino naman kaya ang pinopormahan ng isang Christopher Alcaraz?”


“Yo…..uuuuu want to watch movie?” sabay nguso sa posters ng mga palabas sa sinehan ng araw na yun


“Ha?! Hwag muna ngayon may hinahantay pa akong magandang movie for this year I need to reserve a ticket just to watch that movie”


“Ganun ba? Sige next time na nga lang”


“Teka asan na ba si Eunice san ba sya nagpunta?”


“Dyan lang yun sabi nya sakin babalikan nya ako dito sa pwesto ko”


“Uy, masunurin ka ngayon ha..”


Ang totoo lang ayaw kong umalis sa tabi mo Yumi…


“Ayan na pala si Eunice”


“Yumi, andito ka pala”


“Oo nakita ako ni Tofie”


“Naku wala namang ibang makikita yan kung di ikaw”


“Ha?!”


“Hahaha.. just ignore it”


“So saan na ang tungo nyo ngayon?” tanong ni Yumi


“Wala naman nag-gagala lang naman ako, di ko lang alam kay Tofie kung may lakad sya”


“Wala susunod na lang ako sa inyo kung saan kayo pupunta”


“Okay sige wala din naman akong lakad sasama na lang din ako sa inyo”


“Ayos!” sabay sigaw ko sa tuwa ng marinig ang pagpayag ni Yumi na sumama sa amin


“Ang weird mo” , “Plak!”


“Aray masakit yun ha!”


“Aangal ka pa dyan, pagpasensyahan mo na yan Yumi para na naman narecharge ng walang power cable na nakakabit”


“Sanay na ako dyan sa kanya maraming mood swings”


“Huy wala akong mood swings at di ako moody”


“Oo hindi nga baliw lang”


“Oi sobra na yang paninira mo, Eunice”


“Bakit may angal ka?”


“Wala naman sinasabi ko lang”


“Good, ano tara Yumi dress shopping tayo”


“Dress shopping!?”


“Oo dress shopping!”


“Pero wala akong pera…”


“Ah ganun ba edi…. Shopping pa rin”


“Paano nga wala akong pera”


“Hmmm window shopping… kailangan ba ng pera? Ano game?”


“Game tara na dali…”


“Hoy teka wag nyo naman akong iwan dito”


“Bilisan mo kasi ang kupad mo naman eh”


“Tignan mo tong mga to sinabihan pa akong makupad samantalang tumakbo papalayo, naku mga BABAE talaga!!!!”


“Sasama ka ba o hindi?” sigaw ni Eunice sakin kaya sumunod na ako agad ng tinawag nila ako.


Lahat yata ng mga boutique na madaanan namin pinasok namili ng damit at isa-isang sinukat ni Eunice.


“Bagay ba Yumi?”


“Oo bagay sayo tignan ang cute”


“Talaga thanks, kung may pera lang talaga ako nabili ko na sana”


“Kaya lang window shopping muna tayo okay ba tapos balikan na lang natin”


“Miss patingin po ng damit na nakasuot sa mannequin”


“Okay ka lang ba dyan Tofie?” pagtatanong ni Yumi sakin habang nakaupo ako sa sulok at nalilibot ang paningin sa buong tindahan


“Okay lang don’t worry about me just enjoy what you are doing”


Isang ngiti lang ang isinukli sakin ni Yumi at muling ibinaling ang tingin kay Eunice.


“O, yan din maganda Eunice”


“Maganda ba?”


“Yup maganda ang color at design nya”


“Sige nga isukat mo”


“Ano?!”


“Ang sabi ko isukat mo!”


“Pero bakit?!”


“Wag ka na magtanong ng magtanong basta isukat mo hala pasok sa fitting room” pagkatapos ay isinara niya ang pinto ng fitting room at lumapit sakin si Eunice.


“Tignan mo sya Tofie”


“Bakit naman”


“Isa ka pa ang daming tanong basta tignan mo paglabas nya”


“Kung anu-ano talaga naiisip mo Eunice, teka titingin muna ako sa banda dun baka may matipuhan akong damit”


“Okay sige”


Tumayo ako at tinahak ang damit para sa mga lalake nagugustuhan ko rin ang pagwiwindow shopping at magaganda din naman ang mga style ng mga damit dito at may kalidad. Muli ako sumilip sa kinauupuan ni Eunice ngunit di ko na sya makita itatanong ko sana sa kanya kung bagay sakin ang napili kong polo.


Kinuha ko sa hanger at binitbit papunta sa kanilang dalawa.


“Ah, Eunice tignan mo nga kung bagay sakin ang polong….” At nalaglag na lang ang hawak kong hanger kung saan nakalagay ang dala kong polo.


