Friday, August 19, 2011

Chapter 9: Time of Tides.... Continuation

“Tofie, anung? Anung sinasabi mo?”

“Ayaw kong itago sayo yung tunay kong nararamdaman para sayo, ayaw kong dumating ang araw na hanggang tingin na lang ang pwede kong isukli sayo kaya eto ako nagsasabi ng tunay kong nararamdaman ko para sayo…. Mahalaga ka sakin Yumi at…. At…. Mahal KITA Yumi….”


“Baka naman nalilito ka lang bagong magkaibigan pa lang tayo isa pa hindi…. Hindi mo pa ako ganong kakilala”


“Yumi hindi ko naman hinihingi ang sagot mo ang hinihingi ko lang bigyan mo ko ng pagkakataon mapatunayan ko sayo at maipadama ang nararamdaman ko”


“Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot sayo dahil kahit ako hindi ko inaasahan ang pagamin mo sakin ng tunay mong nararamdaman parang isang panaginip ang lahat”


“Patutunayan kong hindi panaginip ang lahat patutunayan ko sayo na hindi mo kailangan ipikit ang iyong mga mata para makita ang magagandang bagay sa mundo ang kailangan mo lang magtiwala sakin na kahit kailan hindi kita sasaktan”


“Ikukuha muna kita ng maiinom ano ba ang gusto mo juice o softdrinks?”


“Kahit ano ikaw ang bahala”


“Sige sandali lang ako babalik ako agad”


Pagsampa ng mga paa ni Yumi sa kanilang kusina para syang binuhusan ng isang timbang tubig na nagyeyelo dahil sa kanyang malamig na pawis…


“Uhmmm…. Anak malapit na itong maluto sabihin mo kay Tofie ha, oh bakit ganyan ang mukha mo parang gulat na gulat ka at pawis na pawis may nangyari bang hindi maganda?”


“Wala naman po ayos naman po”


“Eh bakit ka parang tulala may nagawa ba si Tofie sayo?”


“Daddy…. Nanliligaw sya! Si Tofie…. Nanliligaw sa….. akin….”


“Ha?! Totoo? Nanliligaw na sya sayo?”


“Opo”


“Yes… natauhan din ang bata ko!”


“Daddy….”


“Alam mo sa totoo lang gusto ko si Tofie para sayo unang kita ko pa lang sa kanya alam kong may patutunguhan ang mga plano nya sa buhay isa pa para syang Mommy mo nakikita ko sa kanya ang ibang katangian ng nasira mong ina kaya sa tuwing nakikita ko sya magaan ang pakiramdam ko”


“So anung gusto mong gawin ko Daddy sagutin ko na agad?”


“Hindeeeee!!! Aba anak naman hayaan mo munang ipakita niya ang pagiging sincere nya sa kanyang mga salita hindi yung ibibigay mo agad ang sagot mo sa kanyang panliligaw atsaka anak ang panliligaw hindi lang yan naghahantay sa salitang OO kung di naghahantay sa puso, pusong handang magmahal at handang magmasaktan”


“Daddy bakit mo sinasabi lahat ng ito sakin, ibig mong sabihin okay sayo na magkaroon ako ng boyfriend?”


“Sinasabi ko sayo dahil alam kong isang araw kailangan mong maranasan magmahal at masaktan hindi yung nababasa mo lang sa isang libro higit sa lahat alam mo kung paanong bumangon muli pero hindi ibig sabihin nito na walang limitasyon ang lahat bilang magulang gusto kong maging maligaya ka habang nandirito pa ako kasama mo”


“Daddy, salamat po I love you pangako hinding hindi ko sisirain ang tiwala mo sakin”


Isang mahigpit na yakap ang tumanghaw sa harap ng mainit at umuusok na niluluto


“Salamat naman kung ganon hmmmm teka lang asikasuhin mo muna ang manliligaw mo atsaka yung tubig baka matuyo yan”


“Ay oo nga pala pasensya na po, bago ko po makalimutan Daddy may dinner daw bukas sa bahay ng Lolo at Lola pinapapunta tayo dun mukhang may mahalagang sasabihin”


“Hmmm ano naman kaya yung sasabihin nila”


“Pasensya na Tofie medyo natagalan sa pagkuha ng tubig nagusap pa kasi kami ni Daddy”


“Tungkol?”


