Monday, September 19, 2011

Chapter 10: Now I'm In Love That's for Sure

Ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko ang mga yakap na ganito kahigpit at kainit. Kahit sa gitna ng malamig na patak ng ulan masaya akong nasa tabi palagi ni Yumi.

“Hatid na kita sa inyo?”

Isang tango mula sa kanyang ulo para sabihing pumapayag sya kaya agad akong humanap ng masasakayan at nang makakita agad ko namang sinabihan ang driver kung saan ang aming tungo.

“Basang basa ka Yumi”

“Tofie….” Halata pa rin ang bawat hikbi sa kanyang mukha na tila pinipigilan habang sumusulyap sa amin ang driver. Akala ko ay kakapit lang siya sa aking kamay ngunit mas ninais nyang yakapin ako.

“Alam mo kung hindi kita kilala baka sabihing kong nanaching ka na” isang pabirong sagot ko sa kanya. Ang namumugtong mga mata at tumutulong luha ay napalitan ng isang matamis na ngiti.

“Talagang tinutupad mo ang sinabi ko na wag kang aalis sa aking paningin para pasayahin ako” ninais kong tumingin sa kanyang mga mata ngunit parang hindi ako makatingin sa kanya ng diretso mukhang mamumula lang ako sa kanyang harapan.

Kaya tumingin ako sa bintana habang gumuhit ang butil ng tubig at sa nagkikislapang ilaw habang patuloy ang pagikot ng gulong papunta sa kanilang tahanan.

“Hindi ko kailanman babaliin ang lahat ng pangako ko sa iyo” yan lang ang sinabi ko sa kanya ngunit naramdaman ko ang kanyang ngiti kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Muli akong sumulyap sa driver kung nakatuon pa rin ang pansin sa aming dalawa. Nagtaka ako ng hawak ko ang kanyang kamay ay nakasara ang isang palad nito hindi ko na siya inusisa kung bakit.

“Sana andun si Daddy sana hindi nya ako iiwan”

“Hanggat matibay ang paniniwala mo na hindi ka nya iiwan hindi sya mawawala kahit anung oras”

Natahimik na lang din ako pagkatapos ng sandaling paguusap. Ilang iglap lang ay nasa huling kanto na kami sa makarating sa kanilang tahanan.

“Manong dito na lang po!”

“Yumi, malayo pa isa pa malakas ang ulan”

“Hindi na ako makapaghintay Tofie” binuksan niya ang pintuan ng taxi at tumakbo palabas.

“Manong magkano po?”

“75 pesos”

“Eto po ang bayad salamat po”

Hindi ko na hinantay ang suklli agad na akong bumaba ng taxi at sumunod kay Yumi pabalik sa gitna ng umiiyak na kalangitan. Bawat yapak isa-isang tumitilamsik ang tubig sa lupa sa oras na ito pakiramdam ko baliktad na ang panahon ako na mismo ang humahabol kay Yumi para malaman ko kung anung kalagayan niya ng mga oras na iyon.

Nakita ko na lang nakatayo sa gitna ng ulan si Yumi nakatingin sa harap ng kanilang bahay. Agad akong tumakbo papunta sa kanyang kinatatayuan ngunit hindi ko na nakuhang magtanong dahil nakita ko na rin kung bakit sya tumigil.

“Daddy?!”

Nakita ko na lang na nakaupo ang Daddy ni Yumi sa gitna ng kanilang bahay at umiiyak hawak ang isang susi.

“Di ba sabi mo walang makakapasok ng bahay na isa lang ang hawak na susi?”

Nagulat ang Daddy ni Yumi at natulala sa narinig na boses hindi makapaniwala sa narinig na boses at unti-unti itong tumingin sa kinatatayuan ni Yumi. Tumakbo na lang ito papunta sa kanyang anak habang nakataas ang isang kamay hawak ang kapares na susi.

“Patawad anak, patawarin mo ako hindi ko gustong mangyari ang ganito” isang yakap na lang ang isinukli ni Yumi sa kanyang ama.

“Iniisip mo lang ang kapakanan ko Daddy pero malaki na ako kaya ko naman pong magaral sa pagsisikap ko basta ayaw ko lang wala ka sa tabi ko”

“Sorry anak…. I LOVE YOU”

“I LOVE YOU TOO DADDY!”

Bigla ko tuloy namiss ang sarili kong ama ni hindi ko na nga alam ang pakiramdam ng may isang amang naghihintay sa aking paguwi ngunit kahit paano masaya naman ako at nandyan ang aking ina kasama ko sa araw araw sa hirap man o ginhawa.

“Paano ka nakaalis sa bahay ng mga Lolo at Lola mo?”

“Tofie!”

“Paanong si Tofie? Pinuntahan ka ni Tofie?”