Oh her eyes, her eyes
Make the stars look like they're not shining
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying

She's so beautiful
And I tell her every day

Yeah I know, I know
When I compliment her
She wont believe me
And its so, its so
Sad to think she don't see what I see


“Maganda ba, Tofie?” tanong sakin ni Yumi


Hindi ako makapagsalita, hindi ako makagalaw ang hirap huminga para akong natutunaw na ice cream sa harap nya. Samantalang si Eunice patuloy ang pagbungis-ngis sa reaction ko ng makita ko si Yumi.


But every time she asks me do I look okay
I say

When I see your face
There's not a thing that I would change
Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile,
The whole world stops and stares for awhile
Cause girl you're amazing
Just the way you are


“Hoy, Tofie tinatanong ka ni Yumi bagay ba?”


“Hmmm… you really are amazing being the way you are”


“Paktay kang bata ka!” sagot ni Eunice…

Sunday, November 21, 2010

Chapter 5: Music Notes of My Heart

Tanging maririnig mo sa loob ng kwarto ay ang mga yabag at kalabog ng aparador. Di ko kasi alam kung ano ang pipiliin ko para isuot sa pagpunta ko sa mall, wala naman pasok ngayon at isa pa pinayagan naman ako ni Nanay kaya okay lang, kaya dapat maganda porma ko sa pagalis ko.

Napili kong isuot ang putting sneakers ko, faded maong pants at maroon shirt. Ilang beses na pumustura sa harap ng salamin kung bagay o maganda ba tignan ang napili kong damit. nagspray lang ako ng kaunting pabango na binigay sakin ni Nanay nung birthday ko, favorite ko talaga ang pabangong regalo ni Nanay sakin ang tagal mawala at kahit na nagbuong araw ko suot ang damit humahalimuyak pa rin ang amoy nito.


Naglagay lang ako ng kaunting wax at inayos ang buhok ko nang makitang ayos na ang lahat lumabas ako ng kwarto.


“Aba!” sumbulat ni Nanay


“Nay, naman wag ka mangulat ng ganyan”


“Eh paano naman bang di ako magugulat ang gwapo ng anak ko!”


“Hmmm… nambola na naman si Nanay”


“Naku hindi anak nagsasabi lang ako ng totoo ang gwapo mo naman talaga, kaya ***** lang ang babaeng manloloko at iiwan ka!”


“Nay, tigilan na yan di magandang pakinggan, normal lang na pustura to sa panahon ngayon”


“Eh ano naman kung normal para sakin ikaw ang pinaka-gwapo sa lahat ng lalake sa mundo”

“Naku.. Naku… ang hilig talagang mambola payakap nga…”

“Paano aalis na po ako Nay, para maaga ako makabalik”


“Ano ka ba enjoy mo ang free time mo okay lang ako dito kahit gabi ka na umuwi okay lang problema sakin basta magiingat ka?”


“Opo magiingat po ako byebye love you Nay”


Gaya ng dating gawi ko pagpapasok ng klase sumakay ako sa tricyle habang naghihintay ng pasahero naisipan kong buklatin ang cellphone ko. Unang bumungad sa inbox ko ang pangalan ni Yumi eto pa pala ang huling palitan namin ng mensahe mula ng mangyari ang insidente kay Julius at din a muling nasundan.


Maya-maya’y dumating ang ibang pasahero at tuluyang umandar ang tricyle papunta sa terminal ng jeep. Nagbayad lang ako sa driver ng tricyle at nang may makita akong dumaan na jeep agad naman akong sumakay matagal kasi kung sa terminal pa ako maghahantay kaya napili kong sumakay na lang sa mga dumadaan na jeep. Di pa man nakakalayo ako mula sa terminal inabot ko ang bayad ko sa driver.


“Ma bayad po, SM lang”


Sumunod ay iniabot naman nya sakin pabalik ang aking sukli na agad ko naman kinuha at inilagay sa bulsa. Pagkatapos ay narrating ko din ang pupuntahan ko pagbaba ng jeep pansin ko ang dami ng tao dahil na rin walang pasok ngayon at karamihan ng opisina ay half day lang pag sabado, bukod pa dyan nakita ko na sale pala ngayon tiempo talaga ang pagpunta ko. Pagpasok ko mismo sa loob una kong pinuntahan ang National Bookstore, tumingin ako ng bagong libro kung ano ang best seller ngayon na libro mahilig kasi din ako sa fictional and horror stories may kasabayan din akong ibang mga estudyante naguusap tungkol sa isang pocket book na nabasa nila.


“Friendship eto maganda nabasa mo na ba ito?”


“Ano naman yan friendship?”


“Magandang love story yan, tungkol yan sa isang babaeng mahilig magaral ng piano pero ang problema bulag sya”


“Para naman napakaimposible at malayo sa realidad ang story na yan”


“Hindi maganda talaga siya yung nga ang plot ng story pero pagnabasa mo magugulat ka sa kanya”


“Talaga?”


