Tuesday, August 17, 2010

Chapter 2: Clef, Beginning of Lines… Continuation...


Para akong ninakawan ng boses at di makapagsalita sa ginawa ni Tofie habang hawak niya ang kamay ko kasama ang tatlong tali ng sampaguita.

“Christopher?, Anong ginagawa mo dito?”

“Ah… eh… hehehehe, hinahantay kita!”

Totoo ba to? Baka nanaginip lang ako si Christopher Alcaraz, si Mr. Killer Smile hinahantay ako nakakakilig naman ahm…


“Bakit mo naman ako hinahantay, Christopher?”


Eto na nga ba sinasabi ko eh, di ako nakapagready sa mga itatanong ni Yumi, kung bakit ako naghahantay sa kanya. Isip bilis isip ng dahilan Tofie…


“Ah, gusto ko kasing magpasalamat sa pagsauli ng pin ko tama salamat naibalik mo yung pin ko, ang galing mo nga shoot, sa bag ko talaga”


Buti na lang nakaisip ako agad ng alibi, kung hindi paktay kang bata ka. Mabubuko agad ang mga diskarte ko.


“Yun ba? wala yun gumulong kasi sa paa ko akala ko kung ano nakita ko at nabasa ko yung name mo”


Yes, thank you talaga kay pin kung hindi di kita makikilala Mr. Killer Smile… gusto ko na talaga himatayin sa harap mo nakakatunaw.


“Oo nga buti na lang nakita mo at nakilala kita”


“Ano yun tofie buti na lang ano?”


“Ah.. buti na lang nakita mo at naibalik kasi mahal pa naman magpagawa ng pin yun ang sabi ko”


“Okay, sigurado ka yun lang sinabi mo?”


“Oo yun lang”


“Parang may narinig pa akong iba”


“Naku wala baka narinig mo lang yung ingay ng mga sasakyan”


“Sabagay may point ka dyan, salamat sa sampaguita Christopher”


“Wala yun pasensya ka na yan lang nakita kong pakalat kalat dito”


“Ha?”


“Ah hehehehe, yung nakita kong binebenta dito ng bata nanghingi kasi ng pambili ng pagkain sabi ko bibili na lang ako ng sampaguita kaya ayan binili ko para sayo”


“Akala ko kung anung pakalat-kalat” pero kahit na napulot o pinitas mo pa basta bigay mo tatanggapin ko.


“Let’s go, Yumi?” gusto ko sanang kunin at hawakan ang kamay ni Yumi kaya lang dyahe pakiramdam ko pag ganun ang gagawin ko bigla na lang nya ako sampalin. Pero kahit di ko hawak ang kanyang kamay sapat na ang makasabay ko sya sa paglalakad.


minsan pa,

nang ako'y papalayo,
hindi ko alam na ika'y tutugon
sa mga tanong na aking nabitawan
hindi ko alam na ito'y totoo

pangarap ka,

sa bawat sandali
langit man ang tingin ko sayo sana'y marating...
ooh..oh..oh..


“Teka, di ko pa nga pala alam ang tunay na pangalan mo, ang tanging alam ko lang ay Yumi”


“Oo nga pala pasensya na di ako nakapagpakilala sayo ng ayos, Ako nga pala si Ayumi Santos” pagkasabi ni Yumi ng kanyang totoo at buong pangalan, bigla akong lumundag sa kanyang harapan at kinuha ko ang kanyang kamay at lumuhod sa kanyang harapan


“Nice to meet you Ms. Ayumi Santos, ako nga pala si Christopher Alcaraz”


“Hoy Christopher! Anung ginagawa mo dyan tumayo ka nga”


“Hindi ako tatayo dito hanggat di mo sinasagot ang pagpapakilala ko sayo”


“Ang OA mo Christopher, tumayo ka na dyan”


“Hinde!”


“O sige para lang matapos to dahil pinagtitinginan na tayo dito” biglang may sumigaw na driver ng jeep sa di kalayuan.


“Sige na miss sagutin mo na.. woh!”


“Grrr mga asungot na to, nice to meet you Mr. Christopher Alcaraz, ayan tapos na tumayo ka na please”


Unti-unti akong tumayo sa aking pagkakaluhod ngunit hawak pa rin ang kanyang kamay.


pangarap ka

o tinig mong kay lambing
ang iyong mga ngiti'y
na sa akin ay nakapag bigay pansin
ngunit ikaw pa'y isang pangarap lang.....


“Ayan okay na tara na lakad na tayo papasok ng school”


“Ah Christopher saglit lang”


“Tofie na lang wag na buong pangalan ko”


“Sige Tofie kasi yung… yun oh..” sabay nguso ko sa kanyang kamay habang hawak nya ang aking kamay.


“Ooppss… pasensya na dumikit hehehehe” yes! Nagawa mo rin tofie nagawa mo rin may pogi point kana rin kay Yumi. Tapos na ang first move. Halos lumundag ang puso ko sa tuwa ng magpakilala ng personal si Yumi sakin.


“Okay lang” Hmmm, tofie. Ang cute mo talaga kung pwede lang mahimatay kanina pa ako nahimatay sa harap mo para mayakap mo ko.


Ang ganda ng moment pero sisirain ng isang alarm ng cellphone.


“Wah!”


Voice Lesson

Ms. Dulce…
5minutes delayed…

Nung una akala ko puso ko lang ang lumundag pero nang mabasa ko ang alarm schedule ng cellphone ko lumundag pati katawan ko hindi dahil sa kilig kung di dahil sa takot.


“Ang terror!”


“Anong terror, tofie?”


“Ah… kasi ganito Yumi ano kasi…”


“Sige na late ka na alam ko schedule mo”


“Pero.. sure ka okay lang Yumi?”


“Oo naman anu ka ba okay lang”


“Babawi ako… hmmm mamaya sa canteen 12nn sharp?”


“Hmmm sige canteen 12nn sharp”


“Ah… sige Yumi una na ako pasensya na sorry talaga”


“Okay lang lakad na”


Tumakbo palayo si Tofie at ako nanatiling nakatulala sa kanyang anino at nang di ko na sya maaninag. Ako ang lumundag sa tuwa.
 

 

No comments:

Post a Comment