Friday, August 13, 2010

Chapter 1: Stumble on Someone (Prelude of Music) Chapter Ending

Nakarating ako sa pintuan ng bahay kaya agad kong kinabig ang door knob at tuloy-tuloy ako sa loob ng bahay, karaniwang ako ang unang dumarating sa bahay dahil may trabaho si Daddy kung gagabihin man sya sa paguwi ang laging text at litanya.

“Prinsesa ko, gabi makakauwi si Daddy maraming trabaho sa office pasensya na”


At ang lagi kong sagot “Okay, magaantay ang prinsesa basta may pasalubong”


Ang laki ko na para sa pasalubong pero sa tuwing gagabihin sya sa paguwi tumatakbo na naman ang isip ko para hulaan ang pasalubong ng daddy sakin. Pero biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong binasa ang laman ng text.


New Message Received

Daddy..

“Aba, overtime si Daddy sa office, ano naman kaya ang pasalubong niya?” kaya dali-dali ako sa pagbabasa ng message


Prinsesa ko bumili ako ng isda,

Ipagluto mo naman ako?
Love Daddy

“Ayos ka din daddy, prinsesang utusan pala ako! Grrr…”


Sa isang kundisyon Daddy,

Pasalubong ko

Nagpalit ako ng damit pang bahay habang naghahantay sa reply ng daddy. Pero nakatapos na akong magpalit wala pa ring reply.


“Aba! Mukhang liligtas si Daddy sa pasalubong ko hindi to pwede, hindi ako makapapayag!” kaya muli kong hinawakan ang cellphone ko at nagtext ako kay Daddy.


Daddy, pasalubong ko!

Pag wala kang pasalubong
Di kita ipagluluto bleh! I heart you!

Lumabas ako ng kwarto pagkatapos dumiretso sa kusina, hinalungkat ko ang cabinet ng mga kaserola at kawali.


“Asan na ba yung kalderong yun?” habang patuloy ang kamay ko sa pagkapa sa cabinet mahawakan ko lang ang tangkay, kilala ko na kung kaldero o kaserola ang nakapa ko.


“Aha! Huli ka, pinapahirapan mo akong maigi, buang kang kaldero ka” pati kawali pagtritripan makapagsaing lang.


“Teka, ilang gatang ang isasaing ko? Ah alam ko na dalawa, di naman siguro malakas kumain ngayon si daddy nagdidiet eh” kaya tuluyan kong isinalok ang takalan ng bigas sa bigasan binilang at inusisa ang dami ng bigas.


“Ang tahimik di ako sanay, panget naman ng mga palabas lahat na lang puro, patayan kung di naman pagtataas ng mga presyo, nakakasawa. Brighter side naman” pumunta ako ng sala at binuksan ang tv pagkatapos scan channels.


“Sa Myx Channel muna” balik ako sa kusina para hugasan ang bigas na isasaing ko. Habang naagos tubig mula sa gripo at hinuhugasan ang bigas tumunog muli ang cellphone ko, isinara ko ang gripo at nagpunas ng kamay.


Don’t worry prinsesa ko

Di ko nakakalimutan ang pasalubong
I heart you, Daddy
“Sweet and thoughtful ang cheesy mo daddy” habang nakangiti sa sa harap ng cellphone na parang timang sa pagbabasa at pagreply sa text. Pagkatapos muli kong isinalang ang kaldero at naupo sa harap ng tv para manuod.

-------------------------------------


Masakit pa rin ang bukol sa noo ko, dahil sa pagkaka-untog ko sa poste kaya pagdating ko sa bahay di ko na nagawang magbihis agad kong sinugod ang refrigerator at kumuha ng isang bloke ng ice at inilagay ko agad sa ulo ko. Umupo ako sa sofa habang unti-unti kong inihahaplos ang yelo sa ulo ko.


“Aray… ouch… sakit… tsk! tsk!” makalipas ang ilang minuto muli akong tumayo at pumunta sa lamesa binuklat ko ang nakatakip na pagkain.


