Thursday, September 30, 2010

Chapter 3: Fine Tuning Vocalization….. (Chapter Ending)

Masakit para sakin na makita kong pinaglalayo kami ng tadhana at kapalaran ni Yumi, di ko alam kung dahil ba ito sa katayuan ko o dahil sa katauhan ko. Ngunit ng makita kong kasama ni Yumi ang mga alta-sa syudad na mga estudyante para akong nanliit sa harap nila di ako makatingin ng diretso kay Yumi ni makausal ng isang salita di ko magawa para akong tinanggalan ng karapatan bilang isang tao, karapatan para magmahal kung sino ang gusto kong mahalin.

Di ko rin masisi si Yumi kung di niya ako papansinin dahil talagang ni siya nababagay sa isang katulad ko walang ipagmamalakaing kayamanan o nagmamahalang gamit o ari-arian ang tanging alam ko lang at maipagmamalaki ko ang musika ng puso ko. Musika na iilan lang ang nakakarinig at nakakaintindi.


Naglakad ako sa napakahabang pasilio ng gusali tinutunton ko ang daan palabas, parang lahat ang dilim parang walang kulay sa aking paningin dahil na rin siguro sa nangyari.


“Hay kasi naman Tofie, ayan kasi umasa ka agad masyado” sabay batok sa ulo upang maramdaman ko yung sakit para na rin magising sa panaginip na ito.


“Hello, Tofie!” kahit si Eunice di ko man lang pinansin o binigyang atensyon dahil ang gulo ng isipan ko, tila kahit siya napansin din niyang wala ako sa sarili ko. Dahil patuloy pa rin ako sa paglalakad sa pasilio hanggang sa matagpuan ko ang sikat ng araw.


Ang tagal kong nakatayo sa liwanag di alintana ang init nito sa balat, gusto ko lang sigurong magising sa panaginip ko na kahit kailan man di mangyayari. Nasa gitna ako ng mga daan kasabay ang mga nagdaraanang estudyante may ilang tangan ang kanilang payong ang iba naman gamit ang kanilang panyo o binder ginagamit na panakip laban sa sikat ng araw may iba naman na nakikipagpatintero sa liwanag nagkukubli sa lilim ng mga punong kahoy.


Kahit gutom di man lang sumagi sa isip ko at tyan ko absent yata sya ngayon sa katauhan ko, kaya naglakad na lang ako papunta sa gym, naupo sa gitna ng sementadong entablado at tumingin sa ibang estudyanteng ginagawang tambayan ang gym para sa kanilang ligawan o kaya naman ay lugar para kumain kung may dala kang baon o meeting place para makipagchismisan kung anung latest sa paborito nilang artista o kaya yung mga crush nila sa campus.


Para akong nakatingin sa kawalan, ang tanging kumuha ng aking pansin ang map na ginamit ko nung pinaglinis ako ni Ms. Dulce kanina dahil lagpas sa kalahati ng period ang inabutan ko sa kanyang klase. Dahil na rin siguro wala akong maisip na magandang dahilan para makalusot sa kanya kaya tinanggap ko na lang ang kanyang parusa kaysa naman di na muli akong makatungtong ng kanyang subject.


Muli kong nilapitan at kinuha ang map pagkatapos ay inilapag ko ang aking bag sa flooring ng simentadong entablado at muli akong nagmop ng sahig. Kahit mainit tuloy pa rin ako kahit mabasa ng pawis ang damit ko okay lang tuloy pa rin ako sa pagma-mop.


“May natira pang mantsa ng flooring dito nakalimutan mong pasadahan ng mop mo” at nang lumingon ako nakita ko si Eunice sinundan pala nya ako. Kaya binalikan ko ang lugar kung saan niya nakita ang nalagpasan kong linisin.


“Ngayon ko lang nalaman na ang mga lalakeng nagtataglay ng boses na baritone ang susungit” sagot ni Eunice sakin.


Ngunit di pa rin siya pinagukulan ng pansin, di ko man lang pinatulan ang kanyang panunukso kahit tingin hindi ko ginawa. Pero parang di titigil ang babaeng to mapansin o pansinin lang sya. Kumuha sya ng dust pan at walis at naglinis na rin ng entablado.


Pero gaya pa rin ng una at sumunod kong reaction wala pa rin akong imik pero sa totoo lang nagulat ako sa ginawa niya. Di ko akalaing sasabayan nya ako sa paglilinis ng sementadong entablado, tumigil man ako para tignan sya sa kanyang ginagawa pero saglit lang at muli kong itinuloy ang paglilinis.


umiling na lang si Eunice ng makitang tuloy pa rin ako sa pagma-mop ng sahig, pero ibis na magalit nakuha pa niyang ngumiti sa akin tila pinaglalaruan niya ako ng mga sandaling yon.