“Oo, yan muna basahin mo maganda yan, the best”


“Sabi mo yan ha, eto muna bibilhin ko”


Tuluyan silang umalis at tumungo sa counter para bayaran ang librong napili nila, ako naman sa paguusisa ko nakuha kong basahin ang synopsis ng libro at tila nakuha ng dalawa ang atensyon ko, habang binabasa ko ang libro parang malaki din ang kinalaman nito sa buhay ko dahil tungkol din sa musika kaya tiyak magugustuhan ko. Pero hindi ko binili ang libro sa halip humanap ako ng isang lugar kung saan maari kong basahin ang kwentong nakasulat sa pocketbook. Nagustuhan ko naman ang daloy ng kuwento at sa tuwing mapapagod sa pagkakaupo lagi akong nagiiba ng position sa pagupo para matapos ko ang libro. May mga part na napapangiti ako may part din na lulungkot ako tila ramdam ko din ang paghihirap ng isang umiibig lalo na kung may karibal ka.


Habang unti-unti kong ibinabalik sa pagkakasalan parang sumasagi sa isip ko na bilhin na lang ang libro para kung sakaling gusto kong basahin maari kong gawin. Pero habang nagiisip may kumalabit sa aking balikat kaya lumingon ako sa pinanggalingan ng kamay.


“Sino kasama mo ha?!”


“Uy, Eunice *** pala yan akala ko kung sino, ako lang magisa ikaw sino kasama mo?”


“Ako lang din dapat may lakad ako sa school diba kaya lang di natuloy kaya eto naggagala ako dito sa mall”


“Ah ganun ba?”


“Yep, teka ano ba yang tinitignan mo dyan?”


“Ah wala yun natingintingin lang ako dito sa mga libro”


“Wag ka na magkaila ayan o nakausli ang librong binasa mo”


“Hahahaha sige na caught in the act ako”


“Di ko alam nagbabasa ka rin pala ng mga pocketbooks”


“Hindi nakuha lang ang pansin ko kaya binasa ko”


“Oowsss!? Di nga?!”


“Ang kulit kailangan ba talaga magpaliwanag?”


“Sige na naniniwala na ako, sama ka? Sa music store titingin ako ng mga bagong music or albums na lumabas”


“Okay call!”


Lumabas kami ni Eunice ng bookstore hila-hila niya ang aking kamay na tila kinakaladkad ako papunta sa isang music store.


“Teka lang Eunice dahan-dahan”


“Ang bagal mo naman kasi kaya bilisan mo”


“Eh tapat lang naman ng bookstore ang music store atsaka maaga pa di naman yun magsasara”


“Basta bilisan mo gusto ko talaga dun baka mamaya maraming tao dun di ako makakasingit”


“Wag ka magalala Eunice masyadong malaki ang music store para mapuno kaya walang dahilan para di ka makasingit”

“Ah basta bilisan mo kasi”

“Eto na nga binibilisan na”


Nang makapasok kami sa loob ng music store….


“Pupunta lang ako dun sa mga bagong release na albums”


“Sige I’ll be right here sight seeing”


“Okay babalik ako agad”


“Sure take your time”


Di ko napansin ang sign kung saang category ng music store ako napunta, basta na lang ako lumapit sa estante at nagsimulang maghalungkat ng mga cd’s na nakadisplay. Pag ako ang napili ng mga songs binabasa kong maigi ang title ng song kung medyo kakaiba sa pandinig pinapakinggan ko kung medyo naman di suit sa taste ko di ko na pinagaaksayahan ng oras. Nang biglang may nabasa akong title ng kanta na talagang nagtaka ako at tila pati ako napatanong para sakin kaya yung kanta? Agad ko namang hinanap sa player ang title ng kanta ang isinuot ang headset sunod ang pagpindot sa play button.


There is someone out there for me
I know she is waiting so patiently can you tell me her name?
This life-long search is gonna drive me insane
How does she laugh? How does she cry? What's the color of her eyes?
Does she even realize I'm here?
Where is she? Where is she? Where is she? Where is this beautiful girl?
Who is she? Who is she? Who is gonna complete my world?
Where is she? Where is she? Where is this beautiful girl?
Who is she? Who is she? Who is gonna complete my world?


Ang sarap mangarap habang pinapakinggan ko ang mga bahagi ng kanta, umaasang sana may isang taong nakalaan para sakin pero di ko alam kung hanggang pangarap na lang ba ang kantang ito para sa akin. Parang naghahantay ako ng matagal na panahon para sa isang taong gaya ng nilalarawan sa kanta. Dahil nakasuot sakin ang headset at nakaharap sa isang salamin naisipan kong sabayan ang kanta habang isinasaulo ang bawat bahagi nito.


Nakapikit dinaramdam ang mga salita at inuusal ang bahagi ng kanta para akong gumagawa ng mtv sa harap ng salamin di ko nga alam kung napapalakas ang boses ko sa pagkanta ng kanta pero tuloy pa rin ako, ang gaan kasi sa pakiramdam parang nailalabas ang mga nakikimkim mong sama ng loob.