“Aba, ayos pritong tilapia at may sasawan pang toyo” nagutom talaga ako nang makita ko ang ulam sa lamesa kaya ang una kong hinanap “KANIN!” nakangise habang nababaliw sa salitang “KANIN” sinalubong ko ang kaldero ng pangugulat kung may laman syang kanin. Pero sa kasamaang palad nahipan ng hangin.


“Na-untog na nga, nagkabukol pa pagkatapos magugutom pa? Torture na to. Life is not fair!” litanya ko sa harap ng nakabukas na kaldero.


“Hoy! Tofie”


“Nay, mano po!”


“Anong pinagsasabi mong magugutom pa at may nalalaman ka pang palife-life dyan?”


“Nay naman”


“Anong nagyari sayo at parang na sindihan ng labintador yang ulo mo?”


“Na-untog po kasi ako sa poste habang papauwi”


“Bakit anak, Malabo na ba mata mo?” paglalambing ni nanay na parang nangaasar imbes na maawa mas lalo pa yatang sasakit ang bukol ko sa kanya.


“Hindi po, malinaw pa mata ko *** talaga nanay puro ka kalokohan”


“Naku ayaw na yata magpalambing ng anak ko, sya kumain tayo habang pinaguusapan yang bukol na yan”


“Good suggestion nanay”


“O, heto bumili ako ng dalawang order ng kanin dahil alam ko walang kanin dahil di ka naman nagbaon kanina”


“Galing talaga ng nanay ko, kaya love na love kita nanay eh”


“Naku tong batang to, sipsep”


“Di naman straw lang hehehehe”


Naghugas lang ako ng kamay at kahit na uniform pa galing school, tuluyan kong nilantakan ang pritong tilapia. Bukod pa dyan naghiwa pa si nanay ng sariwang kamatis, fiesta yata? fiesta ng tilapia. Habang ngumunguya ako sa harapan ni nanay.


“Tofie bakit ka ba nagkabukol?” pagtatanong niya kahit alam nyang para akong baliw sa kakadukot at kakapilas ng ulam na tilapia.


“Kasi po nay, nalaglag po yung pin ko kanina sa bus” pero bago pa ako makapagsalita agad na nagreact si nanay.


“Ano? Asan na ang pin mo? Nakita mo ba? Paanong malalaglag yun sa damit mo?”


“Nay, kalmado lang okay? Chilax!”


“Naku, Tofie di mo pwedeng sabihing magrelax ang hirap ng buhay ngayon at di kung saan saan nakakapulot ng pera”


“Alam ko yun nanay, *** naman over reacting ka agad di ko pa natatapos ang story ko”


“Kasi naman, Tofie anak!”


“Oopps, oops ako muna nay okay ba? Ako muna it’s my turn, ako bida eh supporting actress ka muna ok po?”


“O, sige kwento mo!”


“Yun nga po nalaglag yung pin ko sa bus tapos di ko nakita, nung nakababa na ako ng bus nawalan po ako ng pagasang makita yung pin ko pero may isang babae akong nameet, sya ang nakakita sa pin ko kaya inihagis niya sakin habang nasa bintana sya at ako naman nakababa ng bus, pero dahil maganda sya napatitig ako ng matagal habang naglalakad pagkatapos ayun po”


“Anong ayun? Ayan sapul ang ulo mo paano naman kasi para kang nanalo sa roleta ng kapalaran nakakita ka lang ng maganda di ka na tumingin sa dinadaanan mo ayan tuloy, ikaw ang nawalan dahil sabog ang ulo mo”


“Ayan ka na naman nay, masakit nga di ba?”


“Masakit na kung masakit pero wag kang tumakas sa gawain mo, maghugas ka ng plato pagkatapos gagamutin ko yang bukol mo sa ulo pati sa mata para makatingin ka ng ayos sa daan para makita mo ng ayos ang dinaraanan mo”


--------------------------------


“Kamusta ang prinsesa ko?”