Mula sa kinatatayuan ng mag-ama dahan-dahang lumingon sa akin si Yumi pagkatapos ay bumalik ang tingin nito sa kanyang ama.

“Iho kung balak mong maligo sa ulan okay lang pero wag mo sisihin pag nagkasakit ka” sigaw ng kanyang ama. Ngumiti na lang ako sa kanyang ama naglakad patungo sa pintuan habang binubuksan ni Yumi.

“Po?”

“Ibig sabihin pumasok na tayo sa loob”

“Okay po”

Pagpasok sa loob ng bahay nanatili lang ako sa pinto.

“Tofie pumasok ka nga dito bakit andyan ka lang”

“Eh Yumi basa ako tumutulo ang tubig sa damit ko”

“Teka ikukuha kita ng towel”

“Anak!”

“Po? Daddy?”

“Ikuha mo ng damit si Yumi sa cabinet ko ikaw ang pumili ng maisusuot nya”

“Tito?”

“Anong sabi ko sayo na dapat mong itawag mo sakin?”

“Daddy pala”

“Wag ka na magalala hindi na iba ang turing ko sayo kaya welcome ka sa tahanan namin”

“Salamat po”

“Wag ka muna aalis dyan para hindi kumalat ang tubig”

“Opo”

Bumalik si Yumi dala ang isang towel, shorts at isang t-shirt

“Dun ka na sa CR magpalit okay na dun mag shower ka rin kung gusto mo para mapreskuhan ka”

“Salamat Yumi…”

“Ako nga dapat magpasalamat eh”

“Sige magpapalit muna ako ng damit”

Lumabas ako ng banyo nakalagay sa ulo ko ang towel natatakpan ang mga mata ko dala dala ko ang mga basang damit ngunit hindi ko napansin na andun din si Yumi kaya hindi sinasadya na magkabang-gaan kaming dalawa.

“Sorry Yumi hindi ko nakita na andyan ka pala sorry….”

“Okay lang hinahantay talaga kita”

“Bakit naman?”

Ngumiti lang sya at biglang itinaas ang kamay…

“Akin na to!” Akala kung anung gagawin nya namula talaga ako sa mga pangyayari naramdaman ko ang init ng aking pisngi.

“Ako na lang nakakahiya kaya”

“Hindi na kaya ko yan isa pa hindi mo alam kung saan isasampay, kaya ako ang magsasampay ang mabuti pa umupo ka dun sa sofa at antayin mo ako dun”

“Okay”

Muli na naman umalis si Yumi para isampay ang aking mga basang damit. Ako naman ay naupo sa sofa inilibot ang aking mga mata at napansin kong bagong linis ang buong bahay siguro bago pa man sila umalis papunta sa kanyan Lolo at Lola naisipan ni Yumi maglinis ng bahay. Bilib din naman ako sa kanya kahit wala dun ang handaan o okasyon inihahanda pa rin niya ang bahay para sa darating na bisita.

“Aba talagang pinapansin mo ang buong bahay ha, may napansin kabang panget o alikabok?”

“Meron?”

“Ha?! Alikabok?”

“Hindi panget!”

“Hala saan turo mo alin yung kulay ba ng kurtina o yung mga designs pati ba yung flowers?”

“Ako!”

“Ehhhhh… niloko mo ko ha”

“Hahahaha… Si Daddy nga pala?”

“Tulog na yun panigurado o nasa kwarto na sya, bagay naman pala sayo ang damit ni Daddy”

“Hindi ba panget?”

“Hindi naman ngayon ko lang nakita ang pangangatawan mo ha hahahaha macho!”

“Oi.. hindi mo ko maloloko sa ganyan ako lang ang pwede magbiro sayo”

“Hahaha nagsasabi lang ako ng totoo. Teka nga gusto mo ng mainit na chocolate gusto ko kasi pagtitimpla kita ha”

“Kaw bahala”

Sinundan ko ng tingin si Yumi mula sa sala sa sofang kinauupuan ko kita ko sya sa kanyang ginagawa mula sa pagsasalin ng mainit ng tubig hanggang sa pagkanaw ng chocolate.

“Bakit mo ko tinitignan”

“Baka matapunan ka o kaya kailangan mo ng tulong”

“Hindi na kaya ko naman eh, nga pala eto oh!”

“Cellphone?”

“Oo magtext ka sa Nanay alam kong di ka na naman nagpaalam”

“Hehehe oo nga pala pero may cellphone naman ako eh”

“Lowbat ayun nakacharge”

“Sige na wag ka na mahiya itext mo na bago pa magalala ng tuluyan si Nanay”

“Ui Nanay na tawag nya sa Nanay ko”

“Tse!”

Nagumpisa lang ako magsulat ng mensahe sa Nanay ko para ipaalam na nasa bahay ako nila Yumi.

“Ilagay mo na rin na ditto ka matutulog”

“Ha?”

