Thursday, August 12, 2010

Chapter 1: Stumble on Someone (The Prelude of Music) Continuation


“Christopher Alcaraz, yun pala ang pangalan nya?” napaisip tuloy ako ano ang papel niya sa buhay ko?

“Naku, Yumi gising ayan ka na naman! Aasa ka na naman tapos wala!” pero sa tuwing naalala ko ang mga ngiti niya halos manginig ang buong katawan ko dahil sa sobrang kilig.

“Sana makita ko ulit sya, hay Christoper Alcaraz” isang buntong hininga ang pinakawalan ko sa pagkakaupo ko. Pero habang tumatakbo ang sasakyan tumukod ang siko ko sa bintana ng sasakyan pagkatapos lumapat sa aking baba ang palad ko. Biglang nagsalita ang DJ sa FM station kung saan nakatune-in ang bus.

“Ang susunod na song ay para sa mga babaeng nagda-day dream ng kanilang dream boy”

Ang isip ko'y litong-lito
Di ko alam ang gagawin
Hirap ako sa paghuli ng 'yong pansin
Kapag nasasalubong ka
Dibdib ko'y kakaba-kaba
Pati ang tuhod ko'y nanlalambot na rin.
Hayan na nga't sumulyap na
Ang mapupungay mong mga mata
Kasalanan ko ba ang mapatulala,
ha, ha, ha?


“Okay din tong si Mr. DJ? Sinong timang ang nagrequest ng kantang yan?” galit pero nakangiti ako habang nakikinig at nakadungaw sa bintana. Dahil sa pagtakbo ng mga sinto-sinto kong isip di ko namalayan na lumapit si kuyang kundoktor.

“Miss!?” pero tuloy pa rin ang pagtanaw ko sa bintana

“MISS!” hanggang sa kalabitin ako at sigawan ako ni Kuyang konduktor

“Hoy Kuya bakit mo ko sinisigawan!” galit na tono ng boses ko

“Kasi naman po miss kanina pa kita tinatawag ayaw mo ako pansinin”

“Eh kasi naman ang lakas lakas ng patugtog nyo dito sa bus kaya tuloy di ko marinig ang boses nyo!” di ba sisihin daw ba pati ang music dahil di naririnig ang pagtawag ni kuyang konduktor.

“Bakit po ba?”

“Bayad mo?”

“Ano?”

Napakamot si Kuya sa ulo at inulit ang tanong niya sakin “Bayad nyo po asan?”

“Ah.. eh… hehehehe” sabay dukot ng wallet sa bag

“Eto po wag ka na magalit kuya wag mo kasi ako gugulatin para di ko kayo nasisigawan eto na yung bayad”

“O, eto sukli mo!”

“Galit ka kuya? Sabihin mo lang!”

“hehehe hindi po MISS! Eto sukli”

“THANK YOU! hmmpt” sabay balik sa pagkakaupo ko pero nang muli akong sumulyap sa bintana bumulaga sakin ang billboard ng isang tooth paste at ang mga tag line na “KILLER SMILE”

“hay, Christoper Alcaraz” balik na naman sa pagda-day dreaming ang utak ko at tuloy pa rin ang pagtugtog ng background music…

Mr. Dreamboy, Mr. Dreamboy
Ano kaya ang nasa isip mo?
Mr. Dreamboy, Mr. Dreamboy
Lagi kang nasa panaginip ko.

Doo'y kinakausap ka
At sweet na sweet kang talaga
Medyo may holding hands pa nga
Parang ayoko nang magising pa.


“O, crossing na po tayo, bawal na po magbaba sa kabila may nanghuhuli ng enforcer, yung mga baba ng crossing dyan crossing na po tayo”

Nakababa na ang mga pasahero at ako patuloy pa rin sa pagdaday-dreaming, pero biglang naputol ang music at napansin kong nasa crossing na ako napatayo ako at lumakad papuntang hagdan ng bus.

“Manong baba na po ako, hinto nyo muna!”

“Miss ikaw na naman? Kanina pa ako nagsigaw ng crossing di mo pa rin naririnig”

“Anong gusto mong palabasin kuya?”

“Inlove ka miss no?”

“Tse! Wala ka na don, ihinto mo na at baba na ako”

Bumukas ang pinto ng bus at nakababa ako ng maayos pero kahit yata nakababa ako ng bus pakiramdam ko nakadikit sa dalawang tenga ko ang mga speakers ng bus. Dahil naririnig ko pa rin ang mga linyang.

Sana'y masabi ko sa 'yo
Ang nakatagong lihim ko
Ikaw ang tanging dreamboy ko.

Mananatiling dreamboy ko,
Ikaw ang tanging dreamboy ko.

“hay, Christopher Alcaraz, Mr. Killer smile”






No comments:

Post a Comment