“Aba, daddy kanina pa ako naghahantay ang tagal mo naman late na para makapagluto ako ng ulam nyan”


“Pasensya na traffic kaya eto bumili na lang ako ng inihaw na bangus, alam ko kasi gutom ka na”


“Teka… teka… wait… bago ka pumasok ng tuluyan asan ang pasalubong ko?”


“Oo nga pala nakalimutan ko prinsesa ko, teka eto”

“Ice buko! Daddy naman ganyan na ba ang halaga ko sa iyo? Ice buko na lang nakakatampo na yan!”

“Di na ako nakadaan sa grocery para bumili ng ice cream ang nakita ko yung tindang ice buko kaya ayan ang pasalubong ko sayo, pasensya na prinsesa”


“Naku kung di lang kita love daddy, halika na nga at gutom na ako dali marami akong kukuwento sayo”


“Kumain muna tayo anak, gutom na talaga ako mamaya na lang natin yan pagusapan pag kumakain ng ice buko okay ba?”


“Okay po sige”


Mula sa pinto sabay kaming naglakad ni Daddy papuntang hapag kainan agad akong nagsalok ng kanin at inihain kasama ang binili nyang inihaw na bangus. Para kaming mga refugees dahil walang nagsasalita o di man lang kami naguusap ni Daddy habang kumakain dahil parehas kaming gutom. Ganito talaga kaming dalawa kapag gutom talo-talo na lalo na kung sa pagkain.


At nang matapos kumain, agad kong iniligpit ang pinagkainan at naghugas ng plato habang si Daddy naman ay pumasok ng kwarto para magpalit ng damit.


“O, daddy kinuha ko na yung ice buko natin tara kain tayo”


“Sige sa labas para kahit tumulo di tayo lalanggamin, mahirap pa naman maglinis ng bahay”


“Naku daddy wag kang papampam ako kaya ang naglilinis ng bahay”


“Oo nga no, pasensya naman anak ikaw nga pala ang uliran kong prinsesa”


“Prinsesang katulong, Daddy”


“Hindi naman anak *** talaga, teka anu nga pala yung ikukuwento mo?”


“May nakilala po kasi ako kanina sa bookstore tinulungan nya ako nalaman nya first name ko pero kaninang papauwi napulot ko po yung pin nya at nakita ko buong name nya, Daddy may nickname na sya sakin”


“At ano naman yun prinsesa?”


“Mr. Killer Smile”


“Ba may codename ka pa talaga, hmm nanliligaw ba sya sayo?”


“Daddy naman di pa kami magkakilala ng ayos di ba sabi ko sayo kung may magustuhan ako ipapaalam ko sayo at ipapakilala ko sayo ng personal”


“Ang prinsesa ko lumalaki na talaga, basta alam mo ang responsibilidad mo at ang dapat unahin ang pagaaral mo”


“Yes daddy”


“Love you anak”

“Love you too daddy”

----------------------------------


At habang ginagamot ni nana yang aking bukol, nagumpisa na namang ma-open up yung tungkol sa babaeng nakilala ko at nagumpisa siyang magusisa.


“Anak maganda ba yung nakilala mong babae?”


“Aba sympre nanay alam mo naman ako di mababa ang taste ko”


“Naku wag ka umasa kung mayaman tyak basted ka agad wala kang dollars anak”


“Kaw talaga nay di mo ko suportahan, dapat dib a pinapalakas mo loob ko”


“Sige na nga, pero sigurado ka ba talaga dyan sa babaeng yan?”


“Bukas nay, luluhod ang mga tala!”


“Utot mo…”


Sharam sharam shararam

Sharam sharam shararam
Sharam sharam shararam
Aaaahhhhhhhh...

Heto na naman naririnig

Kumakaba-kaba itong dibdib
Lagi nalang sinasabi
Pwede na bang makatabi?
Kahit sandali lang sige na
Sana pagbigyan pwede ba?
Muhkang tinamaan yata ako...


No comments:

Post a Comment