Monday, September 19, 2011

Chapter 10: Now I'm In Love That's for Sure

Ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko ang mga yakap na ganito kahigpit at kainit. Kahit sa gitna ng malamig na patak ng ulan masaya akong nasa tabi palagi ni Yumi.

“Hatid na kita sa inyo?”

Isang tango mula sa kanyang ulo para sabihing pumapayag sya kaya agad akong humanap ng masasakayan at nang makakita agad ko namang sinabihan ang driver kung saan ang aming tungo.

“Basang basa ka Yumi”

“Tofie….” Halata pa rin ang bawat hikbi sa kanyang mukha na tila pinipigilan habang sumusulyap sa amin ang driver. Akala ko ay kakapit lang siya sa aking kamay ngunit mas ninais nyang yakapin ako.

“Alam mo kung hindi kita kilala baka sabihing kong nanaching ka na” isang pabirong sagot ko sa kanya. Ang namumugtong mga mata at tumutulong luha ay napalitan ng isang matamis na ngiti.

“Talagang tinutupad mo ang sinabi ko na wag kang aalis sa aking paningin para pasayahin ako” ninais kong tumingin sa kanyang mga mata ngunit parang hindi ako makatingin sa kanya ng diretso mukhang mamumula lang ako sa kanyang harapan.

Kaya tumingin ako sa bintana habang gumuhit ang butil ng tubig at sa nagkikislapang ilaw habang patuloy ang pagikot ng gulong papunta sa kanilang tahanan.

“Hindi ko kailanman babaliin ang lahat ng pangako ko sa iyo” yan lang ang sinabi ko sa kanya ngunit naramdaman ko ang kanyang ngiti kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Muli akong sumulyap sa driver kung nakatuon pa rin ang pansin sa aming dalawa. Nagtaka ako ng hawak ko ang kanyang kamay ay nakasara ang isang palad nito hindi ko na siya inusisa kung bakit.

“Sana andun si Daddy sana hindi nya ako iiwan”

“Hanggat matibay ang paniniwala mo na hindi ka nya iiwan hindi sya mawawala kahit anung oras”

Natahimik na lang din ako pagkatapos ng sandaling paguusap. Ilang iglap lang ay nasa huling kanto na kami sa makarating sa kanilang tahanan.

“Manong dito na lang po!”

“Yumi, malayo pa isa pa malakas ang ulan”

“Hindi na ako makapaghintay Tofie” binuksan niya ang pintuan ng taxi at tumakbo palabas.

“Manong magkano po?”

“75 pesos”

“Eto po ang bayad salamat po”

Hindi ko na hinantay ang suklli agad na akong bumaba ng taxi at sumunod kay Yumi pabalik sa gitna ng umiiyak na kalangitan. Bawat yapak isa-isang tumitilamsik ang tubig sa lupa sa oras na ito pakiramdam ko baliktad na ang panahon ako na mismo ang humahabol kay Yumi para malaman ko kung anung kalagayan niya ng mga oras na iyon.

Nakita ko na lang nakatayo sa gitna ng ulan si Yumi nakatingin sa harap ng kanilang bahay. Agad akong tumakbo papunta sa kanyang kinatatayuan ngunit hindi ko na nakuhang magtanong dahil nakita ko na rin kung bakit sya tumigil.

“Daddy?!”

Nakita ko na lang na nakaupo ang Daddy ni Yumi sa gitna ng kanilang bahay at umiiyak hawak ang isang susi.

“Di ba sabi mo walang makakapasok ng bahay na isa lang ang hawak na susi?”

Nagulat ang Daddy ni Yumi at natulala sa narinig na boses hindi makapaniwala sa narinig na boses at unti-unti itong tumingin sa kinatatayuan ni Yumi. Tumakbo na lang ito papunta sa kanyang anak habang nakataas ang isang kamay hawak ang kapares na susi.

“Patawad anak, patawarin mo ako hindi ko gustong mangyari ang ganito” isang yakap na lang ang isinukli ni Yumi sa kanyang ama.

“Iniisip mo lang ang kapakanan ko Daddy pero malaki na ako kaya ko naman pong magaral sa pagsisikap ko basta ayaw ko lang wala ka sa tabi ko”

“Sorry anak…. I LOVE YOU”

“I LOVE YOU TOO DADDY!”

Bigla ko tuloy namiss ang sarili kong ama ni hindi ko na nga alam ang pakiramdam ng may isang amang naghihintay sa aking paguwi ngunit kahit paano masaya naman ako at nandyan ang aking ina kasama ko sa araw araw sa hirap man o ginhawa.

“Paano ka nakaalis sa bahay ng mga Lolo at Lola mo?”

“Tofie!”

“Paanong si Tofie? Pinuntahan ka ni Tofie?”

Mula sa kinatatayuan ng mag-ama dahan-dahang lumingon sa akin si Yumi pagkatapos ay bumalik ang tingin nito sa kanyang ama.

“Iho kung balak mong maligo sa ulan okay lang pero wag mo sisihin pag nagkasakit ka” sigaw ng kanyang ama. Ngumiti na lang ako sa kanyang ama naglakad patungo sa pintuan habang binubuksan ni Yumi.

“Po?”

“Ibig sabihin pumasok na tayo sa loob”

“Okay po”

Pagpasok sa loob ng bahay nanatili lang ako sa pinto.

“Tofie pumasok ka nga dito bakit andyan ka lang”

“Eh Yumi basa ako tumutulo ang tubig sa damit ko”

“Teka ikukuha kita ng towel”

“Anak!”

“Po? Daddy?”

“Ikuha mo ng damit si Yumi sa cabinet ko ikaw ang pumili ng maisusuot nya”

“Tito?”

