Monday, February 28, 2011

Chapter 6: Promise Not Meant to be Broken (Chapter Ending)

Natigilan at napatahimik ako ng mga sandaling iyon di ko alam kung anong gagawin o anung isasagot sa mga ibinato nila mga salita laban sa namumuo kong damdamin para kay Yumi.

“Hindi nyo saklaw ang buhay ng mga estudyante dito isa pa nagbabayad din kami ng matrikula gaya nyo”


Binasag ni Eunice ang pananahimik ko sa gitna ng tatlong babae.


“What is the commotion all about? Hmmm…”


“Ms. Santiago, Good Day!”


“Good day to you… also girls, I heared what Eunice is trying to say why is there something wrong at the school and you talked like that?”


“None, Ms. Santiago is just they are threatening my friend here”


“Wow that’s a big accusation, Eunice please explain”


“Ms. Santiago they are trying to say to Christopher that he needs to take a careful move against Yumi or he will be counting his day here at school”


“Why what’s wrong with Christopher and Yumi, Girls?”


“Nothing Ms. Santiago”


“Are you sure girls? Crissy? Cheska? Amy? I understand you three are close to you Ms. Yumi but always remember she will be the one who will decide what she feel suitable for her.. Now I don’t want this shouting incident to happen again? Is that clear?”


“Yes, Ms. Santiago”


“Cheska, Amy and Crissy?”


“Yes, Ms. Santiago”


“Good! so you two groups better hurry for your next class or you will stay in detention for the remaining hours at school”


Pagkatapos ng matindi at madugong English explanation sa harap ng detention teacher na si Ms. Santiago agad na akong hinila ni Eunice papalayo sa table kung saan kami kumakain at gumagawa ng project.


“Eunice!”


“Po?”


“Kung di ko na lang ituloy?”


“Ituloy ang alin?”


“Ang panliligaw kay Yumi kasi parang wala din naman magagawang maayos para sayo at sa akin?”


Bigla syang tumigil sa paglalakad at humarap sa akin sabay kaltok sa ulo ko…


“Aray! Ang sakit nun ah”


“Ayan gising ka na”


“Eunice naman!”


“Christopher pagkatapos ng nangyari kanina ngayon ka pa susuko?”


“Pero Eunice kung puro naman kapahamakan ang dala ng panliligaw ko kay Yumi wag na di ko na lang ituloy siguro itatago ko na lang sa sarili ko”


“Ano? Itatago mo? Sige itago mo kung yan ang gusto mo pero wag na wag kang lalapit sakin pagnakita mong gumagawa ng paraan si Julius para makapanligaw at sagutin sya ni Yumi, Naku! Wag na wag puputok ang buchi mo!!!”


“Ang hirap naman kasi ng situasyon ko”


“Walang madali sa buhay lahat pinaghihirapan ano yun porket nagkaroon lang kayo ni Yumi ng saglit na bonding sa tingin mo kaya may pag-asa ka baliw ka ba? Hello?”


“Ah basta!”


“Sige subukan mo lang pag ginawa mo yan hindi na kita papansinin”


“Eunice naman pati ba naman ikaw pakner iiwan mo din ako sa ere?”


“Pakner mo pala ako pwes kung anong ipapayo ko sayo makikinig ka basta positive susuportahan kita”


“Sya… sya… itutuloy na kung itutuloy”


“Ayan good tara na baka mahuli tayo sa sunod na klase o kaya naman makita pa tayo ni Ms. Santiago madetention pa tayo”


Pumasok kami sa sunod na klase pero hindi pumapasok sa utak ko ang sinasabi ng teacher namin sa trigo bukod sa boring pagusapan ang mga equation at formula eh boring pating kausap ang teacher namin dahil paghihingi ka sa kanya ng advice lahat yata ng maisasagot nya sayo formula at end result parang pinasakit mo lang lalo ang ulo mo…


Naalala ko tuloy ng humingi ng advice si Eunice sa kanya kung anong magandang paraan ang pwedeng gawin para manalo sa investigatory project pero ang binigay lang nya puro options na ang kalalabasan ay dapat manalo sya take note kasali ang mga fibonacci sequence and integral formula sa pagbibigay nya ng advice.


Bawat pagsasalita ng professor namin lumilipad naman ang isip ko kung anong isusulat na salita para sa binubuong kanta. Nakatingin ako sa bintana sa mga naglalakad na mga estudyante. Binibilang ko ang paghakbang nila nagpapalitan mula kaliwa at kanan. Ang iba nagkakasalubong sa daan ngunit kung magkabangga ngiti naman ang isusukli sa bawat isa.


“Tofie! Psst”


“Hmm… wag ka makulit nagiisip ako”


“Tofie….”


“Bakit ba ano ba yun?”


“Ah nakatingin lang naman and Prof. sa ginagawa mong daydreaming, samakatuwid papunta na sya sa pwesto mo” agad kong ibinaling ang tingin ko sa harapan at tumingin sa paparating kong Prof.


“Kamusta naman ang dumaraan na estudyante, Mr. Alcaraz?”


“Sir?”


“Sabi ko kamusta naman ang mga dumaraang estudyante? O baka naman may inaabangan ka?”


