Wednesday, January 12, 2011

Chapter 6: Promise of Not Meant to be Broken Continuation

“Sige you’re forgiven, Monday after class, see you at the school gates”

“Okay deal! Monday after class at the school gates… teka Yumi….”


“Bakit may sasabihin ka pa ba?”


“Ano kasi Yumi…”


“Yes?!”


“Ano Yumi… Good night!”


“Same to you”


“Sleep tight!”


“Same to you”


“Sweet dreams”


“Same to you”


“Sige baba mo na”


“Bakit ako dapat ikaw”


“Bakit mo naman nasabing ako dapat ang magbaba ng tawag?”


“Baka kasi may gusto ka pang sabihin sakin sabihin mo na”


“Ako may sasabihin sayo? Hello Christopher Alcaraz ikaw ang tumawag sakin kaya ikaw ang may kailangan at tiyak akong ikaw ang may dapat sabihin”


“Ah ganun ba pasensya na hehehehe”


“So may sasabihin ka pa ba? Kung wala pwede mo nang ibaba ang tawag mo”


“Sige..”


“Sige ano?”


“Sige ibababa ko na po”


“Okay…”


“Ah Yumi…”


“Yes may kailangan ka pa ba?”


“Good Night”


“Pangalawang beses mo nang sinabi yan sakin”


“Gusto ko lang ulitin masama ba?”


“Aba! Hindi naman masama pero pag paulit-ulit nakakairita”


“Sige nga, Good Night”


“Third Time”


“Baba ko na talaga”


“Oo na nga ibaba mo na pwede na”


“Sure ka na ba?”


“Ako pa talaga ang tinanong”


“Hehehehe sinisigurado ko lang”


At tuluyuan ko nang ibinaba ang tawag ko kay Yumi…


“I love you Yumi”


Day dreaming kung tawagin, pangarap kung iisipin pero kung matutupad ang ninanais nitong puso isa ako sa pinakamaligayang nilalang sa buong mundo. – Christopher Alcaraz


“I love you Tofie”


Kung maramdaman ko ang sakit dulot ng pagmamahal ang mahalaga natutong tumibok ang puso ko para sa isang taong espesyal para sa akin. – Ayumi Santos


Nung una nagalit ako ng hindi maalala o matandaan ni Tofie ang pinangako niya sa akin pero sa isang banda gumagawa pa rin sya ng paraan para makabawi sa kasalanan niya. Mas lalo akong humanga sa kanya bilang isang simpleng lalakeng hindi marunong sumira sa pangako.


Nakatingin lang ako sa screen ng cellphone ko pero parang nakikita ko si Tofie at ako’y tuluyang napapangiti ang dating sama ng loob at pagtatampo ay unti-unting napalitan ng pagiging kuntento, kuntento dahil naayos ang aming tampuhan at alitan.


Walang pagsidlan ang bawat sandaling kausap ko si Yumi ang gaan ng pakiramdam ko kung maari lang sanang kausap at kasama ko siya palagi nanaisin ko yun. Ngunit hindi dapat ako masyadong malulong sa pagda-day dreaming agad kong hinanap ang mga libro na ginamit ko noon para matuto sa pagtugtog ng piano. Pati mga scratch paper ko at ibang composition ini-isa-isa ko na. pagkatapos ay inilagay ko sa isang espesyal na kahon at isinilid ng maayos di ko na ulit nakuhang lumabas ng kwarto para samahan si Nanay magtelebabad sa tv mas minabuti ko pang mahiga at isipin ang nangyari ngayong gabi.


Nagising ako dahil sa init ng araw na bumabati sa akin araw ng lingo isang araw bago kami muling magusap at magkausap ni Yumi narinig ko na lang na tinatawag ako ni Nanay para magalmusal.


“Christopher, gumising kana dyan tanghali na! Christopher”


“Opo Nanay gising na baba na po”

Bumungad sakin ang malalaking pandesal sa umaga mainit-init pa kasama ang masarap na peanut butter at higit sa lahat hindi mawawala ang paborito ng mga pinoy ang kape.

“Hala fiesta ba Nanay?”


“Anong fiesta almusal lang yan”


“Ngayon lang ako ulit ako makakatikim ng pandesal sa loob ng isang buwan”


“Kung maaga ka lang nagigising araw-araw kang makakatikim ng pandesal”


“Hahaha Nanay, talaga di na mabiro”


“Joke pala yun di ako natawa ikaw talagang bata ka”


“Aba marunong na si Nanay mang-bara”


“Natuto lang ako sayo”


Sabay kaming nagtawanan sa aming kalokohan at sabay naming pinagsaluhan ang masarap na pandesal, peanut butter at kape. Dahil sa pangyayari kagabi di na ginusto pa ni Nanay na ako ang magligpit ng pinagkainan baka daw makabasag ulit ako, pero nagpaliwanag na naman ako yun nga lang di na daw katanggap-tanggap ang sasabihin ko kaya di na ulit ako sumagot baka mapagalitan at humaba ba ang almusal naming mag-ina.


Matapos muling magligpit sinabihan ako ni Nanay.


“Magbihis ka na!”


“Po?! Bakit saan po ang okasyon?”


