Monday, January 31, 2011

Chapter 6: A Promise Not Meant To Be Broken Continuation....

Natapos ang buong maghapon ng pero gaya ng dati wala pa rin akong natatanggap na text kahit kanino maliban na lang sa nagiisang text ng network para lang ipaalala sakin ang expiration ng load ko. kaya pinasya ko na lang ilagay sa drawer ang cellphone ko at gawin ang mga assignment ko kesa magantay sa kung anong text ng kung sino-sinu at least hindi pa masisira ang araw ko.

Binuklat ko na ang bag ko inilatag sa lamesa ang mga libro at ilang notebook inisa-isa ko ang mga pahina nito para magreview dahil malakiang posibilidad na magbigay ng pop quiz ang teacher ko, sabagay dun naman sya kilala kaya nga ang tawag sa kanya Ms. Popz gayun paman magaling syang guro at talagang matiyaga siya sa kanyang mga estudyante. Kaya hindi ko kinakalimutan ang kahit anong mga term na sinasabi nya sa klase lalo na yung mga words to take down. Dahil tiyak akong lalabas ang mga yan sa pop quiz niya.


Sa isang blanking pahina ng notebook ko isinulat ang mga pointers to review pagkatapos isa-isa kong binalikan ang lahat ng mahahalagang bagay na nadiscussed sa klase. Para ma-enjoy ko ang pagrereview muli akong lumabas ng bahay para bumili ng makakaing-sitsirya. Isang maliit na piatos sour cream flavor at cheese cake at isang ice tea litro.


Pagpasok ko sa bahay nagtaka ako bakit wala si Daddy sa may sala samantalang bukas ang TV, kaya hinanap ko sya, kinatok ko ang CR kung andun siya pero walang sumasagot pinuntahan ko ang kwarto niya pero wala sya dun kaya napilitan akong silipin ang kwarto ko baka sakaling andun siya. Pero nagulat sa mga sumunod na pangyayari.


“Daddy! Bakit mo hawak ang cellphone ko!” sabay lapit ako sa kanyang kinatatayuan


“Kasi anak kanina pa ring ng ring ang cellphone mo naririnig ko sa may sala akala kung kaninong cellphone kaya hinanap ko pinahirapan mo pa nga ako kasi sa drawer nakalagay.”


“Pero kahit na Daddy sana hinantay mo na lang ako saglit lang naman ako kasi bumili ako ng makakain habang nagrereview”


“O siya sige eto na ang cellphone mo mahal na prinsesa, concern lang naman baka mamaya importante yung tawag sayo, pahinga nga nyang dala mo”


“Hmmm ikaw talaga Daddy, eto sayo na tong may bawas na kasi binuksan mo cellphone ko”


“Salamat!” lumakad palabas ng pinto maya-maya’y lumingon at nagsalita


“Ring… Ring… Ring… Tofie is calling… Ring… Ring…”


“Wahhhhhh!!! Daddy binuksan mo pa ang nalaman mo kung sino tumawag sa cellphone ko” kaya kumaripas ng takbo si Daddy palabas ng akmang ibabato ko sa kanya ng hawak kong unan, ngunit huli ang lahat nakaalis kaagad sya sa kanyang kinatatayuan. Kaya binalikan ko muli ang cellphone ko.


“Talaga ka lang, Tofie wrong timing ka pa kung tumawag di ko pa hawak ang cellphone” sumbat ko sa harap ng cellphone habang hawak ko ito.


“Waow 20 missed calls, seryoso?” pati ako napatanong kung totoo ang number of missed calls ni Tofie kahit na hawak ko na ang cellphone at nasa harap ko na ang patunay parang hindi pa rin ako makapaniwala.


Nang basahin ko naman ang lahat ng inbox ko para kanyang mensahe natawa na lang ako sa nabasa ko mga salitang normal lang sa pakikipagtext at magkakaibigan “Kamusta ka Yumi, Ano gawa mo ngayon?”


“Ang dami mong missed calls tapos yun lang pala ang laman ng nagiisa mong text message kamusta ako at anong ginagawa ko, hmmmmpt…”


Natapos ang isang gabing puno ng palitan ng text, kwentuhan kung anung nangyari sa loob ng maghapon na umaasang huwag sanang matapos ang bawat sandali sa oras ng kwentuhan sa text. Di na rin alintana ang bukas na darating.


Nakatulog akong nakalagay ang cellphone sa unan ko ngunit ang mga palad ko ay nanatiling nakatakip sa screen, tulog ang katawan ko ngunit gising ang diwa ko baka sakaling magtext si Yumi ng kahit anong oras at least makakapagreply agad ako. Sa kasamang palad wala naman akong natanggap na text mula sa kanya bagkus nagalarm lang ang cellphone ko at muli ko na namang narinig ang boses ni Nanay mula sa kusina….


“Tofieee!!!! Tanghali na…..”


Bumalikwas lang ako saglit sa kama at muling tumingin sa wall clock… “Maaga pa naman si Nanay talaga”


Muling bumagsak ang katawan ko sa kama ngunit di pa man nakakalapat ng matagal ang likod ko sa malambot na kutson “Tofieee!!!! Ano ba tanghali na….”


“Opo, tatayo na po ako” tumayo ako pagkatapos hinila ko agad ang naka-hanger na tuwalya at lumabas ng kwarto.


