Monday, December 20, 2010

Chapter 5: Music Notes of My Heart Continuation....

Ang bawat segundo parang buwan ang bawat oras parang taon na nagdaan sa aming dalawa mas lalo kong naramdaman ang bawat sandali ng hinawakan ni Yumi ang aking kamay tila napalagay ako sa ginawa niya di ako nagalinlangan sa mga pangyayari.

“Hindi pa rin ba mabuksan yan?!” patuloy pa rin ang pagdadabog sa labas ng dressing room kaya pinigilan ko ang pagpilit na pagbukas ng pinto sa pamamagitan ng aking kamay at itinulak palabas pinaling ko ang mga mata ko sa pinto.


“Miss may tao po pala”


“Ano ba yan ngayon lang kung kailan malapit ko ng ipagiba ang pinto nay an hmpt!”


“Miss if you want you can use the other dressing room?”


“Do I have a choice? Sige na ituro mo na”


Nang maramdaman kong wala na ang babaeng nagnanais makapasok sa loob ng dressing room agad ako bumaling ng tingin kay Yumi, nakatitig pa rin siya sa akin walang kakurap-kurap walang kaimik-imik.


“Yumi, okay ka lang ba?”


“Bakit, Tofie?”


“Anung bakit?!”


“Bakit mo ako hinalikan?”


“Ha?!” kung kanina takot akong makita ng babaeng pinagtataguan namin mas takot akong sagutin ng totoo ang bawat tanong ni Yumi kaya inilayo ko muli ang paningin ko at sumilip sa siwang ng pinto.


“Wala yun ginawa ko lang yun kasi… kasi…. Kasi baka sumigaw ka at marinig tayo”


Kaya lang may gusto marinig si Yumi bukod sa paliwanag at mga sinabi ko muli syang nagsalita na syang kinagulat ko ng husto.


“Halikan mo ako ulit… tapos sabihin mo walang pakiramdam ang halik mo sakin”


Para akong bato ng mga oras na yun di ko alam kung anung gagawin nawalan ako ng boses, napaos at nanuyo ang aking lalamunan.


“Ano pang hinihintay mo Tofie, halikan mo ako pagkatapos sabihin mo sa akin kung wala kang naramdaman sa mga nangyari”


“Yumi, ano ba talaga ang gusto mong malaman”


“Gustong malaman? Gusto kong malaman kung ano ako sa iyo at bakit mo ginawa yun”


Tok! tok!


“Tofie, Yumi labas na kayo dyan bilisan nyo bago pa tayo mahuli dito”


Si Eunice tinatawag kami mula sa labas ng dressing room, minarapat kong buksan agad ang pinto ngunit dahan-dahan upang hindi mapansin. Hinawakan ko ang kamay ni Yumi at lumabas ng pinto.


“Tofie, teka lang paano ang suot kong damit”


“Oo nga pala kailangan bayaran pa natin yan”


“Wag na kayong magalala bayad na yan”


“Hala!?”


“Oo bayad ko na yan kaya wag nyo na problemahin”


“Pero Eunice…”


“Sus saka na ang paliwanagan gusto nyo bang mahuli tayo dito o hindi?”


“Sige basta babayaran ko sayo yan Eunice”


“Sya okay lang basta lakad na tayo dali…”


Para kaming mga preso na tumatakas sa mga security guard ng bilangguan ang nagsilbing mga damo at dahon na pagkukublian namin ay ang mga damit na nakadisplay at nakahang sa loob ng tindahan.


At nang makalabas ng tindahan…


“Food Court!”


“Bakit doon mo naman naisip Tofie”


“Hindi ba kayo nagutom sa ginawa nating pagtakas?”


“Sabagay tama ka dyan nakakagutom tara kain tayo”


“Ako na lang sasagot”

Humanap kami ng lamesa na hindi pansinin ng mga tao pagkatapos ay inilibot ko ang aking mga mata kung saan makakahanap ng mura at masarap na pagkain.

“Rice Surprise o Steak House?”


“Steak House!” sagot ni Eunice


“Ganun na rin sakin”


“Okay deal, Coke or Ice Tea”


“Ice Tea….”


“Same here!” sagot ni Yumi


Kaya lumayo ako at umorder ng makakain para sa aming tatlo habang naorder ako di ko rin maiwasang ilibot ang aking paningin nagbabakasakali na kung makita ko sila agad, agad ko rin masasabihan ang dalawa. Ngunit iba ang pumapasok sa aking ulirat ang alaala naming dalawa ni Yumi ng magkasama kami sa loob ng dressing room.


“Sir 345 pesos po! Sir?! Sir?!”


“Po?!”


“Sir ang bill nyo po 345 pesos”


“Pasensya na po”


“May iniisip po ba kayo?!”


“Wala naman po bakit nyo naman po naitanong?” pagtataka ko sa kahera ng tindahan


“Kasi nakangiti po kayo habang nakatingin sa mga orders nyo, baka po gutom na gutom na kayo!”


“Hala!!”


“Biro lang po Sir!”


“Ah, joke lang pala ikaw kaya kainin ko joke pa rin kaya?!”


“Nyek!”


Binuhat ko ang tray kung saan nakalagay ang order ko at dinala sa table kung saan nakaupo sina Eunice at Yumi. Tumabi ako kay Eunice ngunit tinabik nya ako sa pamamagitan ng kanyang siko.


“Huy! Dun ka na sa tabi ni Yumi”


“Bakit naman!”


“Wag ka na sumagot basta dun ka tumabi!”


“Sige na nga!”

“Pasensya ka na Yumi kay Tofie pasaway lang talaga yan”

“Okay lang sanay na ako”


Pero kitang kita ko sa mga mata ni Yumi ang mga tanong na nangangailangan ng sagot di ko lang alam paano muling maitatanong niya sakin at ano ang isasagot ko.


Dahan-dahan akong umupo sa kanyang tabi samantalang inumpisahan naman ni Eunice ang pagkain sa mga order ko. Napansin kong nakalagay pa rin ang price tag ng damit na suot ni Yumi kaya kinuha ko at pilit na inalis sa pagkaka-kabit nito mula sa kanyang damit….


“Ano ka ba Tofie ano ba ang ginagawa mo itigil mo nga yan!”


“Kasi eto oh nakasabit pa rin sa damit mo”


“Ako na lang wag mo na galawin”


“Ako na kaya ko na yan”


“Eto na tinatanggal ko na nga eh”


“Ako na nga lang wag mo na galawin”


“Alam nyo bagay kayong dalawa sa isat isa”


At sabay kaming sumagot ng “Tumigil ka!?”

No comments:

Post a Comment