Friday, October 8, 2010

Chapter 4: Co-Student, Teacher Continuation

Patay, eto na naman ang isang problema si Ms. Dulce, kung kaninang nalate ako sa klase nya ay pinaglilinis nya ako ng buong covered court ngayon nakita naman niyang magkasama kami ni Eunice anu naman kaya ang susunod nyang ipagagawa sakin.

“Where do you think are you going? Christopher Alcaraz and Eunice Estrada? You have 20 minutes before your next subject”


“Ah, we going to take our lunch now, Ms. Dulce? As in now? Can we?” sagot ni Eunice


“Going to take your lunch? I’m staring at the both of you for a minute or two and I didn’t see you move and go to the cafeteria nor to any store to take or buy your lunch and now you see me infront of you suddenly you have the urge to say your going to take your lunch?”


“But Ms. Dulce we still have 20 minutes left”


“15 minutes to be exactly and are you sure you can both finish your meals at this rate?”


“Yes Ms. Dulce is that right Tofie?” sabay siko sa tagiliran ko


“Okay then I will let you take your lunch if you promise to be back here at the exact time and IF NOT!” doom parang puputok bomba sa katawan ko sa pagtaas ng boses ni Ms. Dulce talo pa nya ang horror suspence and thriller kung pagsasamahin mo sa isang movie genre.


“Another punishment and that involves you too Eunice Estrada”


“Yes Ms. Dulce”


Kaya pagtalikod sa kanya karipas na kami ng pagtakbo di na papunta ng karinderia ng nanay ni Eunice na si Tita Ruth kung di sa tindahan ng banana que at kamote que. Imagine kung anung klaseng tanghalian ang aabutan namin para lang umabot sa cut-off time naming sa pagkain idagdag mo na rin dyan ang panulak na samalamig sa halagang bente pesos solved.


Para lang kaming unggoy sa pagnguya ng mainit na bananaque ang kaibahan lang nito walang balat at nakastick na yun lang makipaghabulan ka ng init at paso sa dila at kung mamalasin dyan naman ang silbi ng samalamig para mawala ang pamamaga ng dila kung sakaling mapaso ka.


Nang malunok ko ang lahat ng bananaque na nakatuhog sa stick agad kong itinapon ang bananaque stick at lumagok ng isang baso ng malamig, nang pupunahin ko kung tapos na si Eunice kumain ng bananaque nakita ko na lang na ang laki ng pisngi niya puno pa rin ng mga bananaque at di makatingin sakin ng diretso nahihiya yata dahil kahit ako natatawa nang makita ko ang itsura niyang di malaman kung anong gagawin sa pagkaing nasa bibig.


Hawak ang isang baso ng samalamig agad niyang hinila ang kamay ko at muli kaming tumakbo para akong tangay-tangay ng isang pulis na tila ako ng criminal kinaladkad ako ni Eunice hanggang sa makabalik kami sa covered court. Kahit na naririnig na niya akong nagsasabi ng “sandali lang Eunice” tuloy pa rin sya sa pagtakbo nakita ko na lang tumilapon ang plastic cup sa basurahan at shoot pa mismo di pa nya nagawang lumingon para makita na pasok sa basurahan ang tinapon nya.


“Kung babagal-bagal ka dyan Tofie tiyak maglilinis ka na naman ng covered court pero this time isasama mo na rin pati ang faculty o mas higit pati ako damay kaya bilisan mo dyan”


“Oo, alam ko yun pero nagmamadali naman ako ang ginagawa mo naman kasi sakin Eunice kinakaladkad mo ako eh”


“Ha?” tumigil lang sya sa paghila sa braso ko para tignan ang natapon na inumin sa aking damit


“Hala anong nangyari sayo Tofie?”


“Eto naliligo sa matamis na tubig na may gulaman at sago”


“Naku sorry Tofie di ko sadya pasensya na talaga, eh pero mamaya nay an mas disaster talaga ang mangyayari satin nito pag di tayo umabot sa oras na sinabi natin kay Ms. Dulce”


Kaya muli na naman naulit ang kaladkaran na kaninang nirereklamo ko kay Eunice, alikabok ang sumalubong sa dadaanan namin habang tumatakbo at papalapit sa covered court. Hanggang sa wakas umabot din kami nakita namin si Ms. Dulce nakatayo sa gitna ng simentadong entablado kung saan huli kaming nagusap.


“Well I’m empress you made it through, now then you may proceed through your next class”


“hay salamat naman at natapos na rin ang delubyo” bulong ni Eunice habang humahakbang papalayo si Ms. Dulce


“And by the way Mr. Alcaraz, please wear a clean and decent uniform, it seems to me that your cleaning the whole university”


Nang makita naman ako ni Eunice di na sya nagtaka o nagtanong kung bakit ganun ang sinabi ni Ms. Dulce, kaya nang makaalis nang tuluyan si Ms. Dulce humarap sya sakin at tumawa ng malakas.


