Friday, May 20, 2011

Chapter 8: Feel the Love....

Init ang pawis ang naghahalo sa katawan ko dala na rin ng pagod sa byahe mula sa bahay nila Yumi hanggang sa aming bahay ngunit nangingibabaw pa rin sa isipan ko ang mga katagang sinabi sakin ng Tatay ni Yumi. Ang bilis ng tibok ng puso ko pero ramdam ko ang malamig kong pawis at panunuyo ng aking labi.

Inalis ko lang ang damit kong pangitaas at isinabit sa aking balikat pagkatapos ay binukasan ang pinto ng refrigerator at kumuha ng isang pitchel ng tubig at isang baso mula sa lagayan ng mga plato. Isinalin ko ang tubig mula sa pitchel at uminom mamaya’y hinila ko ang bangko mula sa lamesa at naupo. Ngunit paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang binitiwan ng isang taong may malaking impluwensya sakin. “Nakikita ko na masaya ang aking anak kapag kasama ka at alam kong especial ka para sa kanya”


Nakatitig lang ako sa tubig na nakalagay sa baso na parang nakatitig lang sa kawalan at sa katahimikan ng paligid. Napabuntong hininga na lang ako ng matapos ang mga salitang umukit sa aking isip parang isang recorded music na naka nonstop repeat.


“Mukhang malalim ang iniisip ng anak ko?”


“Nanay, gising pa po pala kayo?”


“Kanina pa kita hinahantay kumain ka na ba? Ipaghahanda kita ng makakain?”


“Okay lang po ako nakakain na rin po ako at isa pa busog na busog pa rin ako”


“Ah ganun ba kamusta naman ang klase? Busy ka yata marami bang dapat gawin?”


“Hindi po nagkaroon lang po ako ng biglang gawain may tinuturuan po kasi ako magpiano kaya po ginabi ako ng uwi”


“Nakakapagod bang turuan kaya ganyan ang itsura mo?”


“Nanay talaga joke na naman yan ha”


“Eh kasi ang lalim mo magisip kitang-kita kaya sa mga mata mo tingin ko hindi yan sa pagtuturo mo at parang nakikinita ko na kung anung problema yan…”


“Ayan showbiz na tanong na naman yan Nanay at alam mo naman ang isasagot ko, Next question please”


“Pero tiyak akong hindi mo na maisasagot ang sagot na next question please”

“Aba mukhang may kakaiba sa tanong mo Nanay sige nga shoot!”

“In love ka, Oo o hindi?”


Nakatulala ako pagkatapos ng tanong nanigas ang mga kamay ko ang mga daliri ko’y nawalan ng pakiramdam ang buong katawan ko ay naging yelo malamig at alam ko ang pamumulta ng balat ko mas lalo kong naramdaman ang tunog ng puso ko ang kabog nito sa bawat segundo.


“Ano hindi ka nakasagot diba? Ibig sabihin totoong in love ka”


“Okay okay talo na ako di ako nakasagot sa tanong mo Nanay, In love ba yung tawag dito?”


“Ang OA mo sumagot talaga ng tanong kahit kalian, eh teka sino naman ang malas na babae?”


“Aba! Aba! Malas hindi kaya etong killer smile na to swerte kaya sya” tumawa na lang ako sa mga sinabi ko sabay talikod sa aking Nanay para ilagay ang baso sa lababo at ibinalik ko na rin ang pitchel ng tubig sa refrigerator.


“Hahaha… basta eto lang mapapayo ko sa iyo anak ang pagmamahal di inuubos dapat nagtitira ka sa sarili mo para kung masaktan ka man andyan ka pa rin may natitira pang pagmamahal”


Parang pinipihit na volume ng stereo ang pagtawa ko papahina at papa-tigil ng papa-tigil hanggang sa tuluyang mawala.


“Paano anak matutulog na ako ikaw na ang bahala dyan… magpalit ka ng maayos na damit at wag ka magpatuyo ng pawis ha”


Muli na namang naging tahimik ang bawat sandali muling naging solo ko ang mundo para magisip at nang magisip sa mga bagay bagay na nangyari ngayon araw na ito kaya naitanong ko sa sarili ko “Kaya ko kayang magmahal? Kaya ko kayang suklian ang pagmamahal na maaring ibigay nya? Kaya ko kayang syang paligayahin kung sakaling maging kami?”


