Thursday, June 9, 2011

Chapter 8: Feel The Love Continuation.....

Abalang-abala ako sa araw na yon puno ng mga dapat gawin, mga dapat habulin at kung ano-anung takdang aralin na iniwan sa amin ng mga Professors naming minsan di mo na alam kung ano ang uunahin sa mga nakalista pero ganyan daw talaga ang buhay ng isang estudyante masalimuot na masaya, minsan naman boring pero nasa estudyante lang talaga yan anong perspective ang pagtingin mo.

Di na rin kami nagsabay ni Eunice para maglunch break dahil kahit sya mismo kailangan ng oras para naman sa ginagawa nyang project kay Ms. Dulce, minsan nga kung tawagin kaming mga estudyante ng ganitong klaseng kurso ay weirdo. Ugali kasi namin ang magisa kung di naman nakaharap ang mga blankong pahina ng aming mga notebook at minsan nagsusulat sa hangin meron din namang yung tipong nakaharap sa ibat ibang uri ng instrumento para magisip ng mga maaring idugtong o ilagay sa aming mga composition. Higit pa dyan may klase din na bigla na lang matutulala at kung di mo sasadyaing kausapin hindi pa magsasalita o gagalaw man lang parang biglang na nahawakan ng isang nagyeyelong tao kaya na frozen.


Pero in reality malalalim din talaga magisip ang mga gaya namin dahil kung iisipin mo hindi lang din puro banat ng salita ang pwede mong gawin pwede din kasing magandang pakinggan pero hindi tugma o walang nilalaman ang mga salita.


Sadya akong nagaaral o gumagawa ng mga takdang aralin ko sa hagdan ng building namin lalo na kung walang masyadong nadaan nagagawa ko kasing bumaluktot ng matino at maiunat ang mga binti at paa ko para maging magaan para sakin ang magisip at magsulat. Minsan niyaya nila akong lumipat ng pwesto kahit si Eunice kaya lang di talaga ako komportable sa ibang lugar.


“Ang sipag mo naman talaga kaya hanga ako sayo sa kasipagan” natigilan ang mga daliri ko sa pagindayog nito sa kuwadernong aking sinusulatan para makita ko kung sino ang nagsalita mula sa aking likuran.


“Uy….” Sabay pagpag ng pantalon ko sa likuran para sa mga kumapit na alikabok “Ano… kamusta ka este napadaan ka? Wala kang klase?”


“Okay lang naman ako… free time namin ngayon hinanap kasi kita kanina sa cafeteria pero hindi kita nakita si Eunice lang kaya sa kanya ako nagtanong kung nasan ka kaya nalaman kong andito ka at….. sinabi nya rin sakin busy ka at di ka pa kumakain kaya…..” sabay kuha ng isang plastic mula sa kanyang dala-dalang bag.


“Dyarann…… dinalhan kita ng isang sandwich at isang bottled ice tea?”


“Di ko alam kung kumakain ka ng ganito di ko rin alam kung anong paborito mo kaya ako na lang pumili nito para sayo sana…. Sana magustuhan mo?”


“Actually alam mo tamang tama ang dating mo kasi…. Kanina pa ako dito at di pa ako kumakain kaya tatanggi pa ba ako sa alok mo? Ha Yumi!”


“Hahaha siya sige kumain ka muna at mamaya na lang yang ginagawa mo di ka rin makakapagisip ng maayos kapag di ka nakakain ng ayos, akin na muna yang mga gamit mo at maupo tayo dito”


“Okay… hati tayo gusto mo?”


“No its okay kumain na talaga ako, so eto pala ang tambayan mo?”


“Umm… Oo dito ako palagi nakatambay pag free time lalo na kung maraming home work o kaya naman mga projects”


“Ganun ba” inilibot ni Yumi ang kanyang mga mata mula sa ibat ibang sulok nito mula sa pinakaitaas ng hagdan hanggang sa mga baitang nito”


“Nagtataka ka siguro bakit ito ang napili kong tambayan kesa sa basketball court o kaya sa soccer field”


“Hindi naman para sa isang katulad mo napili mo ang tambayan”


“Alam kong sasabihin mo yan pero kung sasabihin ko baka pagtawanan mo lang ako”


“Ikaw pagtatawanan ko? Hindi kaya isa pa teacher kita bakit kita pagtatawanan”


“Sigurado hindi ka tatawa sakin?”