“Sige mang-asar ka pa dyan Eunice ikaw kaya ang may pakana nito”

“Sorry na di ko talaga mapigilan pagtawa ko kasi nakakatawa naman talaga, tignan mo yung uniform mo may sago pa sa bulsa ng polo at may gulaman ka naman sa kwelyo sino ba naman ang di tatawa?” kaya tuloy tuloy pa rin ang paghalakhak niya sa harapan ko.

“Halika na nga bago pa bumalik dito yung terror na teacher na yun dalian natin” ako naman ngayon ang humatak sa braso nya papunta sa susunod naming klase.


Tamang tama lang ang pagdating namin dahil kasunod lang namin ang prof naming sa susunod na subject kaya nang makita naming sya sa aming likuran agad kaminag nagmadali para pumasok sa loob ng silid ngunit sa di inaasahang pangyayari napansin na naman ako ng di inaasahan.


“Mr. Alcaraz?”


“Yes, Ma’am”


“Is that your uniform?”


“Ah, yes I’m afraid so”


“Then you know my standards when it comes to good grooming Mr. Alcaraz”


“Ma’am?”


“Have you read the school handbook?”


“I have’nt read it”


“What do you mean you have’nt read it?, you mean you did’nt open a single page of that book?”


Napatingin ako sa paligid ko at lahat halos nakatingin sakin ramdam ko ang malamig na butil ng pawis ko ang mga kalamnan kong naninigas sa takot dahil malamang isang parusa na naman ang aabutin ko.


“No, no Ms. Santiago its just that I have’nt finished reading the whole book and wala pa po ako sa part ng book for the disciplinary actions and offense”


“Sorry for you Mr. Alcaraz you have violated one rule written on the school’s handbook and I believe you have a punishment for that”


“Not again”


“Are you saying something Mr. Alcaraz?”


“None, Ms. Santiago none”


“Good now get your things and wait for me outside the classroom”


Napatingin na lang ako kay Eunice at di nagpakawala ng kahit isang salita mula sa aking bibig gusto ko sanang sabihin sa kanya at itanong bakit puro na lang kamalasan ang inaabot ko ngayong araw na ito may ginawa ba akong masama. Pero di ko magawa dahil alam kong papansinin na naman yung pakikipagusap k okay Eunice o baka pati siya madamay sa parusa ko.


Inumpisahan kong buhatin ang bag ko kasama ang mga paa ko palabas ng silid aralan patungo sa may pintuan.


“Okay class, I need you to read Society Values page 14-17. When I come back we will start the discussion”


Habang nakikita kong palapit sa kinatatayuan ko si Ms. Santiago magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko na kahit kalian di ko pa nararanasan sabi nga nila there is always a first time.


“Okay Mr. Alcaraz follow me” agad naman akong sumunod sa kanya papunta sa basement ng building.


“Ms. Santiago saan po tayo pupunta?”


“Malalaman mo din, nasabi sakin ni Ms. Dulce na magaling kang kumanta at magpatugtog ng piano kaya di katakataka ang kinuha mong kurso dito sa unibersidad”


Hanggang sa huminto kami sa isang silid kung saan may mga estudyante mga nakayuko sa desk at tahimik na nakikiramdam sa paligid kung may darating na kung sino man.


“Andito na tayo, gusto kong ikaw ang magbigay ng parusa sa mga kasama mo sa detention ngayong araw na ito”


“Po?”


“Maliwanag naman siguro ang sinabi ko ikaw ang maghahandle ng mga kapwa mong estudyanteng pasaway isa pa marami ng guro ang occupied sa mga panahon at oras na ito para maiwasan ang pagsasayang ng oras nais kong ikaw mismo ang humawak ng isang klase na ang mga magaaral mo ay gay among pasaway”


“Pero Ms. Santiago hindi po…”


“Wala ng pero pero dapat magawa mo at dapat makita ko ang mga pagbabago sa kapwa mo estudyante sa loob ng isang linggo ikaw mismo ang mga kargo sa kanila”


Tuluyan na talaga akong pinagsukluban ng langit at lupa iniwan na ako ni Ms. Santiago sa pintuan, di ko alam kung anong unang gagawin ko kaya naglakad ako papunta sa harap ng klase. May limang estudyante ang nasa loob karamihan nga mismo ay mga pasaway sa klase.

Pero di ko inaasahan na makita ang isang babaeng di ko aakalaing dito ko muli matatagpuan. Si Yumi nasa detension.

No comments:

Post a Comment