Monday, August 9, 2010

Chapter 1: Stumble on Someone (The Prelude of Music)

"Tofiee... gising na!!!"

Yan ang morning rituals ko sa tuwing gigisingin ako ng aking ina para pumasok sa klase at magaral ng mabuti.

"Ano ba, Tofiee gigising ka ba o hindi? Mahuhuli ka na sa klase mo, aba kung alam mo lang may ibang mga bata dyan na di nakakapagaral dahil walang pera at walang pambaon maswerte kayo at nakukuha niyong makapasok sa isang maayos na unibersidad ay nakakain may nababaon...."

Si Nanay Rica sya na yata ang pinakamabuting ina sa buong mundo bukod sa mapagmahal, malaga at higit sa lahat di nawawalan ng mga pangaral sakin kung tutuusin maisusulat ko sa isang makapal na libro ang lahat ng turo niya sakin gusto kasi niya talagan makatapos ako para umunlad ang pamumuhay namin solong anak lang ako at walang kinagisnang ama kaya kahit magisa lang si Nanay sa pagkayod pinipilit niyang gawin ang lahat para sakin kaya mahal na mahal ko sya.

"Opo, Nay nandyan na po"

Nagunat-unat muna ako sa kama bago tuluyang ibinaba ang aking mga paa, ginagamit ko kasi sya para kapain ang tsinelas ko sa ilalim ng kama. Konting punas sa aking mga mata baka may nakaipit pang mga gold dust bago ko iniligpit at itiniklop ang kumot ko. Binuksan ko ang pinto at nakita kong abala si Nanay sa paghahanda ng almusal.

"Good Morning Nay!"

"Good Morning ka dyan bilisan mo at late ka na Tofie!"

"Opo k@w talaga Nay wala kang bilib sakin ako yata si Superman"

"Tse! Superman ka dyan... maligo ka na"

"Okay ayaw mo talaga maniwala Nay? Tignan mo to kaya kong patawanin ang isang tao sa pamamagitan ng isang daliri... yah! yah!"

"Tofiee k@w talaga hahaha... maligo ka na puro ka kalokohan kang bata ka!"

"Sabi ko naman sayo Nay eh ako si Superman"

"Oo na superman na kung superman pero walang superman na mabaho kaya maligo kana"

"Yun lang! Sige ligo na ako"

Habang nasa loob ng banyo nakuha ko pang kumanta ng isa sa mga linya ng paboritong kanta ni nanay.

Binibini sa aking pagtulog ika'y panaginip ko
Panaginip na kathang dakila nitong pagiisip ko
Ang katulad mo raw ay birhen sa abang altar ng purong pagibig

"Sing it Nay!"

Oh kay ganda o kay gandang magalay sayo
Alaala, at isip at pagod Sa yo'y binigay ko raw
Binibini, ang aking dalangi't dasal Dininig mo raw


"Your turn, Nay!"

Wika mo raw ay iingatan ka
Magpakailanman ang purong pag-ibig
O kay ganda O kay ganda mag-alay sa 'yo
Hooh...


"Ganda talaga ng boses ng nanay ko kaya sayo ako nagmana eh"

"Naku nambola na naman ang binatang to, kumain ka na at talagang late ka na sa klase mo"

"Ah Nay? Naubos na po kasi yung pages ng music notebook ko wala na akong pagsusulatan mamaya sa klase pwede po ba akong humingi ng pera pambili?"

"Magkano ba yun?"

"Pag 100pages 35 pesos, pag 200pages 50"

"Sige kunin mo na yung 200pages eto pambili"

"Thank you Nay, ayaw ko kasing bawasan yung ipon ko eh para kahit paano may makukuha ako kung sakaling may malaking perang kailangan"

"Hmm.. ikaw talaga tofie... sya mauna na ako sa palengke at kailangan ko mabuksan ang tindahan lunes na lunes tanghali ako magbubukas baka wala ng bumili sa mga paninda ko"

"Okay po Inay ingat po kayo! Love you!"

"Love you din anak, oh wag mo kalilimutan isara ang pinto ng bahay at tanggalin ang mga saksakan ha baka magkasunog mahirap na"

"Yes Boss!"

"Magingat ka sa paglakad mo"

"Opo, bye bye"

Nang matapos akong kumain agad kong niligpit ang aking pinagkainan at bumalik ng kwarto para isuot ang school uniform ko. Christopher B. Alcaraz, Bachelor of Music Major in Piano and Composition. Yan ang nakalagay sa pin ko and everytime na nakikita ko ang pin it always makes me proud na kahit isang ordinaryong tao lang ako nakuha akong pagaralin sa isang magandang unibersidad ng aking ina.

Huling tingin sa salamin inayos ang damit ang pantalon ko ang polo pati ang buhok ko at konting ngiti para may magandang start ang araw ko bukod sa pang araw-araw na kantahan namin ni Inay. Binitbit ko ang aking bag at lumabas ng bahay isinara ang pinto at bago tuluyang lumakad nagantanda muna ako ng krus para sa gabay ng maykapal sa akin at sa aking Ina.

