Wednesday, March 2, 2011

Chapter 7: You’re Hands Holding Mine

“Okay… first thing first, do you know how to read notes?”

“Yep, I know how to read notes pero hindi ko masyado kabisado lahat”

“Good…”

“Good?”

“I mean that’s good kasi alam mo magbasa ng notes kahit basic lang”

“Ah okay akala ko naman good kasi basic lang ang dapat kong malaman”
“Hindi naman… maganda kasi may solid foundation ka pagdating sa music for start music notes have several parts..”

“Parts?”

“Yep, parang katawan ng tao may mga parts din ang music notes first we have the head next the stem and last is the flag sympre may mga klase din ng flag at head”

“Wow ngayon ko lang nalaman na may ganun klaseng idea pla pagdating sa music notes”

“Hahaha… ngayon alam mo na diba?, ngayon naman malalaman mo ang pitch sa pamamagitan ng head kung saan linya nakatapat ang head nito sa music sheet pag walang head ang music note ibig sabihin wala syang isang definite pitch”

“Grabe ang galing-galing mo naman talaga”

“Nyek” napakamot na lang ako sa ulo ko nang mismong si Yumi ang humanga sa kakayahan ko bukod kasi kay Nanay wala ng ibang nakakaunawa sa talent ko.

“Teka… may dala nga pala akong music sheets” bumaba ako ng entablado pagkatapos hinalungkat ko ang bag ko at nang makuha ko nakita ko na lang binabasa nya ang sinulat kong composition na naiwan ko sa ibabaw ng piano kaya dali-dali akong tumakbo sa kinatatayuan nya…

“Ooppss bawal yan…” agad kong kinuha ang notebook ko na hawak nya…

“Parang binabasa lang naman… pero maganda ha! Gumagawa ka rin pala ng mga kanta?”

“Hmmm… medyo pero depende sa mood sympre”

“Sige na patingin…” kaya inagaw nya ang notebook ko mula sa mga kamay ko

“Hindi nga pwede”

“Ang damot naman nito”

“Kasi hindi pa tapos pero pag natapos ko ipapabasa ko sayo ikaw ang una”

“Sige na nga!”

“Buti naman… teka balik tayo sa pinaguusapan natin, sa music notes may ibat ibang klase may whole, half, quarter, eight, sixteenth and thirty second note yan ang mga klase ng music notes”

“Pwede ko bang hiramin etong music sheet mo?”

“Sige walang problema ingatan mo lang… please?”

“Yey! Thanks Tofie!”

Para akong nakakita ng batang binigyan ng candy na tuwang tuwang habang inaabot mo sa kanya. Walang pagsidlan ang kanyang ngiti na nakaguhit sa kanyang maamo at magandang mukha para talagang angel ang makikita mo sa kanya.

“Bakit ka nakatingin sa akin may dumi ba ako sa mukha?”
“Ha?! Ah… wala nabigla lang ako sa reaction mo kasi kaya ganun pasensya ka na”

“Okay sabi mo pero natutuwa talaga ako pinahiram mo sakin yung music sheet mo”

“Para yun lang sobra ka pala kung matuwa” sabay tawa ako sa kanya habang blankong-blanko ang kanyang mukha na nakatingin sa akin.

Natapos ang ilang oras ng pagtuturo, ilang oras na puro pagsasalita sa kanyang harapan samantalang siya ay manghang sa mga pinagsasabi pero di ko talaga mawari kung tama ang mga tinuturo ko sa kanya dahil naiilang akong kasama ko sya ngayon samantalang sa labas ng gusaling ito pilit kaming pinaglalayo.

“Teka, Tofie kung marunong kang gumawa at magsulat ng isang awit isa lang ang nasa isip ko!”

“At ano naman yang nasa isip mo. Ms. Ayumi Santos?”

“Na magaling ka kumanta!”

“Oh ano naman ngayon kung magaling akong kumanta?” sana naman wag akong pakantahin ni Yumi tiyak ako mawawala lang ako sa concentration pag kumanta ako sa harap nya lalo na andito pa sa auditorium.

“Sample naman dyan oh!?” sabay tulak ng siko sa tagiliran ako

“Ayaw ko nga!”

“Aba! Nahiya pa tayong dalawa na nga lang ang nandito walang ibang nakakarinig at nakakapanood”

“Hindi naman yun…”

“Bakit kanino ka pa mahihiya? Sakin?”

“Kung alam mo lang…”

“Ano? May sinasabi ka Tofie?”

“Ha?! Wala… may sinabi ba ako wala naman baka may naririnig ka lang hala ka!”

