Saturday, February 19, 2011

Chapter 6: A Promise Not Meant To Be Broken Continuation....

Kaya lang bago pa man ako tuluyang makalayo sa outpost bigla na lang ako pinigil ng isang boses mula sa likuran.
“Mr. Alcaraz!”

Di ko na nakuhang lumingon dahil pamilyar sa tenga ko ang boses na yun, magkahalong kaba at takot ang naramdaman ko sa mga minutong lumalakad na alam kong late na ako. Kaya dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko kung saan nang-galing ang boses na tumawag sa pangalan ko.


“Mr. Alcaraz, can’t you hear me calling your name?!”


Patay na talaga si Ms. Dulce sa lahat ba naman ng pwedeng makasabay sya pa…


“Ms. Dulce…. Good Morning po!!!” sandali lang akong tumigil para makahabol sya sa paglalakad ko ngunit mga ilang segundo lang tumuloy ulit ako sa paglalakad at muli ko siyang iniwasan para makasabay sa paglalakad.


“Mr. Alcaraz where are your manners?” patay na nagalit na lalo….


“Ms. Dulce?”


“I’m calling your name, right?”


“Yes, Ms. Dulce”


“Then why don’t you stop and wait for me…”


“Kasi po Ms. Dulce… I’m gonna be late for class”


“Late for class? Your first period is my class!!”


“Yes, Ms. Dulce that’s why I hate to be late at your class”


“If you hate being at my class then why are you still walking here and singing in that enforcer’s outpost?”


“Ms. Dulce?”


“Yes, I see and heard you singing on that outpost? Ano na naman bang ginawa mong kalokohan Mr. Alcaraz?”


“Wala naman po Ms. Dulce”


“Kung wala why you are singing in that outpost? Don’t tell me pinagtritripan ka lang nila?”


“Hahaha…. Parang ganun na nga po”


“I want a written explain for this event on my desk before sun down”


“Yes, Ms. Dulce”


“Hurry up… or your punishment will be doubled”


Eto na naman ang katakot takot na two pages explanation (Why, How and Actions) bukod pa dyan sasabog ang utak ko sa kagagawa ng mga English lines para lang magexplain sa kanya, okay na lang sana kung pakakantahin ako sa harap ng klase kasi hindi yun ang masaklap.


Buti na lang sabay kami ni Ms. Dulce sa pagpasok ng klase kaya ligtas ako kahihiyan sa harap ng klase. Una akong pumasok sa silid sumunod naman si Ms. Dulce. ang buong klase parang palengke kanya kanyang chismis at kwento sa mga pangyayari ng sabado at lingo ang mga silya kung saan-saan nakapaling sa madaling salita wala sa wisyo ang first period.


At dahil ito ang nadatnat ni Ms. Dulce umpisa na ng Marshal Law ng klase.


“Ano tinda nyo dyan? Kayo dyan buy one take one ba dyan sa inyo sa group sa likod sale ba 50% Off?”


Nakatulala ng ilang segundo ang klase pagkatapos bigla na lang nakuryente at nagmadaling isaayos ang bawat desk nila sa tamang hanay.


“I didn’t expect to see my class at this manner” hirit na galit ni Ms. Dulce.


Lahat ng studyante sa loob ng klase puro nakatungo lang dahil na rin sa galit ni Ms. Dulce. Pero akala ko makakalusot na ako sa galit nya ngunit…


“Mr. Alcaraz, ano pang itinatayo-tayo mo dyan umupo ka sa upuan mo dahil kahit ikaw hindi ka ligtas tandaan mo ang parusa mo”


“Yes, Ms. Dulce”


Tuloy-tuloy ang galit ni Ms. Dulce hanggang sa matapos ang period ng klase nya sa amin, pinagawa pa kami ng sariling song composition mula lyrics hanggang sa musika nito at higit sa lahat dapat magawa ito sa loob ng apat na araw.


“Anak ng pating naman, Eunice hindi madali ang pinapagawa satin ni Ms. Dulce”


“Eh ano pa bang magagawa natin kung ang sumunod pag hindi natin nagawa tyak bagsak tayo sa major subject na to”


“Oh eto na juice mo isa pa maawa ka naman sa notebook na yan 100 pages yan nung binili natin sa bookstore pero tignan mo manipis pa sa bente pesos dahil naubos mo na sa kakapunit”


“Sino ba naman kasi ang makakagawa ng ganung klaseng composition sa apat na araw! Apat na araw Eunice Apat!”


