Monday, October 25, 2010

Chapter 4: Co-Student, Teacher Continuation....

“Ah, Tofie can I have word with you please?”

“Sure why not? Ano ba yung gusto mong itanong sakin?”


“Saan ba magandang magsimula? Teka okay alam ko na yung kaninang umaga sorry I didn’t mean to hurt you di man lang ako nagsalita kanina para ipagtanggol ka kay Julius”


“Shhhh…. you don’t need to explain everything to me lahat naman siguro may reason bakit nangyayari let’s just say I been in a wrong place and in a wrong time”


“No your not!”


“Yumi…?”


“You are never been wrong ever since I met you”


“Anong ibig mong sabihin?”


“Ah… ganito kasi yan… paano ko ba sasabihin sayo…”


“Anong paanong sasabihin? Bakit di mo masabi sakin?”


“HINDI KAMI NI JULIUS AT WALANG NAMAMAGITAN SAMING DALAWA”


Andun ako sa harap ni Yumi nakatulala di makapagsalita hindi makagalaw di ko alam anong sasabihin sa kanya para akong inilagay sa freezer at pinatigil ang oras.


“Ano Tofie okay na?”


“Anong ibig mong sabihin Yumi…”


“Ang ibig kong sabihin Christopher Alcaraz mali ang sinabi mo kaninang may boyfriend ako at kung magkakaroon man ako ng boyfriend hindi si Julius yun”


Bigla na lang nagdabog ang mga paa at iniwan akong magisa sa kinatatayuan ko ang tagal muli bago ako nakabalik sa ulirat ko pero nakatitig pa rin ako sa malayo kung saan unti-unti ko syang nakikita naglalaho sa paningin ko.


Nagulat na lang ako ng may tumapik sa balikat ko at binanggit ang pangalan ko…


“Tofie, kanina pa kita hinahanap akala ko kung saang detention ka napunta”


“Eunice…”


“May tinititigan ka ba doon” at sinipat ni Eunice kung sino man ang sinusundan ko ng tingin…


“Eh, wala naman palang tao dun sino ba ang tinitigan mo may hinahantay ka ba?”


“Wala… wala tara na uwi na tayo mahirap na matraffic sa daan”


“Sige mabuti pa nga baka matraffic pa tayo sa daan”


Pero habang papalakad kami papunta sa main gate ng campus di maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Yumi kaya sa bawat building na nadadaanan naming pinipilit kong tignan kung nandun sya o kahit man lang makita naming naglalakad patungo sa gate pero wala talaga di ko talaga sya mahagilap ni hindi ko rin siya nakasabay.


“Tofie dito ako sasakayan ikaw saan ka ba?”


“Magkahiwalay pala tayo ng sasakayan dito naman ako”


“Okay, paano dito na ako kita na lang tayo bukas!”


“Hoy Eunice, sabado bukas walang klase?”


“Ay! Oo nga pala nawala na naman ako sa kalendaryo pasensya na”


“Halata nga baka sa susunod ikaw na ang madetention hahahaha”


“Sira ka talaga ayaw kong magaya sayo hahahaha”


Nagpaalaman kaming dalawa ni Eunice at tumungo na sa kanya-kanyang destinasyon, bigla kong naalala na iisa rin pala ang sakayan naming ni Yumi at may pagasa pa akong maabutan siya kung saka-sakali. Kaya nagmadali ako papunta sa terminal umaasang nandun sya o kahit makasakay ko lang sa bus o makasabay.


Alalay lang ako sa paglalakad mabilis pero nasa tamang tiempo baka sakaling malagpasan ko si Yumi sa kanyang paglalakad papuntang terminal, lahat ng kanto nalingon ako bawat tindahan sinusuyod ko ng tingin sa mga kahawig niya sa buhok pati kaparehas ng kanyang damit. di pa naman huli ang lahat di pa ako sumusuko kung nasaan si Yumi alam kong andito lang sya at makakasabay ko sya papauwi.