I'm staring out at the sky
Praying that he will walk in my life
Where is the man of my dreams?
I'll wait forever, how silly it seems
How does he laugh? How does he cry? What's the color of his eyes?
Does he even realize I'm here?
Where is he? Where is he? Where is he? Where is this beautiful guy?
Who is he? Who is he? Who is gonna take me so high?
Where is he? Where is he? Where is this beautiful guy?
Who is he? Who is he? Who is gonna take me so high?


Dumating sa part na dapat boses ng babae ang kakanta pero tila may sumaliw sa part na ito, boses babae bigla ko na lang narinig sa headset ko kahit malakas ang volume kaya pinihit ko ang controls at unti-unting hininaan ang volume at di nga ako nagkamali isang boses ng babae ang narinig ko at di galing sa headset ko.


Takot pero unti-unti kong sinilip ang kabilang dako ng salamin malaman ko lang sino ang babaeng kumakanta. Si Yumi, nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses nya at higit sa lahat iisa pang kanta ang sabay naming napili. Tadhana ba ito o pinaglalaruan lang kami ng panahon at oras na dito kami magtagpo o magkita. Dahan-dahan akong bumalik at isinuot ang headset itinuloy ang pagkanta.


There is someone out there for me
I know she is waiting so patiently
Can you tell me her name?
This life-long search is gonna drive me insane


Tila mas lalo akong gina-nahan kumanta pero ngayon hininaan ko ang volume ko at pinakinggan ang pagkanta ni Yumi sa kabilang salamin, yung mga part na para sa lalake ako na mismo ang umako at kumanta, ngayon talagang ramdam ko ang sarili ko di tulad kanina na parang umaasa lang sa isang pangarap o nanaginip ng gising.


How does he laugh? How does he cry? What is the color of his eyes?

Does he even realize I'm here?

Matapos ang linyang ito, hinubad ko ang suot kong headset at lumapit sa likod ni Yumi na tuloy parin sa pag awit, hinawakan ko ang kanyang siko at pagkatapos sinambit ang salitang “I’m here, right here”

Sunday, November 7, 2010

Chapter 4: Co-Student, Teacher (Chapter Ending)

Mula ng makababa ako sa bus kung saan lulan si Yumi papalayo sakin di ko lubos maisip kung bakit ganun na lang ang papaliwanag nya sakin na walang relasyon silang dalawa ni Julius di ko rin naman makuhang magtapat sa kanya dahil ayaw ko rin magkaroon ng di magandang pagkakaunawaan sa pagitan naming dalawa ni Julius bukod sa isang kurso lang kami mahirap din ang may kasamaan ng loob sa klase, kaya mas pipiliin ko na lang wag makigulo sa kung anumang namamagitan sa kanila ni Julius.

Habang humahakbang ako papalapit sa aming bahay iniisip ko anu kaya ang magandang gawin ngayong biyernes at bukas naman ay walang pasok maari akong magpuyat at gawin ang kahit anung gusto kong gawin dahil di naman ako papagalitan ni nanay.


Pagbukas ko ng pintuan ng bahay bumungad sakin ang amoy ng niluluto ni nana yang bango at ang sarap nakakatakam binagoongang baboy na may kasamang kamatis at mangga, nagutom tuloy ako pagkatapos kong maamoy ang niluluto niya.


“Wow mukhang masarap yang niluluto mo nanay ha?!”


“Masarap naman talaga akong magluto di ba? Umamin ka!” sabay turo ng sandok sa mukha ko


“Hahaha… sympre nanay yata kita”


“Yan ganyan lang magkakasundo tayo, magpalit ka na ng damit at kakain na tayo”

“Pero bago yan isa munang yakap sa pinakamamahal kong babae sa mundo!”

“Sus nambola pa eh nanliligaw ka nga dyan ng babae”


“Wah! Ako manliligaw di yata di kita iiwan nanay”


“Aba! Nagiba yata ang ihip ng hangin ngayon?! Siguro di ka sinagot ng babae”


“Nay naman”


“Sya kung anuman yang problema mo sa love love na yan ang lagi mong tatandaan ang pagmamahal di inuubos dapat nagtitira para sa sarili at sa iba pang mahahalagang bagay di yan inuubos sa isang tao o bagay lang”


“Hahahaha… ikaw ba yan nanay?! Parang hindi eh pero salamat po! Bihis lang ako at lalantakan ko yang niluluto mo”


Pumihit ang pinto ng aking silid pagkatapos inilapag ko ang aking bag sa higaan at sabay na umupo sa kama, hinubad ang sapatos at medyo pagkatapos ay kumuha ng isang shorts at bagong jersey. Paborito ko ang ganitong damit sa bahay lang komportable akong gumalaw at di mainit sa pakiramdam. Pagkatapos magpalit nahiga muna ako sa aking kama at napatingin sa kisame.