“Uyyyyy!!!” sabay sabay na hiyawan sa loob ng klase…


“Wala po Sir Reynaldo”


“Kasi kitang-kita ko sa unahan ang baling mo sa mga dumaraan na kapwa mo estudyante at wala sa isip mo ang pagaaral at pagtuturo ko”


“Hindi naman po Sir Reynaldo napatingin lang po ako sa labas”


“Ah ganun ba alam mo ba na ang ration ng mga estudyante na nakakapasa sa klase ko ay 70:30? Yung 70 ang bagsak ang 30 babawasan ko pa hanggang makuha ko ang difference ay 10 lang pero pagdating sa probability hindi ka kasama sa 10 o sa 30…”

Sabi ko na nga ba kasama pa rin ang mga mathematical phrases pagdating sa kanyang pagsesermon. Wala naman akong magagawa kung talagang nahuli nya ako na hindi nakafocus sa kanyang pagtuturo kaya wala din akong maisasagot sa kanya kung di ang pananahimik ko sa klase nya. Minabuti ko na lang tumingin sa blackboard para makita nuyang seryoso ako sa kanyang pagtuturo pero talagang hindi ko mai-focus ang isip ko sa klaseng ito.

“Ayan nahuli ka na naman ni Prof. Reynaldo, panigurado favorite ka na naman nun sa buong linggo nya”


“Eunice hindi talaga ako makapag-focus sa subject nya, bakit naman kasi kailangan ko pa itake-up ang subject nya samantalang di ko naman kailangan yan sa magiging work ko”


“Alam mo Tofie subukan mong tumakbong senador iboboto kita!”


“Baliw! Pero sa totoo lang bakit mo pa kailangan kumuha ng trigo subject ano naman ang kinalaman nun sa pagiging isang music teacher or musician?”


“May punto ka naman pero wala naman tayong magagawa kung di ang sumunod, hay naku kung anu-anong nasa isip mo ayusin mo ang pagtuturo mo kay Yumi… mauna na ako may tatagpuin lang ako sa labas ng school”


“Boyfriend?!”


“Baliw! Kung ikaw nga hindi papasa para maging bf ko iba pa!”


“Waow… ganda mo te! Ang haba ng buhok mo!”


“Sympre ako pa… lumakad ka nga baka maunahan ka pa ni Yumi sa meeting place nyo napaka-ungentleman nun”


“Sya sige na nga pero talagang ang haba ng buhok mo te!”


“Sira ulo.. Buang…”


Pansin kong wala ng masyadong estudyante ng mga oras na yun tila maagang nagsipaguwian dahil na rin unang araw ng pasok nakakaboring talaga ang araw na yun kapos sa bakasyon at bitin sa panahon para sa pagsasaya.


Sarado nga pala ang pinto ng auditorium pag dating ng hapon kaya tinungo ko ang backstage para doon dumaan. Kinabig ko ang door knob pagkatapos pumasok at muli ko namang sinara ang pinto. Sinilip kung may tao sa loob ng auditorium at nang masigurado ko wala inilapag ko lang ang bag ko sa isa sa upuan na nasa harapan ng entablado. Pagkatapos kinuha ko ang notebook at isang ballpen. Umupo sa harap ng piano pagkatapos inisa-isa kong pinaglaruan ang bawat tiklado.


Pinapakinggan ko kung may mabubuo akong magandang tono, magandang himig para maumpisahan ko ang project namin kay Ms. Dulce pero ramdam ko pa rin ang hirap para makabuo ng isang magandang composition para dito.


“Sa pagsusulat ng kanta mailalabas mo ang tunay na saloobin mo ang tunay na nilalaman ng puso mo ang naranasan mo sa buhay mo”


Pumasok sa isip ko ang mga pangungusap dahil naalala ko si Tatay sya ang may magandang boses at talagang idolo ko pagdating sa pag-awit at pagsusulat. Siguro kung kasama namin ni Nanay sya malamang marami akong matutunan sa kanya pati na rin siguro sa panliligaw mga tamang paraan at dapat gawin.


My mind is filled with clues

Clues to where you are…
Waiting for the time to figure out
To solved all the clues and puzzles of my life
And figure out where you are?

How can I be part of your life?

While I’m waiting here to part of the plan…
How can I gazed and stare at you
If part of the clue was the light to see you…

Natuwa naman ako na kahit paunti-unti nabubuo ko ang bawat salita upang maging pangungusap at maging bahagi ng isang awit. Nakita ko na lang ng biglang bumukas ang pintuan ng back door kaya itinabi ko ang notebook ko sa ibabaw ng piano.


“Pasensya ka na Tofie kanina ka pa ba naghihintay?”


“Hindi naman actually may ginagawa din ako kaya di nasayang ang oras ng paghahantay”


“Talaga? Pasensya ka na ang tagal ko bago nakarating dito ano naman ang ginagawa mo?”


“Wala mga assignment para sa ibang subject.. alam mo na mga abubot!”


“Ganun ba teka ilalapag ko lang gamit ko”


“Tulungan kita akin na yung bag mo dun ko na lang ilalagay malapit sa bag ko”


“Sige, salamat Tofie”


“Salamat saan? Sa pagbubuhat hahahaha wala yun para yun lang”


“Hindi kasi pagtyatyagaan mo akong turuan para matuto ako ng piano, sana lang makaya ko”


“Kaya mo yan ikaw pa magaling ka na naman”


“Sige game na let’s start”


 

No comments:

Post a Comment