Monday, August 1, 2011

Chapter 9 : Time of Tides….

“Siguro sapat na evidence ang pinakita ko sa inyo?! At para paniwalaan nyo ako”

“Sa palagay ko nga”


“Pero hindi ko rin maisip kung anong nangyari at nagka-ganun ang mga pangyayari”


“Sa totoo lang hindi ko gusto ang tabas ng mukha ng taong yan parang ang daming lihim”


“Sa palagay ko nga, hayaan mo makakagawa din tayo ng paraan para dyan sa ngayon hayaan muna natin ang lahat ng mga pangyayari”


“Good performance both of you Mr. Alcaraz and Ms. Santos”

“Thank you Ms. Dulce pero ang magaling po si Tofie kaya po maganda ang performance namin dahil sa kanya”

“Magaling din naman po si Yumi kumanta kaya naging maganda ang lahat”


“Tama na pagtatalo parehas kayong magaling at isa pa ang ganda-ganda ng pinakita ninyo maganda ang team-up nyo I expect to see more of you, the both of you on stage”


“Po?!”


“Yes, inaasahan ko sa mga darating na mga pagtatanghal o okasyon kasama kayo sa mga piling magaaral upang gumawa ng isang natatanging bilang para narin maipakita natin sa buong unibersidad ang inyong natatagong talento pagdating sa pag-awit, who know madiscover pa kayo!”


“Salamat po Ms. Dulce sige po paghahandaan namin yan di ba Yumi?!”


“Ha?! Sige po… sige po Ms. Dulce paghahandaan…. Paghahandan po namin”


“Salamat naman kung ganun man”


“Balik na po kami sa susunod na klase”


“Mabuti pa nga”


“Congratulations… Ang galing nyong dalawa sabi ko na nga ba magiging maganda ang gagawin nyong pagsasanay”


“Eunice *** pala yan”


“Sino pa nga ba? Lalo na ikaw Yumi ang galing galing mong kumanta kanina para kang isang sikat na mang-aawit”


“Hahaha hindi naman pero maraming salamat at nagustuhan mo yung pag-awit ko”


“Aba, sino ba naman ang hindi mabibighani sa ganda ng iyong tinig tiyak kahit na sino mapapansin yan”


“Weh! Sipsip ka talaga Tofie”


“Nagsasabi lang naman ako ng totoo anu naman ang pagiging sipsip dun?”


“Kung saan pa yan mapunta yang pagtatalo nyo mauuna na ako sa susunod na klase ko tiyak malalate ako pag hinantay ko pa kayong matapos hahaha”


“Sige Yumi see you around”


“Sige Eunice …. Tofie…”


“Okay sasusunod susubukan kong galingan yung pagtugtog para ganahan kang kumanta…”


“Sure una na ako oh, Eunice hinay-hinay sa pagbali ng buto ha”


“Yumi naman pati ba naman ikaw?”


Tumuloy sa paglalakad si Yumi papalayo sa kinatatayuan ng dalawang magkaibigan hindi nila inalintala kung sino ang nakasabay ni Yumi sa paglalakad nito pabalik sa klase.


“Kamusta pinsan?”


“Cheska?!”


“Bakit may iba ka pa bang mga pinsan bukod sakin?”


“Hindi naman sa ganun kaya lang parang ngayon ko lang narinig na tinawag mo akong pinsan at hindi sa tunay kong pangalan may… may kailangan ka ba sakin Cheska?”


“Wala naman gusto lang kitang kamustahin yun lang tingin ko kasi masyado kang masaya ngayon araw na ito nababahala lang ako kung ano o SINO ang nagpapasaya sayo? Si Julius ba?”


“Ha?! Natapos lang ang aming mga extracurricular projects kaya ako masaya…. Makakapagpahinga ako ng maayos”


“Ganun ba sige pinasasabi nga pala nila Lolo at Lola dun kayo magdinner sa bahay bukas kasama Daddy mo”


“May espesyal na okasyon ba?”


“Wala naman gusto nya lang kayo makita kung kamusta na kayo hindi si Lolo si Lola ang nagsabi nun”


“Sige pakisabi darating kami”


“Paano see you around girl”


Samantala….


“Eunice talaga bang maganda yung performance naming dalawa kanina?”


“Oo nga ilang beses ko bang sasabihin sayo na maganda yung ginawa nyo kanina diba pati nga si Ms. Dulce humanga sa inyo?”


“Sabagay pero hindi ko rin akalain na ganun ang kalalabasan”


“Bakit naman? Nakakasama mo naman si Yumi sa pageensayo diba?”