“Hmmm wala lang naman tungkol lang sa invitation bukas tungkol sa dinner sa bahay ng mga Lolo at Lola”


“Sa kanila Cheska tama ba?”


“Yep”


“Bakit daw?”


“Actually yun din ang pinagtataka ko bakit kaya?”


“Wag mo masyadong isipin yung pwedeng mangyari sa kinabukasan mo ang isipin mo muna yung ngayon para mapaayos yung kinabukasan mo”


“Sabagay tama ka dyan…. Sige sabihin mo sakin ano naman nakita mo sakin at napili mo akong ligawan?”


“Ha?! Wala naman ano kasi mabait ka, maganda….”


“Yun lang?”


“Hindi lang basta maraming-marami akong nagustuhan sayo at mahirap ipaliwanag”


“Mahirap ipaliwanag dahil?”


“Yumi di ko kayang sabihin ang kaya ko lang gawin ay…”


Kinuha niya ang kamay ni Yumi at inilagay sa kanyang dibdib pagkatapos ay nagsalitang muli…


“Iparamdam sayo ang lahat ng nagustuhan ko…. Hindi ko na kailangan magsalita ang kailangan ko lang ay ipadama sayo”


Sa gabing iyon naging malinaw ang lahat. Malinaw para kay Yumi ang tunay na nararamdaman ni Tofie para sa kanya. Puno ng tanong, puno ng pagtataka at higit sa lahat naguumapaw na kaligayahan dahil sa mga sandaling iyon hindi na kailangan ikubli ni Tofie ang kanyang sarili.


“Aalis na po ako maraming salamat sa pagtanggap nyo sakin at sa masarap na pagkain, Tito”


“Walang anuman wag mo na akong tatawaging Tito, Daddy na lang isa pa turing ko sayo isang anak na hindi mo na kailangan maging iba sa pamamahay na to isa pa darating din ang panahon na”


“Daddy hmmmpppp… may sinasabi ka na naman na parang nanaginip”


“Aray… wala naman akong sinasabi ah sige na iho magingat ka”


“Sige po Yumi alis na ako… Daddy?!”


“Ooppss teka… nasa maling lugar ako at panahon teka lang teka lang papasok muna ako sa loob at magliligpit ha sige magpaalaman na lang kayo dyan”

“Daddy talaga pasaway ka!”

“Alam ko yan at alam ko nagmana ka rin sakin”


“Kahit ano pa yan maglipit ka muna dyan”


“Aalis na ako Yumi”


“Tofie saglit lang….”


“Hmmm….”


“Ayaw kong madaliin ang lahat para sating dalawa pero isa lang sasabihin ko sayo sa ngayon, masaya akong kasama ka kahit gaano kalungkot ang buhay ko”


Naramdaman ko rin sa wakas ang mahigpit na yakap mula kay Yumi. Isang yakap na hinding hindi ko makakalimutan dahil may isang tao, isang espesyal na tao ang lagi kong napapasaya.


Muli kong natapakan ang harapan ng aming bahay tahol ng aso ang naririnig ko lamang sa tahimik na lugar at liwanag mula sa mga post ng ilaw mula sa kalsada napasulyap ako sa kalangitan na wala ni isang talang nagkukubli sa mga ulap at ang buwan ay tila nakangiti mula sa kalangitan.


“Kahit kalian hindi ako naging seryoso sa larangan ng pagibig pero ngayon tingin ko mukhang magiging seryoso at pursigido ako para kay Yumi para makuha ko ang sagot mong OO!!!!” sigaw ko mula sa kalangitan….


“OO!?”


“Wag mong sabihing sinagot ka na…”


“Wahh!! Nanay anung ginagawa mo dyan?”


“Natural hinahantay ka kanina pa ako nagaabang sayo anong oras na ah, may pasigaw sigaw ka pang nalalaman dyan… pumasok ka na nga sa loob”


“Opo….”