“Nyek ako pa tinakot di ako takot sa ganun, hahahahaha” bigla na lang lumakad palayo sakin

“Oh, saan ka pupunta?”

“Teka setup ko yung entablado para makakanta ka”

“Hoy! Di pa ako umu-Oo sa favor mo”

“Bawal ang sagot na hindi ka wala kang ibang choice”

Binuksan ang nagiisang spot light pagktapos ang stage light at ang mga dim light kaunting adjustment sa sound system at microphone and live na ang performance sa empty auditorium. At muli syang lumapit sa kinatatayuan ako.

“Tayo ka muna, Tofie…”

“Bakit?” Bigla na lang nya tinulak ang piano papunta sa gitna samantalang ako nakatanga lang sa ginagawa nya…

“Isunod mo dito yung upuan”

“Ha?! Upuan? Sige…” pagkatapos bumalik sya sa back stage at isinaayos nya ang wireless mic na tama lang ang taas para sa taong tutugtog ng piano at kakanta…

“Ready ka na?”

“Ha?! Seryoso ka talaga Yumi papakantahin mo ako?”

“Bakit mukhang hindi ba? Sige na tumugtog ka na”

“Teka! Saan ka na naman pupunta?”

“Sympre sa audience para makita kitang magperform” naupo sya sa gitnang bahagi ng entablado at kumaway sakin.

“Ready na?!” tanong niya

Kaya lumapit ako sa piano at naupo sa silyang kaninang inilagay ko.

“Yumi, sigurado ka ba talaga? Hindi maganda ang boses ko”

“Sigurado ako tsaka tigilan mo na yang pagpre-pretend mo hindi maganda boses mo”

Huminga na lang ako ng malalim pagkatapos, pumikit “Kaya mo yan, Tofie… kaya mo yan wag kang kakabahan” bulong ko sa sarili ko at unti-unti ko nang pinagalaw ang mga daliri ko.

It's a little bit funny this feeling inside
I'm not one of those who can easily hide
I don't have much money but boy if I did
I'd buy a big house where we both could live
If I was a sculptor, but then again, no

Ayaw kong dumilat, ayaw ko imulat ang mga mata ko gusto ko lang ramdamin ang pag-galaw ng mga daliri ko at ang musikang ginagawa nito habang naglalaro sa mga tiklado. Natatakot akong magkamali oras na maimulat ko ang mga mata ko at makita ko syang nasa harap ko at nakikinig sa awitin ko.

Or a man who makes potions in a travelling show
I know it's not much but it's the best I can do
My gift is my song and this one's for you
And you can tell everybody this is your song
It may be quite simple but now that it's done
I hope you don't mind
I hope you don't mind that I put down in words
How wonderful life is while you're in the world

Pero ang bilis ng tibok ng puso nararamdaman kong nanunuyo ang lalamuna ko at natutuyo ang labi ko pero pinagpapawisan ako ng malamig hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang hirap pala talaga pigilin ang tunay na nararamdam mo sa isang tao lalo na kung pilit mong itinatago mas lalong lalabas at maipapakita mo ito hindi man sa salita pero sa bawat kilos at kumpas ng mga kamay.
I sat on the roof and kicked off the moss
Well a few of the verses well they've got me quite cross
But the sun's been quite kind while I wrote this song
It's for people like you that keep it turned on
So excuse me forgetting but these things I do

Nang sinubukan kong imulat ang mga mata ko at inikot ang paningin sa lugar kung saan ko sya huling nakita binitawan ko na ng tuluyan ang mga tiklado.

“Yumi?”

“Bakit mo itinigil?” laking gulat ko ng makita kong nasa likuran ko sya at muling nagtanong

“Bakit ka tumigil, Tofie? May problema ba?”


5 comments:

  1. awwww..... bakit me alam ka sa music??? hahaha...

    feeling ko walang 32nd notes eh LOL... anyway highway....

    ----

    parang nasa grand finals lang si tofie musta naman.. hahahaa.... nice koya lyts... :D

    ReplyDelete
  2. hehe, yown oh, naks naman tofie hehe

    *shouting* KISSING SCENE 10X

    ReplyDelete
  3. Thanks for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur fave blogs! d top 5 highest rated will be displayed n d Hall of Fame ;)

    For site news and updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    ReplyDelete
  4. eiyowhz pfowhz..d me jejemon..la leng..
    just visited ang followed u...jejeje..

    ReplyDelete
  5. binasa ko ulit..... ang habaaaaaaa.... yun lang bow...

    ReplyDelete