Ang mga paa ko parang tiklado ng piano may tempo may bilis at bagal sa paglalakad pero andun ang kaba sa dibdib ko makikita at makakasabay ko kaya siya sa paghahanap ko. Nakarating na ako sa terminal bawat nakapila at nakasakay sa lahat ng byahe tinitignan ko pero wala pa rin nasan na kaya sya? Sana walang masamang mangyari sa kanya…


Para akong nanalangin sa bawat usal ng mga salitang binibitiwan ko ang paghinga ko markado ramdam ko din nya kahit ang pangamba ko. Kaya wala na rin akong nagawa sumakay na lang ako sa kasunod na bus at naghantay na makaalis ito.


Nakadungaw ako sa bintana nililibot pa rin ang paningin ko sa paligid baka sakaling maulinigan ko kahit ang kanyang anino. Biglang huminto sa tapat ng terminal ang isang kotse at bukas ang pinto nito mula sa driver seat, kilala ko ang lalakeng bumaba si Julius pagkatapos ay umikot sya sa pinto ng passenger seat at binuksan nang bumaba ang pasahero nito di ko alam kung matutuwa ako o masisiyahan ako sa nakita ko pero ramdam ko ang panlulumo ko sa nakita kong bumaba, si Yumi tila naguusap pa ang dalawa ng makababa mula sa kotse at sa tingin ko nagpupumilit na ihatid ni Julius si Yumi papauwi ngunit sa nakikita ko mula sa bintana ng bus ayaw pumayag ni Yumi.


Di ko rin naisipang magtagal sa pagtingin sa dalawa kaya muli akong ibinalik ang mata ko sa loob ng bus nakabukas ang TV at tila love story ang pinapanood dahil naririnig ko ang bawat linya ng mga character sa movie.


“Bakit di mo sinabi bakit di mo pinaramdam!” sigaw ng babaeng character sa pelikula…


“Dahil….”


“Dahil ano? Dahil natutuwa kang pinaglalaruan ako, natutuwa kang sinasaktan ako! Yun ba? Yun ba ang gusto mo? Ano masaya ka na ba? Masaya ka na sa ginawa mo?”


“Kaya di ko sinabi sayo ang lahat dahil… DAHIL TAKOT AKONG MASAKTAN!” sigaw ng lalake sa kanya


“Takot akong mawala ka… takot akong mawala ka sa paningin ko… takot akong mawala yung pakiramdam na to pag nawala ka!”

Ang tagal ko nakatitig sa palabas sa TV di ko namalayan na nakasampa na pala ng bus si Yumi.

“Hoy! Seryoso ka masyado dyan!”


“Ha? Ai hindi naman kasi medyo maganda ang palabas”


“Pwede bang tumabi?”


“Basta hindi magagalit sakin ang sumusundo sayo at naghahatid”


“ILANG BESES KO BA SASABIHIN SAYO NA HINDI KAMI NI JULIUS”


“Relaxed relax lang puso mo…”


Ang tagal naming di nagpansinan hanggang sa tuluyang umandar ang bus, medyo siksikan kaya ang daming pasahero ng bus mabilis lang naman ang byahe kaya di kami na stranded sa traffic malapit na akong bumaba pero di pa rin nakararating samin ang konduktor ng bus ilang kanto na lang pero kahit sulyap ni Yumi di nya magawa kahit nga sya mismo ang sumulyap di nya ginawa at nang makarating samin saktong baba na ako kaya tumayo ako iniabot ang bayad sa konduktor.


“Manong eto po ang bayad dalawa po yan kung may sukli pakibigay na lang po sa kanya”


“Hoy Tofie!”


Pero bago pa man siya makapagsalita muli nakababa na ako ng bus at kumaway na lang ako sa kanya. Di pa man nakakalayo ang bus dumungaw siya sa bintana at kitang kita ko ang kanyang mga mata.
Reply With Quote

Tuesday, October 19, 2010

Chapter 4: Co-Student, Teacher Continuation

Patuloy pa rin ako sa pagsusulat sa pisara pero rinig na rinig ko pa rin ang mga bulungan at pagtataka nila sa kanilang nabasa o nakitang salita akala mo’y mga paslit na pinakitaan ng isang bagong laruan na ngayon lamang nakita sa kanila buhay.