Hindi ko na nagawang magtext kay Yumi para sabihing nasa bahay na ako hinayaan ko munang manatiling nasa lugar ang lahat ang nararamdaman ko ang nararamdaman nya. Ayaw ko ring guluhin kung anumang iniisip nya. Nanatili lang akong nagiisip ng mga bagay o paraan para mapagpatuloy ko ang panliligaw ko, yakap ang unang pero hindi pumipikit ang mga mata ko habang nagiisip ng mga paraan.


Bago pa man sumabit ang araw sa kalangitan maririnig mo ang lagaslas ng tubig na nanggagaling sa gripo ang tilamsik ng mainit na mantika at ang naggagalawang kubyertos sa kusina. Abalang abala kasi ang ama ni Yumi sa pagluluto.


“Daddy…. Ano naman po ang niluluto nyo?”


“Good Morning Yumi! Pasensya na at nagising kita”


“Okay lang po, anu ba yang niluluto mo Daddy at para kanino?”


“Ah eto bang niluluto ko para mamaya sa dinner sa bahay ng mga Lolo at Lola mo kahit man lang simpleng putahe makapagambag tayo sa hapag kainan”


“Pero Daddy, alam mo naman ang isasagot sayo ni Lolo”


“Kahit anu pang sabihin ng Lolo mo bakit ang Lola mo naman di ba pag nagdadala ako ng lutong ulam kinakain nya paborito nya kaya mga luto ko”


“Sinabi mo pa, anong oras mo ba balak pumunta dun Daddy?”


“After lunch siguro, bakit mo naman naitanong?”


“Gusto ko bumili kasi ng mga bulaklak para kay Lola”


“Ngayon na?”


“Opo mas maganda sa oras na ito fresh pa yung mga flowers sa bilihan”


“Sino naman ang kasama mo”


“Daddy, kaya ko naman po magisa”


“Ay hindi teka lang pahiram ng cellphone mo dali”


“Ha? Bakit cellphone ko?”


“Basta pahiram ako ng cellphone mo”


“Eto po…”


“Aha!! Eto pala ang name nya sa cellphone mo ha”


“Sino yan Daddy?”


“Si Killer Smile text ko para samahan ka!”


“Daddy hindi na nakakahiya at isa pa ang aga-aga manggagambala pa ba ako”


“Hindi magagambala si Killer Smile don’t worry teka tatawagan ko na lang”


“Daddy….”


“Sshhh… ayan nagriring na kausapin mo”


“Ha?! Bakit ako ikaw kaya tong tumawag sa kanya”


“Basta kausapin mo”


Ring… Ring….


“Hello Ah?! Good Morning!? Tofie?”


“Hello, hmmmm Yumi?! Good morning…. WAH!!! Go-good Morning YUMI napatawag ka may nangyari ba?”


“Sabihin mo may iuutos ako sa kanya”


“Pinatawag kasi ako ni Daddy may ipapakiusap kasi sya sayo”


“Bakit anung nangyari kay Daddy?”


“Daddy?! Since when?”


“Sinabi nya kagabi na tawagin ko na lang syang Daddy at wag Tito”


“Oh!? Bakit ba hindi ko narinig yun para hindi ako nabigla”


“May nangyari ba dyan sa inyo?”


“Relax lang okay ayos kaming dalawa ni Daddy, kung pwede ka daw pumunta dito sa bahay at may ipapakiusap daw sya sayo?”


“Anu naman daw yun?”


“Hindi ko alam eh hindi nya sinabi basta punta ka daw ngayon dito sa bahay”


“Sabihin mo ngayon na!”


“Ngayon na daw sabi ni Daddy”


“Okay 20mins andyan na ako”


“Sige salamat Tofie...”


“Sure no problem”


“Teka Tofie….”


“Yes?”


“Magingat ka ha!”


“Oo ba!”


Pagkababa ng telepono agad akong nagayos ng sarili ko kumuha ng maisusuot sa pagalis pagkatapos naligo. Eksaktong 19 minutes and 58 seconds may kumatok sa pintuan ng bahay dali-dali naman akong bumaba para pagbuksan ng pinto kung sino man ang nasa harap ng pintuan pero malamang si Tofie dahil sya lang naman ang nagiisang pinapunta ni Daddy para samahan ako.


Nang buksan ko ang pintuan nakita ko lamang ang anino niya dahil sa sinag ng araw…


“Tofie?”


