Tuesday, April 5, 2011

Chapter 7: You’re Hands Holding Mine Continuation

“Tara na masyadong ng late baka mapagalitan ka pa ni Daddy… mo!”

“Ayan ka na naman ha?!”


“Yan gumuhit din ang mga ngiti sa labi mo mas maganda kang tignan pag nakangiti ka hindi bagay sayo ang umiiyak”


“Parang ilang beses ng nagamit ang linyang yan sa mga pelikula”


“Hahaha.. ganun ba akala ko kakagat hehehehe pero pwera biro mas maganda at nakakagaan ng pakiramdam kapag nakangiti ka sa lahat ng mga problema mo”


“Salamat ng marami Tofie”


“Salamat saan?”


“Salamat kasi pinagaan mo yung pakiramdam ko kahit na mahirap atleast nailabas ko yung mga problema na nasa puso ko”


“Kaya nga wag ka na iiyak ha…”


Tamang tama ang busina ng dumaang bus na galing sa terminal.


“Ayun maluwag pa yung bus pwede na tayong sumakay dun”


“Sige”


Naupo kami malapit sa pintuan ng bus para madali na ring maka-kababa pagdating sa aming mga destinasyon. Kinuha ko ang wallet sa bulsa ng pantalon ko.


“Ay, Tofie ako na magbabayad, nanlibre ka na ng pagkain kanina pati ba naman pamasahe baka wala ka ng allowance nyan”


“Hindi meron pa naman don’t worry”


“Anung don’t worry hindi pwede yun parehas tayong estudyante at parehas natin alam na umaasa pa tayo sa ating magulang para sa mga allowance natin”


“Okay let’s make a deal for today ako muna magbabayad but sa next na magkasama tayo sa bus ikaw naman ang magbabayad okay ba?”


“Okay deal”


“Magbabayad na ba kayo? Panay kasi ang pagtatalo nyo kung sino magbabayad sa inyong dalawa pwede naman hatiin nyo”


“Eto na nga po magbabayad na nga po cool lang Manong puso mo”


“Ang tagal kasi eh”


“Pasensya na po cool lang smile lang Manong gwapo ka namang tignan pag nakasmile ka”


“Hello matagal na po”


“Nyek!”


“Ano Tofie may sasabihin ka pa ba kay Manong tanggap na niya ang kagwapuhan nya”


“Wala na talo na nga ako suko na bataan ko, sige na Manong maningil na kayo ng pasahe sa mga pasahero”


Natawa na lang si Yumi sa pag-alis ni Manong, nakita ko na muli ang ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi mas panatag na ang lahat para sakin.


“Yumi…”


“Oh…” habang nakasulyap si Yumi sa labas ng sasakyan sa lahat ng nadadaanan nito ang mga tindahan, gusali at mga taong nadaraanan nito.


“Ano yun Tofie? Ano yung sasabihin mo?”


“Ha? Ako may sasabihin ah, Oo nga pala may tindahan dyan ng mga instrument minsan dyan ako tumitingin ng mga magagamit ko”


“Ah ganun ba saan banda”


“Teka madadaanan na natin teka lang baka lagpas na tayo sa tindahan mabilis kasi yung nasakyan natin eh”


“Hahaha late na kasi kaya wala rin masyadong traffic ngayong mga sandaling ito”


“Sabagay, teka nga pala hindi ba delikado sa baba-baan mo?”


“Hindi naman siguro tsaka marami namang ilaw banda dun kaya sure ako ligtas ako”


“Sige hatid na kita ha”


“Baka ikaw naman ang gabihin”


“Hindi lalake ako walang problema dun, isa pa niyaya kita ng date kaya dapat lang na ihatid kita”


“Talagang pinanindigan mo ng date ha”


“Simpleng date lang hahahaha”


Pero sa isip ni Yumi nagumpisang gumuhit ang mga damdaming hindi lang isang simpleng date ang mga pangyayari kanina ng dahil kay Tofie naramdaman nyang gumaan ang mga problemang dala dala niya kaya nagpapasalamat sya dahil naramdaman niya ang pagpapahalaga ng isang tao bukod sa kanyang ama.


Tumunog ang cellphone ni Yumi kaya kunuha niya ito mula sa kanyang bag at binasa ang mga mensahe.


“Si Daddy nagtext nagaalala kung nasaan na daw ako dahil gabi na rin” agad naman syang nagreply sa mensahe ng kanyang Daddy.


“Anong text mo sa Daddy mo?”


“Text ko sa kanya na pauwi na ako at ihahatid ako ng isang lalake”


“Ha? Baka naman katayin ako sa inyo?”


“Hahaha hindi naman ganun si Daddy mabait yun isa maganda na rin yung magkakilala kayong dalawa”


“Hindi ba nakakahiya?”


“Bakit ka naman mahihiya ayan o nagreply sya papuntahin ka daw sa bahay para makilala ka nya”


“Wah!? Ganun?”


“Ayan di ako ang naginvite si Daddy ang naginvite kaya bawal tumanggi”


Pagkababa ng bus naglakad na kami papunta sa isang simpleng subdivision kung saan sila nakatira. Mula sa gate pinabilang nya sakin ang bawat iskinita na madadaanan naming dahil gusto nya mapamilyar ko ang sarili ko sa lugar para alam ko rin ang pasikot sikot. Ilang liko, ilang hakbang at ilang kabahayan din ang nadaanan namin at sa wakas narating din namin ang isang kulay puting bahay at gate na kulay pula simple lang ang bahay puno ng mga halaman sa tabi nito mga rosas na namumulaklak kahit sa dilim ng gabi maaninag mo.


At habang papalapit kami sa bahay nila Yumi nakatayo ang isang anino ng isang lalake malamang sya ang Daddy ni Yumi, hindi nga ako nagkamali sya nga ang Daddy ni Yumi dahil agad itong sumalubong sa amin.


“Yumi, bakit ginabi ka ng uwi?”


“Ah Daddy pasensya na po nagpaturo po kasi ako magpiano kay Tofie”


“Ganun ba”


“Magandang gabi po, ako po si Christopher Alcaraz, Tofie na lang po”


“Magandang gabi din naman, ikaw pala ang nagtuturo ng piano sa anak ko maraming salamat sa tyaga mo para turuan ang anak ko”


“Wala pong anuman pasensya na po kayo at ginabi medyo niyaya ko po kasi siyang magmerienda at magkwentuhan eh medyo napasarap kaya po ginabi, sorry po ulit”


“Okay lang may tiwala ako sa anak ko, hmmm kumain na ba kayo? Dito ka na maghapunan iho”


“Aba, Daddy nagluto ka pala infairness gusto ko malaman kung kaya mong tapatan ang mga niluluto kong ulam”


“Ikaw talaga, Yumi… Dito ka maghapunan Tofie diba? Inimbitahan kita kaya wag kang tatanggi?”


“Ho?! Sige po sabi nyo po bawal tumanggi eh”


“Hahaha… tuloy na tayo sa loob tara na”


Sa isip-isip ko sana wag akong katayin ng mga tanong ng Daddy ni Yumi baka anu pa ang masabi ko at kung mali tyak di ako makakauwi ng buhay…