Pumasok na akong kwarto kumuha ng isang malinis na damit at nagpalit na rin para makatulog ng maaga, ngunit habang lumalapat ang aking katawan sa aking higaan hindi pa rin nagbabago ang lahat nailagay ko na sa aking batok ang aking dalawang kamay nakatingin sa kisame. Inaasam ko sa aking pagtulog na makuha ko ang kasagutang hinihingi ko at tuluyang pumikit ang aking mga mata.


Mula kina Yumi patuloy pa rin ang pagkukulitan ng mag-ama.


“Anak masaya ka?”


“Bakit mo naman naitanong Daddy? Masaya naman ako tignan mo nakangiti ako bakit mukha ba akong malungkot?”


Naupo sa tabi ni Yumi ang kanyang ama at nagsalita.


“Halika ka dito anak, dito sa tabi ko upo ka” agad naman lumapit si Yumi at naupo sa tabi ng kanyang ama.


“Ilang taon na ang nakakalipas buhat ng mawala ang Mommy mo pero kahit anong mangyari matatag ka pa rin hanga naman ako sayo sa katapangan at tibay ng loob mo”


“Di ba Daddy ganun ang sabi mo tayong dalawa na lang ang natitira?”

“Tama ka dyan tayong dalawa na lang ang natitira at tayong dalawa na lang ang magkasama pero hindi ibig sabihin noon na sating dalawa lang umiikot ang mundo”

“Po? Bakit Daddy?”


“Ibig kong sabihin may sarili ka pang buhay at pangarap na dapat tuparin, wag mo ubusin ang lahat ng panahon mo sa ating dalawa lang, tignan mo ang sarili mo dalaga ka na hindi ka na ang maliit kong prinsesa na dati ay karga ko lang sa aking mga bisig”


“Ayaw mo na ba sakin Daddy? Nahihirapan ka na ba? Magastos ba ang pagaaral ko? Kung ganun titigil na lang ako para tumulong sayo magtratrabaho na lang ako”


“Ang ibig kong sabihin may nagmamahal sayo, nararamdaman mo ba?”


“Po? Nagmamahal?”


“Daddy, wala akong panahon para sa ganyan ang mahalaga sakin po yung mga pangarap natin na dapat maabot”


“Paano ang pangarap mo?”


“May oras para sa mga pangarap ko”


“Paano kung wala ng oras, paano kung mapagod ang naghihintay?”


“Teka lang Daddy yung diretso naguguluhan ako si Tofie ba yan? Daddy hindi nanliligaw si Tofie sakin isa pa magkaibigan lang kami”


“Paano mo masasabi na walang nararamdaman ang isang tao sayo kung di nasasabi sayo ang totoong nilalaman ng puso?”


“Daddy, ilang beses ko po ipapaliwanag hindi po nanliligaw si Tofie sakin”


“Ngunit nakikita ko sa mga mata mo ang giliw pag kasama mo sya at panatag na panatag ka”


“Siguro dahil… dahil… dahil marunong sya sa piano, Oo tama magaling sya sa piano yun lang kaya ako nagigiliw sa kanya”


“Yun nga lang ba? Sige tapusin mo na ang mga ginagawa mo pagkatapos matulog ka na alam kong may klase ka pa bukas aakyat na ako para makapagpahinga marami ding trabaho sa opisina, Good night anak I love you”


“I love you too Daddy”


At muling dumalaw ang katahimikan sa buong paligid gaya ng pagtahimik ng isang kantang nasa pagtatapos nito…


There's a calm surrender to the rush of day

When the heat of the rolling world can be turned away
An enchanted moment, and it sees me through
It's enough for this restless warrior just to be with you
And can you feel the love tonight
It is where we are
It's enough for this wide-eyed wanderer
That we got this far
And can you feel the love tonight
How it's laid to rest
It's enough to make kings and vagabonds
Believe the very best
There's a time for everyone if they only learn
That the twisting kaleidoscope moves us all in turn
There's a rhyme and reason to the wild outdoors
When the heart of this star-crossed voyager beats in time with yours

Monday, May 2, 2011

Chapter 7: Your Hands Holding Mine (Chapter Ending)

“Anak entertain mo lang saglit ang bisita mo habang inaayos ko ang hapunan pati ang lamesa”

“Yes Daddy” muling bumaling sakin ng tingin si Yumi at sinabing..


“Maupo ka na Tofie, gusto mo juice, softdrinks?”