“Kahit kalian talaga Tofie mailang ka pa rin sa aming mga kaklase mo, mahirap ka rin palang pakisamahan medyo moody” habang tuloy pa rin ang pagwawalis at pagdakot ng alikabok sa sahig gamit ang dust pan.


“Hindi naman wala lang siguro ako sa wisyo para magbiro o makipagbiruan sa mga kaklase natin, teka nga pala bakit andito ka di ka ba maglulunch?”


“Ako? Mabilis kasi ako kumain hehehe, kaya maaga akong nakakatapos ng lunch”


“Wala kang kasabay o kasama man lang?”


“Naku madami bakit mo naman naitanong?”


“Madami eh bakit andito ka na asan na yung mga sinasabi mong nakasabay mong kumain?”


“Hahaha, mausisa ka rin pala ano?”


“Hindi naman nagtatanong lang ako kasi kakaiba sabi mo kumain ka na at may kasama pero asan sila”


“Okay sige let me explain to you, Tofie libre na yung gulay mo kapag umorder ka ng special menu for today”


“Hala! Kilala ko yan”


“Ano kilala mo na at alam mo na rin saan ako kumakain ng lunch?”


“Umamin ka stalker ka Eunice”


“Hoy baliw ka ba ikaw susudan ko palagi kung saan ka pupunta in your dreams”

“Bakit mo alam yung lugar na yun kung saan ako kumakain ng lunch ko”

“Nanay ko si Ruth”


“Hala nanay mo si Tita Ruth?”


“Ay hindi na hindi na ampon na ako ni Tita Ruth mo”


“Hahaha, para kasing hindi ka anak ni Tita Ruth”


“Ayaw mo talagang maniwala”


“Hindi na naniniwala na ako pero talagang mahirap paniwalaan”


“Mahirap na kung mahirap ang mahalaga kilala mo na ako at higit sa lahat mukhang di ka na badtrip”


“Hahaha napatawa mo lang ako sa sinabi mo at hanggang dun lang yun”


“Naku Tofie di pa rin bagay sayo ang ganyang klaseng attitude masakit pero pilit itinatago subalit nangingibabaw pa rin at lumilitaw pa rin sa iyong pagkatao”


Mas lalo akong kinilabutan ng sinabi ni Eunice ang ganun sakin parang kilalang kilala na niya ako kahit ngayon ko lang siya nakausap ng ganito isa pa di rin naman ako close sa kanya pero parang alam nya ang background ng buhay ko.


“Alam mo Tofie ganito lang yan pakinggan mo ha?” kinuha niya ang walis at ginawang microphone sabay kumanta sa gitna ng entablado.


(Eunice’s Part)
Lift your head, Tofie, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try


Habang ako naman hawak ko na rin lang ang mop ginawa ko na ring sabayan sya sa kanyang pagkanta.


(Tofie’s Part)
Girl, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
I never said that there's an easy way
When she’s closing all her doors
And She don't want me anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.


Parang nagsasagutan lang kami sa natural na paguusap ang pinagkaiba lang naman ay idinadaan naming sa pagkanta ang lahat.


(Eunice’s Part)
Sure you’ll stay through her bad times
Even if you have to fetch her everyday
You’ll get by if you smile
You can never be too happy in this life.


Napatigil na lang ako sa aking kinatatayuan ng sinabi ni Eunice na di maaring lahat puro ligaya puro saya, pero sa isang banda gumaan naman ang pakiramdam ko kung marunong akong ngumiti sa lahat ng mga problemang dumarating sa buhay ko.


Lumapit na lang si Eunice ng nakita niyang natigilan ako at din a muling kumibo, tinapik na lang niya ang balikat ko at muling tinuloy ang natitirang part ng kanta.


(Eunice’s Part)
In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
And don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.


“Don’t worry Tofie, its part of our life kaya mo yan mababaw pa lang yang sugat na yan” sabay ngiti sa akin.


“Salamat Eunice kahit paano nakahinga naman ako ng maluwag sa nangyari ngayong araw”


“Wala yun may oras pa naman, ano lunch tayo? Treat ko?”


“Hala?”


“Sa Karinderia ni Nanay”


“Treat hindi mo yun treat si Tita Ruth ang may treat nun”


“Excuse me, di ako ganun kahit nagaaral ako marunong akong magbayad sa kinakain ko sa karinderia”


“Sus di yan totoo”


“Ewan ko sayo, ano kakain ka ba o hindi limited, time lang ang offer ko sayo ha”


“Aba hindi pwede yan nasabi mo bawal nang bawiin”


“Yun naman pala, ano pang hinahantay natin, Let’s go”


Kinuha namin ang aming mga gamit at agad na bumaba sa entablado, nauna akong nakababa mula sa platform habang inaalalayan ko si Eunice bumaba isang boses ang nagsalita na parehas naming ikinagulat.


“Saan ang punta nyo? Christopher Alcaraz at Eunice Estrada, you have atleast 20 minutes to take your lunch!”


 

No comments:

Post a Comment