“Aba Tofie alangan pauwiin kita ng ganitong oras isa pa basa pa ang damit mo”

“Okay sige tabi tayo? Hmmm”

“Hoy… Hoy.. dito ka matu…”

“Joke lang ikaw talaga ang hilig mong sumakay sa biro”

“Ituloy mo na yang text mo sa Nanay”

“Okay”

Habang nakatitig sa cellphone at muling nagsusulat ng mensahe para maidugtong sa naunang isinulat ko nakikita kong nakatingin din si Yumi sa cellphone…

“Bakit ka nakikibasa ng text?”

“Wala masama ba? Atsaka akin naman yang cellphone”

For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it overflows like a river through my soul
From every doubt I had, I'm finally free
I truly believe

“Kahit na” bigla na lang kaming nagtawanan sa aming mga asal na parang bata ngunit hindi ko talaga inaasahan at sinasadya na magtatagpo ang aming paningin. Ang kaninang tawanan ay napalitan ng katahimikan at biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Unti-unti na lang naglapit ang mga mukha… ipinikit ang mga mata at naglapat ang aming mga labi. Ang Segundo ay parang isang taon at isang minuto ay isang dekada sa mga oras na yon.

“Di ko alam kung anung buhay ko kung wala ka sa tabi ko Tofie”

“Hindi ko rin alam kung sinong magtyatyagang makinig sa musika ko kung wala ka”

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

At muli isang mahigpit na yakap ang naramdaman ko isang mahigpit at mainit na yakap mula sa bisig ng dalawang tao. Mula sa mainit na chocolate hanggang sa mga biruan at tawanan siguro gusto ko na rin ang tag-ulan hindi para mabasa dahil alam ko sinadya ni kupido ang lahat para mangyari ang lahat.

Friday, September 9, 2011

Chapter 9: Time Of Tide Chapter Ending


Nakabalik kami ng Tofie ng maaga dahil wala pang masyadong traffic ng mga oras na iyon, idagdag mo pa ang kakaunting taong namimili sa lugar kaya madali samin ang makakuha ng bulaklak na kailangan namin para kay Lola.

“Ang bilis nyo naman nakabalik…”

“Mabilis yung kasama kong pumili, isa pa po hindi ako nahirapan kasi may tiga-dala ng mga binili namin kaya hindi ako nahirapan”

“Talaga lang ha?! So Tofie ikaw pala ang nagdala ng mga bulaklak kamusta naman”

“Hahaha ganun na nga po ayos naman pong kasama si Yumi tama mo sya mabilis talaga kaming nakapamili ng mga dapat bilhin”

“Okay… eh bakit may isang bouquet ng roses si Yumi akala ko ba para kay Lola lang?”

“Hay! Daddy and OA mo dapat talaga pansinin mo pa yan”

“Nagtatanong lang tuloy kana Tofie ilagay mo na lang yung bulaklak dun sa table”

“May nagawa ba akong mali nagtatanong lang naman…”

“Daddy ako po bumili ng bulaklak para sa kanya…” bulong ni Tofie sa kanya pagdaan nito sa harapan

“Ah kaya pala… sa susunod kasi kung anong makita manahimik”

“Dito mo na lang ilagay Tofie….”

“Okay ooppss teka lang may nagtext”

“Sino?”

“Si Nanay hinahanap kasi ako hindi kasi ako nakapagbilin bago ako umalis ng bahay kasi nagpapahinga pa sya nung umalis ako”

“Naku nakakahiya naman sige na lumakad ka na baka kailangan ka ni Mami mo”

“Nanay lang hahahaha hindi ako sanay sa salitang Mami”

“Okay sige…”

“Sure ka okay lang baka may iuutos ka pa”

“Ano ka ba okay lang naman naistorbo na nga kita”

“Wala yun okay lang naman, paano bye bye ulit…”

Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari hindi ko alam kung paanong nangyari. Bigla na lang kumawala sa hangin ang aking mga bisig at yumakap sa kanyang katawan. Hindi maipaliwanag kung paano nangyari at parang itinulak ako ni Kupido para gawin ang ganung hakbang. Mas lalong hindi ko inaasahan ang sumunod na eksena naramdaman ko din ang pagyakap ni Yumi sa aking katawan tila magnet na nagattract ang negative at positive poles nakakakuryente.

“Anak saan mo nilagay yung….? Ooppss wrong place wrong timing…. Sige ako na maghahanap”

“Hahaha Daddy may ipapagawa”

“Oo nga may ipapahanap yata… tutulungan ko muna sya”

“Sige ako naman lalabas na uuwi si Nanay hinahanap ako”

“Okay ingat ulit…”

“Text kita mamaya pwede ba?”
“Sure pero hindi ko alam mga what time ako makakasagot ah dinner with Lola di ba?”