“Tubig na lang please?”


“Sure ka yun lang talaga?”


“Opo sure na sure”


“Okay wait lang kukuha ako ng tubig mo” at lumakad papuntang kusina si Yumi para kumuha ng tubig na maiinom ako naman naiwang nagiisa sa sala.


“Kamusta naman ang prinsesa ko? Mukhang kilig na kilig ka dyan”


“Daddy *** ha nang-iintriga ka na naman”


“Nang-iintriga ka dyang sinasabi mo eh kitang kita naman sa mga mata mo na ang saya-saya mong andito yang si Tofie atsaka diba ilang araw na rin yan ang nakukuwento mo sakin?”


“Daddy talaga hindi ka lang intregero, chikador ka din”


“Hmmm hoy Ayumi, di ka dapat sagot ng sagot kung sinu-sinong lalake na napapalapit sayo isa pa malay mo kung nagbabait-baitan lang yan sayo at may masamang balak sayo paano kung lokohin ka lang nyan?”


“Daddy hindi ganun si Tofie at alam kong di nya kayang magsinungaling sakin, isa pa anong sagot sagot dyan eh hindi ka nanliligaw yung tao, Daddy paabot nga ng isang malinis na baso sa cabinet”


“Ano?! Sa lagay na yan hindi pa nanliligaw sayo yan?”


“Daddy baka marinig ka ni Tofie!”


“Yushu… anu naman ngayon kung marinig nya ako kung talagang interesado sya sayo dapat maligaw na sya…”


“Dad close lang kami ni Tofie…. Close ganun oh close…” sabay lingkis ng dalawang daliri “Kaya akin na yang baso at baka mahimatay na yun sa uhaw”


“Ah basta kung maliligaw man sya dapat makilala kong maigi wag ka agad sagot ng sagot ng kung sinu-sino”


Naputol na lang ang usapan ng biglang tumunog ang mga tiklado ng lumang piano na nasa sala ng bahay at agad namang nagkatinginan ang mag-ama sa mga narinig.


Kaya nagmadaling bumalik si Yumi sa sala para tignan kung anung kaguluhan ang nangyayari. Pero mula sa kusina papuntang sala nararamdaman nya ang malumanay na tugtog nito na nakakagaan ng pakiramdam sa bawat tipa ng mga tiklado. Parang nasa gitna ng hardin na punong puno ng mga bulaklak habang unti-unting namumulaklak ang mga ito at nagsasabog ng halimuyak.


Ngunit bigla na lang itong tumigil sa gitna ng mga imahinasyon ni Yumi.


“Sorry kung nakagambala ako”


“Hin… hindi maganda nga eh anung tugtog yun?”


“Yun.. ginagawa ko kanina?”


“Yes?! Please?”


“Cat Stevens – Morning Has Broken”


“Galing mo talaga magpiano kaya kita teacher eh…”


“Hindi naman….”


“Sino nagturo sayong magpiano?” biglang subat ang Daddy ni Yumi sa likuran habang naguusap ang dalawa.


“Bata pa po ako mahlig na ako sa musika nagging inspirasyon ko din po ang Nanay ko dahil magaling syang kumanta”


“Daddy, andyan ka pala... di ko akalaing susunod ka sa likuran ko”


“Narinig ko kaya inusisa ko bakit masama ba yun anak ko?”


“He he he hindi naman hmmpt…”


“Luto na nga pala ang ulam tara na sa hapag kainan nang makakain na…” anyaya ng Daddy ni Yumi sa kanila


“Inumin mo muna yung tubig na kinuha ko para sayo Tofie…”


“Oo nga pala nakalimutan ko, salamat Yumi”


Naupo si Yumi sa tabi ni Tofie habang nasa harapan naman nila ang Daddy niya na tila kumukuha ng mga panakanakang tingin sa dalawa.


“Bagay kayong dalawa…” biglang sambit nito habang nagsasalin ng kanin sa plato si Yumi para kay Tofie…


“Ho?!” gulat na sagot ni Tofie


“Daddy?! Ayan ka na naman ha, wag mo pansinin si Daddy mahilig yan magbiro di ba Daddy…” sabay sipa sa paa ng kanyang Ama.


“Loko lang Tofie… Ha Ha Ha kain na baka lumamig ang pagkain” at habang kumakain nagumpisa na rin ang mga katunungan tungkol sa pagkatao ng isang Christopher Alcaraz.


