Wednesday, June 1, 2011

Chapter 8: Feel the Love Continuation

Di ko na rin makuha ang tamang tulog ng dahil sa pag-iisip. Maaga pa’y umalis na ako ng bahay para pumasok sa klase. Sumakay ng tricycle, jeep at bus para makarating sa unibersidad, walang gaanong sakay ang mga sasakyan at maluwag ang kalsada sa mga pasahero. Nagtatalong liwanag at dilim ang nakikita ko mula ng dumungaw ako sa bintana.

Pagbaba ko mula sa bus nakita kong ang pagbubukas ng bookstore kung saan una kong nakita at nakilala si Yumi. Ngumiti lang ako sa gwardiya at bumawi naman sya ng isang magandang umaga. Mula sa tindahan nakita ko din ang karinderia kung saan kami unang kumain ni Yumi ng magkasabay. Parang dejavu ang mga nangyayari ang kulang lang ay si Yumi sa tabi ko.


Mga matitingkad na kulay ang kuminang sa mata ko isang bagong bukas na tindahan na ngayon ko lang nakita dito ito nakita sa hilera ng mga tindahan naka bandera din ang isang malaking tarpaulin sa harapan ng kanilang tindaha. “Grand Opening Sale”


Maaga pa naman kaya naisipan kong tumingin-tingin sa loob ng bagong bukas na tindahan. Agad naman akong sinalubong ng isang tauhan ng tindahan pagbukas ko ng pintuan nila.


“Good Morning Sir Welcome po sa Flowers Blooms”


“Good Morning din po”


“Ano pong klaseng bulaklak ang hanap nila? Para sa anu pong okasyon?”


“Ano po kase napa…?”


“Alam ko na po para po ba sa isang binibini? Naku marami po kami nyan dito hali po kayo dito at ipapakita ko sa inyo”


Di ko masabi ng tuwiran sa sales lady na ang pakay ko lamang ay tumingin ng kanilang mga paninda ngunit sumunod naman ako kung saan sya nagtungo. Dito ko nakita ang ibat ibang klaseng bulaklak na hindi ko pa nakikita sa ibang mga tindahan ng bulaklak iba-ibang kulay iba ibang hugis at itsura kung kanina namangha ako sa mga nasa labas na mga bulaklak mas lalo akong namangha sa mga nakita ko.


“Ginawa po namin ang simpleng green house dito para kahit mismong ang customer ang pwedeng pumitas ng mga gusto nilang mga bulaklak”


Nanatili lang akong namamahanga habang nililibot ang mga mata sa paligid.


“Dito po yung mga bulaklak na gusto nyo para sa isang binibini”


Carnations na ibang ibang kulay, Daffodil, Daisy, Camelia at marami pang iba hilera talaga ng mga namumukadkad na halaman.


“Paano nyo po naitayo ang lugar na ito?”


“Napansin ng may ari na malaki ang bakuran nito kaya kinausap niya ang may ari ng lote para rentahan upang gawin isang green house kaya po eto sir maganda po diba?”


“Di lang maganda ang ganda ganda”


Ngunit napatitig lang ako sa isang bulaklak na talagang kumuha ng atensyon ko kaya agad ko namang nilapitan.


“Maganda yang napili nyo Sir, yan po ang thousand butterflies or kung tawagin ay Hydrangeas kung yan po ang napili nyo bibigyan ko po kayo ng discount dahil ikaw ang first customer namin at grand opening ngayon at isa pa dahil ang cute mo 50% discount?”


“Ah Miss wag mo na isama yung cute factor hahahaha di po joke lang galing mo magkwento at sales talk dahil dyan kukunin ko sya pero… pero after lunch ko na sya pick up okay lang bay un kasi may klase pa ako napaaaga lang naman ako dito kaya napadaan ako actually gusto ko lang sumilip pero napa oo mo ako sa offer hahahaha”


“Ay naku Sir kung babalik kayo dito para kumuha ng bulaklak bibigyan ko po kayo palagi ng discount”


“Talaga lang ha?!”


“Opo sure yan Sir…” halatang halata ang pagkakilig sa kanyang katawan habang lumalakad papalayo


“Teka lang mamaya ko na ito kukunin mamayang hapon pwede ba?”


