Tuesday, March 15, 2011

Chapter 7: You're Hands Holding Mine Continuation

Napatingin ko ng tuwid sa kanyang mga mata, parang nagsasalita pawing nangungusap di ko mawaripero mas lalong bumulis ang tibok ng puso ko…

“Hoy, Tofie okay ka lang?”


“Ha?!”


“Sabi ko kung okay ka lang kasi tinatanong kita di ka sumagot, nakaistorbo ba ako kaya tumigil ka?”


“Hindi.. hindi naman sa ganusn anu kasi… kasi…”


“Kasi ano?”


“Kasi hindi ako sanay na tumutugtog….” tumungo lang ako at muling nagsalita “Sa harap ng isang babae” Narinig ko ang pagtawa ni Yumi dahil sa sinabi ko…


“Tofie…”


“Hmmm…” hinawakan niya ang baba ko at ingat ito para makita ko sya ng malapitan


“Thank you…”


“Ha?”


“Thank you dahil kahit paano natutupad ko ang pangako ko sa mommy ko”


“Ah ganun ba wag mo isipin yun”


“Ehemmmm… I’m amazed how you transfer knowledge to her Mr. Alcaraz”


“Ms. Dulce!? Go..Good Evening po”


“Good Evening to the both of you Ms. Santos and Mr. Alacaraz”


“Kilala nyo po ako Ms. Dulce?”


“Yes sino naman ang di makakakilala sa isang katulad mo active sa extracurricular activities ng school, one of the best student sa sarili mong course”


“Thank you Ms. Dulce”


“You two should walk home now and Mr. Alcaraz that was a nice performance I hope you are starting your project. Again good evening”


Nang narinig na naming lumabas si Ms. Dulce ng auditorium nagumpisa na rin kaming magempake ng mga gamit at muling isa-ayos ang mga ginamit naming at sabay na kaming lumabas ng gusali.


“Tignan mo kilala ka pala ng lahat ng mga teacher sa school parang ako yata ang dapat maging proud dahil naging studyante kita… he..he..he”


“Hindi naman pero ayaw ko sanang na-treat ng special ng kahit sino dahil ordinaryong tao lang naman ako”


“Sabagay tama ka naman pero iba iba kasi ang isip ng tao may iba na gusto maging sikat para hangaan meron naman gusto lang para may maipagmamayabang”


“Yan naman ng mga taong ang tawag ko ay electric fan”


“Hahaha… kahit papaano may side ka rin palang wild thinker”


“Hindi naman… okay kana labas na tayo ng building baka masarhan pa tayo ng gate”


“Okay na ako lakad na tayo”


“Maitanong ko lang pala Yumi, bakit gusting-gusto mo matuto tumugtog ng piano?”


“Di ba naipaliwanag ko na sayo… pangarap kasi ng nasira kong Mommy ang tumugtog ng piano nung maliit pa ako sabay kaming naglalaro sa harap ng piano, siya ang bahalang gumawa ng mga tono ako naman ang kakanta”


“Waow talaga edi magaling pala talaga ang Mommy? Este Mommy mo?”


“Hahaha nadudulas dila mo… magaling naman si Mommy pero wala siyang formal education pagdating sa music”


“Eh bakit naman hindi musical arts ang kinuha mong course?”


“Kailangan kasi ni Daddy ng hahalili sa kanya para sa negosyo gusto ko rin syang tulungan dahil sya na rin lang ang natitira kong magulang isa pa mahal na mahal ko din sya pero ayaw ko din isang tabi ang pangarap ni Mommy”


I love you
I don't know what else to say
'cause I long for you more each day
I need you
I want to feel your embrace
And have a chance to touch your face

I was lost and alone
But you showed me the way
Now I call you my own
Things will never be the same


“Ang bait mo naman palang anak…”


“Hindi naman tumatanaw lang ako ng utang na loob at dahil mahal ko rin sila ikaw bakit hindi ka naman magkwento ng buhay mo parang ako lang lagi ang sumasagot sa tanong”


“Ah?! Sige magkukuwento ako pero sa isang kondisyon?”

“Ha? Kwento lang may kondisyon pa?”

“Sige na?”


“Sige na nga”


“Okay kain tayo ng kwek-kwek? Fishball o kaya squid ball?”


“Ha? Niyaya mo ba ako ng isang date?”


“Date? Sige.. sige isang simple at maayos na date okay ba sayo yun Binibini?”


How could I've known
You will hold me close so tenderly
Even though I'm alone
I can feel your arms enfolding me
And that love, became mine in just one night
When you held me tight
Oooh... it felt so right

I feel you
You're always here in my heart
It's where I've kept you since we fell apart

I was lost and alone
But you showed me the way
Can't go on, on my own
Wishin' that you would stay


“Aba, Mr. Alcaraz di ko alam na ganyan ka ka-pormal pagdating sa pagyaya ng magiging kadate mo? Nakakapanibago hahaha”


“Hindi naman espesyal lang ang araw na to”


“Espesyal bakit naman naging espesyal?”


“Hmmm… kasi wala hahahaha naisip ko lang yung salitang espesyal tara na masarap magluto ng kwek-kwek yung pinagbibilhan ko dun malinis siya wag ka magalala”


“Nyek, ngayon ka pa nahiya pagkatapos mo akong yayain kumain sa karinderia di naman ako pihikan hahahaha”


“Ay oo nga pala nakalimutan ko na tignan mo ilang araw na rin pala ang lumipas bago ulit tayo nagkaroon ng date na ganito”


“Sabagay!”


“Takbo tayo! Kung sino mahuli siya magbabayad ng kakainin?”


“Aba, ang usapan kanina ikaw ang manlilibre kaya nga date”


How could I've known
You will hold me close so tenderly
Even though I'm alone
I can feel your arms enfolding me
And that love, became mine in just one night
When you held me tight
Oooh... it felt so right


“Basta….” Kaya kumaripas na ako ng takbo at naiwan sya sa likuran ngunit bigla na lang syang sumigaw


“Teka hoy… Christopher….” Pinilit kong tumakbo ng paatras.


“Anung tawag mo sakin Christopher? Second time mo palang akong tinatawag sa firstname ko dati rati ang tawag mo sakin Tofie, alam mo bang isang tao lang ang natawag sakin ng Christopher”


“Anong ibig mo sabihin dun?”


“Hmmm… wala lang…” kaya karipas na naman ako ng takbo papalayo sa kanya


“Naku ikaw talagang lalake ka pasaway ka”


“Habulin mo ko Ms. Ayumi Santos”


“Pagnaabutan kita Mr. Christopher Alcaraz humanda ka!”


“Kung maabutan mo ko Ms. Ayumi Santos!!!”


How could I've know (how could I've known… ohh)
(Ooh)You will hold me close so tenderly (oohh)
(Ooh)Even though I'm alone
I can feel your arms enfolding me (your arms enfold me)
And that love, became mine in just one night
When you held me tight
Oooh... it felt so right
Felt so right…
Hmmm… felt so right.

No comments:

Post a Comment