Saturday, February 5, 2011

Chapter 6: A Promise Not Meant To Be Broken Continuation....

“Alam mo bang wala ka sa tamang babaan ng mga tao? Teka natatandaan kita ikaw yung studyanteng natawid na wala sa tamang tawiran…. At ngayon inulit mo pa and tindi mo bata ang dami mo nang paglabag!”
“Pero Sir kasi po…”

“Ay hindi walang paliwanag at walang palusot alam mo nang mali ginawa mo pa rin”


“Pero Sir malalate na po ako sa klase ko?”


“Pwes sa outpost present ka hala! Sige lakad…”


Pagdating sa outpost agad umupo sa desk si Manong Enforcer at nagumpisang mag-usisa.


“Sige umpisahan mong magpaliwanag makikinig ako”


“Kasi po nakatulog po ako sa sinasakyang kong bus, dalawang station ang nalampasan ko kaya po nagmadali akong bumaba para makahabol sa klase”


“Sige naniniwala naman ako sa mga paliwanag mo o depensa mo pero mali pa rin ang ginawa mo kaya dapat kang bigyan ng karampatang parusa sa paglabag mo sa mga batas na ipinapatuwad”


“Pero Sir malalate po talaga ako sa klase ko please po pakawalan nyo na lang po ako pangako ko po di na ako uulit”


“Hahaha akala mo ganun-ganun na lang yun na bigla na lang kitang pakakawalan pagkatapos mong gumawa ng isang paglabag sa batas?”


“Pero Sir hindi po ba pwedeng sa ibang araw na lang may klase po kasi ako at yung teacher ko po dun terror naku nuknukan ng higpit sa subject yun eh”


“Terror ba? Nuknukan ng higpit sa subject?”


“Opo ganun nga”


“Sakin di ka ba natatakot kung terror akong enforcer o kaya nuknukan din ako ng higpit sa mga nahuhuli kong lumalabag sa batas”


Napatahimik ko ng mga sandaling iyon, may punto nga naman si Manong Enforcer di ko alam kung terror sya o katulad din sya ni Ms. Dulce na nuknukan ng higpit pagdating sa klase.


“Ano di ka na nagkapagsalita, natameme ka yata ha, Christopher Alcaraz”


Nagulat ako kung paano nya nalaman ang totoong pangalan ko kaya tinanong ko sya tungkol dito “ Paano nyo po nalaman ang tunay kong pangalan?”


“Ayan nakasulat sa name plate mo at hindi pa pangkaraniwan ang kurso mo Bachelor of Music, ibig sabihin maganda ang boses mo”


“Po?”


“Oo, lahat ng kumukuha ng kursong ganyan magagaling kumanta at magaganda ang boses kaya wag mo ipagkaila yan, pero sige papakawalan kita kung kakanta ka dito ng live dito sa outpost”


“Pero Sir nakakahiya…”


“Okay mamili ka lang stay ka dito ng 45 mins atsaka kita pakakawalan o ipapadinig mo lang ang isang napakasimpleng kanta?”


Napaisip na naman ako at bigla na lang nagtalo ang dalawang bahagi ng utak ko…


“Kung gagawin mo ang sinasabi ng Mamang yan tiyak pagtitinginan ka lang dito sa outpost o kaya naman pagtatawanan ka lang”


“Hindi wag ka maniwala sa kanya tiyak naman akong magaling ka at maganda ang boses mo bakit di mo pakita sa kanya ang kakayahan mo malay mo mabilis ka pa nya pakakawalan kung gagawin mo lang ang nais nya”


“Kaya lang pag ginawa mo nga pagtatawanan ka sige ka magmumuka kang tanga… mas pipiliin mo ba yun Tofie?”


“Ano kakanta ka ba o hindi? Ang tagal mong sumagot bata”


“Kakanta po”


“Naku Tofie bahala ka magmumukha kang ***** talaga maniwala ka!”


“Wag kang maniwala dyan kaya mo yan magtiwala ka lang”


Kaya ibinaba ko ang bag ko sa isang bakanteng upuan at nagumpisang pumorma sa harap ni Manong Enforcer. Huminga ng malalim at kinapa ang bulsa para sa panyo ngunit bago ko pa man makuha ang panyo sa bulsa nagumpisa na akong kumanta.


Ngiti lang, ngiti lang…..

“Ehmmmm… Ehmmm..”

“Hoy sabi ko kumanta ka hindi ko sinabing bumulong ka”

Muli kong sinimula ang aking awit….

Ngiti lang, ngiti lang pag mayroong problema

Ngiti lang, daanin sa ngiti at tawa
Maari ngayon di mo malaman
Ang mga sagot sa mga katanungan
Ngiti lang, maaayos din yan, ngiti lang

Inililibot ko ang paningin ko sa ibang lugar para hindi mawala ang boses ko sa tono pero ramdam ko ang bawat butil ng pawis na tumutulo sa noo at batok ko. Tumingala ako pero tuloy pa rin ako sa pagkanta ko.


Ngiti lang, pag may araw at biglang umulan

Hintay lang, tingnan mo magsasawa rin yan
Maari ngayo'y todo buhos ulan
Pagmasdan mga ulap ay mag-uurungan
Ngiti lang, maaayos din yan ngiti lang

Ang mga taong napapadaan sa outpost nakatingin na ngayon sakin ang ibang naglalakad sa kalye napahinto para makinig at tumingin sa akin habang tuloy ako sa pagkanta. Sa mga sandaling yun nakuha ko nang kunin ang panyo sa bulsa ko.


Nagulat ako ng biglang mag pumalo sa lamesa na tila sumasabay sa tono ng pag-awit ko. Kaya muli akong tumingin sa desk ni Manong Enforcer nakita kong sya pala ang pumapalo sa lamesa at umiindayog ang katawan habang nakaupo sa aking harapan.


Alam kong di lahat sa buhay

Masaya at puno ng kulay
Nguni't pag natutunan mo nang tanggapin
Buhay natin sadyang ganyan lang
Sa huli maaayos lahat ngiti lang

Ginawa kong tambol ang aking sapatos para maging cue ng next stanza ng awit. Pero ang hirap pala talaga magperform ng live kalaban ang ingay ng mga dumadaang sasakyan ang mga busina ng nagmamadaling bus sa highway.


Maaari ngayo'y todo buhos ulan

Pagmasdan mga ulap ay mag-uurungan
Ngiti lang, maaayos din yan ngiti lang

Alam kong di lahat sa buhay

Masaya at puno ng kulay
Nguni't pag natutunan mo nang tanggapin
Buhay natin sadyang ganyan lang
Sa huli maaayos lahat ano mang problema kaibigan
Sa huli maaayos lahat, ngiti lang

“Ayos ka naman pala kumanta ang ganda at ang lamig ng boses mo”


Bigla na lang pumalakpak si Manong Enforcer at nakisabay din ang kapwa Enforcer na nadoon sa outpost pati ang mga nakinig na mga tao sa kalye napa-palakpak pagkatapos kong kumanta.


“Ngiti na, pwede ka ng umalis at wag mo na uulitin yan, ayaw ko nang mahuli ka muli sa di tamang tawiran”


“Salamat po ulit!”


“Ngiti lang, ngiti lang pag mayroong problema.. ayiee na LSS ako dun sa kanta mo”


“Weh!? Di nga po?”


“Aba! Sasagot pa gusto mo pa tumagal dito?”


“Hindi po, hindi po aalis na po ako late na late na ako sa klase ko”


“Mabuti pa nga baka magbago pa isip ko”

No comments:

Post a Comment