Monday, May 2, 2011

Chapter 7: Your Hands Holding Mine (Chapter Ending)

“Anak entertain mo lang saglit ang bisita mo habang inaayos ko ang hapunan pati ang lamesa”

“Yes Daddy” muling bumaling sakin ng tingin si Yumi at sinabing..


“Maupo ka na Tofie, gusto mo juice, softdrinks?”


“Tubig na lang please?”


“Sure ka yun lang talaga?”


“Opo sure na sure”


“Okay wait lang kukuha ako ng tubig mo” at lumakad papuntang kusina si Yumi para kumuha ng tubig na maiinom ako naman naiwang nagiisa sa sala.


“Kamusta naman ang prinsesa ko? Mukhang kilig na kilig ka dyan”


“Daddy *** ha nang-iintriga ka na naman”


“Nang-iintriga ka dyang sinasabi mo eh kitang kita naman sa mga mata mo na ang saya-saya mong andito yang si Tofie atsaka diba ilang araw na rin yan ang nakukuwento mo sakin?”


“Daddy talaga hindi ka lang intregero, chikador ka din”


“Hmmm hoy Ayumi, di ka dapat sagot ng sagot kung sinu-sinong lalake na napapalapit sayo isa pa malay mo kung nagbabait-baitan lang yan sayo at may masamang balak sayo paano kung lokohin ka lang nyan?”


“Daddy hindi ganun si Tofie at alam kong di nya kayang magsinungaling sakin, isa pa anong sagot sagot dyan eh hindi ka nanliligaw yung tao, Daddy paabot nga ng isang malinis na baso sa cabinet”


“Ano?! Sa lagay na yan hindi pa nanliligaw sayo yan?”


“Daddy baka marinig ka ni Tofie!”


“Yushu… anu naman ngayon kung marinig nya ako kung talagang interesado sya sayo dapat maligaw na sya…”


“Dad close lang kami ni Tofie…. Close ganun oh close…” sabay lingkis ng dalawang daliri “Kaya akin na yang baso at baka mahimatay na yun sa uhaw”


“Ah basta kung maliligaw man sya dapat makilala kong maigi wag ka agad sagot ng sagot ng kung sinu-sino”


Naputol na lang ang usapan ng biglang tumunog ang mga tiklado ng lumang piano na nasa sala ng bahay at agad namang nagkatinginan ang mag-ama sa mga narinig.


Kaya nagmadaling bumalik si Yumi sa sala para tignan kung anung kaguluhan ang nangyayari. Pero mula sa kusina papuntang sala nararamdaman nya ang malumanay na tugtog nito na nakakagaan ng pakiramdam sa bawat tipa ng mga tiklado. Parang nasa gitna ng hardin na punong puno ng mga bulaklak habang unti-unting namumulaklak ang mga ito at nagsasabog ng halimuyak.


Ngunit bigla na lang itong tumigil sa gitna ng mga imahinasyon ni Yumi.


“Sorry kung nakagambala ako”


“Hin… hindi maganda nga eh anung tugtog yun?”


“Yun.. ginagawa ko kanina?”


“Yes?! Please?”


“Cat Stevens – Morning Has Broken”


“Galing mo talaga magpiano kaya kita teacher eh…”


“Hindi naman….”


“Sino nagturo sayong magpiano?” biglang subat ang Daddy ni Yumi sa likuran habang naguusap ang dalawa.


“Bata pa po ako mahlig na ako sa musika nagging inspirasyon ko din po ang Nanay ko dahil magaling syang kumanta”


“Daddy, andyan ka pala... di ko akalaing susunod ka sa likuran ko”


“Narinig ko kaya inusisa ko bakit masama ba yun anak ko?”


“He he he hindi naman hmmpt…”


“Luto na nga pala ang ulam tara na sa hapag kainan nang makakain na…” anyaya ng Daddy ni Yumi sa kanila


“Inumin mo muna yung tubig na kinuha ko para sayo Tofie…”


“Oo nga pala nakalimutan ko, salamat Yumi”


Naupo si Yumi sa tabi ni Tofie habang nasa harapan naman nila ang Daddy niya na tila kumukuha ng mga panakanakang tingin sa dalawa.


“Bagay kayong dalawa…” biglang sambit nito habang nagsasalin ng kanin sa plato si Yumi para kay Tofie…


“Ho?!” gulat na sagot ni Tofie


“Daddy?! Ayan ka na naman ha, wag mo pansinin si Daddy mahilig yan magbiro di ba Daddy…” sabay sipa sa paa ng kanyang Ama.