“Anong sabi ko sayo na dapat mong itawag mo sakin?”

“Daddy pala”

“Wag ka na magalala hindi na iba ang turing ko sayo kaya welcome ka sa tahanan namin”

“Salamat po”

“Wag ka muna aalis dyan para hindi kumalat ang tubig”

“Opo”

Bumalik si Yumi dala ang isang towel, shorts at isang t-shirt

“Dun ka na sa CR magpalit okay na dun mag shower ka rin kung gusto mo para mapreskuhan ka”

“Salamat Yumi…”

“Ako nga dapat magpasalamat eh”

“Sige magpapalit muna ako ng damit”

Lumabas ako ng banyo nakalagay sa ulo ko ang towel natatakpan ang mga mata ko dala dala ko ang mga basang damit ngunit hindi ko napansin na andun din si Yumi kaya hindi sinasadya na magkabang-gaan kaming dalawa.

“Sorry Yumi hindi ko nakita na andyan ka pala sorry….”

“Okay lang hinahantay talaga kita”

“Bakit naman?”

Ngumiti lang sya at biglang itinaas ang kamay…

“Akin na to!” Akala kung anung gagawin nya namula talaga ako sa mga pangyayari naramdaman ko ang init ng aking pisngi.

“Ako na lang nakakahiya kaya”

“Hindi na kaya ko yan isa pa hindi mo alam kung saan isasampay, kaya ako ang magsasampay ang mabuti pa umupo ka dun sa sofa at antayin mo ako dun”

“Okay”

Muli na naman umalis si Yumi para isampay ang aking mga basang damit. Ako naman ay naupo sa sofa inilibot ang aking mga mata at napansin kong bagong linis ang buong bahay siguro bago pa man sila umalis papunta sa kanyan Lolo at Lola naisipan ni Yumi maglinis ng bahay. Bilib din naman ako sa kanya kahit wala dun ang handaan o okasyon inihahanda pa rin niya ang bahay para sa darating na bisita.

“Aba talagang pinapansin mo ang buong bahay ha, may napansin kabang panget o alikabok?”

“Meron?”

“Ha?! Alikabok?”

“Hindi panget!”

“Hala saan turo mo alin yung kulay ba ng kurtina o yung mga designs pati ba yung flowers?”

“Ako!”

“Ehhhhh… niloko mo ko ha”

“Hahahaha… Si Daddy nga pala?”

“Tulog na yun panigurado o nasa kwarto na sya, bagay naman pala sayo ang damit ni Daddy”

“Hindi ba panget?”

“Hindi naman ngayon ko lang nakita ang pangangatawan mo ha hahahaha macho!”

“Oi.. hindi mo ko maloloko sa ganyan ako lang ang pwede magbiro sayo”

“Hahaha nagsasabi lang ako ng totoo. Teka nga gusto mo ng mainit na chocolate gusto ko kasi pagtitimpla kita ha”

“Kaw bahala”

Sinundan ko ng tingin si Yumi mula sa sala sa sofang kinauupuan ko kita ko sya sa kanyang ginagawa mula sa pagsasalin ng mainit ng tubig hanggang sa pagkanaw ng chocolate.

“Bakit mo ko tinitignan”

“Baka matapunan ka o kaya kailangan mo ng tulong”

“Hindi na kaya ko naman eh, nga pala eto oh!”

“Cellphone?”

“Oo magtext ka sa Nanay alam kong di ka na naman nagpaalam”

“Hehehe oo nga pala pero may cellphone naman ako eh”

“Lowbat ayun nakacharge”

“Sige na wag ka na mahiya itext mo na bago pa magalala ng tuluyan si Nanay”

“Ui Nanay na tawag nya sa Nanay ko”

“Tse!”

Nagumpisa lang ako magsulat ng mensahe sa Nanay ko para ipaalam na nasa bahay ako nila Yumi.

“Ilagay mo na rin na ditto ka matutulog”

“Ha?”

“Aba Tofie alangan pauwiin kita ng ganitong oras isa pa basa pa ang damit mo”

“Okay sige tabi tayo? Hmmm”

“Hoy… Hoy.. dito ka matu…”

“Joke lang ikaw talaga ang hilig mong sumakay sa biro”

“Ituloy mo na yang text mo sa Nanay”

“Okay”

Habang nakatitig sa cellphone at muling nagsusulat ng mensahe para maidugtong sa naunang isinulat ko nakikita kong nakatingin din si Yumi sa cellphone…

“Bakit ka nakikibasa ng text?”

“Wala masama ba? Atsaka akin naman yang cellphone”

For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it overflows like a river through my soul
From every doubt I had, I'm finally free
I truly believe

“Kahit na” bigla na lang kaming nagtawanan sa aming mga asal na parang bata ngunit hindi ko talaga inaasahan at sinasadya na magtatagpo ang aming paningin. Ang kaninang tawanan ay napalitan ng katahimikan at biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Unti-unti na lang naglapit ang mga mukha… ipinikit ang mga mata at naglapat ang aming mga labi. Ang Segundo ay parang isang taon at isang minuto ay isang dekada sa mga oras na yon.

“Di ko alam kung anung buhay ko kung wala ka sa tabi ko Tofie”

“Hindi ko rin alam kung sinong magtyatyagang makinig sa musika ko kung wala ka”

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

At muli isang mahigpit na yakap ang naramdaman ko isang mahigpit at mainit na yakap mula sa bisig ng dalawang tao. Mula sa mainit na chocolate hanggang sa mga biruan at tawanan siguro gusto ko na rin ang tag-ulan hindi para mabasa dahil alam ko sinadya ni kupido ang lahat para mangyari ang lahat.

No comments:

Post a Comment