Monday, May 21, 2012

Chapter 10: Now I'm Inlove That's For Sure Chapter Ending.....


"teka, teka kung anung sinasabi nito naligaw ka ba sakin nung school days natin?"

"Yun naman pala, kung ano-anung sinasabi nito?"

"Bakit masama bang umasa kung natuloy satin bakit hindi sa mga anak natin, atsaka tanggap ko naman si Tofie"

"Teka ulit ikaw tanggap mo anak ko eh ikaw tanggap ko ba bilang balae?"

Boom! parang sumabog na bomba ang pinakawalan ng mga sandaling yon, natigilan, at nagitla sa mga sinabi ng nanay ni Tofie*

"Ooppsss may nabarang matanda!" sambit ni Yumi, kinalabit naman ni Tofie at nagsenyas na lumipat naman ng pwesto.

"Ah, Daddy aayusin lang po namin ni Tofie yung dala nating pagkain at maghahain na rin po kami para makapananghalian na"

"Walang problema"

"Dun muna po kami sa kusina Nanay, Daddy"

ilang hakbang mula sa kusina agad naman nagsalita si Tofie

"Di ko akalain magkakilala ang mga magulang natin, biruin mo nagkita sila dahil sa atin"

"Anung dahil sa atin matagal na silang magkakilala pinaglayp lang siguro ng panahon at muling nagkita pero magkaibang mundo na"

"Bakit mo naman nasabing magkaibang mundo, Yumi?"

"Pinagtagpo muli sila ng panahon gaya ng sinasabi mo pero hindi naman sila ang nagkatuluyan, di ba? Parang pinaglalaruan lang ng tadhana ang mga magulang natin"

"Hindi naman siguro pinaglalaruan, dahil nakita ko rin naman sa nanay ko ang pagmamahal nya sa yumaong ama ko"

"Marahil nga ganun kasi ganyan din naman nakita ko nung nabubuhay pa ang mommy ko, mahal na mahal nila ang isat isa, Soulmate yata ang tawag dun?"

"Soulmate? di ba dapat sila ang nagkakatuluyan?"

"Pwede at pwede ring hindi, soulmate kayo kasi close ang mga kaluluwa nyo sa ibang panahon pero iba ang nakatakdang tao para mahalin"

"Kung ako papipiliin gusto ko SM at LT"?

"Simpleng Manyak?"

"Aba'y loko ka rin ha!"

"He he he, pasenya na di ko alam eh, anu ba talaga gusto mong sabihin?"

"Soulmate at True Love" nakatingin sa kisame si Tofie at mukhang seryoso ang pagsasalita at tila napansin ito ni Yumi kaya napatitig na lamang ito sa binata.

"At bakit naman yun ang gusto mo?"

"Ayaw ko kasing napaglalaruan ng tadhana at kung ako ang papipiliin ipaglalaban ko yung taong mahal ko habang buhay, ayaw kong isuko ang pagkakataon kung saan at kanino ako liligaya"

"Tofie, anak tapos na ba kayong maghain dyan para makain na tayo malapit na magtanghalian?"

"Oho, Nanay tapos na po, anu Yumi okay na ba yan nasandok mo na lahat ng kanin sa malaking plato? atsaka yung ulam ililipat ko na rin ng lagayan"

"Ay, wait masasarap ang ulam kung iinitin muna natin baka kasi lumamig na"

"Galing mo talaga, sige iwan mo na kita"

"Bakit saan ka pupunta?"

"Bibili lang ako ng softdrinks sa tindahan masarap na kapartner yun"

"Sige bilisan mo kakain na tayo in a moment at siguraduhin mo yung nilalagnat na softdrinks ha?"

"Nilalagnat?"

"Haizzzz......"

"Ah okay nagyeyelo?"

"Yan!"

"Oo ba, ikaw pa Prinsesa kita"

Matutulala na mangingiti ka sa mga sinabi ni Tofie yan ang gumuhit sa kanyang mga labi, ang hirap din isipin kung anung mangyayari kinabukasan, *di mo sigurado ang lahat hindi ka panatag sa mga pangyayari at mga taong nakapalibot sa iyo. Marahil tama nga ang sinabi ni Tofie sa tayo pa rin ang gagawa ng ating magiging kinabukasan ang kailangan lang ibigay mo ang lahat lahat para makatiyak kang matutupad ang lahat ng pinapangarap mo at nininais mo sa mundong ito.