“Anong trabaho ng Nanay mo Tofie?”


“Nagtitinda lang po mga isda sa palengke yun po kasi ang business ng pamilya naming”


“Eh ang Tatay mo?”


“Matagal na pong patay and Tatay ko bata pa po ako pumanaw na sya kaya si Nanay na lang at ako ang natira at magkasama ngayon”


“Ganun ba, kinalulungkot ko ang mga pangyayari”


“Okay lang po”


“Teka magkaklase ba kayo sa klase?”


“Hindi po, magkaiba kami ng course Bachelor or Music po ako”


“Eh di talagang maitatanggi na hilig mo ang music at kaya pala ang galing mong humawak at tumugtog ng piano”


“He he he pero patuloy pa rin po ako nagaaral para naman magawa kong maganda ang lahat ng gusto ko mas lalo na para din maempress ko ang nanay ko”


“Yumi!” biglang sigaw nito


“Po?!”


“Magaling sya magaling I like this guy, may guts at pangarap sige ipagpatuloy mo ang pagkain at marami pa tayong mapaguusapan habang lumilipas ang oras”


Dahil na rin sa mga usapan hindi na namalayan muli ang paglipas ng oras na unti-unting pumapatak sa hatinggabi. Halata sa mga halakhak ng Daddy ni Yumi ang labis na kasiyahan habang nakikinig sa paglalahad ng istorya ng buhay ng binata.


“Daddy, ayaw ko man pigilin kayo at mukha nagkakasiyahan na kayong dalawa sa lahat ng kwentuhan nyo eh hatinggabi na mahihirapan makauwi yan ng bahay”


“Oo nga di ko namalayan ang paglipas ng oras at talagang nagenjoy ako sa mga palitan natin ng idea bumalik ka dito sa susunod na araw para maituloy ang kwentuhan”


“Aba opo! Para din po marinig nyo yung mga kwentong hindi ko pa nailalahad sa iba lalo na sa mga musikang nalalaman ko”


“Sige gusto kong marinig yan, teka at ihahatid ko na ikaw sa kanto para makasakay ka na”


“Hindi na Daddy ako na lang po kayak o naman ihatid si Tofie hanggang sa may kanto para makasakay na sya”


“Kaya ka nga hinatid ng binata dito sa bahay para naman malamang ligtas ka tapos ngayon ikaw pa ang maghahatid sa kanya palabas binalewala mo lang yung pagod nya”


“Sige na Yumi and Daddy mo na lang ang bahala”


“Oh narinig mo na kaya bawal kang umangal”


“Oo na Dady narinig ko naman eh ano pa nga bang magagawa ko”


“Thanks ulit na nakilala ko ang pamilya mo salamat Yumi”


“Wala yun magiingat ka sa paguwi at magtext ka ha maghahantay ako baka na naman wala kang load pang text sabihin mo lang para mapasahan kita ulit ng load at di naman mamuti ang mata ko sa kakaantay sa text mo”


“May load ako don’t worry secure na yan para may pang text ako sayo”


“Paano iho tara na para makauwi ka ng maaga”


Kinuha ang knob ng pinto at kinabig papalayo ang sumunod ay humampas na lang ito sa sa pader hudat natuluyang nakalabas ng bahay ang kanyang ama at si Tofie. Muli namang sumulyap si Yumi sa papalayong binata para kumaway at sabihing wag kalimutang magtext sa kanya.


Ngunit di pa naman gaanong nakakalayo ang kanilang mga hakbang sa bahay muling nagsalita si Daddy ni Yumi sa binata.


“Ang ganda ng ngiti ng anak ko sayo Tofie”


“Po?!”


“Ngayon ko lang nakita ang ganyang mga ngiti sa kanyang labi buhat ng sumakabilang buhay ang kanyang ina”


Parang nawala ang boses ni Tofie parang paos na hindi makagawa ng kahit isang salita mula sa kanyang mga labi.


“Hindi sa sinasabi kong ligawan mo ang aking anak, ni hindi ko alam kung anung namamagitan sa inyong dalawa kung meron ba o wala pero isa lang masasabi ko kahit kaunti may nararamdamang especial para sayo si Yumi.”


“Tito bakit nyo po sinasabi sakin ito?”


“Sapagkat ramdam kong napakabuti mong tao at higit sa lahat mahalaga ka sa anak ko”