Tuesday, August 10, 2010

Chapter 1: Stumble on Someone (The Prelude of Music) Continuation


Nagsimula ang 2nd period ng klase ko pero talagang may LSS (Last Song Syndrome) ako habang naglalakad nakuha kong kantahin ng pabulong ang kantang naipost ko sa facebook account ko. Next subject voice lessons natural lang yata sa isang music student na maganda ang boses kaya nagpunta ako straight sa auditorium, pagbukas ko ng pinto iilan pa lang ang nasa loob at wala pang prof. ng ganitong oras marahil nasa break pa o man ginagawa pa kaya napilitan akong humanap ng mauupuan sa likod di kasi ako sanay na may katabing ibang tao na di ko close minsan naman may nakakatabi ako pero titignan lang ako tapos tatahimik na lang, kaya napapatanong ako sa sarili ko “Mukha ba akong halimaw?”

Ang ilan ay naguusap, nagkwekwentuhan nang kung anu-ano may iba naman na magkapareha na nakakuha ng atensyon may mga sweet at may iba naman na mga nagliligawan pa lang, medyo madami pala ang students sa subject na ito voice lessons kasi kaya tiyak magiging interesante ang mga susunod na tagpo pero habang wala pa kinuha ko muli ang mp3 player ko at isinalpak ko sa tenga ko para makinig.

Ngayon ko talaga napatunayan ang sarap pala talagang matulog pagtanghali kung malabot lang ang inuupuan ko naku naitaas ko na ang mga paa ko at naipikit ko na ang mga mata ko para matulog. Pero di pa nangangalahati ang kantang pinakikinggan ko lumagabog ang pinto ng auditorium.

“Mr. Santos, how many times do I have to remind you? Once you fail my subject you’re going to take it all over again.”

“Pero Ms. Dulce”

“Walang pero, pero you fail and that’s it your done see you next semester”

Blag!! Parang nasira ang pinto ng auditorium sa lakas ng hampas ni Ms. Dulce..

“Mga hindi nakaka-intindi nakatapak naman sa kolehiyo pero mga tan-ga”

Inalapag nya lang ang kanyang gamit sa lamesa, inayos ang damit pati ang salamin sa mata pagkatapos muling nagsalita..

“Good Afternoon Class” pagbati nya sa amin sa tonong parang kumakanta sa isang opera

“Good Afternoon Ms. Dulce” pabalik na pagbati namin sa kanya

Eto na simula na ng terrorism sa klase.

“Welcome to you’re voice lesson” ubo ng mahina pagkatapos muling nagsalita

“First parang madami kayo ngayong semester, bakit lahat ba kayo sa tingin nyo may golden voice?”

Aba, eh parang naghahamon pa yata ng singing contest to si Ms. Dulce talo pa ang judge sa isang court para magpataw ng death penalty.

“Kung ngayong semester na ito madami kayo sisiguraduhin kong magiging sampu, lima o tatlo lang ang matitira sa inyo!”

Ayan sabi ko na nagumpisa na ang terrorism, minsan nagtataka ako kay Ms. Dulce maganda naman sya may ipagmamalaki pero parang walang nanliligaw, ano kayang meron sa kanya.

“As for the rules during my class no cellphone, no psp, no courting kahit dead na dead kayo sa katabi nyo dahil ako mismo ang de-deadbol sa inyo and most specially walang MP3 Player…”

Nang isinigaw niya ang salitang mp3 player nahila ko bigla ang headset ko na muntik ng maputol di ko tuloy alam kung na stop ko yung song sayang ang battery. Paano ako nito paguwi?

“Are we clear about the rules?”

“Yes, Ms. Dulce” sabay-sabay na sagot naming mga estudyante

“Before we start, I need to fix your sitting arrangement”

Sitting arrangement, ano to elementary students? Ang weird talaga ng teacher na to pati ba naman sitting arrangement papakialaman.

“You might be wondering, bakit ko ginagalaw pati ang sitting arrangement nyo?” muling umubo ng mahina at muling nagsalita

“This is a voice lesson class we supposed to do singing lessons here and not to tell you who killed Magellan. Do you get the point?”

Ayun nasagot na nga ang tanong ko may telepathy o kung anu mang tawag dun at nababasa niya agad ang nasa isip ko. Isa-isa kaming pinatayo sa aming upuan at pinaakyat ng stage.

“Iwanan ang bag sa baba, tanggalin ang sapatos at umakyat ng marahan sa entablado”

Lahat naman ay sumunod sa kayang inutos at umakyat ng entablado. Tila nagtutulakan ang lahat kung sino ang mauuna sa pila dahil na rin sa takot kay Ms. Dulce.

“Ano wala bang maguumpisa sa inyo? Parang mga batang paslit kailangan pa sabihan”

Pero ako tahimik lang ako sa dulo ng pila bahala silang mauna basta darating din ang oras na ako naman ang haharap sa unahan. Ngunit biglang may isang dalagang pumunta sa unahan di ko rin maunawaan bakit bigla syang pumunta sa unahan ng pila pero mukhang confident sa kanyang gagawin pero sa totoo lang kakaiba sya halatang mayaman maganda manamit mga naghahabaang kwintas at naglalakihang porselas isama narin natin ang kanyang mga nakakasilaw na hikaw. Na parang disco ball pag natamaan ng liwanag ay tiyak may dance floor kana.

“Excuse me, pwede ako na mauna?”

Pero kahit paano naman pala nakatapak pa rin ang paa sa lupa.

“Anong hinahantay nyo pasko?” sigaw ni Ms. Dulce

Kaya lumakad ang unang estudyante sa harapan na parang nagmomodel lang.