“Good Morning, Nanay”


“Good Morning, hmmp… anong oras ka na naman natulog kagabi alam mo naman may pasok ka kinabukasan?”


“Hindi kaya Nanay ang aga ko nga nakatulog eh”


“Paanong maaga? Nagising ako sa tunog ng pate-text mo kaninang medaling araw”


“Naku baka di po ako yun baka ang naririnig mo yung radio sa kabilang bahay”


“Asus magpapalusot ka pa, di ko nakita ang charger ko kagabi kaya alam ko gamit mo”


“Hindi naman po inabot ng medaling araw”


“Huwag ka ng magpalusot dahil huli ka na sige na maligo ka na baka mas lalo kang malate sa klase mo, Lunes na lunes late ka di magandang simula yun sa klase”


Kaya bago pa man humaba ang usapan at paliwanagan namin mag-ina naligo ako ng mabilisan at nagbihis pagkatapos ay nag-almusal kasabay ni Nanay pero hindi pa rin natapos ang diskusyunan namin dalawa habang kumakain nakuha pa niyang usisain kung sino ang katext ko sa buong magdamag. Pero sympre todo tago at tangi ako kung sino ang ka-text ko mahirap nab aka sabihin ni Nanay nagpapabaya na ako sa pagaaral at puro panliligaw na lang ang inaatupag ko.


Inaantok talaga ako kaya di ko mapigilang maka-idlip sa sinasakyan kong bus. Nakasandal lang ako ulo ko sa bintana ng sinasakyan kong bus habang nakalagay sa tenga ko ang headset ng mp3 player pagkatapos nakasuot ang shades sa mukha ko. bigla na lang akong pinagpawisan ng malamig at bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi ng konduktor.


“Sunod na bus station Main Avenue!!!”


Talagang nalintikan na lampas na ako ng dalawang bus station and idlip nagging tulog ang saglit na byahe nating field trip “Asar talo!”. Kaya di pa man nakakarating ang bus sa susunod na bus station, napilitan na akong tumalon pababa ng bus. Kaya lang…


“Hoy!!” Si Manong Enforcer ulit papalapit sakin


Patay na wala na naman ako sa tamang loading and unloading point isa pa nasa gitna talaga ako ng kalsada bumaba ng bus kaya wala na naman akong ligtas nito.

Thursday, January 20, 2011

Chapter 6: Promise of Not Meant to be Broken Continuation

Gaya ng ibang normal na pamilya sa aming dalawa ng Daddy ko ako ang taga-paalaala sa kanya para kami ay pumunta ng simbahan tuwing linggo at magsimba. Maaga naman kaming nakarating sa may simbahan ngunit sa dami na rin ng tao na nagsimba ng mga oras na yun minabuti pa naming pumuwesto sa may tabi ng simbahan para hindi maipit ng mga nagdadaang tao.

Karamihan din ng mga nakikita kong mga nagsisimba ay pamilya na may kasamang mga anak na pinababayaan lang maglaro kung napapasobra naman sinusuway ng kanilang magulang. May ilang mga kabataan din naman na nagsisimba ngunit karaniwang kasama nila ang kanilang mga karelasyon o kasintahan. Samantalang ang Daddy ko sa hinahaba-haba ng misa nakasandal at nakapikit akala ko nagdarasal pero ng kalabitin ko aba nakatulog.


“Daddy, akala ko pa naman nagdarasal ka nakatulog ka na” bulong ko sa kanya..


“Pasensya na anak, nakatulog ako dami ko kasing tinapos na trabaho kagabi”


“Kaw talaga Daddy, okay lang sige po tapusin natin ang misa pagkatapos ako na lang magluluto sa bahay at ikaw naman ang magpahinga”


“Salamat anak”


“Anung salamat? May bayad yun Daddy, may tax!”


“Yan na nga ba sinasabi ko hahaha”


“Daddy quite!”


“Sorry…” sa isang maliit na boses na pinakawalan niya biglang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.


“Love you Daddy”


“Love you too Anak”


Natapos ang misa pagkatapos ay tinungo naming ang palengke dahil kailagan ko mamili ng mga sangkap para sa lulutuin kong pananghalian, nagiisip pa rin ako ano kaya ang masarap lutuin para sa araw ng linggo kahit nakatambad na sa harapan ko ang mga pagpipilian.


“Daddy, ano gusto mong ulam para mamaya sa tanghalian?”


“Ikaw na bahala alam ko namang kaya mo yan!”


“Sigurado ka, Daddy?”


“Basta, SURPRISE ME!”


“Okay po!”


Kaya napilitan akong magluto ng isang putaheng ni-minsan di ko pa nagawa. Tatlong pirasong patatas, kalahating kilong baboy, red bell pepper, tomato sause, carrots at kung anu pang maisasangkap sa lulutuin kong pananghalian. Matapos ang pamimili agad naman kaming umuwi sa bahay kailangan ng kusinera in action.


Isa isa kong inilabas ang mga binili ko atsaka hinugasan. Maingat kong hiniwa ang baboy sa maliliit na piraso na akma lang para sa lulutuin. Habang naghihiwa at inaayos ko ang lulutuin ko laking pagtataka ko na hindi man lang tumunog ang cellphone ko, kahit isang mensahe man lang wala akong natanggap.


“Hay… walang nakaalaala sakin” sabay lapag ng cellphone sa tukador


“Mukha yatang may importante kang text na hinahantay”


“Wala po yun Daddy, sa school project kasi namin di man lang ako nalaalang itext” pero patuloy pa rin ako sa paghihiwa ng mga sangkap sa pagluluto.


“Eh bakit hindi mo sila itext?”


“Hindi kasi pwede, Daddy”


“Bakit naman hindi di ba project nyo yun kaya nga group di ba dapat sama-sama kayong nagtutulungan”


“Hindi kasi talaga pwede Daddy, baka kasi sabihin naghahabol ako sa kanya…”


“Kanya?”


“Kanila Daddy, baka kasi isipin nila hinahabol ko yung idea nila para sa project namin”


“Bakit naman hahabulin mo di ba dapat tulungan lang kayo sa idea?”


“Basta Daddy!”


“Mukhang may kakaiba sayo ngayon?”


“Ano naman po ang kakaiba ngayon sakin?”


“Yung pimples mo ang laki…” sabay tawa ng malakas


“Ahhhh Daddy naman eh”


Pero patuloy pa rin si Daddy sa pagtawa ng malakas na rinig sa buong bahay at kahit sa labas ng bahay dinig.


“Sige na tapusin mo na yang niluluto para mamaya makakain tayo ng maaga at…”


Napatingin ako sa kanya ng bigla nyang putulin ang kanyang pagsasalita


“At?”


“Sarapan mo ang pagluluto nyan kung ano man yan”


“Masarap talaga ako magluto aminin mo!”


“Oo na sige na masarap na kung masarap matapos ka lang magluto”


“Napipilitan ka lang yata Daddy eh” isang malakas na tawa lang muli ang pinakawalan niya tanda ng pagsagot niya sa mga tanong ko.


“Pero magaling ka talaga magluto, Yumi wag ka maniniwala sa sasabihin ng iba” ilang sandal pa nakasalang na ang lahat sa kalan at unti-unti nang kumalat ang amoy ng niluluto ko. Pasado alas onse na ng matapos akong magluto tamang-tama para sa pananghalian.


Isinaayos ko lang ang mga kalat ko at inihanda ang lamesa, nagsandok na rin ako ng kanin at inilagay sa lamesa sumunod naman ang ulam na niluto ko. inilagay ko sa isang malalim na mangkok (bowl) para maisama ko rin ang sabaw nito.


“Parang may kulang!...” nang tignan ko ang lamesa kaya naisipan kong lumabas para bumili sa tindahan.


“Oh, san ka pupunta?”


“Sa tindahan, Daddy may bibilhin lang ako”


“Bakit may kulang ba sa pinamili natin?”


“Wala naman po wag kayong magalala”


“Eh ano naman bibilhin mo sa tindahan?”


“Basta po dyan ka lang, antayin mo ko nakapaghain na ako sabay tayo kakain pagbalik ko”


“O sya sige magingat ka at bumalik ka agad”


“Opo babalik ako saglit lang talaga ako”


Pagdating ko sa tindahan bumili lang ako ng isang litro ng coke para may kasamang masarap na inumin ang niluto kong special na ulam. Maya-maya’y tunog ang cellphone ko dali-dali ko namang tinignan kung sino ang nagpadala ng message sakin. Excited ako kasi eto ang unang message na makukuha ko at mababasa ngayong araw na ito.


Pero sa sobrang excited ko nasira lang ang mood ko dahil sa isang text na nabasa ko.


“Your current load is 0.00 with Free Text Messages: 0 and to Other Network: 0, please reload before 1/31/2011, to keep your account active”


Nakabalik ako ng bahay, nang nakasimbakol ang mukha dahil sa inis ng nabasa kong text message.


“Oh, bakit anong nangyari sa nagiisang anghel ng buhay ko?”


“Wala po…” napa-buntong hininga na lang ako pagkatapos kong sumagot.


“Hinahantay kita kasi sabi mo gusto mo sabay tayong kumain atsaka gusto ko kasama kita dahil ikaw ang nagluto nito kaya espesyal para sakin”


Inilapag ko ang bote ng coke sa lamesa, kukuha sana ako ng baso para sa aming dalawa ng Daddy ko pero pinigilan niya ako sa halip sya na lang ang kumuha nito.


“Ako na lang… para makakain kana”


“Salamat po, Daddy”


“Love life ba yan?”


“Po?”


“Yang problema mo, love life ba?”


“Hindi po”


“Hindi makakailang anak kita, ganyan din ako sa Mommy mo nung nainlove ako sa kanya naghahantay ng mensahe sa beeper o kaya naman tawag sa telepono at malala kung di nya ako naalala sa buong araw nakasimbakol ang mukha at hindi maipinta”


“Pero Daddy, parang kami pero hindi kami”


Back when I was a child
Before life removed all the innocence
My father would lift me high
And dance with my mother and me and then

Spin me around till I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure
I was loved

If I could get another chance
Another walk, another dance with him
I’d play a song that would never, ever end
How I’d love, love, love to dance with my father again



“Bakit ayaw mong tanungin ang sarili mo? Bakit ayaw mong tanungin ang puso mo?”


“Po?”


“Ganito lang yan, pagtinanong kita at alam mo ang sagot natural na sagutin mo agad pag alam mo ang sagot pero kung hindi mo alam anong ginagawa mo? Di ba nagtatanong ka at dun pumapasok ang pagaalin-langan kaya nga dapat handa ka sa lahat”


“Takot din kasi ako Daddy, dahil sa nasaktan na ako dati tapos ganito na naman”


“Nasaktan ka pero bakit nagmamahal ka pa rin? Dahil alam mo ang pakiramdam ng may minamahal at nagmamahal”


“Daddy, I love you”


“I love you anak ikaw ang pinaka-iingatan kong kayamanan kaya ayaw kong nasasaktan ka”


“Thank you Daddy”


“Thank you din Anak”


Bago pa man kami nagsalo para kumain isang mahigpit na yakap ang binigay ni Daddy sakin yakap na hinding-hindi ko kailanman malilimutan.


When I and my mother would disagree
To get my way I would run from her to him
He’d make me laugh just to comfort me, yeah, yeah
Then finally make me do just what my mama said

Later that night when I was asleep
He left a dollar under my sheet
Never dreamed that he
Would be gone from me

If I could steal one final glance
One final step, one final dance with him
I’d play a song that would never, ever end
‘Cause I’d love, love, love to dance with my father
again

Sometimes I’d listen outside her door
And I’d hear her, mama cryin’ for him
I pray for her even more than me
I pray for her even more than me

I know I’m prayin’ for much too much
But could You send back the only man she loved
I know You don’t do it usually
But Lord, she’s dyin’ to dance with my father again
Every night I fall asleep
And this is all I ever dream

Wednesday, January 12, 2011

Chapter 6: Promise of Not Meant to be Broken Continuation

“Sige you’re forgiven, Monday after class, see you at the school gates”

“Okay deal! Monday after class at the school gates… teka Yumi….”


“Bakit may sasabihin ka pa ba?”


“Ano kasi Yumi…”


“Yes?!”


“Ano Yumi… Good night!”


“Same to you”


“Sleep tight!”


“Same to you”


“Sweet dreams”


“Same to you”


“Sige baba mo na”


“Bakit ako dapat ikaw”


“Bakit mo naman nasabing ako dapat ang magbaba ng tawag?”


“Baka kasi may gusto ka pang sabihin sakin sabihin mo na”


“Ako may sasabihin sayo? Hello Christopher Alcaraz ikaw ang tumawag sakin kaya ikaw ang may kailangan at tiyak akong ikaw ang may dapat sabihin”


“Ah ganun ba pasensya na hehehehe”


“So may sasabihin ka pa ba? Kung wala pwede mo nang ibaba ang tawag mo”


“Sige..”


“Sige ano?”


“Sige ibababa ko na po”


“Okay…”


“Ah Yumi…”


“Yes may kailangan ka pa ba?”


“Good Night”


“Pangalawang beses mo nang sinabi yan sakin”


“Gusto ko lang ulitin masama ba?”


“Aba! Hindi naman masama pero pag paulit-ulit nakakairita”


“Sige nga, Good Night”


“Third Time”


“Baba ko na talaga”


“Oo na nga ibaba mo na pwede na”


“Sure ka na ba?”


“Ako pa talaga ang tinanong”


“Hehehehe sinisigurado ko lang”


At tuluyuan ko nang ibinaba ang tawag ko kay Yumi…


“I love you Yumi”


Day dreaming kung tawagin, pangarap kung iisipin pero kung matutupad ang ninanais nitong puso isa ako sa pinakamaligayang nilalang sa buong mundo. – Christopher Alcaraz


“I love you Tofie”


Kung maramdaman ko ang sakit dulot ng pagmamahal ang mahalaga natutong tumibok ang puso ko para sa isang taong espesyal para sa akin. – Ayumi Santos


Nung una nagalit ako ng hindi maalala o matandaan ni Tofie ang pinangako niya sa akin pero sa isang banda gumagawa pa rin sya ng paraan para makabawi sa kasalanan niya. Mas lalo akong humanga sa kanya bilang isang simpleng lalakeng hindi marunong sumira sa pangako.


Nakatingin lang ako sa screen ng cellphone ko pero parang nakikita ko si Tofie at ako’y tuluyang napapangiti ang dating sama ng loob at pagtatampo ay unti-unting napalitan ng pagiging kuntento, kuntento dahil naayos ang aming tampuhan at alitan.


Walang pagsidlan ang bawat sandaling kausap ko si Yumi ang gaan ng pakiramdam ko kung maari lang sanang kausap at kasama ko siya palagi nanaisin ko yun. Ngunit hindi dapat ako masyadong malulong sa pagda-day dreaming agad kong hinanap ang mga libro na ginamit ko noon para matuto sa pagtugtog ng piano. Pati mga scratch paper ko at ibang composition ini-isa-isa ko na. pagkatapos ay inilagay ko sa isang espesyal na kahon at isinilid ng maayos di ko na ulit nakuhang lumabas ng kwarto para samahan si Nanay magtelebabad sa tv mas minabuti ko pang mahiga at isipin ang nangyari ngayong gabi.


Nagising ako dahil sa init ng araw na bumabati sa akin araw ng lingo isang araw bago kami muling magusap at magkausap ni Yumi narinig ko na lang na tinatawag ako ni Nanay para magalmusal.


“Christopher, gumising kana dyan tanghali na! Christopher”


“Opo Nanay gising na baba na po”

Bumungad sakin ang malalaking pandesal sa umaga mainit-init pa kasama ang masarap na peanut butter at higit sa lahat hindi mawawala ang paborito ng mga pinoy ang kape.

“Hala fiesta ba Nanay?”


“Anong fiesta almusal lang yan”


“Ngayon lang ako ulit ako makakatikim ng pandesal sa loob ng isang buwan”


“Kung maaga ka lang nagigising araw-araw kang makakatikim ng pandesal”


“Hahaha Nanay, talaga di na mabiro”


“Joke pala yun di ako natawa ikaw talagang bata ka”


“Aba marunong na si Nanay mang-bara”


“Natuto lang ako sayo”


Sabay kaming nagtawanan sa aming kalokohan at sabay naming pinagsaluhan ang masarap na pandesal, peanut butter at kape. Dahil sa pangyayari kagabi di na ginusto pa ni Nanay na ako ang magligpit ng pinagkainan baka daw makabasag ulit ako, pero nagpaliwanag na naman ako yun nga lang di na daw katanggap-tanggap ang sasabihin ko kaya di na ulit ako sumagot baka mapagalitan at humaba ba ang almusal naming mag-ina.


Matapos muling magligpit sinabihan ako ni Nanay.


“Magbihis ka na!”


“Po?! Bakit saan po ang okasyon?”


“Aba! Christopher nakakalimutan mo linggo ngayon, nakakalimutan mo na rin ang tungkulin mo sa panginoon ha”


“Pasensya na po Nanay”


“Siya tama ng paliwanag yan kumilos ka na at maligo at magbihis sabay tayong magsisimba para magpasalamat”


Matapos magprepara para sa aming pagsisimba sabay na kaming lumabas ni Nanay, ibinigay nya sakin ang kandado ng bahay at ako naman ang nagsara. Lumakad patungo sa terminal ng triskel pagkatapos ay muling sumakay ng jeep patungo sa simbahan. Pagbaba ng jeep parang may nakataling bolang bakal sa aking mga paa dahil na rin siguro sa katamaran ko para magsimba at si Nanay na lang din ang dahilan bakit ako napapa-punta sa simabahan at napapasimba kung di siguro dahil sa kanya malamang di ko rin alam ang pangalan ng mismong parokyang nakakasakop sa aming lugar.


Pagpasok sa loob ng simbahan tumungo kami sa bindetadong tubig na nakalagay sa harapan ng pinto at nag-antanda ng krus ng pagiging isang kristiyano. Wala pang-gaanong tao sa simbahan kaya nakuha pa naming makaupo sa maganda at maayos na pwesto. Maya-maya’y nagsimula nang magsalita ang isa sa kinatawan ng aming parokya tanda ng pagsisimula ng misa. Unti-unti namang dumating ang mga tao at isa-sang napuno ang bawat upuan at bawat sulok ng simbahan.

At tuluyang nagumpisa ang misa nagumpisang umawit ang choir ng simbahan at dahil alam ko rin naman ang kanta sinabayan ko na rin sila sa pagkanta kahit ang aking Nanay napangiti sakin dahil di nya akalaing alam ko ang ganung klaseng kanta na dati rati nakatuon lang ang aking pagawit sa mga makabagong tugtugin.

Ngunit habang patuloy ang pagdaos ng misa nakaramdam din ako ng pagkabagot at dahil dyan inumpisahan kong ilibot ang mga mata ko. May mga batang naglalaro sa kabilang upuan walang malay na nasa loob sila ng simbahan para magsimba at magdasal samantalang ang kanilang ama’t ina ay nakatingin lang sa kanila at nakangiti.


Muli akong humarap sa altar dahil kinalabit ni Nanay ang siko ko at alam niyang nababagot ako sa mga sandaling iyon. Kaya natuon muli ang atensyon ko sa misa at matapos ang sandaling iyon pinaupo na lahat ng tao para makinig sa sermon ng pari. Ako naman para hindi mapagalitan ni Nanay sinubukan kong intindihin ang lahat ng sinasabi ng pari.


“Ang pagmamahal hindi napupulot, hindi nabibili, hindi yan isang idea na kung saan pagmulat mo isang umaga mahal mo na ang lahat ng tao, bawat tao may karapatan para magmahal at mahalin ngunit ang pagmamahal o pagmamahalan ay may kaakibat na responsibilidad gaya ng isang magulang sa kaniyang anak responsibilidad nilang palakihin ang kanilang anak bilang isang mabuting bata na may takot sa diyos”


Kahit na ang ingay ng mga makukulit na bata sa kabilang upuan at di ko na masyadong marinig ang sinasabi ng pari sa kanyang sermon patuloy ko pa ring pinapakinggan ang bawat salita at payo niya.


“Sa panahon ngayon iilang kabataan na lang ang nahihilig magpunta o dumalaw sa bahay ng diyos dahil sa anong dahilan, busy.. may night life.. uunahin pa ang gimik o ang mga ibang bagay na materyal ngunit makikita mo lang ang mga kabataan na pupunta sa simbahan kung aakayin o pipilitin ng kanilang magulang”


Bigla kaming nagkatinginan ni Nanay at sabay na ngumiti sa isa’t isa pagkatapos ay pinitik ni Nanay ang ilong ko na naramdaman ko ang pamumula nito muli kaming bumaling sa sinasabi ng para.


“Kung hindi naman makikita mo lang silang nasa simbahan kung kasama ang, syota, jowa, girl friend, boyfriend o kasintahan. Bakit isa na ba ngayon sa requirements ng simbahan ang may kapareha ka para lang makapagsimba ka, dapat bilang isang binata o dalaga bago ka pumasok sa isang relasyon matuto kang mahalin ang sarili mo at mahalin ang diyos, tanggapin bilang tagapagligtas upang may maibibigay kang aral sa kasintahan mo o kung anu pang tawag nyo sa isa’t isa at higit sa lahat laging nasa gitna niya siya para maging gabay ninyo”


Para akong sinapak sa sinabi ng pari kasama ang ilang kabataang nakita ko na nagsimba at kasama ang kasintahan nila napangiti na lang at napayuko sa sinabi ng pari. Natapos ang misa at gaya ng ibang mag-anak kami ni Nanay tumungo sa palengke para mamili ng mailuluto para sa pananghalian.


Pagkarating ng bahay gaya ng dating gawain ko binuksan ko lang ang ilang kwaderno para magreview at aralin ang ibang araling natalakay sa school dahil bukas ay lunes balik skwela at balik muli bilang isang estudyante. Hindi pa man ako nangangalahati sa pagbabasa ng ibang aralin, kinuha ng cellphone ang atensyon ko dahilan para magumpisang umandar ang mga idea sa utak ko kung paano ko sisimulan ang mensahe ko para kay Yumi.
Reply With Quote

Monday, January 10, 2011

Chapter 6: Promise Not Meant to be Broken

“Promise na binitiwan ko?”

“Naku talagang nakalimutan mo na ang naipangako mo sakin nakakainis ka naman!”

“Hala! Pasensya ka na di ko talaga matandaan ang promise ko sayo”

“Kung kanina ako nahingi ng sorry ngayon dapat ikaw pala ang humingi ng sorry, galit ako sayo” sabay naputol ang linya. Dahil na rin sa pagkataranta sa mga pangyayari bigla kong natabig ang baso na nakapatong malapit sa lababo..

“Grang…!!!”

“Christopheeeerrrrrrr!!”

Patay na naman ako nito tiyak na puro sermon lang ang aabutin ko, pero bago pa ako makatakas naharang na agad ako ni Nanay.

“Christopher, anu na naman ang nabasag diba kabilin-bilinan ko sayo ingatan mo ang mga gamit natin dahil mahirap magipon at bumili tapos may basag na naman…”

“Eh Nay sorry po di ko po sadya”

“Tofie, puro na lang di sadya pag ganyan ng ganyan walang matitira sa mga gamit natin lalo na kung babasagin”

“Eh kasi po Nanay, anu kasi?”

“Ano na naman ang paliwanag mo ngayon” nang nakita ni Nana yang hawak kong cellphone..

“Kaya naman pala, kaya ka naman pala nagkakanda basag ang mga gamit natin dahi hindi ka focus sa ginagawa mo!”

“Ako po Nanay hindi focus?” nasundan ko ng tingin si Nanay na nakatuon sa cellphone na hawak ko sabay taas ng kilay sakin.

“Nagkakamali ka Nanay ng iniisip nagfofocus ako sa paghuhugas ng pinggan”

“Nagfofocus? Kung talagang nagfofocus ka sa paghuhugas ng pinggan hindi ka makakabasag”

“Kasi naman po Nanay may tawag po kasi ako, importante kaya po sinagot ko ang tawag nya sa cellphone ko pero mamaya nyo na po ako pagalitan Nanay sige na po saglit lang kailangan ko lang po magpaload baka masarhan na naman ako ng tindahan di na naman po ako makapagpaload” Nagmadali na lang ako tumakbo palabas ng bahay para magpaload sa tindahan.

“Hoy Christopher tignan mo tong batang to! Kinakausap pa kita bumalik ka dito!”

Nagmamadali akong pumunta sa tindahan para magpaload sya naman ding pagmamadali ko para makabalik ng bahay.

“Oh, Nay sabi ko magpapaload lang ako bakit mo naman ginalaw pa yang trabaho ko sabi ko naman po babalik ako agad eh”

“Wag na baka may madisgrasya pa pagbalik mo isa pa mas okay na ito kaysa intayin pa kita para bumalik at ayusin ang nagkalat na bubog dito”

“Nay, alam ko nagtatampo ka sakin”

“Tse! wag mo akong kausapin”

“Ayan halata talagang nagtatampo sorry na Nanay” yumakap na lang ako sa kanya

“Christopher tumigil ka nga dyan, malaki ka na dapat alam mo na responsibilidad mo”

“Kaya nga po eto nagsosorry na sa inyo sorry na talaga Nanay, ako na po magtatapos nyan sige na po manuod na kayo ng favorite nyong teleserye”

Agad namang iniwan ni Nanay ang gawain at ako naman ang tumapos sa natitira, ang pagsasabon ng plato na dati ay masinsin ngayon at parang dinilaan lang ng sponge at ang dating banlaw na tatlong beses ngayon at isa na lang basta nakita ko lang na walang bula ng sabon o kahit anung dumi malinis na yan.

Nang matapos ang lahat ng gawain ko sa kusina pumasok agad ako sa kwarto muli kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng shorts ko, naupo sa aking kama pagkatapos nagregister sa promo ng network ng phone ko para sa unlimited na tawag at text. Naghahantay ng reply mula sa network kung confirmed nang gamitin ang serbisyo nila.

“Asar naman ang bagal ng service hanggang ngayon wala pa ring reply”

Parang bawat segundo isang oras ang takbo sa paghahantay ko ng reply mula sa network, habang hawak ang cellphone nagisip na ako ng idadahilan ko para kay Yumi. Paano ko sisimulan magpaliwanag sa kanya at higit sa lahat dapat maalala ko ang pangakong binitiwan ko.

“Ano ba talaga ang binitiwan kong pangako sa kanya?”

Kinatok ko na si pareng Coco kung may naalala sya tungkol sa isang pangako pero kahit siya walang record na natrace. Tumayo ako sa sumilip sa bintana hinahanap sa lansangan ang sagot sa mga taong nagdadaan baka sakaling maibato sa isip ko.

Pupunta sana ako sa sala kung saan nanunood si Nanay ng palabas mga paborito niyang telenovela at teleserye tuwing gabi nang matabig ko ang bukas kong bag at nahulog mula sa bag ko ang isang notebook, pinulot ko tangay kung saan pa nahati ang mga pahina mula sa pagkakalaglag. Nang binuklat ko bumungad sakin ang sulat kamay ni Yumi muli kong inayos at binalik sa aking bag at bigla ko na lang naalala ang aking pangako.

Nangvibrate ang cellphone ko at muli kong tinignan ang screen nito. Na confirmed na ang pagsubscibe ko sa pakulo ng network na gamit ko, pero ang tagal pa rin bago magreply at ma-confirmed. Hindi ko na tinuloy ang balak kong lumabas ng kwarto bagkus nahiga na lang ako at tumitig sa screen ng cellphone ko, humugot ng isang malalim na hinga pagkatapos ay nagsimula ng idial ang number ni Yumi.

“Ringggg…..”

“Sasagutin kaya nya? Sana sagutin nya, sana man lang. Please Yumi sagutin mo yung tawag ko please please”

“Subcriber is busy at the moment please try your call later”

2nd try redialing…..
Connecting…..

“Ringggg……”

“Please wag mo akong hang-up Yumi, let me explain please, please”

“Subcriber is busy at the moment please try your call later”

3rd and last try redialing…
Connecting…..

“Ringgg…”

“Pwede ba wag ka na tuma….!”

“Piano Lesson!”

Tumigil bigla ang pagsasalita niya ng bitiwan ko ang mga salita sa kanya ang tagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa, nagpapakiramdaman ang bawat isa sa amin kung sino ang mauunang magsasalita hindi namin alam ngunit minarapat ko nang pangunahan ang lahat dahil pagkakataon ko na.

“Piano Lesson, are you free after class on Monday? I will explain everything if you just let me explain”

Monday, January 3, 2011

Chapter 5: Music Notes of My Heart (Chapter Ending)

Nang marating naming ang exit ng mall naghiwalay na kaming dalawa ni Eunice dahil sa ibang terminal sya sasakay. Gaya ng dati nagaabang ng masasakyan papauwiat medyo rush hour na rin kaya mahirap talagang sumakay lalo na kung isa kang chance passenger na nagaabang ng masasakyan.

Ugali nga naman nating mga pinoy alam nating bawal sumakay sa lugar na yun pero dun pa rin nasakay pero sympre maparaan talaga tayo sa lahat ng bagay. At habang nagaabang ng jeep na may tamang sign board. Di ko pa rin maalis sa isip ko ang itsura ni Yumi nang suot niya ang damit na pinili ni Eunice. Bagay na bagay sa kanya ang kulay na talagang nagpatingkad sa kanyang kutis at kulay ng balat kahit na ang kanyang mapupulang labi na mas lalong mapapansin nino man. Para akong nagday-dreaming sa kalye papangiti sa bawat sandaling maalala ko ang mga nagdaang oras para sa araw na ito.


“Hoy tatawid ka ba o hindi!” sigaw ni Traffic Enforcer sakin habang nakatayo pa rin ako sa gilid ng kalsada. Nawala at nablanko lang ang isip ko matapos kong marinig ang sigaw ni manong sa akin.


“Sasakay po!” baling ko naman sa tanong nya


Agad syang lumapit sa akin at nagsalita..


“Anong sabi mo?!”


“Sasakay po?”


“Nababasa mo ba yung nakasulat!” sabay turo niya sa karatula sa daan


“Opo”


“Sige basahin mo ng malakas nang marinig ko”


“Ha?!”


“Naglinis ka ng tenga? Sabi ko basahin mo ng malakas”


“Bawal sumakay at bumaba” pagkatapos basahin ng malakas napatingin ako sa ibang naglalakad sa kalye na pawing nakatingin sakin at nakangiti sa ginawa ko wala akong nagawa kung di yumuko na lang..


“Naintindihan mo sinasabi ng karatula?” tanong nya muli


“Opo” sumagot ako ng nakatungo at hiyang-hiya sa mga pangyayari..


“Yun naman pala, dun ka sumakay sa terminal hindi dito alam mo nang bawal pagpipilitan pa!” sermon ni Manong Enforcer.


Ang inaakala kong mapapabilis mas lalo pang napatagal para makasakay ng jeep at makauwi ng maaga. Magkahalong hiya at inis ang naramdaman ko nahiya ako dahil sa harap ng maraming tao pinapagalitan ako ni Manong Enforcer inis dahil pwede naman nyang hinaan ang boses niya. Pagdating sa terminal ang bukod sa ang haba ng pila wala pang nakaabang na sasakyan.


“Anu ba namang kamalasan to!”


Di ko na rin sinubukan pumila baka mabagot lang ako at matagalan sa paguwi kaya bumalik muli ako sa kanto kung saan ako naghantay at tumingin kung nandun pa rin si Manong Enforcer.


“Yun lang nandun pa rin si Manong Enforcer” napakamot pa ako ng ulo, kaya ang ginawa ko sinubukan kong pumunta sa pinakaunahan ni Manong Enforcer at dun maghanap ng masasakyan. Swerte naman ng agad akong maka-kita ng jeep na ang bakante ay ang nasa tabi ng driver. Nagmadali na ako baka maunahan pa ako ng iba.


Nakauwi ako ng matiwasay, nakarating ng buong-buo ang katawan pilit ko na lang iwinawaglit ang mga pangyayari at muli na naman sumagi sa isip ko si Yumi na suot ang damit. At muli na naman akong nakangiti habang papasok ng bahay.


“Aba mukhang maganda ng araw natin, anak?”


“Uy Nay, Mano po!”


“Kaawaan ka ng Diyos, kamusta ang gala nakita kong nakangiti ka dyan pagpasok mo may maganda bang pangyayari?”


“Ayan ka na naman, Nanay naguusisa ka na naman”


“Bakit masama ba?”


“Hindi naman hehehehe, akin na lang yun”


“Tignan mo, ikaw talagang bata ka naku! Magbihis ka ng damit at maghahain na ako para makapaghapunan na tayo”


“Okay po, ano ulam, Nanay?”


“Mamaya mo na malalaman sige na magpalit ka na ng damit” pagpasok ko sa loob ng kwarto agad ko nang tinanggal ang sapatos ko at nahiga panandali sa kama habang nakalagay ang dalawang kamay sa batok nagiisip ng kung anu-ano. Naipikit ko ang mga mata ko at kita ko pa rin ang mukha at ganda ni Yumi sa isipan ko.


Napabalikwas na lang ako ng marinig ko ang tawag ni Nanay para kumain, kumuha ako ng pamalit sa aparador at mabilis na nagpalit ng damit bago ko isinabit ang pantalon ko kinuha ko muna ang cellphone ko at tinignan kung may natanggap akong message ngunit sa kasamaang palad wala naman.


Muli ko syang ibinulsa at lumabas patungo sa hapag para kumain.


“Waow favorite ko yan lalo na kung ikaw nagluto, Nanay”


“Sus nambola pa siya umupo kana dyan at kakain na tayo”


“Mapapadami kain ko tiyak yan”


“Sige lang marami naman akong sinaing”


Sabay kaming kumain ni Nanay at halos maubos ang niluto niya pati ang sinaing na dati ay may natitira minsan naman ay napapanisan na ng kanin dahil hindi rin masyadong nagagalaw. Pero ngayon di ako makapaniwala na naubos naming dalawa.


“Ako na lang po ang magliligpit at maghuhugas, Nanay”


“Wala na talaga akong masabi ang sipag natin ngayon may sakit ka ba?”


“Kaw talaga Nanay minsan lang naman, nagtataka ka pa”


“Yun na nga minsan na nga lang at iilang beses lang yan nangyayari”


“Pagbigyan mo na lang ako”


“Sya, sya ingatan mo ang mga babasagin ha?!”


“Yes Ma’am”


Naghuhugas na ako ng mga pinagkainan ng bigla kong naramdaman na nagvi-vibrate ang cellphone ko sa mismong bulsa ko daglian akong kumuha ng basahan at nagpunas ng kamay. Unknow number ang nagappear sa mismong screen ng cellphone ko di ko rin mawari sino naman ang tatawag sakin sa oras na ito isa pa karamihan ng kamag-anak naming nasa ibang bansa hindi basta basta tumatawag para mangamusta.


Dali-dali kong sinagot ang tawag sa cellphone ko nagbabakasakaling importante ang tawag na iyon. Pero hindi ko na inaasahan ang sumunod na pangyayari…


“Hello, Good Evening can I speak with Christopher?”


“Speaking, sino po sila?”


“Hi Tofie!”


“Yumi?”


“Yep, kamusta ka na, sinubukan kitang hanapin kanina sa terminal pero di na kita nakita pasensya ka na sa mga sinabi kanina ng mga kaibigan ko”


“Wala yun naiintindihan ko naman ang dahilan sino nga naman ang gugustuhin makipagkaibigan sa isang katulad ko at ni Eunice mahirap nga lang kami diba”


“Wag ka namang ganyan I feel really sorry for that”


“Sabi ko nga sayo don’t worry, welcome ka pa rin samin ni Eunice”


“Thank you”


“No worries yun lang ba ang dahilan bakit ka napatawag sakin ngayon just to ask if I’m okay on what happened?”


“Actually hindi hahaha”


“Aba mukhang may pakay saking iba si Ms. Yumi”


“Hindi kaya noh! Tungkol to sa promise na binitiwan mo sakin if you still remember that one”