“Walang namamagitan samin ni Julius o kahit man lang relasyon”


“Ang lagi mong tatandaan ang pagmamahal di inuubos dapat nagtitira para sa sarili at sa iba pang mahahalagang bagay di yan inuubos sa isang tao o bagay lang”


Paulit ulit na umuugong sa tenga ko parang mga salitang nasa paligid lang, pero lahat tinitimbang ko ang bawat salita kung anung dapat gawin kung anung dapat sabihin kung anung desisyon ang dapat gawin.


Biglang may kumatok sa pinto…


“Tofie may bisita ka anak si Yumi!”


“Po?!” gulat at nagtataka ako sa sinabi ni nanay


“Yumi, pasok ka na andito sya”


Sabay naman ang dinig ko sa boses ni Yumi….


“Salamat po!”


“Walang anuman paano maiwan ko muna kayo dyan at magaayos lang ako ng makakain nyo”


“Salamat po”


“Nanay salamat po!”


“Upo ka Yumi”


“Thank you Tofie”

“Anong sadya mo at napunta ka rito?”

“Gusto ko sanang magsorry sa mga nangyari kanina sa klase sa inasal ko at sa pagsigaw ko kanina sayo”


“Wala yun di naman ako marunong magkimkim ng sama ng loob sa tao isa pa may mga dahilan bakit nangyayari ang ganun”


“Salamat Tofie, isa pa para linawin ang lahat”


“Linawin ang alin?”


Napayuko si Yumi sa harap ko habang hawak ang music notebook, pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sakin pero hirap sayang sabihin ito.


“Ano yung gusto mong linawin?”


“Yun ano kasi… kasi…”


“Kasi po…. Hmmm”


“Gusto ko sanang linawin at sabihin sayo na….”


“Na….?”


Tumayo sya sa kanyang kinauupuan at tumingin sa aking mga mata ng malapitan, napalunok ako sa mga sumunod na pangyayari. Ang bilis ng tibok ng puso ko ramdam ko ang kalabog nito sa dibdib ko ramdam ko rin kahit ang init at pamumula ng mukha ko.


“Na hindi si Julius ang mahal ko kung di ikaw…” sabay halik sa aking labi ramdam ko ang malambot niyang labi na dumampi mismo sa aking labi di ko maipaliwanag pero iba ang pakiramdam ko ang gaan at ang saya ng puso ko.


“Mahal din kita Yumi mahal na mahal kita” yan na lang ang nasambit kong salita matapos nya akong halikan.


“Hoy!! Tofie!! Nanaginip ka dyan…”


“Po?!”


“Oo nanaginip ka binabanggit mo pa nga ang pangalang Yumi, sya ba ang nililigawan mo?”


“Hindi naman po nanay”


“Pero bakit sinabi mo mahal na mahal mo sya?”


“Nay talaga *** naku ang hilig mo sa showbiz tama na nga yan”


“Hmmmm… ayaw magkwento siguro may karibal ka sa puso nya”


Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni nanay na may karibal ako sa puso ni Yumi.


“Wala kaya ikaw talaga nanay, wag mo isipin yun balewala yun”

“Naku ang anak ko umiibig na talaga” napailing na lang si nanay

“Ready na ba yun pagkain nanay gutom na ako”


“Kanina pa at kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero di ka sumasagot kaya pinuntahan kita dito sa kwarto mo yun pala nakatulog ka at nanaginip pa”


“Hahaha pasensya na po di ko narinig pero nay may mali ka di ka kumatok”


“Aba natural nagaalala ako sayo dapat ba kumatok pa ako kung di ka sumasagot natural humangos ako papunta sayo”


“Hahaha”


“Halikana nga at kumain sa hapag natin yan pagusapan…”


“Hindi kakain lang ako hahaha”


“Kakain at magkukuwento ka o matutulog ka ng gutom mamili ka?”


“Sabi ko nga po magkukuwento ako habang kumakain tayo, tara na nga nagagalit na mga alaga ko”
 

 

Monday, October 25, 2010

Chapter 4: Co-Student, Teacher Continuation....

“Ah, Tofie can I have word with you please?”

“Sure why not? Ano ba yung gusto mong itanong sakin?”


“Saan ba magandang magsimula? Teka okay alam ko na yung kaninang umaga sorry I didn’t mean to hurt you di man lang ako nagsalita kanina para ipagtanggol ka kay Julius”


“Shhhh…. you don’t need to explain everything to me lahat naman siguro may reason bakit nangyayari let’s just say I been in a wrong place and in a wrong time”


“No your not!”


“Yumi…?”


“You are never been wrong ever since I met you”


“Anong ibig mong sabihin?”


“Ah… ganito kasi yan… paano ko ba sasabihin sayo…”


“Anong paanong sasabihin? Bakit di mo masabi sakin?”


“HINDI KAMI NI JULIUS AT WALANG NAMAMAGITAN SAMING DALAWA”


Andun ako sa harap ni Yumi nakatulala di makapagsalita hindi makagalaw di ko alam anong sasabihin sa kanya para akong inilagay sa freezer at pinatigil ang oras.


