Monday, January 31, 2011

Chapter 6: A Promise Not Meant To Be Broken Continuation....

Natapos ang buong maghapon ng pero gaya ng dati wala pa rin akong natatanggap na text kahit kanino maliban na lang sa nagiisang text ng network para lang ipaalala sakin ang expiration ng load ko. kaya pinasya ko na lang ilagay sa drawer ang cellphone ko at gawin ang mga assignment ko kesa magantay sa kung anong text ng kung sino-sinu at least hindi pa masisira ang araw ko.

Binuklat ko na ang bag ko inilatag sa lamesa ang mga libro at ilang notebook inisa-isa ko ang mga pahina nito para magreview dahil malakiang posibilidad na magbigay ng pop quiz ang teacher ko, sabagay dun naman sya kilala kaya nga ang tawag sa kanya Ms. Popz gayun paman magaling syang guro at talagang matiyaga siya sa kanyang mga estudyante. Kaya hindi ko kinakalimutan ang kahit anong mga term na sinasabi nya sa klase lalo na yung mga words to take down. Dahil tiyak akong lalabas ang mga yan sa pop quiz niya.


Sa isang blanking pahina ng notebook ko isinulat ang mga pointers to review pagkatapos isa-isa kong binalikan ang lahat ng mahahalagang bagay na nadiscussed sa klase. Para ma-enjoy ko ang pagrereview muli akong lumabas ng bahay para bumili ng makakaing-sitsirya. Isang maliit na piatos sour cream flavor at cheese cake at isang ice tea litro.


Pagpasok ko sa bahay nagtaka ako bakit wala si Daddy sa may sala samantalang bukas ang TV, kaya hinanap ko sya, kinatok ko ang CR kung andun siya pero walang sumasagot pinuntahan ko ang kwarto niya pero wala sya dun kaya napilitan akong silipin ang kwarto ko baka sakaling andun siya. Pero nagulat sa mga sumunod na pangyayari.


“Daddy! Bakit mo hawak ang cellphone ko!” sabay lapit ako sa kanyang kinatatayuan


“Kasi anak kanina pa ring ng ring ang cellphone mo naririnig ko sa may sala akala kung kaninong cellphone kaya hinanap ko pinahirapan mo pa nga ako kasi sa drawer nakalagay.”


“Pero kahit na Daddy sana hinantay mo na lang ako saglit lang naman ako kasi bumili ako ng makakain habang nagrereview”


“O siya sige eto na ang cellphone mo mahal na prinsesa, concern lang naman baka mamaya importante yung tawag sayo, pahinga nga nyang dala mo”


“Hmmm ikaw talaga Daddy, eto sayo na tong may bawas na kasi binuksan mo cellphone ko”


“Salamat!” lumakad palabas ng pinto maya-maya’y lumingon at nagsalita


“Ring… Ring… Ring… Tofie is calling… Ring… Ring…”


“Wahhhhhh!!! Daddy binuksan mo pa ang nalaman mo kung sino tumawag sa cellphone ko” kaya kumaripas ng takbo si Daddy palabas ng akmang ibabato ko sa kanya ng hawak kong unan, ngunit huli ang lahat nakaalis kaagad sya sa kanyang kinatatayuan. Kaya binalikan ko muli ang cellphone ko.


“Talaga ka lang, Tofie wrong timing ka pa kung tumawag di ko pa hawak ang cellphone” sumbat ko sa harap ng cellphone habang hawak ko ito.


“Waow 20 missed calls, seryoso?” pati ako napatanong kung totoo ang number of missed calls ni Tofie kahit na hawak ko na ang cellphone at nasa harap ko na ang patunay parang hindi pa rin ako makapaniwala.


Nang basahin ko naman ang lahat ng inbox ko para kanyang mensahe natawa na lang ako sa nabasa ko mga salitang normal lang sa pakikipagtext at magkakaibigan “Kamusta ka Yumi, Ano gawa mo ngayon?”


“Ang dami mong missed calls tapos yun lang pala ang laman ng nagiisa mong text message kamusta ako at anong ginagawa ko, hmmmmpt…”


Natapos ang isang gabing puno ng palitan ng text, kwentuhan kung anung nangyari sa loob ng maghapon na umaasang huwag sanang matapos ang bawat sandali sa oras ng kwentuhan sa text. Di na rin alintana ang bukas na darating.


Nakatulog akong nakalagay ang cellphone sa unan ko ngunit ang mga palad ko ay nanatiling nakatakip sa screen, tulog ang katawan ko ngunit gising ang diwa ko baka sakaling magtext si Yumi ng kahit anong oras at least makakapagreply agad ako. Sa kasamang palad wala naman akong natanggap na text mula sa kanya bagkus nagalarm lang ang cellphone ko at muli ko na namang narinig ang boses ni Nanay mula sa kusina….


“Tofieee!!!! Tanghali na…..”


Bumalikwas lang ako saglit sa kama at muling tumingin sa wall clock… “Maaga pa naman si Nanay talaga”


Muling bumagsak ang katawan ko sa kama ngunit di pa man nakakalapat ng matagal ang likod ko sa malambot na kutson “Tofieee!!!! Ano ba tanghali na….”


“Opo, tatayo na po ako” tumayo ako pagkatapos hinila ko agad ang naka-hanger na tuwalya at lumabas ng kwarto.


“Good Morning, Nanay”


“Good Morning, hmmp… anong oras ka na naman natulog kagabi alam mo naman may pasok ka kinabukasan?”


“Hindi kaya Nanay ang aga ko nga nakatulog eh”


“Paanong maaga? Nagising ako sa tunog ng pate-text mo kaninang medaling araw”


“Naku baka di po ako yun baka ang naririnig mo yung radio sa kabilang bahay”


“Asus magpapalusot ka pa, di ko nakita ang charger ko kagabi kaya alam ko gamit mo”


“Hindi naman po inabot ng medaling araw”


“Huwag ka ng magpalusot dahil huli ka na sige na maligo ka na baka mas lalo kang malate sa klase mo, Lunes na lunes late ka di magandang simula yun sa klase”


Kaya bago pa man humaba ang usapan at paliwanagan namin mag-ina naligo ako ng mabilisan at nagbihis pagkatapos ay nag-almusal kasabay ni Nanay pero hindi pa rin natapos ang diskusyunan namin dalawa habang kumakain nakuha pa niyang usisain kung sino ang katext ko sa buong magdamag. Pero sympre todo tago at tangi ako kung sino ang ka-text ko mahirap nab aka sabihin ni Nanay nagpapabaya na ako sa pagaaral at puro panliligaw na lang ang inaatupag ko.


Inaantok talaga ako kaya di ko mapigilang maka-idlip sa sinasakyan kong bus. Nakasandal lang ako ulo ko sa bintana ng sinasakyan kong bus habang nakalagay sa tenga ko ang headset ng mp3 player pagkatapos nakasuot ang shades sa mukha ko. bigla na lang akong pinagpawisan ng malamig at bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi ng konduktor.


“Sunod na bus station Main Avenue!!!”


Talagang nalintikan na lampas na ako ng dalawang bus station and idlip nagging tulog ang saglit na byahe nating field trip “Asar talo!”. Kaya di pa man nakakarating ang bus sa susunod na bus station, napilitan na akong tumalon pababa ng bus. Kaya lang…


“Hoy!!” Si Manong Enforcer ulit papalapit sakin


Patay na wala na naman ako sa tamang loading and unloading point isa pa nasa gitna talaga ako ng kalsada bumaba ng bus kaya wala na naman akong ligtas nito.

No comments:

Post a Comment