“Sigurado!”


“Pangako”


“Haizz… Oo pangako para ka naman bata”


“Naninigurado lang hmmm alam mo na… tayo ka dyan ilapag mo muna yang gamit dyan”


“Okay”


“Tapos tumayo ka dito sa tabi ko ngayon bilangin mo yung mga baitang”


“Ha?!”


“Oo ilan yung baitang na nakikita mo?”


“Walo!”


“Galing mo naman pala bumilang eh”

“Ano ka ba grade one ba ako para di ko alam kung paano magbilang”

“Hehehe joke lang ikaw naman di mabiro, ganito yan bawat isang baitang isang piyesa ng isang awit”


“Piyesa?”


“Ang pinakamababa ang DO yun ang unang baitang sa hagdan na ito sunod ang RE pangatlo ang MI susundan ng FA pagkatapos ay SO, ayun naman ang LA ang pangalawa sa panghuling baitang ang TI at ang pinakamataas at pinakahuli ang DO kaya sa bawat tapak mo sa bawat baitang may piyesa kang nabubuo”


“Ang galing naman”


“At hindi lang yan kung bibilangin mo ang lahat ng baitang sa lahat ng hagdan dito sa gusaling ito lahat sila pito lang ang bilang namumukod tangi lang ang hagdan na ito na may walong baitang pero higit sa lahat ang pinaka-importanteng at magandang bahagi ng hagdan na ito…”


Kinuha ko ang kanyang kamay at sabay kaming humakbang sa mga baitang ng hagdan at unti-unti kong binigkas ang mga piyesa ng baitang


“DO-RE-MI-FA-SO-LA-TI-?”


“Bakit ka tumigil?”


“Tumalikod ka”


“Ha?! Bakit naman ako tatalikod? Baka naman itulak mo ako”


“Pangako hahawakan kita hindi ka mahuhulog at di kita pababayaan”


Unti-unting tumalikod si Yumi at unti-unti ring lumantad ang tanawin sa makikita lamang sa pinakamataas na baitang


“Waow! Ang ganda”


“Kapantay ng gusaling ito ang kampanaryo ng simbahan, malapit sa mga ulap at higit sa lahat payapang pagmasdan habang nagiisip at kung may problema nakakagaan ng pakiramdam”


Pinikit ni Yumi ang kanyang mga mata at sinimoy ang hangin mula sa bintana


“Oo nga nakakagaan ng pakiramdam Tofie ang sarap at ang ginahawa buti hindi ka natatakot dito sa taas nito”


“Hmmm… dati takot ako dumungaw sa pinakamataas na baitang baka hindi ko maabot ang tamang tono ngunit ngayon hindi na”


“Bakit?”


“Dahil kasama kita”


“Ha!?”


I often wonder just how can it be

But everytime I think about it
Seems impossible to me
I wanna touch you, call out your name
Would you be my love, would you be my friend
Would you feel the same

What if wishes all came true

And each one had a star
That would keep it shining brightly
However near or far

What if a miracle appeared

And heaven was here for us to see
Oh what if you, were to fall in love with me

I imagine, a picture in my mind

You and me we?ll be together
Together for all time

Hindi nakuha ni Yumi na magsalita at magbigkas ng kahit isang salita bumatingaw na lang ang bell ng unibersidad senyales ng paguumpisa na muli ng klase para sa panghapong aralin at session.


“Mau-mauna na ako baka…. Baka kasi mali… late ako sa klase”


“Okay sige, aasahan kita mamaya sa auditorium para sa pangalawang lecture natin sa piano lessons”


“Ha, meron ba? Este sige… sige pupunta ako pagkatapos ng klase auditorium di ba? Auditorium! Mauna na ako sayo Tofie”

No comments:

Post a Comment