“Ano Tofie okay na?”


“Anong ibig mong sabihin Yumi…”


“Ang ibig kong sabihin Christopher Alcaraz mali ang sinabi mo kaninang may boyfriend ako at kung magkakaroon man ako ng boyfriend hindi si Julius yun”


Bigla na lang nagdabog ang mga paa at iniwan akong magisa sa kinatatayuan ko ang tagal muli bago ako nakabalik sa ulirat ko pero nakatitig pa rin ako sa malayo kung saan unti-unti ko syang nakikita naglalaho sa paningin ko.


Nagulat na lang ako ng may tumapik sa balikat ko at binanggit ang pangalan ko…


“Tofie, kanina pa kita hinahanap akala ko kung saang detention ka napunta”


“Eunice…”


“May tinititigan ka ba doon” at sinipat ni Eunice kung sino man ang sinusundan ko ng tingin…


“Eh, wala naman palang tao dun sino ba ang tinitigan mo may hinahantay ka ba?”


“Wala… wala tara na uwi na tayo mahirap na matraffic sa daan”


“Sige mabuti pa nga baka matraffic pa tayo sa daan”


Pero habang papalakad kami papunta sa main gate ng campus di maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Yumi kaya sa bawat building na nadadaanan naming pinipilit kong tignan kung nandun sya o kahit man lang makita naming naglalakad patungo sa gate pero wala talaga di ko talaga sya mahagilap ni hindi ko rin siya nakasabay.


“Tofie dito ako sasakayan ikaw saan ka ba?”


“Magkahiwalay pala tayo ng sasakayan dito naman ako”


“Okay, paano dito na ako kita na lang tayo bukas!”


“Hoy Eunice, sabado bukas walang klase?”


“Ay! Oo nga pala nawala na naman ako sa kalendaryo pasensya na”


“Halata nga baka sa susunod ikaw na ang madetention hahahaha”


“Sira ka talaga ayaw kong magaya sayo hahahaha”


Nagpaalaman kaming dalawa ni Eunice at tumungo na sa kanya-kanyang destinasyon, bigla kong naalala na iisa rin pala ang sakayan naming ni Yumi at may pagasa pa akong maabutan siya kung saka-sakali. Kaya nagmadali ako papunta sa terminal umaasang nandun sya o kahit makasakay ko lang sa bus o makasabay.


Alalay lang ako sa paglalakad mabilis pero nasa tamang tiempo baka sakaling malagpasan ko si Yumi sa kanyang paglalakad papuntang terminal, lahat ng kanto nalingon ako bawat tindahan sinusuyod ko ng tingin sa mga kahawig niya sa buhok pati kaparehas ng kanyang damit. di pa naman huli ang lahat di pa ako sumusuko kung nasaan si Yumi alam kong andito lang sya at makakasabay ko sya papauwi.


Ang mga paa ko parang tiklado ng piano may tempo may bilis at bagal sa paglalakad pero andun ang kaba sa dibdib ko makikita at makakasabay ko kaya siya sa paghahanap ko. Nakarating na ako sa terminal bawat nakapila at nakasakay sa lahat ng byahe tinitignan ko pero wala pa rin nasan na kaya sya? Sana walang masamang mangyari sa kanya…


Para akong nanalangin sa bawat usal ng mga salitang binibitiwan ko ang paghinga ko markado ramdam ko din nya kahit ang pangamba ko. Kaya wala na rin akong nagawa sumakay na lang ako sa kasunod na bus at naghantay na makaalis ito.


Nakadungaw ako sa bintana nililibot pa rin ang paningin ko sa paligid baka sakaling maulinigan ko kahit ang kanyang anino. Biglang huminto sa tapat ng terminal ang isang kotse at bukas ang pinto nito mula sa driver seat, kilala ko ang lalakeng bumaba si Julius pagkatapos ay umikot sya sa pinto ng passenger seat at binuksan nang bumaba ang pasahero nito di ko alam kung matutuwa ako o masisiyahan ako sa nakita ko pero ramdam ko ang panlulumo ko sa nakita kong bumaba, si Yumi tila naguusap pa ang dalawa ng makababa mula sa kotse at sa tingin ko nagpupumilit na ihatid ni Julius si Yumi papauwi ngunit sa nakikita ko mula sa bintana ng bus ayaw pumayag ni Yumi.


Di ko rin naisipang magtagal sa pagtingin sa dalawa kaya muli akong ibinalik ang mata ko sa loob ng bus nakabukas ang TV at tila love story ang pinapanood dahil naririnig ko ang bawat linya ng mga character sa movie.


“Bakit di mo sinabi bakit di mo pinaramdam!” sigaw ng babaeng character sa pelikula…


“Dahil….”