"O, Tofie pasok na?"

"Oo, Joe kailangan kasi"

"Sige mukhang sipag na sipag ka talaga sa pagaaral mo!"

"Di naman gusto ko lang talagang makatulong"

Si Joe ang kababata ko mula ng maliit pa kami sya ang kasama ko nagkahiwalay lang kami ng landas mula ng magaral sya bilang isang pulis, mabait at matulungin si Joe tawag nga ng mga tao dito samin sa kanya Sgt. Joe Macaraig, di pa man nakakagraduate pulis na pulis ang dating.

"Pag may nanggulo sabihin mo lang babalikan natin"

"Di naman boy, good boy yata to!"

"Utot mo! Ikaw good boy hoy, pabling ikaw nga wag mo kong pinagloloko"

"Hahaha, sya baka malate pa ako"

"Mabuti nga mauna ka na at baka anu pa masabi ko hehehe"

Nakarating ako sa terminal ng tricycle nakita kong isa na lang ang kulang para makumpleto ang dami ng pasahero sa isang byahe. Agad naman akong sumakay yun nga lang back ride, ingat na ingat ako baka magkaroon ng kalawang ang suot kong polo mahirap pa naman maglaba. Pagdating sa terminal ng jeep ibinigay ko ang baryang bayad ko sa driver ng tricycle at agad na pumara sa jeep at sumakay sa unahan nito. Lunes kaya ang traffic sa daan buti na lang maaga ako umalis ng bahay kaya mahaba pa ang oras ko para sa byahe. Habang nasa unahan ng jeep nakatingin ako sa salamin hawak ang panyo at pinupunasan ang pawis sa mukha nakakahiya baka mamaya may tumabi sakin sabihing pawisin ako.

"Manong terminal lang po"

itinabi naman ng driver sa gilid ang sasakyan saka ako bumaba at naglakad para sumakay naman ng bus. Nang makita ko ang sign board sa bus agad akong sumakay at umupo malapit sa bintana, sanay akong umupo malapit sa bintana, Dahil gusto ko pag nagbyabyahe ako nahahanginan ako isa pa marami akong nakikitang. Gusto ko talaga makita ang mga sasakyan na nakakasabay ng bus sa daan, marami kasing porma may maganda at tipong mamahaling sasakyan ang lagi kong nakakasabay sa daan habang papunta ng school. Kasabay nyan ang iba't ibang sound trip na nakalagay sa mp3 player ko. Regalo ni Inay sakin noong nakaraang pasko sa akin.

Bago dumating sa unibersidad napagpasyahan kong bumaba dahil kailangan kong bumili ng music notebook para may magamit sa klase. May malapit na National Bookstore sa school kaya dito ko napiling bumaba at bumili. Agad kong kinabig ang pintuan ng tindahan at tuluyang pumasok sa loob pagkatapos ay pumunta ako sa notebook section.

Marami talagang estudyante sa oras na ito may iba nagrurush bumili ng mga gamit na kailangan at may iba naman dito nagbabasa habang vacant pa nila. Nang makuha ko ang notebook na hinahanap ko, isang libro ang nakita kong nalaglag mula sa estante pinulot ko at nakita ang pangalan ng libro "Piano lessons for Beginners"

Napatanong ako sa sarili ko ano ang ginagawa ng librong ito dito sa estante ng mga music notebooks? At lumitaw sa aking mga mata ang isang pares ng paa at dahan-dahan kong itinaas ang aking mukha para makita ko kung sino ang may ari ng mga paa.

"Sorry natamaan ka ba nung nalaglag yung libro di ko sadya"

"Ah, di naman okay lang ako nakita ko lang syang nalaglag pero di naman ako tinamaan"

"Buti naman akala ko nakasakit nakadisgrasya na naman ako"

"Eto yung libro mo" sabay abot ko sa kanya ng librong hawak ko

"Salamat and sorry ulit ha"

"Okay lang don't worry ayos lang ako nagaaral kang magpiano?"

"Ah eto hehehe self-study lang hindi kasi yun ang course ko"

"Hoy Yumi!"

"Naku pasensya na tawag na pala ako ng mga classmates ko sorry ulit and thank you"

"Teka anung...."

Ang bilis naman nyang kumilos itatanong ko pa naman sana ang buong pangalan niya pero ang nalaman ko lang ay yung palayaw niya "Yumi" inikot ko ang mata mga mata ko sa buong bookstore at nakita ko ang isang wall clock.

"Ayos late na ako nito"

Kaya dali-dali akong nagpunta sa cashier at binayaran ang halaga ng binili kong music notebook pagkatapos ay dumiretso na ako sa una kong klase.

Isa-isang tinawag ang pangalan ng lahat ng studyante at halos lahat naman nasa
loob ng silid sa dalawampu, lima lang kaming lalake at ang mga natirang bilang ay
puro babae na. Isa-isang tinanong ng proffessor namin kung anung mga
instrumento ang ginagamit namin o alam naming patugtugin. Nagmukha akong
bagong salta sa subject na to dahil lahat ng kasabayan ko pala ay freshman
samantalang ako ay isang senior student di kasi blocked section ang napasukan ko
kaya iba-iba ang mga kasamahan ko sa bawat subject.

