Monday, August 30, 2010

Chapter 2: Clef, Beginning of Lines… (Chapter Ending)

“Wag mo nga ako niloloko, Tofie”

“Hindi kita niloloko, gusto mo ako ang magtuturo sayo?”


“Ano ipambabayad ko? Sige nga sabihin mo?”


“Hmmm… notes?”


“Notes? Ano ako taga gawa ng assignments mo, swerte mo naman”


“Hindi yun anu ka ba, sabi mo pangarap ng mommy mo ang makatugtog ng piano gusto ko yung ibabayad mo sakin magandang notes ng music okay ba?”


“Sige pagiisipan ko yan pero mahirap yan di kaya maubos utak ko dyan?”


“Hmmm may tendency hahahaha”


“Aba sira ulo ka pala eh gusto mo ba ng magasawang sampal?”


“Hala di kaya hehehehe biro lang tara kain na tayo”


Pagpasok sa loob ng karindera agad akong sumilip sa nakahain na mga putahe sa loob ng salaaming aparador. Ang dami pala talagang luto at mukha talaga masarap sa tingin ko pa lang nakakatakam na.


“Yumi, sure ka ba talaga na okay lang dito kita yayain kumain?”


“Oo, anu ka ba okay lang yun mukhang maganda at masarap ang luto dito”


“Tofie ano ulam mo? Mukhang may bago kang kasama ngayon”


“Hehehe kaibigan ko po Tita Ruth at possible regular customer”


“Okay yan Tofie sige libre na yung gulay para sa inyo”


“Thank you po Tita Ruth”


“Sino sya, Tofie?”


“Sya si Tita Ruth sya may ari ng karinderyang ito”


“Ah ganun ba, di naman kayo close?”


“Hehehe medyo naging regular customer na ako kaya nakilala ko siya”


“Talaga?”


“Oo nga totoo yun bakit selos ka?”

Uminit ang pakiramdam ko at alam kong namumula ang mga pisngi ko sa sinabi ni Tofie na syang di ko aakalaing sasabihin niya sakin kahit na pabiro pa wala akong nagawa kung di yumuko.

“Yumi, sorry di ko sadya sorry”


“Hmm… wala yun okay lang ako tara pili na tayo ng ulam”


“Sige… pero sigurado ka okay ka? Kung galit ka eto o sampalin mo ko” iniharap niya ang kanyang kanang pisngi para sampalin ko


“Sigurado ka?”


“Sige... okay lang wag ka lang po magalit” pero makikita mong nakapikit sya at naghahantay na lumapat ang mga kamay ko sa kanyang pisngi. Pero mas lalo syang nagulat sa ginawa ko.


“Aray... aray... Yumi”


“Gusto ko yun ayun o..” hinila ko ang kanyang pisngi at inilapit sa estante ng mga nakahaing ulam.


“Yun ba? Sige libre kita” habang hinahaplos pa rin niya ng kanyang pisngi at tila na napalakas yata ang hila ko dahil kitang kita ko ang pamumula nito.


“Brutal ka pala, Yumi”


“Hehehe sabi mo di ba?”


“Sige panalo ka na… Softdrinks gusto mo? Sabihin mo ako naman magbabayad”


“Sige coke na lang” agad akong humanap ng lamesa kung saan maari kaming pumuwesto ni Tofie at agad naman akong naupo.


“Okay Tita Ruth isang coke at isang pop, magkano po lahat?”


“70 pesos lahat Tofie”


“Eto po yung bayad” pagkaabot ng bayad ni Tofie kay Tita Ruth napansin kong may binulong sya kay Tofie di ko alam kung ano yun malamang tungkol sakin. Malalaman ko rin mamaya itatanong ko kay Tofie.


Maya-maya’y lumapit si Tofie dala ang tray ng mga order naming pananghalian, inilapag niya sa lamesa ang tray at agad na inihain sakin ang order kong ulam at kanin kasama ang isang coke. Bigla akong tumayo at hinanap ang lagayan ng kutsara at tinidor.


“Teka Yumi san ka pupunta?”


“Wala tayong kutsara at tinidor”


“Hehehe nakalimutan ko pasensya na”


“Okay lang ako na kukuha” bumalik akong dala-dala ko ang dalawang pares ng kutsara at tinidor. Inabot ko kay Tofie ang kanyang kutsara at tinidor at inumpisahan namin ang pagkain ng pananghalian. Magana pa lang kumain si Tofie pati tuloy ako napasarap sa pagkain na dati rati ay concious ako kung anung kakainin ko pero ngayon ang ginagawa ko kain lang ng kain. Minsan lang may magalok ng libreng lunch.


“Nabusog ka ba Yumi?”


“Oo, tama ka nga masarap dito, masarap silang magluto ng pagkain dito”


“Buti naman nagustuhan mo akala ko kasi di mo type kumain sa ganitong klaseng lugar”


“Okay lang thank you nga pala sa treat mo”


“Anong thank you may bayad yun”


“Aba di ba sabi mo treat mo?”


“Yung coke treat pero yung ibang order hindi hehehe”


“Hmmm di ko gusto yang mga tawang yan”


“Bakit naman wala naman akong masamang intension”


“E bakit ka natawa?”


“May hihingiin sana akong favor”


“Ano naman yang favor na yan Tofie?”


“Sana pumayag ka?”


“Pumayag na ano?”


“Pwede ko bang mahingi ang number mo please please?”


“Number ko?”


“Oo sige na please please pumayag ka na”


“Sa isang kondisyon?”


“Kaw din magkondisyon?”


“Ayaw mo?”


“Hindi sige na payag na ako kahit anu pa yang kondisyon mo papayag ako ibigay mo lang number mo sakin”


“Okay basta lagi mo akong treat dito sa canteen nila Tita Ruth”


“Ha? Paktay ubos lagi allowance ko nito”


“Ayaw mo sige walang number!”


“Hindi joke lang k@w naman di ka naman mabiro”


“Okay deal pahiram notebook”


“Notebook?”


“Oo, notebook dali”


Hinalungkat ni Tofie ang bag nya at naghanap ng magandang notebook, agad naman niyang binigay ang bagong biling music notebook na walang kasulat sulat at walang bahid ng dumi.


“Eto Yumi”


“Aba bagong bago wala pang kasulat sulat”


“Sige na dyan ka na magsulat sa 1st page”


“Gusto ko sa likod walang pakialamanan”


Pagkatapos kong isulat ang aking cellphone number ko agad kong ibinigay kay Tofie at dali-dali nyang isinilid ang notebook sa kanyang bag pagkatapos ay bumalik na kami ng school para sa next period.


 

No comments:

Post a Comment