“Aba! Christopher nakakalimutan mo linggo ngayon, nakakalimutan mo na rin ang tungkulin mo sa panginoon ha”


“Pasensya na po Nanay”


“Siya tama ng paliwanag yan kumilos ka na at maligo at magbihis sabay tayong magsisimba para magpasalamat”


Matapos magprepara para sa aming pagsisimba sabay na kaming lumabas ni Nanay, ibinigay nya sakin ang kandado ng bahay at ako naman ang nagsara. Lumakad patungo sa terminal ng triskel pagkatapos ay muling sumakay ng jeep patungo sa simbahan. Pagbaba ng jeep parang may nakataling bolang bakal sa aking mga paa dahil na rin siguro sa katamaran ko para magsimba at si Nanay na lang din ang dahilan bakit ako napapa-punta sa simabahan at napapasimba kung di siguro dahil sa kanya malamang di ko rin alam ang pangalan ng mismong parokyang nakakasakop sa aming lugar.


Pagpasok sa loob ng simbahan tumungo kami sa bindetadong tubig na nakalagay sa harapan ng pinto at nag-antanda ng krus ng pagiging isang kristiyano. Wala pang-gaanong tao sa simbahan kaya nakuha pa naming makaupo sa maganda at maayos na pwesto. Maya-maya’y nagsimula nang magsalita ang isa sa kinatawan ng aming parokya tanda ng pagsisimula ng misa. Unti-unti namang dumating ang mga tao at isa-sang napuno ang bawat upuan at bawat sulok ng simbahan.

At tuluyang nagumpisa ang misa nagumpisang umawit ang choir ng simbahan at dahil alam ko rin naman ang kanta sinabayan ko na rin sila sa pagkanta kahit ang aking Nanay napangiti sakin dahil di nya akalaing alam ko ang ganung klaseng kanta na dati rati nakatuon lang ang aking pagawit sa mga makabagong tugtugin.

Ngunit habang patuloy ang pagdaos ng misa nakaramdam din ako ng pagkabagot at dahil dyan inumpisahan kong ilibot ang mga mata ko. May mga batang naglalaro sa kabilang upuan walang malay na nasa loob sila ng simbahan para magsimba at magdasal samantalang ang kanilang ama’t ina ay nakatingin lang sa kanila at nakangiti.


Muli akong humarap sa altar dahil kinalabit ni Nanay ang siko ko at alam niyang nababagot ako sa mga sandaling iyon. Kaya natuon muli ang atensyon ko sa misa at matapos ang sandaling iyon pinaupo na lahat ng tao para makinig sa sermon ng pari. Ako naman para hindi mapagalitan ni Nanay sinubukan kong intindihin ang lahat ng sinasabi ng pari.


“Ang pagmamahal hindi napupulot, hindi nabibili, hindi yan isang idea na kung saan pagmulat mo isang umaga mahal mo na ang lahat ng tao, bawat tao may karapatan para magmahal at mahalin ngunit ang pagmamahal o pagmamahalan ay may kaakibat na responsibilidad gaya ng isang magulang sa kaniyang anak responsibilidad nilang palakihin ang kanilang anak bilang isang mabuting bata na may takot sa diyos”


Kahit na ang ingay ng mga makukulit na bata sa kabilang upuan at di ko na masyadong marinig ang sinasabi ng pari sa kanyang sermon patuloy ko pa ring pinapakinggan ang bawat salita at payo niya.


“Sa panahon ngayon iilang kabataan na lang ang nahihilig magpunta o dumalaw sa bahay ng diyos dahil sa anong dahilan, busy.. may night life.. uunahin pa ang gimik o ang mga ibang bagay na materyal ngunit makikita mo lang ang mga kabataan na pupunta sa simbahan kung aakayin o pipilitin ng kanilang magulang”


Bigla kaming nagkatinginan ni Nanay at sabay na ngumiti sa isa’t isa pagkatapos ay pinitik ni Nanay ang ilong ko na naramdaman ko ang pamumula nito muli kaming bumaling sa sinasabi ng para.


“Kung hindi naman makikita mo lang silang nasa simbahan kung kasama ang, syota, jowa, girl friend, boyfriend o kasintahan. Bakit isa na ba ngayon sa requirements ng simbahan ang may kapareha ka para lang makapagsimba ka, dapat bilang isang binata o dalaga bago ka pumasok sa isang relasyon matuto kang mahalin ang sarili mo at mahalin ang diyos, tanggapin bilang tagapagligtas upang may maibibigay kang aral sa kasintahan mo o kung anu pang tawag nyo sa isa’t isa at higit sa lahat laging nasa gitna niya siya para maging gabay ninyo”


Para akong sinapak sa sinabi ng pari kasama ang ilang kabataang nakita ko na nagsimba at kasama ang kasintahan nila napangiti na lang at napayuko sa sinabi ng pari. Natapos ang misa at gaya ng ibang mag-anak kami ni Nanay tumungo sa palengke para mamili ng mailuluto para sa pananghalian.


Pagkarating ng bahay gaya ng dating gawain ko binuksan ko lang ang ilang kwaderno para magreview at aralin ang ibang araling natalakay sa school dahil bukas ay lunes balik skwela at balik muli bilang isang estudyante. Hindi pa man ako nangangalahati sa pagbabasa ng ibang aralin, kinuha ng cellphone ang atensyon ko dahilan para magumpisang umandar ang mga idea sa utak ko kung paano ko sisimulan ang mensahe ko para kay Yumi.
Reply With Quote

No comments:

Post a Comment