“Oo nga pala dinner with Lola kayo mamaya”

“Lola?”

“Mo.. Lola mo di ko lang natapos yung pagsasalita ko pero kung ganun pa man magtetext ako sayo maari ba yun?”

“Sure no problem and I guess okay lang kay Daddy kasi weekend naman kaya papayagan naman nya siguro ako”

“Okay sige alis na ako”

“Ako naman tutulungan ko si Daddy sa ipinapahanap nya sakin”

Natapos ang lahat ng preparations para sa dinner ng mas maaga, perfect ika nga ang pagluluto ni Daddy tamang lasa lang ang kanyang ginawa para sa dala naming ulam na pagsasaluhan mamaya pero dahil sa kalat na ginawa ni Daddy sa kusina nakuha na rin naming linisin ang buong bahay ng wala sa oras ang hinahantay na lang naming ay ang tamang oras.

“Anak siguraduhin mong walang nakasaksak na appliance ha?”

“Opo!”

“Yung stove nga pala paki check baka hindi sarado yung tank”

“Secure na rin po”

“Eto yung padlock ilock mo sa loob yung pinto nasa akin ang susi at sayo naman ang susi ng padlock okay?”

“Ayos na Daddy”

“Tara na?”

“Let’s go...”

“Anak?”

“Hmmm…”

“Sure ka bang kaya mo yan baka nabibigatan ka dyan ako na magdadala”

“Okay lang ako Daddy wag ka magalala…. Hmmm Daddy may alam ka ba bakit tayo pinapatawag ng Lola at Lola sa bahay?”

“Hindi ko rin alam eh pero wag naman sana…”

“Huwag sanang ano po?”

“ Huwag sanang sumakit ang tyan nila sa niluto kong ulam hahahahahaha….”

“Ay naku hindi ang sarap nga eh maganda pagkakaluto mo sa ulam na dala natin tyak magugustuhan nila yan”

“Di ko lang alam metikoloso kasi ang mga Tita at Tito mo pagdating sa pagkain kaya hindi ko rin alam kung anung bagay para sa dinner na yan pero sana magustuhan nga nila”

“Pag hindi nila gusto ako kakain Daddy hayaan mo ako pa rin ang number one critic mo sa pagluluto”

Nasa tamang oras lang ang pagdating namin sa antigong bahay kung saan lumaki at namuhay ng matiwasay ang aking ina nung nabubuhay pa sya. Naaninag ko na lang ang isang matandang babae na nakatayo sa pinakamataas na baitang ng hagdan ng bahay.

“Lola!”

“Ayumi! Apo ko! Kamusta ka na miss na miss na kita…”

“Kayo din po miss na miss ko na”

“Nanay…”

“Danilo…”

“Mano po Nanay…”

“Kaawaan ka ng Diyos… anung yang dala nyo?”

“May nilutong espesyal para sa inyo si Daddy”

“Naku ikaw talaga Danilo kayo ang inimbitahan para pumunta dito at magkasalo-salo tayo pero sa tuwi-tuwina nagdadala ka pa rin ng pagkain”

“Parang hindi na po kayo nasanay sa aking Mama buhat nung nabubuhay pa si Anna ganito na talaga ako”

“Sabagay tama ka dyan at eto naman apo ko habang tumatagal lalong nagiging kamukha ng kanyang ina”

“Talaga po?”

“Oo apo kamukhang kamukha mo ang nasira mong ina”

“Kahit din po ako nakikita ko sa kanya ang aking asawa”

“Oh sya tama na yan baka dito pa tayo magiyakan halina kayo sa itaas at naghihintay na ang iyong Lolo matutuwa yun pagnakita kayo”

“Manang Cecilia paki kuha ang dala ng Señorito Danilo mo, tara na at naghihintay sila…”

Mula sa mga baitang ng hagdan hanggang sa napakalaking silid para sa tanggapan ng mga bisita ang mga magagandang desenyo at debuho ng bahay ang unang babati sayo ang mga muwebles na antigo ang mga naglalakihang banga at sari-saring halimuyak ng nagagandahang bulaklak.

“Wala pa rin po palang pinagbago ang bahay na ito mula ng ikinasal kami ni Anna”
“Sadyang hindi pinapabago ng iyong Papa ang pagkakaayos ng bahay gusto nya kung anung ganda nito mula ng magsimula kami hanggang sa magka-anak hanggang sa tumanda kaming parehas”

“Mama may inimbitahan po bang bisita si Papa?”

“Walang ibang tao puro kapamilya mo lang ang nandito sa bahay kaya wala kang dapat ipangamba”

“Akala ko po kasi may special occasion kaya nagpatawag ng salu-salo si Papa”

“Hindi ko rin masabi sayo ngunit tila may paguusapan kayong dalawa kaya nais ka nyang makausap”

“Danilo!”