“Dahil ano? Dahil natutuwa kang pinaglalaruan ako, natutuwa kang sinasaktan ako! Yun ba? Yun ba ang gusto mo? Ano masaya ka na ba? Masaya ka na sa ginawa mo?”


“Kaya di ko sinabi sayo ang lahat dahil… DAHIL TAKOT AKONG MASAKTAN!” sigaw ng lalake sa kanya


“Takot akong mawala ka… takot akong mawala ka sa paningin ko… takot akong mawala yung pakiramdam na to pag nawala ka!”

Ang tagal ko nakatitig sa palabas sa TV di ko namalayan na nakasampa na pala ng bus si Yumi.

“Hoy! Seryoso ka masyado dyan!”


“Ha? Ai hindi naman kasi medyo maganda ang palabas”


“Pwede bang tumabi?”


“Basta hindi magagalit sakin ang sumusundo sayo at naghahatid”


“ILANG BESES KO BA SASABIHIN SAYO NA HINDI KAMI NI JULIUS”


“Relaxed relax lang puso mo…”


Ang tagal naming di nagpansinan hanggang sa tuluyang umandar ang bus, medyo siksikan kaya ang daming pasahero ng bus mabilis lang naman ang byahe kaya di kami na stranded sa traffic malapit na akong bumaba pero di pa rin nakararating samin ang konduktor ng bus ilang kanto na lang pero kahit sulyap ni Yumi di nya magawa kahit nga sya mismo ang sumulyap di nya ginawa at nang makarating samin saktong baba na ako kaya tumayo ako iniabot ang bayad sa konduktor.


“Manong eto po ang bayad dalawa po yan kung may sukli pakibigay na lang po sa kanya”


“Hoy Tofie!”


Pero bago pa man siya makapagsalita muli nakababa na ako ng bus at kumaway na lang ako sa kanya. Di pa man nakakalayo ang bus dumungaw siya sa bintana at kitang kita ko ang kanyang mga mata.
Reply With Quote

Tuesday, October 19, 2010

Chapter 4: Co-Student, Teacher Continuation

Patuloy pa rin ako sa pagsusulat sa pisara pero rinig na rinig ko pa rin ang mga bulungan at pagtataka nila sa kanilang nabasa o nakitang salita akala mo’y mga paslit na pinakitaan ng isang bagong laruan na ngayon lamang nakita sa kanila buhay.

Nang matapos kong isulat ang kapirasong salita sa pisara, muli akong humarap sa kanila at nagsalita.


“Done” sabay tapik sa pisara


“Tofie, ano naman ang kahulugan niyan?”


“Kung anong nababasa nyo siya ring kahulugan nyan, Claire”


“Pero pare parang nakakainsulto yata”


“Hahaha ganun ba, Anthony?”


“You had a bad day?”


“Tama ka dyan, Apollo!”


“Ehmmm, Polo po ang nickname ko”


“Sorry sige, Polo yun ang ibig sabihin ng salitang nababasa mo You have a bad day!”


“Paano yan connected sa sinasabi mong logic para makabuo ng isang kanta?” tanong Polo


“Para makabuo ng isang awit kailangan mo ng isang paksa o title na gagawan mo ng lyrics o mga salita kaya ang isinulat ko sa pisara ay You have a bad day!”


“So ibig mong sabihin gusto mong gamitin bilang paksa ang You have a bad day?”


“Tama ka dyan Yumi, gaya ngayon di ba bad day natin to parang puro kamalasan ang nangyayari walang tama o kahit gumawa ka ng tama walang bagay na tumama kahit ginawa mo ang lahat”


“Hmm makakarelate nga ako dito”


“Tingin ko nga Anthony makakarelate din ako at palagay ko di ako makakatulog nito sa klase”


“Ehmmmm, Claire wala po tayo sa klase detention po tayo”


“Oo nga pala pasensya naman, Tofie!”


“Okay lang walang problema ikaw talaga lahat tayo dito pantay pantay lahat may kaparusahan kaya gusto ko magenjoy sa mga natitirang sandal kaysa matulog tayo at manahimik”


“Matalinhaga ka pa rin magsalita Tofie”


“Di naman, Yumi freedom of expression hahahaha” para akong kinilabutan sa sinabi ni Yumi na ako’y isang matalinhagang tao di ko alam pero napangiti talaga niya ako.


“Sige mabalik tayo sa topic, Bad Day? Anu-ano bang nagyayari sa paligid bakit tayo nagkakaroon ng bad day? Polo?”


“Late sa klase, ano pa nga ba?”


Bigla na lang sumagot si Claire, “Tulog sa klase!”


“Sabi nga nila pag hindi mo araw ngayon puro kamalasan ang nangyayari sayo”


“Oo, gaya ngayon!”


“Mismo, galing mo talaga pareng Anthony”


“Actually isang lumang kanta ang naisulat dahil sa mga di magandang pangyayari”


“Bago ba yang kantang yan?”