“Anong pangalan mo iha?”

“Eunice Estrada”

“Ok, Ms. Eunice Estrada anong tono mo?”

“Po?”

“Narinig mo naman siguro ako, Anong tono mo?”

“Tono po?”

“Bingi ka ba o mahina lang pandinig mo?”

“Di ko po kasi maintindihan ang itinatanong nyong tono?”

“Sige kumanta ka ng ilang linya ng gusto mong kanta”

“Sigurado po kayo?”

“Bingi ka nga talaga next….!”

“Hindi po Ms. Dulce eto na po kakanta na”

“Kakanta ka rin pala ang dami mo pang checheburetche”

Huminga ng malalim pagkatapos, ikinalma ang lalamunan at unti-unting binuksan ang mga labi at nagsimula syang umawit.

On the wings of love
Up an above the clouds
The only way to fly is
On the wings of love

“Kaya mo pa bang itaas ang boses mo?” pagtatanong ni Ms. Dulce

Kaya muling inulit ni Eunice ang kanyang pagawit, ngunit sa pangalawang pagkakataon sumabit ang kanyang boses sa uling bahagi ng mga linya ng kanta at napatigil sa pagawit.

“Mezzo-soprano!”

“Po?”

“Basta tandaan mo, mezzo-soprano! Next”

Sumunod naman ay isang lalakeng payat pero mukhang matalino dahil na rin siguro sa kanyang malalaki at makakapal na salamin na animo’y lente sa pagkakagawa.

“Pangalan?”

“Ronald po?”

“Ronald, ano Regan?”

“Hindi po Ronald Ciudad”

“Good, ikaw Ronald anong tono mo?”

“Baritone po Ms. Dulce”

“Aba, sige nga parinig nga kung baritone”

What about taking this empty cup and filling it up
With a little bit more of innocence, I haven't had enough
It's probably because when you're young
It's okay to be easily ignored
I'd like to believe it was all about love for a child


“Bravo! You may now take your seat Mr....”

“Ronald po Ronal Ciudad”

“Ah, yes Mr. Ciudad, please take your seat”

Ayos napahanga ni Mr. Know all si Ms. Terror at mukhang talagang nagiging totoo ang bawat sinabi niya na iilan lang ang makakapasa at matitira sa klase nya. Ilang studyante pa ang dumaan sa kanyang harapan, may ilan na sya ay napangiti may ilan na sya ay nagalit may isang beses pa na ang kumanta ay trying hard makuha lang ng tama ang tono ayun nabali ang lapis at doom! Putok ang fuse…

Ako na ang sumunod eto na bibitayin na ako ni Ms. Dulcet yak to.

“Pangalan!”

“Christopher Alcaraz po”

“Sige nga Mr. Killer smile anong tono mo?”

Tignan mo nga naman ang pagkakataon pogi points agad kay Ms. Terror isang ngiti pa lang yan.

“Di ko po alam kung anong tono ng boses ko kasi po depende sa kinakanta ko”

“Sige bigyan mo ko ng sample”

Ngayon dapat gumana ang brain cells ko nagisip ako ng mabuti hanggang sa kumunot ang noo ko pati ang kamay ko nailapat ko sa aking baba para lang magisip.

“Ang tagal ikaw na lang ang natitira pero wala ka pang naisip?”
“Sige po ready na po Ms. Dulce” bahala na si batman kung anong kalalabasan ng boses ko. Inumpisahan kong ipitik ang aking mga kamay at huminga ng malalim at dahan-dahan gumawa ng tono.

And lately
I feel like I’m goin’ crazy
I’ve got this lady
The way her lips just move
The way her hips just groove
The feelin’ I get when she says my name
It’s a feeling that never feels the same
Save me


Pati ang aking mga paa ko ay nakikisabay na rin sa pagpitik ng aking mga daliri at para na akong baliw sa pagkanta dahil ang mga mata ko ay naniningkit na. Si Ms. Dulce na nasa aking harapan ay nadamay kaya pati ang ulo ay bumabaling pakaliwa at pakanan.

Coz I found the
Love that's a one of a kind
This time I’m in for it
And I know I’m in just way too deep
Someone, oh someone
Save me now


Natapos ko ang huling mga linya ng kanta at unti-unting iminulat ang aking mga mata ngunit gulat ako ng makita kong bumabaling pa rin ang ulo ni Ms. Dulce natigil na lang ito ng naalimpungatan sya na tapos na ako sa pagkanta.

“Ehmmm… Very Good Mr. Christopher you have a great voice”

“Ms. Dulce ano po ang tono ng voice ko?”

“Baritone ka Mr. Alcaraz”

“Okay po” bumaba ako mula sa entablado at kinuha ang bag ko at bumali sa dating pwesto ko.

“Simula bukas gusto ko lahat ng nabibilang sa tono ng Soprano ay mapunta sa unahan ang mga tenor at countertenor ay nasa pangalawang hanay pangatlo ang baritone at mezzo-soprano at sa likod naman ang contralto at bass”

Ngunit bago pa sya magsimula biglang tumunog ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase sa araw na ito.

“Nga pala saliksikin ang pagkakaiba ng boses mula tenor hanggang bass yan ang tatalakayin natin sa susunod na klase”

At isa isang nagsilabasan ang lahat ng mga estudyante ng silid, kanya-kayang kwentuhan tungkol sa professor na si Ms. Dulce may ilan na nagagalit may ilan na naman na nagsasabing strikta may iba naman na weird at nababaitan sa kanya pero sakin one of a kind si Ms. Terror.


No comments:

Post a Comment