Napatingin na lang kami sa pinanggalingan ng boses.

“Papa?”

“Sumunod ka sa silid ko… ikaw lang… Maiwan ka muna dyan Yumi may paguusapan lang kami ng Daddy mo kung nagugutom ka na pumunta ka na lang sa kusina andun si Manang Cecilia magsabi ka lang sa kanya”

“Opo, ah Lolo kamusta po kayo?”

Tumalikod lang ang matanda pagkatapos ay nagsalita

“Maayos naman… Danilo sumunod ka agad”

“Anak maiwan ka muna kung gusto mo antayin mo ko sa sofa ha”

“Kung gusto mo iha maari kang maglibot sa lugar para makita mo ang buong bahay sa tuwing dadalaw kayo dito ng Daddy mo parating dito sa sofa at sa kusina lang ang napupuntahan mo libutin mo para hindi ka mainip sa paghihintay”

“Sige po Lola salamat po… Daddy lakad na po naghahantay na si Lolo”

“Babalik ako agad sa oras na matapos ang paguusap namin”

Umalis sina Daddy at Lola papunta sa silid ni Lolo kung saan sya naghihintay. Nakuha ko lang tignan ang sofa pagkatapos ay bumalik ako sa harapan ng bahay. Pababa ng mga baitang ng hagdan inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Matataas na punong kahoy na kasing tanda na siguro ng bahay ng mga Lolo at Lola ngunit mapapansin mo parin ang ganda ng buong lugar parang pinapanatili ang lahat sa unang ayos nito.

Tumunog bigla ang cellphone ko kaya dali dali kong kinuha mula sa aking bulsa. Binuksan at tinignan kung kanino nanggaling ang mensahe.

“Sana hindi ako nakakaistorbo sayo, kamusta ka na? Kumain ka na ba?”

“Tofie!!”

“Okay lang eto naglilibot ako sa bahay ng mga Lolo at Lola, hindi pa kami kumain mamaya pa siguro pagkatapos magusap nila Daddy, ikaw kamusta ka?” Send….

“Mabuti naman ako eto hoping….”

“Hoping? bakit naman hoping?” Send….

“Hoping na makausap ka at sympre ligtas ka”

“Ah ganun ba, safe naman kami dito wag ka magalala wala kabang ginagawa o pinagkakaabalahan pag weekend?” Send….

“Wala naman dati pero ngayon meron na”

“Ano naman ang pinagkakaabalahan mo?” Send….

“Hindi ano sino?”

“Ha?” Send..

“Pinagkakaabalahan kong mapasagot yung babaeng minamahal ko”

“Naku ayan ka na naman sa mga pick up lines mo ha famous ka talaga dyan sa mga ganyang statements” Send..

“Hindi naman gusto ko lang maging totoo sa babaeng pinakaiibig ko”

“Okay sige na nga change topic... bakit hindi ka pa kumakain sa ganitong oras?” Send…

“Hinahantay kong matapos yung niluluto ni Nanay”

“Bakit ano bang niluluto ni Nanay mo?” Send…

“PoChi!”

“PoChi? Ano namang term yun parang ngayon ko lang narinig ang ganung klaseng term ng pagkain” Send..

“Short for Chicken Pork Adobo!”

“Nyak! Yun lang pala nagisip pa ako ng kung anu-anong delicacies” Send…

“Hahahahaha napaisip ba kita eh kung isipin mo kaya ano ang nasa isip ko ngayon?”

“Hello Tofie hindi ako manghuhula para sabihin sayo ano ang iniisip mo” Send…

“Hindi mo na kailangan maging manghuhula para malaman yun dahil ikaw lang naman ang laman ng isip ko”

“Ang cheesy mo Tofie hahahahaha…” Send…

“At least napatawa kita”

“Sabagay nagiging boring na kasi dito wala pa akong makausap kahit sino busy kasi ang lahat” Send…

“Bakit akala ko ba kasama sa dinner mo ang pinsan mong sina Cheska”
“Oo nga actually hinahanap ko sila pero hindi ko pa rin nakikita kahit yung sasakyan nila wala pa dito” Send….

“Señorita Anna?”

Biglang may tumawag sa pangalan ng Mommy ko mula sa likod at agad ko naman syang nilingon

“Manang Cecilia! Tinawag nyo po ang pangalan ng Mommy bakit po?”