“Bakit gusto mo tatlo?”


“Hindi apat na nga eh”


“Kaya mo naman yan ikaw pa magaling ka naman sumulat ng mga piyesa kaya alam ko kaya mo yan!”


“Kaya naman sa kaya kaya lang po, yung deadline natin masyadong maiksi ang panahon tignan mo wala akong masimulang magandang piyesa para dyan”


“Kung ikaw nga nagsisimula na paano pa ako? Naku kumain ka na habang nagawa nyang project na yan”


Habang ngumunguya hawak ko ang ballpen pero wala sa pagkain ang isip ko kung di sa pyesang dapat kong isulat. “Hmmm… teka nga pala mamaya may pupuntahan ako pagkatapos ng klase”


“Saan naman yan?”


“Basta importante”


“Ngayon naglilihim ka na, nakakapagtampo ka talaga”


“Eto naman… sige na nga wag ka lang magtampo, may promise kasi akong binitawan kay Yumi”


“Promise?”


“Promise na tuturuan ko syang tumugtog ng piano”


“Yun naman pala wag ka magpatumpik-tumpik pa kung sinabi mo kasi agad di na ako nagtampo, Pero! Pero siguraduhin mo lang tama ang pagtuturo mo ng piano sa kanya”


Sabay dikit ng hintuturo niya sa ilong ko


“Oo na yung daliri mo wag mo ibaon sa ilong ko mapapango ako sa ginagawa mo eh”


“Hihihi sorry naman di naman sadya, teka may naisip ka na bang magandang panimula para sa pagtuturo kay Yumi ng piano?”


“Sa totoo lang wala…”


“Ano eh paano ka magtuturo kung di mo alam ang mga ituturo sa kanya?”


“Paano ba naman ako makakapag-isip ng maituturo sa kanya nakita mo namang nagtatalo ang isip ko sa dalawang gawain dito, isang project at pagututuro sige nga ikaw ang tatanungin ko ano pipiliin mo?”


“Ay kay Yumi ako pagdating sa pagibig pero pag dating sa future sa studies ako”


“Balimbing!”


“Weh! Tinanong mo lang ako dib a? sinagot ko lang base sa mga pangyayari”


“Naku Eunice, minsan talaga nahahaluan mo ng kalokohan ang usapan natin”


“Sympre naman para naman po di masyadong seryoso Mr. Lover Boy!”


“Lover Boy ka dyan!”


Habang nasa mesa at nagbibiruan kaming dalawa ni Eunice bigla na lang may tumayong grupo ng mga babae sa harapan naming kaya kami biglang natigil sa pagaasaran at sabay naming tinignan kung sino ang grupong tumayo sa harapan namin.


“Well, well… I didn’t know na Mr. Lover Boy ka na ngayon”


“Cheska, Amy and Crissy”


“Buti naman kilala mo kami”


“Sis naman sino ba naman ang hindi makakakilala sa group natin eh tayo lang naman ang pinakasikat dito at fashonista”


“Sabagay tama ka dyan at ang mga gaya natin bagay lang sa mga kalevel natin at hindi sa kung sinu-sinong estudyante na nagpupumilit pumasok sa school na ito”


“Teka ano na naman bang problema nyo? At bakit na naman kami ang pinagdidiskitahan nyo?”


“Magtigil ka dyan babaeng bungangera!”


“Aba! Hindi ko na gusto ang lumalabas sa mabaho mong bibig”


“Eunice tama na, wag mo na patulan”


“Eh paano naman kasi ang bastos ng mga ugali ng mga taong ito naturingan may pinag-aralan pero ayaw ilagay sa tama ang pinag-aralan”


“Kung ano man ang magawa ko pa sa inyong dalawa gusto ko sanang ipaalam sa inyo lalo na sa iyo Tofie wag mong asamin si Yumi hindi kayo bagay at isa pa hindi rin kami makakapayag na lumapit ka pa sa kanya”


“Anong ibig nyong sabihin”


“Duh! Ibig sabihin layuan mo si Yumi!”


“Pero wala naman akong ginagawang masama sa kanya”


“Kung gusto mo pang manatili sa school na ito wag mo kaming subukan”

No comments:

Post a Comment