“Oo naman Sir kahit mamayang gabi pa pwedeng pwede”


“Ay hindi na may curfew dito”


“Curfew?”


“Oo para sa mga nagpapanggap na estudyante”


“Kayo talaga Sir palabiro”


Matapos kong magdown payment sa kanya agad naman akong lumabas ng tindahan at baka mahuli pa ako sa klase. Kasabay ko ang isang kotse papasok ng campus, magaan ang pakiramdam ko kaya naglakad akong parang nagjo-jogging sa pathway ng unibersidad.


Wala pa naman bell kaya naisipan kong umupo muna sa lilim ng puno at ipagpatuloy ang aming proyekto kay Ms. Dulce at kung di ko magagawa tiyak patay ako. Muli kong binasa ang mga linya na nakasulat ang bawat taludtod nito ay sininsin ng mga mata ko kung tugma para sa isang magandang awitin ang mga napili kong salita.


Ngunit sa sobrang pagkaabala sa ginagawa ko di ko napansin kung sino ang dumating.


“Hoy! Busy ka ngayon ha?! Yan ba yung project satin ni Ms. Dulce?”


“Naku Oo baka kasi di ko magawa tiyak patay ako dun”


“Sus ikaw pa ang galing galing mo gumawa ng mga talata at tyak matatalinhaga pa”


“Nyek hindi naman, eh ikaw ba tapos mo na ba yung project mo sa kanya?”


“Hindi pa naman pero baka mamaya maitutuloy ko ng maayos, bakit nga pala ang aga mo dito sa unibersidad?”


“Hmmm wala naman nagising lang talaga ako ng maaga kaya naisipan ko pumasok ng maaga”


“Hindi ba yan tungkol kay Yumi?”


“Ha?!”


“Bakit ka namutla nung marinig ang pangalan nya? Tignan mo oh ang pula mo”


“Tumigil ka dyan Eunice magkaibigan lang kami nun”


“Magkaibigan o magka-ibigan? Alin sa dalawa”


“Wag mong pangarapin ang hindi para sa iyo Christopher”


“Ay… masungot na surot di ko namalayan nasa likuran ko”


“Ikaw kasi ang ingay mo…” sabay harap kay Julius


“Magkaibigan lang kami ni Yumi yun lang”


“Siguraduhin mo lang dahil alam mo naman kung saan lang ang pwede mong paglagyan baka ni isang imported na chocolate di mo sya mabigyan”


“Humahangin dito nararamdaman mo ba Tofie wala naman bagyo”


“Bakit Eunice kailangan mo ba ng payong marami sa kotse bibigyan pa kita”


“Hindi na di ko kailangan ng imported!! Tara na nga Tofie ang ganda ng umaga sisirain lang ng isang surot”


“Anong sabi mo?”


“Sabi ko may surot sa upuan kaya makati sa binti! Halikana Tofie punta tayo cafeteria para kumain ng almusal”


“Sige Julius una na kami” kaya tumalikod kaming magkasabay kung saan nakatayo si Julius


“Kaw talaga Eunice napaka brutal mo magsalita”


“Ay naku Christopher Alcaraz kung hahayaan mo lang pagsalitaan ka ng ganung klaseng tao sakin hindi pwede yan best friend kita kaya ipagtatanggol kita”


“Salamat naman kung ganun”


“Magkwento ka naman kung anong nangyari sa pagtuturo mo kay Yumi”


“Wag mo nang banggitin yung pangalan nya baka mamaya kung sino pa makarinig mas lalo tayong malagot”


“Sige papangalanan ko na lang sya teka….. kung ikaw killer smile sya naman smile killer tama killer smile… smile killer”


“Binaliktad mo lang yung dalawang salita”


“Ano ka ba di mo ba gets ang sense nun?”


“Hindi ikaw killer smile ka sa ibang babae dyan pero sya naman ang papatay sa smile mo na pumapatay ng ibang babae di ba bagay na bagay?”


At tumuloy kami sa cafeteria para magalmusal at magkwentuhan bago magsimula ang aming klase.

No comments:

Post a Comment