“Pasensya ka na Señorita Ayumi hindi ko gustong tawagin ka sa pangalan ng iyong ina”

“Yumi na lang po Manang Cecilia, okay lang po marami na rin po ang nagsasabing kamukha ko talaga sya hindi lang po kayo ang nagsabi sakin nyan”

“Tama ang sinabi nila tungkol sayo parehas na parehas kayong dalawa ng iyong ina mula itsura, kilos pati pananalita”

“Busy ka na ulit hindi ka na kasi nagreply namimiss agad kita”

“Mukhang napakaespesyal na tao yang katext mo”

“Bakit nyo naman po nasabi Manang Cecilia”

“Nakaguhit sa iyong mga labi ang ngiti ng mabasa mo ang kanyang mensahe”

“Wahhhh Manang usi pala kayo ha ha ha”

“Hindi naman napansin ko lang, mukhang hinahanap ka na ng iyong Daddy ayun sya nasa may harap ng bahay palingon lingon”

“Salamat po ulit balik na po ako ng bahay”

“Pasensya ka na Tofie may kumausap lang sakin kaya hindi ako nakapagreply… magdidiner na kami text kita mamaya pagpauwi na kami” Send…

Kaya muli ko na naman isinilid ang cellphone ko at tinungo ko ang kinatatayuan ni Daddy.

“Saan ka nagpunta Yumi, kanina pa kita hinahanap”

“Pasensya na po Daddy pumunta lang ako sa hardin sa likod malaki pala ang lupain at maraming halaman at puno”

“Hello cuz!”

“Cheska, di ko napansin na dumating na kayo”

“Kararating lang namin may dinaanan kasi si Dad sa office nila kaya medyo natagalan, kamusta po kayo Tito Danilo”

“Okay naman ako Cheska maayos naman ako salamat, halina kayo sa loob at tiyak akong naghahantay na sa atin ang Lolo at Lola nyo”

Nasalubong namin ang mga magulang ni Cheska si Auntie Rosette at Uncle Fred. Si Auntie Rossette ay galling sa isang mayaman na pamilya may ari sila ng malalaking boutique dito sa Manila samantalang si Uncle Fred naman ang namamahala at nagpapatakbo ng business ng Lolo at Lola na may kinalaman sa real states. No wonder kaya mapapansin mo sa kanilang pananamit at pananalita ang katayuan nila sa buhay.

“Ayumi, Danilo kamusta?”

“Auntie Rossette, Uncle Fred kamusta po”

“Okay lang naman kami ng Uncle Fred mo eto busy palagi sa mga meetings at negosyo alam mo naman kailangan para masuportahan namin si Cheska sa pagaaral at isa pa maganda kung may maibibigay kaming company sa kanya na napaghirapan naming itayo at ipundar”

“Balita ko Ayumi ikaw pa rin ang top sa buong university aba dapat magdouble kayod ang Daddy mo para masuportahan ka, dahil kung hindi kay Papa hindi ka makakapasok sa isang exclusive school kung nasaan ka ngayon”

“Fred, Rossette andito kayo para sa salu-salo hindi para tanungin kung anung meron kayo at ano ang nagawa ninyo may kanya-kanya kayong profession”

“Mama pasensya na po inuusisa lang namin ang kalagayan ng aking pamangkin, Cheska, Rossette hali na at naghahantay si Papa sa hapag para magkasalu-salo tayo”

 “Pagpasensyahan mo na sila Danilo hmm… halina kayong dalawa ni Yumi sa loob at tyak akong naghahantay na ang Papa mo para magkasalu-salo tayo”

“Salamat Mama, andyan pa rin kayo kahit wala na si Anna patuloy pa rin kayong nasubaybay sa aming dalawa pero kahit na hindi na po ako ang bigyan nyo ng pansin si Yumi na lang masaya na po ako dun”

“Ano bang pinagsasabi mo Danilo parehas kayong mahalaga walang dapat magsakripisyo sa inyo”

“Pero sa tingin ko po ako mismo ang magsasakripisyo”

“Daddy may problema po ba?”

“Wala naman Yumi wag mong pansinin ang sinabi ko tara na”

Matapos ang walang humpay na usapan tungkol sa negosyo at kinikita ng kompanya kaming dalawa lang ni Daddy ang nagtitinginan sa harap ng hapag kainan pero minsan nakukuha namang kaming kausapin ni Lola kahit sa mga pasulyap-sulyap nito sa aming mag-ama para na nga sya ang nagaasikaso sa amin.

“Hmmm sino ang nagluto ng kare-kare?”

“Si Danilo sya ang may dala ng kare-kare para sa salu-salo ngayon”

“Ah… Mama sana susunod sabihan mo ako kung anung gusto mong ipaluto maari naman nating ipacater para masarap ang ulam kung hindi naman kaya ni Manang Cecilia magluto maari natin gawin yun”

“Hindi na kailangan kaya namin ang mga paghahanda kung may okasyon kung sakaling hindi namin kakayanin maari kong ipaalam sayo at hingin ang iyong tulong”

Nakita ko na lang ang pagyuko ni Daddy sa harap ng usapan na tila wala syang karapatang sumagot o kahit magbigay ng opinion tungkol sa usapan.