Ang mga oras na iyon ay parang isang *lumang larawang kupas unti unting limilinaw at nagkakaroon ng kulay at maari mo ulit isabit sa puting pader. Ang nagkahiwalay at nagkaitang muli, ang mga naiwang usapin at muling naungkat at nagkaroon ng karugtong na kwento at hindi natuldukan.

"Salamat sa isang masarap na tanghalian Danny, masaya rin atko at muli tayong nagkita, nagkakwentuhan at nagkamustahan kahit paano nanariwa pa rin sakin ang mga masasayang nakaraan natin nung nagaaral pa lang tayo"

"Stroll down to memory lane ba ito?"

"Anung stroll down the memory lane nagkakamali ka dyan, muling ibalik ang tamis ng pagibig, muling pagbigay ang ating nakaraan"

Toink!

"Kapag hindi ka tumigil ikaw na bata ka hindi ka makakalabas ng bahay na ito ng isang linggo"

"Nanay naman"

"Anung Nanay, nanay ka dyan makinig ka sa akin isang linggo ka makukulong dito"

"Eto na nga po titigil na, di bale kung makukulong naman ako dito dadalawin naman ako ni Yumi, di ba Yumi?"

"Aba at kailan pa bumaliktad ang mundo na ang babae ang dumadalaw?"

"Yumi naman eh?"

"Sige Nanay ikulong mo yan?"

"Nanay? tama ba ang narinig ko?"

"Bakit? masama bang tawagin Nanay ang nanay mo?"

"Hindi pwedemo naman talaga syang tawaging Nanay, kaya lang ang tawag mo kasi sa kanya kanina Tita tapos makaraan ang ilang saglit Nanay na?"

"Eh, bakit ikaw ang tawag mo sa Daddy ko, Daddy din kaya may karapatan ako?"

"Okay! granted.... Yumi may tanong ako sayo?"

"Sige ba basta wag lang pera kasi alam mo naman wala akong maisasagot sayo!"

"Okay kaso nahihiya ako...."

"Ayiheeee.... upakan kita dyan gusto mo! Magtatanong ka lang ba o ginigood time mo lang ako?"

"Eto na nga itatanong na di na maniro kailangan ba talaga nakaamba na agad yung kamay mo?"

"Eh, nanloloko ka yata eh.... gusto mo talaga masampal ano?"

"Kung ikaw ang papipiliin? yung tinitibok ng puso mo o yung binabanggit ng utak mo?"

Ilang beses ng nag-away
Hanggang sa magkasakitan
Na 'di alam ang pinagmulan

Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan

Ngunit kahit na ganito
Madalas na 'di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko


"Bakit yan naman ang napili mong itanong sakin?"

"Kasi iniisip ko kung papayag ka sa gusto ng Lolo at Lola mo makakapagtapos ka ng maayos sa kolehiyo, magagawa mo ang lahat ng gusto mo at higit sa lahat masusuportahan ka ng maayos nila, pero kung sa katulad ko lang eh wala kang mapapala mahihihirapan ka lang isa pa hindi madali ang buhay ngayon?"

"Teka... teka anung pinagsasabi mo Mr. Killer Smile?, na naiinlove ako ng malalim huh? manigas ka! Isa pa wala ka pa ngang basbas ng Daddy ganyan ka na kung makapagsalita hello, sympre hindi pa nga tayo nakaka one week relationship ganyan ka na magsalita"

"Hehehe... advance lang utak ko kaya ganun pag pasensyahan mo na pero anung tawag mo sakin? Mr...?"

"Ah.... eh... Oo na Mr. Killer Smile!"

Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba
Walang iba

Nagsimula sa mga asaran
Hanggang sa magkainitan
Isang eksenang bangayan na naman


"Aba may code name pala ako sayo ha at may sinabi ka pa ano yung huli di ka naiinlove ng malalim so ibig sabihin inlove ka pa rin sakin ayhieeee.... alabyuh naman Yumi eh dont worry"

"Aba't talagang binablack mail mo ko ha..."

"Oops walang bawian sa mga sinabi Mr. Killer Smile at inlove hindi nga lang malalim pero inlove pa rin wahahahaha"

namumula ang dalawang pisngi ni Yumi sa sobrang hiya kay Tofie pero sa puso naman nya masayang masaya sa mga salitang nabanggit ng binata....

Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo

Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba

Wag ka ng mawawala
Hmm, walang iba.

1 comment:

  1. napakasakit an bayolente naman atang pag-ibig nito kuya pero maganda ang istorya

    ReplyDelete