“Oo nakakasama ko sya pero alam mo yun pagnageensayo kami hindi naman sya ganong ka galing alam mo yun parang hidi nya ibinibigay ang talento nya ng buo pero nung kumanta sya kanina talagang pati ako nagulat at tumayo ang balahibo ko sa narinig kong boses mula sa kanya”


“Pero alam mo sa totoo lang parang yung pagkanta nya punong puno ng emosyon na kahit ako nakikinig lang nararamdaman ko yung awit sa katawan ko teka nga ikaw ba nanliligaw ka na sa kanya?”


“Parang oo parang hindi?”


“Anong parang oo parang hindi?”


“Kasi may oras na close kaming dalawa minsan naman sobrang sweet sya sakin minsan naming palagi syang nagiisip parang ayaw nya akong makialaman sa problema nya pero kanina sinabihan nya akong kung pwede lang wag daw ako mawala sa tabi nya para daw para daw palagi syang nakangiti”


“ANO! Ngayon hindi mo pa alam kung ano ang sagot sa tanong ko kanina? Ang hina mo naman Tofie duwag ka bang malaman ang totoong nararamdaman ni Yumi para sayo?”


“Oo duwag ako, kasi kahit naman ako gusto ko rin nasa tabi ko sya para palagi akong nakangiti”


“Yun naman pala wag ka na maghantay ng ilang libong tao gumawa kana ng hakbang mo bago mahuli ang lahat”


“May isa pa akong iniisip si Julius….”


“Bakit anong meron kay Julius at iniisip mo crush mo! OMG!”


“BUANG KA!”


“Hahahaha akala ko crush mo sya eh”


“Alam mo silang dalawa ni Yumi ang may relasyon”


“Hahaha kawawang bata huling huli ka talaga sa balita si Julius nanliligaw pa lang kay Yumi for how many years pero hindi sya sinasagot ni Yumi”


“Ha?!”


“Yep hindi sya sinasagot ni Yumi maybe because she is not interested or Julius is not the type of guy for Yumi”


“Pero ang akala ko?”


“Yun ang akala mo Tofie, maraming naiiwang luhaan dahil sa maling akala kaya dapat kumilos ka na”


“Parang ganun lang kadali magsabi ng nararamdaman sa isang tao kasi ikaw babae ka kayo ang niligawan samantalang kaming mga lalake ang nagpapakahirap”


“Aba natural lang sige nga subukan mong ikaw ang manganak tignan mo ko kung kaya mo”


“Hindi saan ko naman ilalabas yun sa pwet”


“Hahahaha tara na nga puro ka kalokohan”


“Tignan mo to ikaw nga dyan ang puro kalokohan eh”


“Oh bakit ka biglang natigilan sa pagtawa dyan?”


“Wala naman parang napakasaya ng araw na ito walang pagsidlan kaya lang diba sinasabi nila pagkatapos ng ligaya puro lungkot naman ang susunod, ano naman kaya ang susunod na mangyayari?”


“Alam mo nasa tao din yan kung pipiliin mong maging malungkot sa pangyayari sa buhay mo kaya tatayo ka sa mga paa mo para maging masaya at handang harapin ang mga problema ng buhay, tara na umpisa na ng sunod na klase”

“Mabuti pa nga baka mahuli pa tayo”

Eto ang araw na naghahati ang pakiramdam ng puso ko masaya na natatakot marahil tama nga si Eunice dapat maging handa ako sa mga mangyayari sa buhay ko hindi yung patuloy akong magkukubli ng takot sa mga darating na pangyayari…


Sinubukan kong hantayin si Yumi sa gate ng school nagtanong tanong na rin ako sa mga kaklase nya kung may nakakita o nakapansin sa kanya pero ni isa walang makapagsabi kung nasaan sya pero tiniyak naman nila sa akin na pumasok sa klase si Yumi. Patuloy pa rin akong naghintay kahit naguumpisa ng bumuhos ang ulan. Pero sa kabila ng paghihintay ko bigo pa rin akong makita sya.


“Mr. Alcaraz sino po ba ang hinahantay ninyo dito?”


“Si Ayumi Santos Manong Guard, nakita nyo na po bang dumaan sya dito?”


“Ah sya ba ang hinihintay mo, ayun kadadaan lang ng sasakyan dun sya nakasakay”


“Kaninong sasakyan po yun?”


“Kay Ms. Cheska, bagong-bago ano ang ganda bigay daw na regalo ng Dad nya… ang swerte ng batang yun lahat ng hilingin nakukuha at binibigay naman ng mga magulang”


“Salamat po Manong Guard”


“Parang babagsak ang isang malakas na ulan tiyak akong dalawang araw ang itatagal nito”


“Paano nyo naman po nasabi Manong?”