“Yumi, kamusta ang pagaaral mo? Nababalitaan kong iakaw ang nangunguna sa lahat ng magaaral sa unibersidad”

“Opo, nagtyatyaga din po talaga akong magaral para po may maganda akong trabaho pagkagraduate”

“Mabuti yan, ikaw naman Cheska ano ang status ng pagaaral mo tingin ko masyado kang abala sa mga gawin hindi naman dapat pagkaabalahan”

“Papa hindi po ganun si Cheska hindi po sya nagpapabaya sa kanyang pagaaral”

“Hindi ikaw ang kinakausap at tinatanong ko Rossette”

“Lolo pasensya na po kayo aayusin ko po ang pagaaral ko this sem”

“Papa wag kayong magalala tututukan ko po siya para maibalik sa dating performance nya sa school”

“Aba! Dapat lang hindi tayo nagsasayang ng pera para lang kung saan saan”

Nakita ko ang masamang tingin ni Uncle Fred kay Cheska habang nasa hapag kainan mabuti na lang at tapos na ang hapunan.

“Ayumi.. apo maari ka bang sumama sakin?”

“Sige po… Daddy?”

“Sige anak lakad na samahan mo muna ang Lola mo”

Umakayat ka kami sa pangalawang palapag papunta sa isang silid na tila matagal ng nakapinid ang pinto pero kita mo pa rin ang pagpapanatili ng sa ayos ng lahat ngunit ang mga gamit ay hindi nagagalaw.

“Lola kanino po ang silid na ito?”

“Makikita mo sa ilang saglit apo” habang unti-unti nitong pinipihit ang susi at door knob ng pinto pero habang unti-unting bumukas ang pinto ng kwarto kaba ang bumabalot sa puso ko hindi ko mawari kung anung klaseng kaba at pagaalala pero may pakiramdam akong may mangyayari.

“Tuloy ka apo”

“Lola ang laki ng silid na ito at ang ganda ng view mula sa labas kitang kita ang buong hardin”

“Mabuti naman at nagustuhan mo dahil ito ay ang dating silid ng iyong ina”

“Dati itong kay Mommy? Pero bakit po walang larawan na nakasabit?”

“Pinaalis ng Lolo mo ang lahat ng larawan ng iyong ina nung namatay sya at ngayon sayo na ang silid na ito”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, alam kong hindi ako nagkakamali ng dinig sa kanyang sinabi pero talagang hindi pa ako naniniwala…

“Ang silid na ito sa akin na? Pero Lola may kwarto naman po ako sa bahay maliit nga lang pero okay lang po kasama ko naman si Daddy”

“Anu bang pangarap mo apo?”

“Pangarap ko po makatapos ng pagaaral at gusto ko po matulungan ang Daddy ko bibilhan ko sya ng magandang bahay hindi nga lang po kasing laki ng sa inyo pero yung tama lang po tapos gusto ko rin po ng magkaroon sya ng negosyo para kahit paano sa bahay na lang sya ayaw ko na din po nakikita syang nagtratrabaho sa tuwing darating sya sa gabi hinding hindi po nya ako nakalimutan asikasuhin… kahit ganito na po ako kalaki at katanda… Mahal ko po si Daddy”

“Apo may isa pa akong tanong sa iyo”

“Sige po Lola ano po iyon?”

“Kung nakikita mong may sira ang isang bahagi ng bubong ng bahay anung gagawin mo?”

“Papalitan ko po sympre, aalisin ko yung mga may sirang bubong pagkatapos papalitan ko ng bago”

“Tama para hindi na madamay pa ang iba, pero saan ka kukuha ng ipangbibili mo ng bubong?”

“Kung sa kalagayan ko po ngayon siguro po sympre sa baon ko dun ako maaring bumawas paunti-unti”

“Alam kong parati mong naririnig ang mga salitang ito sa tuwing makikita ka ng mga tao na kamukhang-kamukha mo ang iyong ina, bukod sa boses at sa talento sa pag-piano nakuha mo rin sa kanya ang pagsasakripisyo”

“Po?”

“May isang estudyante sa inyong unibersidad na kinahihiligan ng lahat mula sa kanyang magandang boses at magaling tumugtog ng piano at higit sa lahat ang kagandahang asal ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ang babaeng ito ay ubod ng tapang na kahit sinong taong mabangga nya basta nasa tama sya ay walang magagawa. Sa likod ng matapang na babae isang simpleng lalake ang matyagang natuon sa kanya araw araw na lang walang ginawa ang lalake kung hindi sulyapan ang babae pero nang minsang nakita nyang umiiyak ang babae agad itong lumapit at nagtanong”

“Ano ang nangyari bakit ka umiiyak?” sumagot lang ang babae

“Sino ka bakit andito ka lumayo ka! Hindi ko kailangan ang tulong mo kaya kong magisa”