“Loko lang Tofie… Ha Ha Ha kain na baka lumamig ang pagkain” at habang kumakain nagumpisa na rin ang mga katunungan tungkol sa pagkatao ng isang Christopher Alcaraz.


“Anong trabaho ng Nanay mo Tofie?”


“Nagtitinda lang po mga isda sa palengke yun po kasi ang business ng pamilya naming”


“Eh ang Tatay mo?”


“Matagal na pong patay and Tatay ko bata pa po ako pumanaw na sya kaya si Nanay na lang at ako ang natira at magkasama ngayon”


“Ganun ba, kinalulungkot ko ang mga pangyayari”


“Okay lang po”


“Teka magkaklase ba kayo sa klase?”


“Hindi po, magkaiba kami ng course Bachelor or Music po ako”


“Eh di talagang maitatanggi na hilig mo ang music at kaya pala ang galing mong humawak at tumugtog ng piano”


“He he he pero patuloy pa rin po ako nagaaral para naman magawa kong maganda ang lahat ng gusto ko mas lalo na para din maempress ko ang nanay ko”


“Yumi!” biglang sigaw nito


“Po?!”


“Magaling sya magaling I like this guy, may guts at pangarap sige ipagpatuloy mo ang pagkain at marami pa tayong mapaguusapan habang lumilipas ang oras”


Dahil na rin sa mga usapan hindi na namalayan muli ang paglipas ng oras na unti-unting pumapatak sa hatinggabi. Halata sa mga halakhak ng Daddy ni Yumi ang labis na kasiyahan habang nakikinig sa paglalahad ng istorya ng buhay ng binata.


“Daddy, ayaw ko man pigilin kayo at mukha nagkakasiyahan na kayong dalawa sa lahat ng kwentuhan nyo eh hatinggabi na mahihirapan makauwi yan ng bahay”


“Oo nga di ko namalayan ang paglipas ng oras at talagang nagenjoy ako sa mga palitan natin ng idea bumalik ka dito sa susunod na araw para maituloy ang kwentuhan”


“Aba opo! Para din po marinig nyo yung mga kwentong hindi ko pa nailalahad sa iba lalo na sa mga musikang nalalaman ko”


“Sige gusto kong marinig yan, teka at ihahatid ko na ikaw sa kanto para makasakay ka na”


“Hindi na Daddy ako na lang po kayak o naman ihatid si Tofie hanggang sa may kanto para makasakay na sya”


“Kaya ka nga hinatid ng binata dito sa bahay para naman malamang ligtas ka tapos ngayon ikaw pa ang maghahatid sa kanya palabas binalewala mo lang yung pagod nya”


“Sige na Yumi and Daddy mo na lang ang bahala”


“Oh narinig mo na kaya bawal kang umangal”


“Oo na Dady narinig ko naman eh ano pa nga bang magagawa ko”


“Thanks ulit na nakilala ko ang pamilya mo salamat Yumi”


“Wala yun magiingat ka sa paguwi at magtext ka ha maghahantay ako baka na naman wala kang load pang text sabihin mo lang para mapasahan kita ulit ng load at di naman mamuti ang mata ko sa kakaantay sa text mo”


“May load ako don’t worry secure na yan para may pang text ako sayo”


“Paano iho tara na para makauwi ka ng maaga”


Kinuha ang knob ng pinto at kinabig papalayo ang sumunod ay humampas na lang ito sa sa pader hudat natuluyang nakalabas ng bahay ang kanyang ama at si Tofie. Muli namang sumulyap si Yumi sa papalayong binata para kumaway at sabihing wag kalimutang magtext sa kanya.


Ngunit di pa naman gaanong nakakalayo ang kanilang mga hakbang sa bahay muling nagsalita si Daddy ni Yumi sa binata.


“Ang ganda ng ngiti ng anak ko sayo Tofie”


“Po?!”


“Ngayon ko lang nakita ang ganyang mga ngiti sa kanyang labi buhat ng sumakabilang buhay ang kanyang ina”


Parang nawala ang boses ni Tofie parang paos na hindi makagawa ng kahit isang salita mula sa kanyang mga labi.


“Hindi sa sinasabi kong ligawan mo ang aking anak, ni hindi ko alam kung anung namamagitan sa inyong dalawa kung meron ba o wala pero isa lang masasabi ko kahit kaunti may nararamdamang especial para sayo si Yumi.”


“Tito bakit nyo po sinasabi sakin ito?”


“Sapagkat ramdam kong napakabuti mong tao at higit sa lahat mahalaga ka sa anak ko”


 

No comments:

Post a Comment