Sunday, May 6, 2012

Chapter 10: Now I'm In Love That's For Sure....


Ang ingay mo naman tumugtog…

Sabay lingon sa pinangalingan ng boses

“Sino ka at anung ginagawa mo dito?”

“Danny, ako ito Maricel”

“Bakit ka nandito akala ko pag oras ng break nasa sport area?”

“Hmmm… wala lang… wala kasing kalaro kaya naglibot-libot ako at narinig ko naman yung pagtugtog mo”

“Pero sinarado ko yung pinto kaya dapat wala kang marinig na kahit anung ingay na gagawin ko”

“Hahaha pero bukas eh kaya narinig ko ang ingay mo kasi tumugtog kaya rinig na rinig ko, bakit nga ba ganyan ka tumugtog nagaway na naman ba kayo ni…”

Inaayos ko ang iyong isipan
Ngunit hindi ka nakikinig
Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit
Wala parin

Ilang beses ko bang sasabihin na
Wala nang kwentang nakaraan
Pero iyong pinipilit

“Hoy!!!! Wag mo nang ituloy at wag mo mabanggit ang pangalan nya sa harap ko”

“Relax… Relax.. wala akong dalang baril o taas kamay pa… anu naman bang nangyari?”

Aba gusto talagang alamin chismoso ka noh!? Napakalalaking tao mo chimoso ka!”

“Ha!? Ako chismoso? Etong gwapong ito chismoso… hoy! Maraming nagkakandarapa sakin tapos makikichismis lang ako ibahin mo ko ha Maricel!”

Parang hindi maipinta ang reaksyon ni Maricel sa sinabi ni Danny, tumawa at sabay napalitan ng pagiyak

“Danny…. Bakit ako naniwala? Bakit ang tanga ko? Bakit ganito nangyayari sakin?”

“Hala! Huy Maricel di kita pinapaiyak ha baka mamaya may makakita sayo sabihin pinaiiyak kita” ngunit bago man lumingon si Danny sa pinto humahangos na yumakap si Maricel kay Danny.

“Tahan na.. tahan na.. anu bang nangyari sabihin mo sakin…”

“Si Kim niloko nya lang ako… manloloko sya… may iba pala sya..”

“Aba’y loko ah!”

Dumaan ang mga oras at lahat ng nasa saloobin ni Maricel ay sinabi nya kay Danny, lahat ng sakit.. lahat ng paghihirap nya sa relasyon nilang dalawa ay ibinahagi nya kay Danny. Na tila walang alinlangan na mailahad at masabi kay Danny.

“Ang ganong klaseng tao ay hindi nararapat para sayo at hindi para sa katulad mo”

“Bakit may kulang ba sakin?”

“Don’t ever think that way walang kulang sayo at walang mali sayo, sabihin na lang natin dumaan lang sya sa buhay mo para matutunan mo ang pagibig”

“Siguro nga… siguro nga Danny dumaan lang talaga sya”

“Oh, magdradrama na lang ba tayo dito? Tugtugan mo naman ako? Yung masaya yun na lang bayad mo sa mga advice ko sayo”

“Aba may talent fee talaga ha”

“Ayaw mo sige iiwan kita bahala kang umiyak dyan”

“Oo na sige na nga eto na tugtog na”

Lagi na lang tayong nag-aaway
Kahit di dapat pag-awayan
Tuwing ika'y lumuluha ako'y nasasaktan
Pag nakikita kang ganyan
Sige na, tahan na, dahil mahal na mahal kita
Ikaw lang kasi, maniwala ka


“Baliktad naman po ngayon ang situwasyon si Yumi ang kumakanta at ako naman po ang tumutugtog”

“Oo nga iho, pero wag kang magkakamali magaling din kumanta ang tatay mo Yumi kasali sa choir yan ng school player singer nga ang bansag dyan”

“Aba, Daddy, hindi ko akalain na marunong kang kumanta, hindi ko pa naririnig ang boses ni Daddy at hawak ang microphone”

“Hoy! Hoy! Nung school days ko pa yan kaya wag na nating balikan”

“Ha ha ha Danny hanggang ngayon ba naman nahihiya ka pa rin ishowcase ang talent mo”

“Yumi, talented si Daddy”

“Hoy bata ka… kung maka-Daddy ka kay Danny”

“Bakit pwede naman ah kung hindi tayo ang nagkatuluyan noon dahil naiwan ako siguro sa ibang panahon magkikita at magkakasalubong pa rin ang mga landas natin...”

Ibibigay ko ang lahat
Pati na rin ang 'yong pangarap
Sasamahan kita kahit saan
Kahit saan


Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling

No comments:

Post a Comment