May ilan na marunong sa violin, drums, piano pero karamihan sa kanila guitar
talaga ang hilig at nang matapos tanungin ang bawat isa naglabas sya ng mga slide presentations tungkol sa fundamental frequencies in any ratio of power of two at tungkol sa pitch classes. "If your not into music and your heart is not in your instrument you will not feel the music of your heart."

Sa wakas natapos din ang first period ng klase ko kaya may laya akong gawin ang gusto kong gawin. Nagisip ako saglit…

"Ilang araw na ba mula ng magupdate ako ng facebook account ko?" kaya
nagpunta ako sa pinakamalapit na computer shop para magcheck na rin ng mga
emails at magupdate ng facebook account.

"Boss! 1 hour po may vacant ba?"

"Number 3!"

"Thank you"

Agad kong isinuot ang headset at inilagay sa youtube nagtype ng criteria para ma
search at click the button lumabas naman ang mga results. Pagkapili ko sa music
na gusto ko nabukas naman ako ng isa pang tab sa browser ko at nagtype sa
address bar ng mga letrang "www.facebook.com" isinulat ko ang username ko at password then log-in.

"Hmmm.. anu ba ang mga updates?"

Karamihan kasi sa nakapost sa facebook account ng mga kaibigan ko ay puro
pictures minsan naman yung status ng buhay nila kung married, single or single
again minsan naman complicated yun ang di ko maunawaan. May iba naman
notifications sa games na nilalaro nila sa facebook applications. Pero ako ang laging trabaho ko lang sa facebook ay magsulat ng mga lyrics ng mga kanta tungkol sa ma nangyari sa araw ko, minsan naman mga tula ginagamit ko din para sa mga sariling composition yun nga lang hidden sa lahat ng friends ko tanging ako lang ang may access para makita yung mga ginawa ko.

Dito ko nilalabas ang lahat ng pangyayari sa buhay ko maging malungkot man o
masaya minsan naman kung anung nangyari sa bahay kung napagalitan o napuri
ako ni Inay pero kadalasan ng nakalagay dito yung mga nakikita ko lang na
pangyayari sa daan minsan nakakasakay sa bus. Kaya ang balak ko ngayon
isulat ang lyrics ng isang kanta para sa babaeng nakilala ko sa bookstore.

Tell me your name you’re lovely
Please tell me your name
Just when I thought
This would be one of those boring games
You walked into these feelings
You looked at me and smiled
My heart unfroze and started going wild


Can you imagine this
The confusion of
first love’s kiss
A return to wondering
If the magic of love was this
You merely said hello
And my mind did a stop and go
Can it possibly be
The future for me is you


Tell me your name
I must know
Won’t you tell me your name
I’m not insane
Just frightened that you might go
Don’t go please stay beside me
Wait until I can tell you all my schemes
Chasing rainbows spinning dreams
Finding someone to love like you


I’m not insane
Just frightened that you might go
Don’t go please stay beside me
Wait until I can tell you all my schemes
Chasing rainbows spinning dreams
Tell me please your name
Tell me


Habang tumutugtog sa background ko ang music mas lalo akong napapasabay sa pagkanta nung una parang mga boses na walang salita ang maririnig mong nanggagaling sakin, ngunit dahil na rin sa gandang ng musikang naririnig ko sumabay pati ang labi ko na di ko akalaing napalakas ang pagkanta ko at naging tampulan ako ng mga mata sa loob ng computer shop. Parang nagrewind na plaka ang bawat sandali ng makita ko ang kanilang mga mata na nakatitig sakin at hindi sa kanilang mga monitor kahit ang may ari ay natulala.

“Ah… hehehehe sorry, Boss pa out na po!”

“Okay!”

Lumapit ako para ibigay ang bayad ko sa renta ng computer na tumagal lamang ng 30 minutes…

“Sigurado kang out ka na?”

“Hehehe, Opo pasensya na po sa ingay ko pati tuloy mga naglalaro nagambala ko”

“Hindi yun ang ibig kong sabihin boy, maganda ang boses mo masarap sa tenga at malamig”

“Sus kuya kilabutan ka sa sinasabi mo napasabay lang ako talaga sa kanta isa pa po di lang ako nakakain ng almusal kaya ganun”

“Maganda talaga ang boses mo”

“Sige po kuya eto na po ang bayad, salamat po ulit at pasensya na po”

“Balik ka ulit!”

“Salamat po!”

Lumabas ako ng computer shop at naghanap ng lugar kung saan maaring kumain, sanay nga pala ako sa mga simpleng canteen mga lutong ulam gusto ko ang adobo, nilagang baboy at kung anu-ano pang gulay sa reasonable price kahit minsan kinakapos sa isang cup ng kanin nagiging dalawa pa lalo na kung masarap ang pagkakaluto ng ulam.


No comments:

Post a Comment