Nang matapos kong isulat ang kapirasong salita sa pisara, muli akong humarap sa kanila at nagsalita.


“Done” sabay tapik sa pisara


“Tofie, ano naman ang kahulugan niyan?”


“Kung anong nababasa nyo siya ring kahulugan nyan, Claire”


“Pero pare parang nakakainsulto yata”


“Hahaha ganun ba, Anthony?”


“You had a bad day?”


“Tama ka dyan, Apollo!”


“Ehmmm, Polo po ang nickname ko”


“Sorry sige, Polo yun ang ibig sabihin ng salitang nababasa mo You have a bad day!”


“Paano yan connected sa sinasabi mong logic para makabuo ng isang kanta?” tanong Polo


“Para makabuo ng isang awit kailangan mo ng isang paksa o title na gagawan mo ng lyrics o mga salita kaya ang isinulat ko sa pisara ay You have a bad day!”


“So ibig mong sabihin gusto mong gamitin bilang paksa ang You have a bad day?”


“Tama ka dyan Yumi, gaya ngayon di ba bad day natin to parang puro kamalasan ang nangyayari walang tama o kahit gumawa ka ng tama walang bagay na tumama kahit ginawa mo ang lahat”


“Hmm makakarelate nga ako dito”


“Tingin ko nga Anthony makakarelate din ako at palagay ko di ako makakatulog nito sa klase”


“Ehmmmm, Claire wala po tayo sa klase detention po tayo”


“Oo nga pala pasensya naman, Tofie!”


“Okay lang walang problema ikaw talaga lahat tayo dito pantay pantay lahat may kaparusahan kaya gusto ko magenjoy sa mga natitirang sandal kaysa matulog tayo at manahimik”


“Matalinhaga ka pa rin magsalita Tofie”


“Di naman, Yumi freedom of expression hahahaha” para akong kinilabutan sa sinabi ni Yumi na ako’y isang matalinhagang tao di ko alam pero napangiti talaga niya ako.


“Sige mabalik tayo sa topic, Bad Day? Anu-ano bang nagyayari sa paligid bakit tayo nagkakaroon ng bad day? Polo?”


“Late sa klase, ano pa nga ba?”


Bigla na lang sumagot si Claire, “Tulog sa klase!”


“Sabi nga nila pag hindi mo araw ngayon puro kamalasan ang nangyayari sayo”


“Oo, gaya ngayon!”


“Mismo, galing mo talaga pareng Anthony”


“Actually isang lumang kanta ang naisulat dahil sa mga di magandang pangyayari”


“Bago ba yang kantang yan?”


“Actually, Claire luma na sya at ginamit na rin sa isang movie”


“Galing mo naman Yumi, nagamit na ang kantang ito sa isang movie, paano mo nahulaan Yumi?”


“Madali lang yan Tofie, Teodore, Simon and Alvin”


“The Chipmunks?”


“Exactly Anthony”


“Favorite ko yan!”


“Ahmmm favorite mo?” napangisi ako sa narinig ko isang varsity player favorite ang Alvin and the Chipmunks mukhang weird para sakin yun.


“Bakit anong masama ang cute naman ng boses nila isa pa humorous ang movie”


“Sabagay may punto ka, ibig sabihin narinig mo na ang kantang ito?”


“Oo pre narinig ko na yan”


“Good, hmmm” lumingon muna ako saglit at may hinanap sa may lamesa


“Anong balak mo Tofie” tanong ni Claire


“Pwede na ito”


“Ah Tofie ako na kaya ko yan alam ko balak mong gawin”


“Sigurado ka, Anthony?”


“Oo ako pa basta alam ko to wag ka alala”


“Teka lang” sumilip ako sa labas ng silid at nakita ko namang walang ibang tao at tiyak akong walang makakapansin samin.


“Ready?” senyas ko kay Anthony


“Ready!”