“Tignan mo ang kalangitan walang maputing ulap kahit saan isa pa kung titignan mo ang mga halaman sa paligid parati silang nakayuko”


“Ang galing nyo naman pong pumansin ng mga bagay”


“Sa tagal ko nang guard dito hindi nakakaligtas ang mga mumunting mga pangyayari sa paligid”


“Ganun po ba? Sige po uwi na po ako baka abutan pa ako ng malakas na ulan sa daan”


“Mabuti pa nga magiingat ka”


“Salamat po!”


Ngunit habang naglalakad ako papalayo sa pintuan ng unibersidad di ko lubos maisip bakit kaya hindi ako tinawag ni Yumi mula sa sasakyan ni kahit dumungaw man lang sa bintana hindi nya ginawa marahil dahil andun ang kanyang pinsan kaya ayaw nya akong malagay sa alanganin, marahil ganun nga ang mga pangyayari.


Nang makasakay ako ng bus papauwi sinubukan kong magtext sa kanya para alamin ang lagay nya o kamustahin man lang pero hindi ko alam paano ko sisimulan ang text ko sa kanya. Sa tuwing naguumpisang gumalaw ang mga daliri upang magtext palagi ko nalang inuulit at binubura ang aking nasimulan. Hanggang sa ang naisulat ko lang ay ang salitang “Kamusta”


Sana tama ang naisulat ko para magumpisa an gaming kwentuhan sa text kahit man lang sa text makausap ko sya o makamusta ko, malaman ko lang ano ang lagay nya kung kumain na ba sya o hindi pa kung anong ginagawa nya sa mga oras na ito kung anong iniisip nya marami, marami talaga akong gustong mapagusapan naming dalawa.


Sa gitna ng aking pagmumuni-muni namalayan ko na lang ang pagvibrate ng cellphone ko nagmamadali akong buksan baka sakaling si Yumi ang nagtext hindi nga ako nagkamali si Yumi nga ang nagtext.


“Eto pagod galing ng school, nasa school ka pa ba?”


Sinimulan ako ang pagsusulat ng text para sa kanya…


“Pauwi pa lang ako nasa sasakyan, pasensya na kung naistorbo kita may ginagawa ka ba?”


Send


Pagkatapos kong maisend sa kanya ang aking mensahe di na mapakali ang kamay ko at mata sa paghihintay ng kanyang isasagot ngunit hindi rin naman nagtagal ang aking paghihintay at dumating din ang sagot nya sa mensahe ko.


“Wala naman akong ginagawa nagiisip lang ako kaya okay lang magtext tayo”


“Mabuti naman kung ganun, maitanong ko anu naman ang iniisip mo sa mga oras na ito?”


“Hmmm… yung Lolo at Lola ko pinapatawag kami para bukas for dinner at tiyak akong may sasabihin yun di ko lang alam kung anung sasabihin nya kaya iniisip ko kung nagawa akong pagkakamali sa kanya pero wala naman pumapasok sa isip ko na nagawa kong pagkakamali”


“Nagiisip ka lang masyado tiyak akong wala ka namang ginawang masama isa pa maganda naman ang standing mo sa school ayos naman lahat ng record mo kaya alam kong hindi yun ang ikagagalit nila sayo”


“Sana nga ganun ang mangyari pero hindi sila nagpapatawag kasi ng basta basta, asan ka na ngayon?”


“Eto kaba-baba ko lang ng bus pasakay na ako ng tricycle para makarating sa bahay naming, pwede ba akong magtanong?”


“Sige okay lang”


“Bukod kay Julius may nanliligaw ba sayo?”


“Hahaha, wala naman nagkakalakas ng loob manligaw sakin dahil kay Julius, bakit mo naman naitanong?”


“Wala naman baka kasi maraming nanliligaw sayo nakakaistorbo ako sa kanila”


“Hindi naman ikaw talaga kung anu-anong sinasabi mo tama nga si Eunice”


“Pero kung sakaling may manligaw sayo okay lang?’’


“Oo naman bakit naman hindi basta maayos syang mag-approach sakin”


“Hmmm pwede bang mamaya pumunta sa bahay ninyo?”


“Teka bakit naman napunta ang usapan natin sa pagpunta mo dito sa bahay?”

“Wala naman, okay lang ba pumunta sa inyo mamayang gabi?”

“Ano… siguro… pwede”


“Bakit siguro?”


