Monday, January 10, 2011

Chapter 6: Promise Not Meant to be Broken

“Promise na binitiwan ko?”

“Naku talagang nakalimutan mo na ang naipangako mo sakin nakakainis ka naman!”

“Hala! Pasensya ka na di ko talaga matandaan ang promise ko sayo”

“Kung kanina ako nahingi ng sorry ngayon dapat ikaw pala ang humingi ng sorry, galit ako sayo” sabay naputol ang linya. Dahil na rin sa pagkataranta sa mga pangyayari bigla kong natabig ang baso na nakapatong malapit sa lababo..

“Grang…!!!”

“Christopheeeerrrrrrr!!”

Patay na naman ako nito tiyak na puro sermon lang ang aabutin ko, pero bago pa ako makatakas naharang na agad ako ni Nanay.

“Christopher, anu na naman ang nabasag diba kabilin-bilinan ko sayo ingatan mo ang mga gamit natin dahil mahirap magipon at bumili tapos may basag na naman…”

“Eh Nay sorry po di ko po sadya”

“Tofie, puro na lang di sadya pag ganyan ng ganyan walang matitira sa mga gamit natin lalo na kung babasagin”

“Eh kasi po Nanay, anu kasi?”

“Ano na naman ang paliwanag mo ngayon” nang nakita ni Nana yang hawak kong cellphone..

“Kaya naman pala, kaya ka naman pala nagkakanda basag ang mga gamit natin dahi hindi ka focus sa ginagawa mo!”

“Ako po Nanay hindi focus?” nasundan ko ng tingin si Nanay na nakatuon sa cellphone na hawak ko sabay taas ng kilay sakin.

“Nagkakamali ka Nanay ng iniisip nagfofocus ako sa paghuhugas ng pinggan”

“Nagfofocus? Kung talagang nagfofocus ka sa paghuhugas ng pinggan hindi ka makakabasag”

“Kasi naman po Nanay may tawag po kasi ako, importante kaya po sinagot ko ang tawag nya sa cellphone ko pero mamaya nyo na po ako pagalitan Nanay sige na po saglit lang kailangan ko lang po magpaload baka masarhan na naman ako ng tindahan di na naman po ako makapagpaload” Nagmadali na lang ako tumakbo palabas ng bahay para magpaload sa tindahan.

“Hoy Christopher tignan mo tong batang to! Kinakausap pa kita bumalik ka dito!”

Nagmamadali akong pumunta sa tindahan para magpaload sya naman ding pagmamadali ko para makabalik ng bahay.

“Oh, Nay sabi ko magpapaload lang ako bakit mo naman ginalaw pa yang trabaho ko sabi ko naman po babalik ako agad eh”

“Wag na baka may madisgrasya pa pagbalik mo isa pa mas okay na ito kaysa intayin pa kita para bumalik at ayusin ang nagkalat na bubog dito”

“Nay, alam ko nagtatampo ka sakin”

“Tse! wag mo akong kausapin”

“Ayan halata talagang nagtatampo sorry na Nanay” yumakap na lang ako sa kanya

“Christopher tumigil ka nga dyan, malaki ka na dapat alam mo na responsibilidad mo”

“Kaya nga po eto nagsosorry na sa inyo sorry na talaga Nanay, ako na po magtatapos nyan sige na po manuod na kayo ng favorite nyong teleserye”

Agad namang iniwan ni Nanay ang gawain at ako naman ang tumapos sa natitira, ang pagsasabon ng plato na dati ay masinsin ngayon at parang dinilaan lang ng sponge at ang dating banlaw na tatlong beses ngayon at isa na lang basta nakita ko lang na walang bula ng sabon o kahit anung dumi malinis na yan.

Nang matapos ang lahat ng gawain ko sa kusina pumasok agad ako sa kwarto muli kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng shorts ko, naupo sa aking kama pagkatapos nagregister sa promo ng network ng phone ko para sa unlimited na tawag at text. Naghahantay ng reply mula sa network kung confirmed nang gamitin ang serbisyo nila.

“Asar naman ang bagal ng service hanggang ngayon wala pa ring reply”

Parang bawat segundo isang oras ang takbo sa paghahantay ko ng reply mula sa network, habang hawak ang cellphone nagisip na ako ng idadahilan ko para kay Yumi. Paano ko sisimulan magpaliwanag sa kanya at higit sa lahat dapat maalala ko ang pangakong binitiwan ko.

“Ano ba talaga ang binitiwan kong pangako sa kanya?”

Kinatok ko na si pareng Coco kung may naalala sya tungkol sa isang pangako pero kahit siya walang record na natrace. Tumayo ako sa sumilip sa bintana hinahanap sa lansangan ang sagot sa mga taong nagdadaan baka sakaling maibato sa isip ko.

Pupunta sana ako sa sala kung saan nanunood si Nanay ng palabas mga paborito niyang telenovela at teleserye tuwing gabi nang matabig ko ang bukas kong bag at nahulog mula sa bag ko ang isang notebook, pinulot ko tangay kung saan pa nahati ang mga pahina mula sa pagkakalaglag. Nang binuklat ko bumungad sakin ang sulat kamay ni Yumi muli kong inayos at binalik sa aking bag at bigla ko na lang naalala ang aking pangako.

Nangvibrate ang cellphone ko at muli kong tinignan ang screen nito. Na confirmed na ang pagsubscibe ko sa pakulo ng network na gamit ko, pero ang tagal pa rin bago magreply at ma-confirmed. Hindi ko na tinuloy ang balak kong lumabas ng kwarto bagkus nahiga na lang ako at tumitig sa screen ng cellphone ko, humugot ng isang malalim na hinga pagkatapos ay nagsimula ng idial ang number ni Yumi.

“Ringggg…..”

“Sasagutin kaya nya? Sana sagutin nya, sana man lang. Please Yumi sagutin mo yung tawag ko please please”

“Subcriber is busy at the moment please try your call later”

2nd try redialing…..
Connecting…..

“Ringggg……”

“Please wag mo akong hang-up Yumi, let me explain please, please”

“Subcriber is busy at the moment please try your call later”

3rd and last try redialing…
Connecting…..

“Ringgg…”

“Pwede ba wag ka na tuma….!”

“Piano Lesson!”

Tumigil bigla ang pagsasalita niya ng bitiwan ko ang mga salita sa kanya ang tagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa, nagpapakiramdaman ang bawat isa sa amin kung sino ang mauunang magsasalita hindi namin alam ngunit minarapat ko nang pangunahan ang lahat dahil pagkakataon ko na.

“Piano Lesson, are you free after class on Monday? I will explain everything if you just let me explain”

1 comment: