Monday, March 28, 2011

Chapter 7: You’re Hands Holding Mine Continuation

“So kamusta naman ang buhay ng isang estudyanteng Ayumi Santos?” habang tinutusok ko ang barbeque stick sa isang kwek-kwek na nakahain.

“Hahaha… Bakit mo naman gusto malaman, Christopher Alcaraz?”


“Hmmm…” sabay kagat sa isang kwek-kwek “Wala lang gusto ko lang malaman”


“Well to tell you the truth busy naman talaga ako sa studies daming projects and activities pero kahit na ganun nagagawa ko pa naman ang lahat”


“Good… kaya naman sikat sa campus ang dami mo kasing projects and accomplishments and most probably ikaw din ang top sa course nyo”


“Hindi naman…”


“Manong patake-out ng apat na piraso at isang palamig, ikaw Yumi anu pa gusto mo? Pili ka lang libre ko”


“Sure!! Manong apat na sticks pa!”


“Waohhhh!!! Teka… teka apat na sticks?”


“Oo sabi mo libre mo ko”


“Oo sinabi ko nga pero kaya mo bang ubusin yan?”


“Hindi… dalawa sakin at sa Daddy ko”


“Ah para kay Dad!”


“Dad?!”


“Dad mo! Kinulang lang ako… hmmmm ikaw ha!”


“Okay kasi lilinawin mo”


“Sige sa susunod po hahahaha…. Bayaran mo na”


“Heto na nga po nadukot na sa wallet, magkano po Manong?”


“Anim na stick ng kwek-kwek 60 at dalawang palamig 10 bale 70 lahat”


“Eto po yung bayad, salamat Manong… ayan bayad na lakad na tayo?”


“Okay…”


“So ikaw naman ang magkwento anong mayroon sa buhay ng isang Christopher Alcaraz?”


“Sakin ang nasa buhay ko? Ano nga ba? Hmmmm….?”


“Come on I’m sure there is mysteries behind your personality?”


“Actually what you see is what you get”


“Ha?”


“Okay okay bago pa man tumakbo ang mga idea sa isip mo explain ko na”


“Shoot!”


“Ibig sabihin kung anung nakikita mo sakin sa physical appearance ganun din ang trait ko, if you see me full of gadgets or sparkling things ibig sabihin mayaman pero hindi di ba wala din akong angas pagdating sa porma…. Hmmmm some say pinoy na pinoy hindi conyo or trasher”


“Kasi typical student ang tingin sayo and ikaw yun”


“Hahaha you got my point”


“Sympre naman ikaw nung first mo akong nakita what is your impressions?”


“First impressions, ah…. Matalino well of course lahat ng student sa campus kilala ka, mabait at simple kaya lang minsan….”


“Minsan…. Misleading kasi sa mga barkada ko?”


“Somewhat ganun na pero bakit sila ang napili mong gawing barkada? I mean hindi bagay sa attitude mo ang kanilang attitude and the way they act hindi makatao most specially yung babaeng maputi na lagging nakahigh heels”


“Si Cheska?”


“Oo sya nga”


“Pinsan ko sya”


“Ah pinsan mo… ANO!!! Pinsan mo yung… pero paanong…. Magkaiba kayo ng….”


“Her mom and my mom were sisters…”


“So ibig sabihin mayaman ka….”


“Hindi sila lang…”


“Paanong nangyari yung ganun?”


“Namulat ang Daddy ko sa kahirapan nagmula sya sa isang simpleng pamilya natural na pamumuhay pero kahit ganun ang buhay ng pamilya ni Daddy nagawa nyang makatapos ng pagaaral sa sariling mga paa”


Patuloy pa rin ang paglalahad ni Yumi ng kanyang kwento samantalang ako ay taimtim na nakikinig at nakikiramdam sa bawat salitang binibitiwan niya.


“Working student si Daddy nung mga panahon na yun para may pantustos sa pagaaral nya kinailangan nyang pumasok na Janitor sa school that’s when he met Mom at first ayaw ni Dad lumapit kasi baka isnabin lang sya nito pero mabait naman si Mom everyone is welcome to her circle of friends and the moment na nagtry si Daddy lumapit kay Mommy hindi sya napahiya she even entertain Daddy by that time and it all began at that day”


“I wanna hear more of their story would you please tell me more?”


“Sure… first let’s sit for awhile”

“Sige ayun dun tayo sa bench”

“Okay…”


Pinauna kong paupuin sa upuan si Yumi pagkatapos ay bigla na lang nyang inabot ang pinabalot naming kwek-kwek.


“Kain…”


“Pero diba para kay Daddy mo to?”


“Don’t worry kaya kong magluto nyan isa pa malamig na yan pagdating ng bahay at di na masarap kainin pag ganun”


“Okay kakainin ko to pero tuloy mo kwento mo? Deal?”


“Sure”


“Game continue…”


“My Daddy started courting my Mommy kahit na madaming lalaking umaaligid sa kanya at alam ni Daddy na hindi niya kayang makipagsabayan sa kanila lagi na lang nagkukubli si Daddy sa mga kamag-anak ni Mommy, ano nga naman ang ipapanalo mo sa magreregalo ng mamahaling bag, sapatos, alahas at kung anu-ano pa, samantalang si Daddy idinadaan nya lang ang lahat sa isang sulat.”


“Aba makata din pala ang Daddy…… mo?”


“Talagang sinasadya mo ha”


“Bakit naisunod ko naman agad ah”


“Bulaan, hahaha hanggang sa dumating ang panahon na nalaman ng family ni Mommy ang panliligaw ni Daddy nagalit sila kay Mommy pinaghigpitan pinagbawalan makita si Daddy pati sa pagaaral nito batay sarado ang lahat pero talagang pagumibig ang isang tao ng tunay walang makapaghihiwalay sa kanila. Iniwan ni Mommy ang buhay ng isang marangya minabuti niyang harapin ang tunay na buhay kasama si Daddy…”


Don't know how long
It's been a while since
You told me...your favorite story
It's been on my mind
Driving me crazy
Am I the reason that (you're crying now) harmony

I see the tears in your eyes
They tell me you don't believe
That I can't be...your prince charming


“Kinasal silang dalawa sa isang simpleng araw simpleng handaan simpleng preparasyon pero hindi kailanman tinalikuran ni Mommy at Daddy ang pagiging anak nila sa kanilang mga magulang, inimbitahan nila ang mga magulang ni Mommy sa kasal pero ni isa sa kanila walang sumipot kahit kapatid walang aninong tumapak sa mga sandaling yun”


“Ngunit dahil ito ang kaligayahan at pinasya ni Mommy pinandigan niya ang lahat nagsumikap sya bilang isang mabuting may bahay at di lumaon maging isang ina, itinuro sakin ni Mommy ang pagtugtog ng piano sa bawat araw na dumaan sa aming mag-anak kahit isang beses hindi ko nakita ang pagsisi kay Mommy naging proud pa sya sa kanyang ginawa at sa tuwing makikita ko ang Mommy at Daddy ko magkayakap at magkasama sa lahat ng problema lagi akong nakangiti sa harap nila parang walang puang ang kalungkutan sa aming pamilya”


Maybe you can't understand
But when you (said you loved me)
My life was (changed
And I wish you could see)

I'm willing to
be the one
and the angel that you love
with open arms
I'll always be there

You must believe
That you and me
Will end up living happily
In our own fairytale story


“Ngunit sabi nga nila sa mundo walang permanente lahat may oras lahat panandalian lang. Nagkasakit si Mommy sa puso dala na marahil ng sobrang pagiisip at pagdaramdam sa mga nakaraang panahon. Si Daddy na mismo ang lumapit sa pamilya ni Mommy para humingi ng tulong pero talagang matigas ang puso ng mga magulang niya at nanaig pa rin ang galit sa kanila hanggang sa pumanaw si Mommy sa harap ko na tanging binabanggit ang parangarap ko ikaw ang magtuloy ikaw ang magparamdam ng tunay na pagmamahal sa bawat isa sa kanila”


I see the tears in your eyes
They tell me you don't believe
That I can't be...your prince charming

Maybe you can't understand
But when you said you loved me
My life was changed
And I wish you could see

I want to be
be the one
and the angel that you love
with open arms
I'll always be there

You must believe
That you and me
Will end up living happily
In our own fairytale story


“Nakita ko na lang umagos ang luha sa mga mata ni Yumi ng mga sandaling yun, hindi ko maisip kung anung salita ang babanggitin para mawala ang sakit na nararamdaman niya. Pero habang nanariwa sa isip ko ang mga pangyayaring naikuwento nya para akong batong unti-unting nagiging alikabok”

“Dun ko lang nakita ang Daddy ko na puno ng hinagpis at lungkot sa buong buhay niya ang dating masaya at maligayang pamilya ngayon ay napalitan ng lungkot kaya mula noon pinangako sa sarili ko na tutuparin ko ang pinangako ko kay Mommy… hahaha pasensya na ang drama ko”

“Eto oh…”


“Salamat….”


“Alam ko kaya mo….”


“Ha?”


“Kayang kaya mong abutin ang pangakong iniwan sayo ng Mommy mo at kayang kaya mong iparating sa mga magulang niya ang pagmamahal niya sa kanila”


“Paano mo nasabi?”


“Ang sabi nila ang anak ang bahalang magpatuloy ng nasimulan ng kanilang mga magulang at mahihigitan pa nila ang kanilang mga magulang dahil….”


“Dahil…?”


“Dahil baon nila ang pagmamahal na itinuro nila sa kanilang mga anak, Salamat Yumi ibinahagi mo sakin ang parte ng buhay mo”

Tuesday, March 15, 2011

Chapter 7: You're Hands Holding Mine Continuation

Napatingin ko ng tuwid sa kanyang mga mata, parang nagsasalita pawing nangungusap di ko mawaripero mas lalong bumulis ang tibok ng puso ko…

“Hoy, Tofie okay ka lang?”


“Ha?!”


“Sabi ko kung okay ka lang kasi tinatanong kita di ka sumagot, nakaistorbo ba ako kaya tumigil ka?”


“Hindi.. hindi naman sa ganusn anu kasi… kasi…”


“Kasi ano?”


“Kasi hindi ako sanay na tumutugtog….” tumungo lang ako at muling nagsalita “Sa harap ng isang babae” Narinig ko ang pagtawa ni Yumi dahil sa sinabi ko…


“Tofie…”


“Hmmm…” hinawakan niya ang baba ko at ingat ito para makita ko sya ng malapitan


“Thank you…”


“Ha?”


“Thank you dahil kahit paano natutupad ko ang pangako ko sa mommy ko”


“Ah ganun ba wag mo isipin yun”


“Ehemmmm… I’m amazed how you transfer knowledge to her Mr. Alcaraz”


“Ms. Dulce!? Go..Good Evening po”


“Good Evening to the both of you Ms. Santos and Mr. Alacaraz”


“Kilala nyo po ako Ms. Dulce?”


“Yes sino naman ang di makakakilala sa isang katulad mo active sa extracurricular activities ng school, one of the best student sa sarili mong course”


“Thank you Ms. Dulce”


“You two should walk home now and Mr. Alcaraz that was a nice performance I hope you are starting your project. Again good evening”


Nang narinig na naming lumabas si Ms. Dulce ng auditorium nagumpisa na rin kaming magempake ng mga gamit at muling isa-ayos ang mga ginamit naming at sabay na kaming lumabas ng gusali.


“Tignan mo kilala ka pala ng lahat ng mga teacher sa school parang ako yata ang dapat maging proud dahil naging studyante kita… he..he..he”


“Hindi naman pero ayaw ko sanang na-treat ng special ng kahit sino dahil ordinaryong tao lang naman ako”


“Sabagay tama ka naman pero iba iba kasi ang isip ng tao may iba na gusto maging sikat para hangaan meron naman gusto lang para may maipagmamayabang”


“Yan naman ng mga taong ang tawag ko ay electric fan”


“Hahaha… kahit papaano may side ka rin palang wild thinker”


“Hindi naman… okay kana labas na tayo ng building baka masarhan pa tayo ng gate”


“Okay na ako lakad na tayo”


“Maitanong ko lang pala Yumi, bakit gusting-gusto mo matuto tumugtog ng piano?”


“Di ba naipaliwanag ko na sayo… pangarap kasi ng nasira kong Mommy ang tumugtog ng piano nung maliit pa ako sabay kaming naglalaro sa harap ng piano, siya ang bahalang gumawa ng mga tono ako naman ang kakanta”


“Waow talaga edi magaling pala talaga ang Mommy? Este Mommy mo?”


“Hahaha nadudulas dila mo… magaling naman si Mommy pero wala siyang formal education pagdating sa music”


“Eh bakit naman hindi musical arts ang kinuha mong course?”


“Kailangan kasi ni Daddy ng hahalili sa kanya para sa negosyo gusto ko rin syang tulungan dahil sya na rin lang ang natitira kong magulang isa pa mahal na mahal ko din sya pero ayaw ko din isang tabi ang pangarap ni Mommy”


I love you
I don't know what else to say
'cause I long for you more each day
I need you
I want to feel your embrace
And have a chance to touch your face

I was lost and alone
But you showed me the way
Now I call you my own
Things will never be the same


“Ang bait mo naman palang anak…”


“Hindi naman tumatanaw lang ako ng utang na loob at dahil mahal ko rin sila ikaw bakit hindi ka naman magkwento ng buhay mo parang ako lang lagi ang sumasagot sa tanong”


“Ah?! Sige magkukuwento ako pero sa isang kondisyon?”

“Ha? Kwento lang may kondisyon pa?”

“Sige na?”


“Sige na nga”


“Okay kain tayo ng kwek-kwek? Fishball o kaya squid ball?”


“Ha? Niyaya mo ba ako ng isang date?”


“Date? Sige.. sige isang simple at maayos na date okay ba sayo yun Binibini?”


How could I've known
You will hold me close so tenderly
Even though I'm alone
I can feel your arms enfolding me
And that love, became mine in just one night
When you held me tight
Oooh... it felt so right

I feel you
You're always here in my heart
It's where I've kept you since we fell apart

I was lost and alone
But you showed me the way
Can't go on, on my own
Wishin' that you would stay


“Aba, Mr. Alcaraz di ko alam na ganyan ka ka-pormal pagdating sa pagyaya ng magiging kadate mo? Nakakapanibago hahaha”


“Hindi naman espesyal lang ang araw na to”


“Espesyal bakit naman naging espesyal?”


“Hmmm… kasi wala hahahaha naisip ko lang yung salitang espesyal tara na masarap magluto ng kwek-kwek yung pinagbibilhan ko dun malinis siya wag ka magalala”


“Nyek, ngayon ka pa nahiya pagkatapos mo akong yayain kumain sa karinderia di naman ako pihikan hahahaha”


“Ay oo nga pala nakalimutan ko na tignan mo ilang araw na rin pala ang lumipas bago ulit tayo nagkaroon ng date na ganito”


“Sabagay!”


“Takbo tayo! Kung sino mahuli siya magbabayad ng kakainin?”


“Aba, ang usapan kanina ikaw ang manlilibre kaya nga date”


How could I've known
You will hold me close so tenderly
Even though I'm alone
I can feel your arms enfolding me
And that love, became mine in just one night
When you held me tight
Oooh... it felt so right


“Basta….” Kaya kumaripas na ako ng takbo at naiwan sya sa likuran ngunit bigla na lang syang sumigaw


“Teka hoy… Christopher….” Pinilit kong tumakbo ng paatras.


“Anung tawag mo sakin Christopher? Second time mo palang akong tinatawag sa firstname ko dati rati ang tawag mo sakin Tofie, alam mo bang isang tao lang ang natawag sakin ng Christopher”


“Anong ibig mo sabihin dun?”


“Hmmm… wala lang…” kaya karipas na naman ako ng takbo papalayo sa kanya


“Naku ikaw talagang lalake ka pasaway ka”


“Habulin mo ko Ms. Ayumi Santos”


“Pagnaabutan kita Mr. Christopher Alcaraz humanda ka!”


“Kung maabutan mo ko Ms. Ayumi Santos!!!”


How could I've know (how could I've known… ohh)
(Ooh)You will hold me close so tenderly (oohh)
(Ooh)Even though I'm alone
I can feel your arms enfolding me (your arms enfold me)
And that love, became mine in just one night
When you held me tight
Oooh... it felt so right
Felt so right…
Hmmm… felt so right.

Wednesday, March 2, 2011

Chapter 7: You’re Hands Holding Mine

“Okay… first thing first, do you know how to read notes?”

“Yep, I know how to read notes pero hindi ko masyado kabisado lahat”

“Good…”

“Good?”

“I mean that’s good kasi alam mo magbasa ng notes kahit basic lang”

“Ah okay akala ko naman good kasi basic lang ang dapat kong malaman”
“Hindi naman… maganda kasi may solid foundation ka pagdating sa music for start music notes have several parts..”

“Parts?”

“Yep, parang katawan ng tao may mga parts din ang music notes first we have the head next the stem and last is the flag sympre may mga klase din ng flag at head”

“Wow ngayon ko lang nalaman na may ganun klaseng idea pla pagdating sa music notes”

“Hahaha… ngayon alam mo na diba?, ngayon naman malalaman mo ang pitch sa pamamagitan ng head kung saan linya nakatapat ang head nito sa music sheet pag walang head ang music note ibig sabihin wala syang isang definite pitch”

“Grabe ang galing-galing mo naman talaga”

“Nyek” napakamot na lang ako sa ulo ko nang mismong si Yumi ang humanga sa kakayahan ko bukod kasi kay Nanay wala ng ibang nakakaunawa sa talent ko.

“Teka… may dala nga pala akong music sheets” bumaba ako ng entablado pagkatapos hinalungkat ko ang bag ko at nang makuha ko nakita ko na lang binabasa nya ang sinulat kong composition na naiwan ko sa ibabaw ng piano kaya dali-dali akong tumakbo sa kinatatayuan nya…

“Ooppss bawal yan…” agad kong kinuha ang notebook ko na hawak nya…

“Parang binabasa lang naman… pero maganda ha! Gumagawa ka rin pala ng mga kanta?”

“Hmmm… medyo pero depende sa mood sympre”

“Sige na patingin…” kaya inagaw nya ang notebook ko mula sa mga kamay ko

“Hindi nga pwede”

“Ang damot naman nito”

“Kasi hindi pa tapos pero pag natapos ko ipapabasa ko sayo ikaw ang una”

“Sige na nga!”

“Buti naman… teka balik tayo sa pinaguusapan natin, sa music notes may ibat ibang klase may whole, half, quarter, eight, sixteenth and thirty second note yan ang mga klase ng music notes”

“Pwede ko bang hiramin etong music sheet mo?”

“Sige walang problema ingatan mo lang… please?”

“Yey! Thanks Tofie!”

Para akong nakakita ng batang binigyan ng candy na tuwang tuwang habang inaabot mo sa kanya. Walang pagsidlan ang kanyang ngiti na nakaguhit sa kanyang maamo at magandang mukha para talagang angel ang makikita mo sa kanya.

“Bakit ka nakatingin sa akin may dumi ba ako sa mukha?”
“Ha?! Ah… wala nabigla lang ako sa reaction mo kasi kaya ganun pasensya ka na”

“Okay sabi mo pero natutuwa talaga ako pinahiram mo sakin yung music sheet mo”

“Para yun lang sobra ka pala kung matuwa” sabay tawa ako sa kanya habang blankong-blanko ang kanyang mukha na nakatingin sa akin.

Natapos ang ilang oras ng pagtuturo, ilang oras na puro pagsasalita sa kanyang harapan samantalang siya ay manghang sa mga pinagsasabi pero di ko talaga mawari kung tama ang mga tinuturo ko sa kanya dahil naiilang akong kasama ko sya ngayon samantalang sa labas ng gusaling ito pilit kaming pinaglalayo.

“Teka, Tofie kung marunong kang gumawa at magsulat ng isang awit isa lang ang nasa isip ko!”

“At ano naman yang nasa isip mo. Ms. Ayumi Santos?”

“Na magaling ka kumanta!”

“Oh ano naman ngayon kung magaling akong kumanta?” sana naman wag akong pakantahin ni Yumi tiyak ako mawawala lang ako sa concentration pag kumanta ako sa harap nya lalo na andito pa sa auditorium.

“Sample naman dyan oh!?” sabay tulak ng siko sa tagiliran ako

“Ayaw ko nga!”

“Aba! Nahiya pa tayong dalawa na nga lang ang nandito walang ibang nakakarinig at nakakapanood”

“Hindi naman yun…”

“Bakit kanino ka pa mahihiya? Sakin?”

“Kung alam mo lang…”

“Ano? May sinasabi ka Tofie?”

“Ha?! Wala… may sinabi ba ako wala naman baka may naririnig ka lang hala ka!”

“Nyek ako pa tinakot di ako takot sa ganun, hahahahaha” bigla na lang lumakad palayo sakin

“Oh, saan ka pupunta?”

“Teka setup ko yung entablado para makakanta ka”

“Hoy! Di pa ako umu-Oo sa favor mo”

“Bawal ang sagot na hindi ka wala kang ibang choice”

Binuksan ang nagiisang spot light pagktapos ang stage light at ang mga dim light kaunting adjustment sa sound system at microphone and live na ang performance sa empty auditorium. At muli syang lumapit sa kinatatayuan ako.

“Tayo ka muna, Tofie…”

“Bakit?” Bigla na lang nya tinulak ang piano papunta sa gitna samantalang ako nakatanga lang sa ginagawa nya…

“Isunod mo dito yung upuan”

“Ha?! Upuan? Sige…” pagkatapos bumalik sya sa back stage at isinaayos nya ang wireless mic na tama lang ang taas para sa taong tutugtog ng piano at kakanta…

“Ready ka na?”

“Ha?! Seryoso ka talaga Yumi papakantahin mo ako?”

“Bakit mukhang hindi ba? Sige na tumugtog ka na”

“Teka! Saan ka na naman pupunta?”

“Sympre sa audience para makita kitang magperform” naupo sya sa gitnang bahagi ng entablado at kumaway sakin.

“Ready na?!” tanong niya

Kaya lumapit ako sa piano at naupo sa silyang kaninang inilagay ko.

“Yumi, sigurado ka ba talaga? Hindi maganda ang boses ko”

“Sigurado ako tsaka tigilan mo na yang pagpre-pretend mo hindi maganda boses mo”

Huminga na lang ako ng malalim pagkatapos, pumikit “Kaya mo yan, Tofie… kaya mo yan wag kang kakabahan” bulong ko sa sarili ko at unti-unti ko nang pinagalaw ang mga daliri ko.

It's a little bit funny this feeling inside
I'm not one of those who can easily hide
I don't have much money but boy if I did
I'd buy a big house where we both could live
If I was a sculptor, but then again, no

Ayaw kong dumilat, ayaw ko imulat ang mga mata ko gusto ko lang ramdamin ang pag-galaw ng mga daliri ko at ang musikang ginagawa nito habang naglalaro sa mga tiklado. Natatakot akong magkamali oras na maimulat ko ang mga mata ko at makita ko syang nasa harap ko at nakikinig sa awitin ko.

Or a man who makes potions in a travelling show
I know it's not much but it's the best I can do
My gift is my song and this one's for you
And you can tell everybody this is your song
It may be quite simple but now that it's done
I hope you don't mind
I hope you don't mind that I put down in words
How wonderful life is while you're in the world

Pero ang bilis ng tibok ng puso nararamdaman kong nanunuyo ang lalamuna ko at natutuyo ang labi ko pero pinagpapawisan ako ng malamig hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang hirap pala talaga pigilin ang tunay na nararamdam mo sa isang tao lalo na kung pilit mong itinatago mas lalong lalabas at maipapakita mo ito hindi man sa salita pero sa bawat kilos at kumpas ng mga kamay.
I sat on the roof and kicked off the moss
Well a few of the verses well they've got me quite cross
But the sun's been quite kind while I wrote this song
It's for people like you that keep it turned on
So excuse me forgetting but these things I do

Nang sinubukan kong imulat ang mga mata ko at inikot ang paningin sa lugar kung saan ko sya huling nakita binitawan ko na ng tuluyan ang mga tiklado.

“Yumi?”

“Bakit mo itinigil?” laking gulat ko ng makita kong nasa likuran ko sya at muling nagtanong

“Bakit ka tumigil, Tofie? May problema ba?”