“Good Morning Yumi!”


Ngayon ko lang naranasan ang sikat ng araw sa umaga, ang mainit pero masarap sa pakiramdam na liwanag na binibigay nito bukod pa dyan ang ngiting sasalubong sakin mula ng buksan ko ang pinto.


“Eksaktong 20 minutes gaya ng napagusapan!”


“Ah Oo eksakto! Tuloy ka andun sa Daddy sa kusina”


“Salamat”


“Daddy bisita mo! Akyat lang ako saglit sa taas Tofie ha may gagawin lang ako”


“Sure”


“Tofie… Good Morning”


“Good Morning po Tito!”


“Ooppss Daddy”


“Hahahaha… may ipapakiusap ako sayo kung maari sana”


“Sige po basta po kayo ko anu po ba yun?”


“Maari mo bang samahan si Yumi bumili ng bulaklak sa pamilihan gusto piliin nyo yung maganda sa paningin nyong dalawa, maari ba yun?”


“Aba pwede po walang problema”


“Aasahan kong iingatan mo si Yumi”


“Makakaasa po kayo…. Daddy”


“Salamat naman kung ganon”


“So okay na ba ang lahat? Maari na ba kaming umalis Daddy?”


“Maari na Yumi nagbilin na ako kay Tofie”


“Bilin? Anong bilin yan? Dapat malaman ko yan”


“Wala ng oras lumakad na kayo at wala kayong maabutang sariwang bulaklak sa pamilihan pag mabagal kayo”


“Okay pero Tofie dapat sabihin mo sakin sa daan ang bilin na yan malay ko kung binebenta na ako ng sarili kong Daddy”


“Hahahaha hindi naman ikaw binebenta mali yung term mo pinapaalagaan lang…”


I keep trying to understand
this thing and that thing, my fellow man
I guess I'll let you know
when i figure it out

but I don't mind a few mysteries
they can stay that way it's fine by me
and you are another mystery i am missing

It takes so much out of me to pretend


“Kanino naman?”


“Sakin! Bakit ayaw mo?”


“Gusto….” Pabulong na sagot ni Yumi


maybe, I need to see the daylight
to leave behind this half-life
don't you see I'm breaking down

Lately, something here don't feel right
this is just a half-life
is there really no escape?
no escape from time
of any kind


“May sinasabi ka Yumi?”


“Wala… wala… never mind… Tara na”


“Lika na nga Love!!” sabay yakap ng kanyang kamay sa tagiliran


“Love ka dyan hindi pa kita sinasagot…”


“Kahit ano pang sabihin mo ako ang magaalaga sayo mula ngayon habang buhay”


Hindi ko alam pero sa sinabing iyon ni Tofie parang napangiti ako ng kusa ngunit malayo sa kanyang paningin….


come on lets fall in love
come on lets fall in love
come on lets fall in love
again

Monday, August 1, 2011

Chapter 9 : Time of Tides….

“Siguro sapat na evidence ang pinakita ko sa inyo?! At para paniwalaan nyo ako”

“Sa palagay ko nga”


“Pero hindi ko rin maisip kung anong nangyari at nagka-ganun ang mga pangyayari”


“Sa totoo lang hindi ko gusto ang tabas ng mukha ng taong yan parang ang daming lihim”


“Sa palagay ko nga, hayaan mo makakagawa din tayo ng paraan para dyan sa ngayon hayaan muna natin ang lahat ng mga pangyayari”


“Good performance both of you Mr. Alcaraz and Ms. Santos”

“Thank you Ms. Dulce pero ang magaling po si Tofie kaya po maganda ang performance namin dahil sa kanya”

“Magaling din naman po si Yumi kumanta kaya naging maganda ang lahat”


“Tama na pagtatalo parehas kayong magaling at isa pa ang ganda-ganda ng pinakita ninyo maganda ang team-up nyo I expect to see more of you, the both of you on stage”


“Po?!”


“Yes, inaasahan ko sa mga darating na mga pagtatanghal o okasyon kasama kayo sa mga piling magaaral upang gumawa ng isang natatanging bilang para narin maipakita natin sa buong unibersidad ang inyong natatagong talento pagdating sa pag-awit, who know madiscover pa kayo!”


“Salamat po Ms. Dulce sige po paghahandaan namin yan di ba Yumi?!”


“Ha?! Sige po… sige po Ms. Dulce paghahandaan…. Paghahandan po namin”


“Salamat naman kung ganun man”


“Balik na po kami sa susunod na klase”


“Mabuti pa nga”


“Congratulations… Ang galing nyong dalawa sabi ko na nga ba magiging maganda ang gagawin nyong pagsasanay”


“Eunice *** pala yan”


“Sino pa nga ba? Lalo na ikaw Yumi ang galing galing mong kumanta kanina para kang isang sikat na mang-aawit”


“Hahaha hindi naman pero maraming salamat at nagustuhan mo yung pag-awit ko”


“Aba, sino ba naman ang hindi mabibighani sa ganda ng iyong tinig tiyak kahit na sino mapapansin yan”


“Weh! Sipsip ka talaga Tofie”


“Nagsasabi lang naman ako ng totoo anu naman ang pagiging sipsip dun?”


“Kung saan pa yan mapunta yang pagtatalo nyo mauuna na ako sa susunod na klase ko tiyak malalate ako pag hinantay ko pa kayong matapos hahaha”


“Sige Yumi see you around”


“Sige Eunice …. Tofie…”


“Okay sasusunod susubukan kong galingan yung pagtugtog para ganahan kang kumanta…”


“Sure una na ako oh, Eunice hinay-hinay sa pagbali ng buto ha”


“Yumi naman pati ba naman ikaw?”


Tumuloy sa paglalakad si Yumi papalayo sa kinatatayuan ng dalawang magkaibigan hindi nila inalintala kung sino ang nakasabay ni Yumi sa paglalakad nito pabalik sa klase.


“Kamusta pinsan?”


“Cheska?!”


“Bakit may iba ka pa bang mga pinsan bukod sakin?”


“Hindi naman sa ganun kaya lang parang ngayon ko lang narinig na tinawag mo akong pinsan at hindi sa tunay kong pangalan may… may kailangan ka ba sakin Cheska?”


“Wala naman gusto lang kitang kamustahin yun lang tingin ko kasi masyado kang masaya ngayon araw na ito nababahala lang ako kung ano o SINO ang nagpapasaya sayo? Si Julius ba?”


“Ha?! Natapos lang ang aming mga extracurricular projects kaya ako masaya…. Makakapagpahinga ako ng maayos”


“Ganun ba sige pinasasabi nga pala nila Lolo at Lola dun kayo magdinner sa bahay bukas kasama Daddy mo”


“May espesyal na okasyon ba?”


“Wala naman gusto nya lang kayo makita kung kamusta na kayo hindi si Lolo si Lola ang nagsabi nun”


“Sige pakisabi darating kami”


“Paano see you around girl”


Samantala….


“Eunice talaga bang maganda yung performance naming dalawa kanina?”


“Oo nga ilang beses ko bang sasabihin sayo na maganda yung ginawa nyo kanina diba pati nga si Ms. Dulce humanga sa inyo?”


“Sabagay pero hindi ko rin akalain na ganun ang kalalabasan”


“Bakit naman? Nakakasama mo naman si Yumi sa pageensayo diba?”


“Oo nakakasama ko sya pero alam mo yun pagnageensayo kami hindi naman sya ganong ka galing alam mo yun parang hidi nya ibinibigay ang talento nya ng buo pero nung kumanta sya kanina talagang pati ako nagulat at tumayo ang balahibo ko sa narinig kong boses mula sa kanya”


“Pero alam mo sa totoo lang parang yung pagkanta nya punong puno ng emosyon na kahit ako nakikinig lang nararamdaman ko yung awit sa katawan ko teka nga ikaw ba nanliligaw ka na sa kanya?”


“Parang oo parang hindi?”


“Anong parang oo parang hindi?”


“Kasi may oras na close kaming dalawa minsan naman sobrang sweet sya sakin minsan naming palagi syang nagiisip parang ayaw nya akong makialaman sa problema nya pero kanina sinabihan nya akong kung pwede lang wag daw ako mawala sa tabi nya para daw para daw palagi syang nakangiti”


“ANO! Ngayon hindi mo pa alam kung ano ang sagot sa tanong ko kanina? Ang hina mo naman Tofie duwag ka bang malaman ang totoong nararamdaman ni Yumi para sayo?”


“Oo duwag ako, kasi kahit naman ako gusto ko rin nasa tabi ko sya para palagi akong nakangiti”


“Yun naman pala wag ka na maghantay ng ilang libong tao gumawa kana ng hakbang mo bago mahuli ang lahat”


“May isa pa akong iniisip si Julius….”


“Bakit anong meron kay Julius at iniisip mo crush mo! OMG!”


“BUANG KA!”


“Hahahaha akala ko crush mo sya eh”


“Alam mo silang dalawa ni Yumi ang may relasyon”


“Hahaha kawawang bata huling huli ka talaga sa balita si Julius nanliligaw pa lang kay Yumi for how many years pero hindi sya sinasagot ni Yumi”


“Ha?!”


“Yep hindi sya sinasagot ni Yumi maybe because she is not interested or Julius is not the type of guy for Yumi”


“Pero ang akala ko?”


“Yun ang akala mo Tofie, maraming naiiwang luhaan dahil sa maling akala kaya dapat kumilos ka na”


“Parang ganun lang kadali magsabi ng nararamdaman sa isang tao kasi ikaw babae ka kayo ang niligawan samantalang kaming mga lalake ang nagpapakahirap”


“Aba natural lang sige nga subukan mong ikaw ang manganak tignan mo ko kung kaya mo”


“Hindi saan ko naman ilalabas yun sa pwet”


“Hahahaha tara na nga puro ka kalokohan”


“Tignan mo to ikaw nga dyan ang puro kalokohan eh”


“Oh bakit ka biglang natigilan sa pagtawa dyan?”


“Wala naman parang napakasaya ng araw na ito walang pagsidlan kaya lang diba sinasabi nila pagkatapos ng ligaya puro lungkot naman ang susunod, ano naman kaya ang susunod na mangyayari?”


“Alam mo nasa tao din yan kung pipiliin mong maging malungkot sa pangyayari sa buhay mo kaya tatayo ka sa mga paa mo para maging masaya at handang harapin ang mga problema ng buhay, tara na umpisa na ng sunod na klase”

“Mabuti pa nga baka mahuli pa tayo”

Eto ang araw na naghahati ang pakiramdam ng puso ko masaya na natatakot marahil tama nga si Eunice dapat maging handa ako sa mga mangyayari sa buhay ko hindi yung patuloy akong magkukubli ng takot sa mga darating na pangyayari…


Sinubukan kong hantayin si Yumi sa gate ng school nagtanong tanong na rin ako sa mga kaklase nya kung may nakakita o nakapansin sa kanya pero ni isa walang makapagsabi kung nasaan sya pero tiniyak naman nila sa akin na pumasok sa klase si Yumi. Patuloy pa rin akong naghintay kahit naguumpisa ng bumuhos ang ulan. Pero sa kabila ng paghihintay ko bigo pa rin akong makita sya.


“Mr. Alcaraz sino po ba ang hinahantay ninyo dito?”


“Si Ayumi Santos Manong Guard, nakita nyo na po bang dumaan sya dito?”


“Ah sya ba ang hinihintay mo, ayun kadadaan lang ng sasakyan dun sya nakasakay”


“Kaninong sasakyan po yun?”


“Kay Ms. Cheska, bagong-bago ano ang ganda bigay daw na regalo ng Dad nya… ang swerte ng batang yun lahat ng hilingin nakukuha at binibigay naman ng mga magulang”


“Salamat po Manong Guard”


“Parang babagsak ang isang malakas na ulan tiyak akong dalawang araw ang itatagal nito”


“Paano nyo naman po nasabi Manong?”


“Tignan mo ang kalangitan walang maputing ulap kahit saan isa pa kung titignan mo ang mga halaman sa paligid parati silang nakayuko”


“Ang galing nyo naman pong pumansin ng mga bagay”


“Sa tagal ko nang guard dito hindi nakakaligtas ang mga mumunting mga pangyayari sa paligid”


“Ganun po ba? Sige po uwi na po ako baka abutan pa ako ng malakas na ulan sa daan”


“Mabuti pa nga magiingat ka”


“Salamat po!”


Ngunit habang naglalakad ako papalayo sa pintuan ng unibersidad di ko lubos maisip bakit kaya hindi ako tinawag ni Yumi mula sa sasakyan ni kahit dumungaw man lang sa bintana hindi nya ginawa marahil dahil andun ang kanyang pinsan kaya ayaw nya akong malagay sa alanganin, marahil ganun nga ang mga pangyayari.


Nang makasakay ako ng bus papauwi sinubukan kong magtext sa kanya para alamin ang lagay nya o kamustahin man lang pero hindi ko alam paano ko sisimulan ang text ko sa kanya. Sa tuwing naguumpisang gumalaw ang mga daliri upang magtext palagi ko nalang inuulit at binubura ang aking nasimulan. Hanggang sa ang naisulat ko lang ay ang salitang “Kamusta”


Sana tama ang naisulat ko para magumpisa an gaming kwentuhan sa text kahit man lang sa text makausap ko sya o makamusta ko, malaman ko lang ano ang lagay nya kung kumain na ba sya o hindi pa kung anong ginagawa nya sa mga oras na ito kung anong iniisip nya marami, marami talaga akong gustong mapagusapan naming dalawa.


Sa gitna ng aking pagmumuni-muni namalayan ko na lang ang pagvibrate ng cellphone ko nagmamadali akong buksan baka sakaling si Yumi ang nagtext hindi nga ako nagkamali si Yumi nga ang nagtext.


“Eto pagod galing ng school, nasa school ka pa ba?”


Sinimulan ako ang pagsusulat ng text para sa kanya…


“Pauwi pa lang ako nasa sasakyan, pasensya na kung naistorbo kita may ginagawa ka ba?”


Send


Pagkatapos kong maisend sa kanya ang aking mensahe di na mapakali ang kamay ko at mata sa paghihintay ng kanyang isasagot ngunit hindi rin naman nagtagal ang aking paghihintay at dumating din ang sagot nya sa mensahe ko.


“Wala naman akong ginagawa nagiisip lang ako kaya okay lang magtext tayo”


“Mabuti naman kung ganun, maitanong ko anu naman ang iniisip mo sa mga oras na ito?”


“Hmmm… yung Lolo at Lola ko pinapatawag kami para bukas for dinner at tiyak akong may sasabihin yun di ko lang alam kung anung sasabihin nya kaya iniisip ko kung nagawa akong pagkakamali sa kanya pero wala naman pumapasok sa isip ko na nagawa kong pagkakamali”


“Nagiisip ka lang masyado tiyak akong wala ka namang ginawang masama isa pa maganda naman ang standing mo sa school ayos naman lahat ng record mo kaya alam kong hindi yun ang ikagagalit nila sayo”


“Sana nga ganun ang mangyari pero hindi sila nagpapatawag kasi ng basta basta, asan ka na ngayon?”


“Eto kaba-baba ko lang ng bus pasakay na ako ng tricycle para makarating sa bahay naming, pwede ba akong magtanong?”


“Sige okay lang”


“Bukod kay Julius may nanliligaw ba sayo?”


“Hahaha, wala naman nagkakalakas ng loob manligaw sakin dahil kay Julius, bakit mo naman naitanong?”


“Wala naman baka kasi maraming nanliligaw sayo nakakaistorbo ako sa kanila”


“Hindi naman ikaw talaga kung anu-anong sinasabi mo tama nga si Eunice”


“Pero kung sakaling may manligaw sayo okay lang?’’


“Oo naman bakit naman hindi basta maayos syang mag-approach sakin”


“Hmmm pwede bang mamaya pumunta sa bahay ninyo?”


“Teka bakit naman napunta ang usapan natin sa pagpunta mo dito sa bahay?”

“Wala naman, okay lang ba pumunta sa inyo mamayang gabi?”

“Ano… siguro… pwede”


“Bakit siguro?”


“Kasi di naman alam ni Daddy na may bisita akong darating”


“So mamaya ko pa malalaman”


“Kasi…. Ano… sige na nga oo sige pero wag masyadong gabi ha kahit walang pasok bukas mas maganda pa rin yung maaga makakauwi kung sino man ang kasama mong pupunta dito”


“Okay walang problema so tonight I’ll be there around 7 P.M.”