“Actually, Claire luma na sya at ginamit na rin sa isang movie”


“Galing mo naman Yumi, nagamit na ang kantang ito sa isang movie, paano mo nahulaan Yumi?”


“Madali lang yan Tofie, Teodore, Simon and Alvin”


“The Chipmunks?”


“Exactly Anthony”


“Favorite ko yan!”


“Ahmmm favorite mo?” napangisi ako sa narinig ko isang varsity player favorite ang Alvin and the Chipmunks mukhang weird para sakin yun.


“Bakit anong masama ang cute naman ng boses nila isa pa humorous ang movie”


“Sabagay may punto ka, ibig sabihin narinig mo na ang kantang ito?”


“Oo pre narinig ko na yan”


“Good, hmmm” lumingon muna ako saglit at may hinanap sa may lamesa


“Anong balak mo Tofie” tanong ni Claire


“Pwede na ito”


“Ah Tofie ako na kaya ko yan alam ko balak mong gawin”


“Sigurado ka, Anthony?”


“Oo ako pa basta alam ko to wag ka alala”


“Teka lang” sumilip ako sa labas ng silid at nakita ko namang walang ibang tao at tiyak akong walang makakapansin samin.


“Ready?” senyas ko kay Anthony


“Ready!”


“4 beats then start”


Nakaupo si Anthony sa taas ng lamesa at inumpisahan ang paghampas ng kamay nito sa maliliit na dingding


1…2…3…4

Sinimulan ko ang unang bahagi ng kanta….

Where is the moment we needed the most?

You kick up the leaves and the magic is lost
You tell me your blue skies fade to grey
You tell me your passion's gone away and I don't need no carryin' on

Naglakad ako patungo sa kinauupuan ni Claire pagkatapos umakbay ako kay Polo sabay kindat naman ako kay Yumi, hudyat para sa kanyang pagsisimula ng pagkanta


You stand in the line just to hit a new low

You're faking a smile with the coffee to go
You tell me your life's been way off line
You're falling to pieces everytime and I don't need no carryin' on

Pinutol ni Anthony ang pagtapik sa lamesa sa pamamagitan ng isang huling malakas na tapik. Napasensya na lang ako sa kanya ng thumps-up dahil magaling pala siya sa beat box kahit improvise lang…


Because you had a bad day, you're taking one down

You sing a sad song just to turn it around
You say you don't know, you tell me don't lie
You work at a smile and you go for a ride

Sa part na ito nagawa ko ring tumayo sa tabi ni Yumi sa harap ng mga nakikinig samin….


You had a bad day, the camera don't lie

You're coming back down and you really don't mind
You had a bad day, you had a bad day

Pero hindi rin nagpatalo si Anthony dahil sa favorite at alam nya ang kantang ito sya mismo ang bumirit ng mga linyang ito….


So where is the passion when you need it the most ?

Oh, you and I, you kick up the leaves and the magic is lost

Pero mas nakakagulat si Claire ang bilis nyang makapick up ng mga lines na ngayon nya lang narinig at higit sa lahat ang taas ng pinakawalang boses nya at talagang napatigil kami ni Yumi at nagkatinginan pati ang tapik ni Anthony sa lamesa napatigil….


You had a bad day, you've seen what you like

And how does it feel for one more time
You had a bad day, you had a bad day

At sa huli si Polo

Yes, we have a bad day….

“Wow, I’m empressed ang gagaling nyo palang kumanta di ko akalain, lalo ka na Claire ang ganda ng boses mo”


“Hahahaha salamat ngayon lang may nakaappreciate pero sa totoo lang kayong dalawa ni Yumi ang magandang magblend ng boses”


“Oo nga pare, ang ganda nyong pakinggan dalawa para akong nakikinig sa plaka, kahit lumang plaka pa pero ang ganda ng boses…”


“Pasaway ka talaga Anthony, pero magaling ka magbeat box sanayin mo yan magandang hobby din yan, Polo pare di ko akalain sasaluhin mo ang dulo”


“Actually isinulat ko ang mga lyrics na kinanta nyo kaya nasundan ko”


“Wahhh… multi tasking ka rin pala”


“Hahaha di naman pero sang-ayon ako sa sinabi ni Anthony magaling kayong dalawa… may kilig…”

“Teka Yumi, may boy friend ka na ba?”

“Ako? Ah…”


“Meron si Julius kaklase ko ang boyfriend nya”


Napatingin na lang si Yumi sakin sa sinabi ko at biglang dumating si Ms. Santiago at kumatok sa pinto…


“Detention is over you may now leave the room and go home”


Kaya isa isa kaming lumakad palabas ng kwarto bitbit ang aming mga gamit….


“Well I guess you learned your lessons about your negligence as a student” sermon ni Ms. Santiago


At sabay sabay naman kaming sumagot ng “Yes Maam” ako ang pinakahuli sumunod si Yumi pero bigla syang tumigil sa paglalakad at sumabay mismo sa paglalakad ko.
Reply With Quote