Wednesday, August 11, 2010

Chapter 1: Stumble on Someone (The Prelude of Music) Continuation


Nakalabas ako ng school sabay sa rush hour ng lahat nagmamadaling umuwi. Ang dating terminal na pinagaantayan ko ng bus para sumakay ay parang isang palengke sa dami ng pasahero, idagdag mo pa dyan ang lahat ng busina ng nagdadaang sasakyan. Para na akong bilasang isda dahil sa pawis isama mo na ang nanlalagkit na pakiramdam. Palipat-lipat ako ng pwesto para makakita ng masasakyan sa ilalim ng tulay, sa isang waiting shed at sa tabi ng bangketa.

“Ano ba namang araw to parang malas ako ah”

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang aking mukha na pakiramdam ko’y umaagos sa pawis. Bigla akong nakakita ng isang bus na di naman puno at ang konduktor ay nagtatawag pa. Ayos! Nakasampa na ako sa bus, lumingon ako sa kahabaan ng bus walang bakante at tila “looser” ako pagdating sa upuan ko. Kaya sa hawakan ako nakakapit para di mabuwal sa pagkakatayo.

“Wala ba talagang mauupuan?” bulong ko sa sarili ko, nararamdaman ko na ang sakit ng paa ko at namimintig na mga hita.

“Sige lang tofie kaya mo yan” isang bulong sa kanang bahagi ng utak ko

“Umupo ka na sa sahig, di mo na kaya yan!” boses sa kaliwang utak ko

Pati tuloy sarili ko binubulungan ako nahahawa na rin ba ako sa ibang kawirduhan ng mga kaklase ko? Ah basta kaya ko to, higpitan mo lang ang kapit para di ka isang kalderong tumilapon sa unahan ng bus. Pero tumigil ang bus sa mataong lugar at parang mga sardinas na isiniksik sa loob ng isang lata. Buhay pa ba ako? Walang hangin ang init at ang ingay.

“Ano tofie kaya mo pa ba?”

“Tofie konting tyaga pa, makakaraos ka rin”

Ayan na naman ang mga boses sa utak ko sa tuwing napupunta ako sa ipit na situasyon laging may bumubulong, baliw nga talaga ako, this time confirmed, positive! Baliw nga ako. Bawat abante, atras at hinto ng sasakyan pakiramdam ko nakasakay ako sa roller coaster ang kaibahan nga lang nakatayo. Huwag lang aatake si byahilo tiyak maliligo tong katabi ko ng halo-halo.

Muli kong inayos ang sakbit ng bag ko sa balikat ko saka ko lang napansin asan ang pin ko? Eto na patay talaga. Ang pin ko nawawala! Kinapa ko sa bulsa ko. Kaliwa, kanan, asan ba talaga yung pin ko? Sa bag ko, lahat ng bulsa, lahat ng zipper, mga notebook bumaliktad lumabas lang ang pin ko kulang na lang itaktak ko pati bag ko pero wala asan ang pin ko?

Tumingin ako sa sahig, hinawi ang mga taong nakatayo mahanap ko lang yung pin ko. Sumilip sa ilalim ng mga upuan kahit mukha na akong wirdo, sabagay wirdo nga naman talaga. Mula sa dulo ng bus hanggang sa unahan baka kasi tumalsik kasi yung pin ko. Malapit na akong bumaba at dapat mahanap ko yun. Kung pwede lang ipatigil ang bus at lahat kapkapan ginawa ko na.

“Yan ang careless kasi”

“Hindi ka careless, Tofie wag mong isipin yun”

At letche ayaw talaga nilang tumigil sa pagbulong sa utak ko. Asan na ba napapunta yung pin? Wala na! Oras na para bumaba.

“Manong may baba po sa terminal!” sigaw ko sa konduktor

Tumigil ang bus sa terminal at nakiraan ako sa mga pasahero para tuluyang makababa. Muling nagtawag ang konduktor ng mga pasahero dahilan para bumagal ang bus sa pagandar. Pero ako tuloy pa rin sa paghahalungkat ng bag sa daan habang naglalakad palayo.

“Christopher Alcaraz?!”

May sumigaw ng pangalan ko sa bus, sa mismong bintana ng bus na sinakyan ko. Kaya paglingon ko laking gulat ko ng muli syang magsalita.

“Ikaw pala si Christopher! O, heto saluhin mo!” sabay itcha ng isang bagay at shoot sa bag ko. Agad ko naman tinignan ang bagay na inihagis…

“Ang Pin ko! Sala… Yumi?!”

Nakangiti lang sya sakin habang umaandar palayo ang bus

“Pambihira, alam mo na rin pangalan ko?”

“Sa bookstore! Kaninang umaga!” sigaw ko

“Ano? Di na kita marinig”

Talagang pasaway ang kalye kung kailan may matinong kausap saka nagingay samantalang kanina kausap ko ang mga kutong lupa sa kaliwa at kanan ko, di sila nagiingay. Pero bago pa man masundan ng isa pang malakas na sigaw, humarurot ang bus palayo…

“Baliw yung driver na yun may kausap pa, tinakbuhan ako. Pero di bale nakita ko sya ulit si Yumi!”

Mahigpit ang kapit ko sa pin ko para di na muling mawala, isinara ko na rin ang zipper ng bag ko baka may isa pang mawala saking gamit. Pero bago yun isinalpak ko ang headset ko sa tenga ko at pinindot ang “play”.

“Ayos pati ba naman mp3 player nakisabay sa byahe ko”
-----------------------------------------------
Limang dipang taong nagtutulakan
sa abenidang aking napagdaanan
Nag-aabang ng masasakyan, patungo kung saan,
di ko malaman

Sa aking dyipning sinasakyan,
mayroong natanaw na mama
Sa dinami-rami ng nagdaraan, ikaw pa ang nakita,
ikaw pa ang nakita
May kasamang dalaga, (may kasamang dalaga)

------------------------------------------------
Bawat linya ng kanta parang sabay sa hakbang ko, baliw talaga ako dahil naglalakad walang kausap, walang ginagawa pero nakangiti.

“Yumi!” sa tuwing mababanggit ang pangalan na yan “kilig to the bones” ako palagi parang Max’s fried chicken lang.
-----------------------------------------------
Para, mama sasakay po, limang dipang taong nagtutulakan
Para, mama sasakay po, limang dipang taong nag-uunahan
Para na sabi (2X), para mama, para na diyan sa tabi.

Para na sabi, Para na sabi, Para (3X) na diyan (2x) sa tabi
Para na sabi para na sabi para na diyan sa tabi!

-----------------------------------------------

Blag!

“Aray… aruyyy… ouch…..” yan ang napapala ng naglalakad ng nakangiti at nakapikit parang naglalakad sa luneta at nanaginip ng gising.

“Hay! Yumi!”


No comments:

Post a Comment