“Pasensya na paggambala ngunit hindi ko matiis na umiiyak ang isang katulad mo”

“Nagulat ang babae sa kanyang narinig wala ni isang lalakeng naglakas loob na magsalita sa kanya ng ganun kahit ang kanyang ama, hanggang sa lumaon naging magkakilala ang dalawang magkaibang tao, lumalim ang samahan na nauwi sa isang magandang pagtitinginan pero hindi naging madali para sa lalake ang lahat dahil mula sa marangyang pamilya ang babae at hindi tanggap ng pamilya niya ang kanyang lalakeng iniibig walang magawa ang lalake kahit anung pagsusumikap nito sa buhay ay hindi pa rin tanggap ng pamilya ng babae pero hindi ito ang dahilan para iwanan o hiwalayan niya ang lalake. Isang araw napagpasyahan nilang takasan ang lahat isinakripisyo ng babae ang buhay karangyaan ang mga luho ng buhay niyakap niya ng maluwag ang buhay na pinili nya kasama ang lalakeng pinakamamahal. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan pero mas lalo lang naging mahirap ang pangaraw araw nila ninais kunin ng kanyang ama ang babae pero hindi kailanman tanggap ang supling ng kanyang anak hanggang sa magkasakit ang babae at ito ang kanyang ikinamatay….”

Minsan di ko maiwasang isipin ka...
Lalo na sa t'wing nag iisa...
Ano na kayang balita sayo...
Naiisip mo rin kaya ako...
Simula nang ikaw ay mawala...
Wala nang dahilan para lumuha...
Damdamin pilit ko nang tinatago...
Hinahanap ka parin ng aking puso...
Parang kulang nga kapag ika'y wala..

Parang ang langit ay nakikinig ng mga oras na iyon habang nagkukuwento ang Lola at tila ibinuhos ang lahat ng lungkot sa malalaking patak ng tubig.

“Ang babae at lalake sa kwento ay ang Mommy at Daddy mo, ngayon ang Daddy mo ang nagsasakripisyo para sayo inihahabilin ka niya para matupad mo ang mga pangarap mo ang mga pangarap ng Mommy mo para sa iyo”

Isinabay ko na rin sa ulan ang bigat ng nararamdaman ko na bawat butil ay punung-puno ng lungkot sa mga narinig at ikinuwento ng Lola ko.

“Si Daddy? Asan si Daddy?”

“Yumi!”

Lumabas ako ng kwarto tumakbo pa baba ng hagdan hinanap ko si lahat ng sulok ng bahay si Daddy pero wala na sya walang sumasagot sa tawag ko…

“Manang Cecilia nakita nyo po ba ang Daddy ko?”

“Nakauwi na po kanina pa”

“Hindi pwede! Hindi ako iiwan magisa ni Daddy dito”

“Yumi!?”

At hihiling sa mga bituin...
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin...
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin...
Patungo...
Ala ala mong tinangay na ng hangin...
Sa langit ko na lamang ba yayakapin...
Nasan ka na kaya, aasa ba sa wala...

“Lola kung nagsakripisyo noon si Mommy para saming dalawa ni Daddy at ngayon isasakripisyo din ni Daddy na malayo ako sa kanya handa ko rin pong isakripisyo ang mga pangarap ko para sa kanya, gaya din ng ginawa ng Mommy ko noon”

Naramdaman ko na lang malamig na butil ng tubig na pumatak sa aking pisngi kasabay ng mainit na luha mula sa aking mga mata. Hindi ko na inalintana na mabasa sa gitna ng ulan mula sa kaliwa hanggang sa kanan ang mga sulok ng kalye hinahanap ko ang anino ng aking ama. Ngunit hindi ko makita kahit isang bakas kung nasaan sya.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan idial ang number nya…

“Daddy sagutin mo please, sagutin mo please Daddy….”

Pero walang sumasagot unti-unti ko ng naramdaman ang kawalan unti-unti ko nang nararamdaman ang sakit ng malayo sa taong mahalaga sayo pakiramdam ko nagiisa na ako pakiramdam ko wala na akong kakampi wala na akong susundan magisa na lang ako sa mundo. Nang biglang tumunog ang cellphone ko.

“Hello? Yumi kamusta ka nagaalala ako sayo”

“Tofie… Tofiee… si Daddy Tofiee si Daddy”

“Bakit Yumi anong nangyari nasaan ka?”

“Sa mga kalye ako ngayon sa may sakayan ng bus”

“Antayin mo ko, antayin mo ko ha wag kang aalis dyan”

Nanginginig na ang buong katawan ko lamig pero ang init ng luha ko ay nararamdaman ko pa rin. Hanggang sa isang kamay ang yumakap sakin.

At Hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo

“Hinding hindi ko hahayaang magisa ka andito ako palagi para sayo”