“Kasi di naman alam ni Daddy na may bisita akong darating”


“So mamaya ko pa malalaman”


“Kasi…. Ano… sige na nga oo sige pero wag masyadong gabi ha kahit walang pasok bukas mas maganda pa rin yung maaga makakauwi kung sino man ang kasama mong pupunta dito”


“Okay walang problema so tonight I’ll be there around 7 P.M.”


“Okay deal 7 P.M.”


Pagtapak ko sa pintuan pa lang ng aming bahay agad ko nang tinanong si Nanay.


“Nanay, nakita nyo po ba yung paborito kong green na polo yung checkered?”


“Di ba nasa cabinet ng mga damit mo hindi naman yun inililipat ng ibang lagayan, bakit mo ba hinahanap?”


“May special na lakad po ako ngayong gabi kasi”


“Special bakit anu bang meron sa araw na ito at naging special?”


“Wala naman po basta ikukuwento ko na lang sa inyo Nay”


“Saan ka ba pupunta?”


“Dyan lang po”


“Saan yung dyan lang malawak ang Manila hindi ko alam san ka hahanapin hindi kita papayagan kapag hindi mo sinabi sakin kung saan ka pupunta”


“Pero Nay”


“Tofie….”


“Sige na nga po kina Yumi”


“Kina Yumi lang pala may pa-special ka pang nalalaman dyan, wag ka lang magpapagabi”


“Opo”


Mula sa paliligo hanggang sa pagbibihis nakamasid si Nanay pati pagpuna sa aking kwelyo ang sintas ng sapatos ang pagpili ng pabango sinabihan nya ako at higit sa lahat nagbigay pa ng allowance. Ikaw na ang maging kaisa-isang poging anak ng Nanay ko… swerte mo!


“Mag-iingat ka ha at ang bilin ko wag magpapagabi”


“Opo, salamat po Nanay”


Mula sa pagsakay ng tricycle hanggang sa pagsakay ng jeep ingat na ingat akong wag madumihan ang suot kong damit o kahit konting di kanais nais na makikita ng aking mata sa aking damit. Ang buhok ko ayos na ayos hindi dapat ako pinagpapawisan at higit sa lahat alam kong dapat fresh ako.


Eto na andito na ako sa tapat ng bahay nila Yumi. Pipindutin ko na ba ang button ng door bell, pagdadalawang isip ko. Isang sipat ang ginawa ko sa sarili ng makitang ayos na pinindot ko na ang door bell.


Ding… Dong…


Nagulat ako sa lumabas mula sa pintuan ng kanilang tahanan.


“Christopher… andyan ka na pala kamusta ka?”


“Okay naman po ako Tito”


“Mabuti kung ganun halika tuloy ka sa bahay”


“Ako na po magsasara Tito”


“Ganun ba sige”


Isinara ko ang pintuan ng kanilang gate at tuluyang tumuloy sa mismong pinto nila habang doon naghahantay sakin ang Tatay ni Yumi.


“Pasok… pasok maupo ka muna dyan at pababa na si Yumi anung gusto mo juice, softdrinks, water?”


“Kahit anu na lang po Tito”


“Okay… sandali lang ha… Yumi! Yumi… andito na si Christopher”


Bumaba mula sa pangalawang palapag ng bahay ni Yumi….


“Maiwan ko muna kayong dalawa at nagluluto ako ng dinner Christopher nagluto ako ng tokwa at baboy nakain ba ng ganung luto?”


“Opo paborito ko po yun”


“Maigi bata magkakasundo tayo… paano maiwan ko muna kayo dyan, Yumi ikaw na bahala dyan ha”


“Opo Daddy salamat po”


“Anu ba yung sasabihin mo dapat kanina at nakuha mo pang pumunta ng bahay di ba pwede sa text?”


“Hindi eh”


“Anu ngayon? Tsaka akala ko may kasama kang ipapakilala sakin?”


“Meron nga”


“Asan iniwan mo sa labas, ikaw talaga Tofie nang go-good time ka na naman ha”


“Hindi meron talaga akong ipapakilala sayo”


“Eh sino nga at bakit hindi mo sya kasama dito sa bahay”


“Kasama ko kahit saan ako magpunta”


“Naku pinagloloko mo talaga ako”


“Hindi nga Yumi… gusto kong ipakilala sayo ang…”


“Ang ano? Dapat si di ba?”


“Ang PUSO ko pinapakilala ko sayo!”

2 comments:

  1. waaaaaaaa nanliligaw na si toffieee.. waaaaaa.. ganda ng eksenaa.. hahahaah...

    eto na ang umpisaaaaaa.. ng kacheesyhan lol

    ReplyDelete