“Okay deal 7 P.M.”


Pagtapak ko sa pintuan pa lang ng aming bahay agad ko nang tinanong si Nanay.


“Nanay, nakita nyo po ba yung paborito kong green na polo yung checkered?”


“Di ba nasa cabinet ng mga damit mo hindi naman yun inililipat ng ibang lagayan, bakit mo ba hinahanap?”


“May special na lakad po ako ngayong gabi kasi”


“Special bakit anu bang meron sa araw na ito at naging special?”


“Wala naman po basta ikukuwento ko na lang sa inyo Nay”


“Saan ka ba pupunta?”


“Dyan lang po”


“Saan yung dyan lang malawak ang Manila hindi ko alam san ka hahanapin hindi kita papayagan kapag hindi mo sinabi sakin kung saan ka pupunta”


“Pero Nay”


“Tofie….”


“Sige na nga po kina Yumi”


“Kina Yumi lang pala may pa-special ka pang nalalaman dyan, wag ka lang magpapagabi”


“Opo”


Mula sa paliligo hanggang sa pagbibihis nakamasid si Nanay pati pagpuna sa aking kwelyo ang sintas ng sapatos ang pagpili ng pabango sinabihan nya ako at higit sa lahat nagbigay pa ng allowance. Ikaw na ang maging kaisa-isang poging anak ng Nanay ko… swerte mo!


“Mag-iingat ka ha at ang bilin ko wag magpapagabi”


“Opo, salamat po Nanay”


Mula sa pagsakay ng tricycle hanggang sa pagsakay ng jeep ingat na ingat akong wag madumihan ang suot kong damit o kahit konting di kanais nais na makikita ng aking mata sa aking damit. Ang buhok ko ayos na ayos hindi dapat ako pinagpapawisan at higit sa lahat alam kong dapat fresh ako.


Eto na andito na ako sa tapat ng bahay nila Yumi. Pipindutin ko na ba ang button ng door bell, pagdadalawang isip ko. Isang sipat ang ginawa ko sa sarili ng makitang ayos na pinindot ko na ang door bell.


Ding… Dong…


Nagulat ako sa lumabas mula sa pintuan ng kanilang tahanan.


“Christopher… andyan ka na pala kamusta ka?”


“Okay naman po ako Tito”


“Mabuti kung ganun halika tuloy ka sa bahay”


“Ako na po magsasara Tito”


“Ganun ba sige”


Isinara ko ang pintuan ng kanilang gate at tuluyang tumuloy sa mismong pinto nila habang doon naghahantay sakin ang Tatay ni Yumi.


“Pasok… pasok maupo ka muna dyan at pababa na si Yumi anung gusto mo juice, softdrinks, water?”


“Kahit anu na lang po Tito”


“Okay… sandali lang ha… Yumi! Yumi… andito na si Christopher”


Bumaba mula sa pangalawang palapag ng bahay ni Yumi….


“Maiwan ko muna kayong dalawa at nagluluto ako ng dinner Christopher nagluto ako ng tokwa at baboy nakain ba ng ganung luto?”


“Opo paborito ko po yun”


“Maigi bata magkakasundo tayo… paano maiwan ko muna kayo dyan, Yumi ikaw na bahala dyan ha”


“Opo Daddy salamat po”


“Anu ba yung sasabihin mo dapat kanina at nakuha mo pang pumunta ng bahay di ba pwede sa text?”


“Hindi eh”


“Anu ngayon? Tsaka akala ko may kasama kang ipapakilala sakin?”


“Meron nga”


“Asan iniwan mo sa labas, ikaw talaga Tofie nang go-good time ka na naman ha”


“Hindi meron talaga akong ipapakilala sayo”


“Eh sino nga at bakit hindi mo sya kasama dito sa bahay”


“Kasama ko kahit saan ako magpunta”


“Naku pinagloloko mo talaga ako”


“Hindi nga Yumi… gusto kong ipakilala sayo ang…”


“Ang ano? Dapat si di ba?”


“Ang PUSO ko pinapakilala ko sayo!”