“4 beats then start”


Nakaupo si Anthony sa taas ng lamesa at inumpisahan ang paghampas ng kamay nito sa maliliit na dingding


1…2…3…4

Sinimulan ko ang unang bahagi ng kanta….

Where is the moment we needed the most?

You kick up the leaves and the magic is lost
You tell me your blue skies fade to grey
You tell me your passion's gone away and I don't need no carryin' on

Naglakad ako patungo sa kinauupuan ni Claire pagkatapos umakbay ako kay Polo sabay kindat naman ako kay Yumi, hudyat para sa kanyang pagsisimula ng pagkanta


You stand in the line just to hit a new low

You're faking a smile with the coffee to go
You tell me your life's been way off line
You're falling to pieces everytime and I don't need no carryin' on

Pinutol ni Anthony ang pagtapik sa lamesa sa pamamagitan ng isang huling malakas na tapik. Napasensya na lang ako sa kanya ng thumps-up dahil magaling pala siya sa beat box kahit improvise lang…


Because you had a bad day, you're taking one down

You sing a sad song just to turn it around
You say you don't know, you tell me don't lie
You work at a smile and you go for a ride

Sa part na ito nagawa ko ring tumayo sa tabi ni Yumi sa harap ng mga nakikinig samin….


You had a bad day, the camera don't lie

You're coming back down and you really don't mind
You had a bad day, you had a bad day

Pero hindi rin nagpatalo si Anthony dahil sa favorite at alam nya ang kantang ito sya mismo ang bumirit ng mga linyang ito….


So where is the passion when you need it the most ?

Oh, you and I, you kick up the leaves and the magic is lost

Pero mas nakakagulat si Claire ang bilis nyang makapick up ng mga lines na ngayon nya lang narinig at higit sa lahat ang taas ng pinakawalang boses nya at talagang napatigil kami ni Yumi at nagkatinginan pati ang tapik ni Anthony sa lamesa napatigil….


You had a bad day, you've seen what you like

And how does it feel for one more time
You had a bad day, you had a bad day

At sa huli si Polo

Yes, we have a bad day….

“Wow, I’m empressed ang gagaling nyo palang kumanta di ko akalain, lalo ka na Claire ang ganda ng boses mo”


“Hahahaha salamat ngayon lang may nakaappreciate pero sa totoo lang kayong dalawa ni Yumi ang magandang magblend ng boses”


“Oo nga pare, ang ganda nyong pakinggan dalawa para akong nakikinig sa plaka, kahit lumang plaka pa pero ang ganda ng boses…”


“Pasaway ka talaga Anthony, pero magaling ka magbeat box sanayin mo yan magandang hobby din yan, Polo pare di ko akalain sasaluhin mo ang dulo”


“Actually isinulat ko ang mga lyrics na kinanta nyo kaya nasundan ko”


“Wahhh… multi tasking ka rin pala”


“Hahaha di naman pero sang-ayon ako sa sinabi ni Anthony magaling kayong dalawa… may kilig…”

“Teka Yumi, may boy friend ka na ba?”

“Ako? Ah…”


“Meron si Julius kaklase ko ang boyfriend nya”


Napatingin na lang si Yumi sakin sa sinabi ko at biglang dumating si Ms. Santiago at kumatok sa pinto…


“Detention is over you may now leave the room and go home”


Kaya isa isa kaming lumakad palabas ng kwarto bitbit ang aming mga gamit….


“Well I guess you learned your lessons about your negligence as a student” sermon ni Ms. Santiago


At sabay sabay naman kaming sumagot ng “Yes Maam” ako ang pinakahuli sumunod si Yumi pero bigla syang tumigil sa paglalakad at sumabay mismo sa paglalakad ko.
Reply With Quote

Tuesday, October 12, 2010

Chapter 4: Co-Student, Teacher Continuation

Parang di ako makapaniwala na ang isang napakatalino at mabait na estudyante nasa loob ng detention room. Inilapag ko lang ang gamit ko sa mesa na nakaharap naman sa mga estudyanteng nakayuko at naghahantay ng oras para makabalik na sila sa dati nilang gawi.

Di ko alam kung makakapagsalita ako sa harapan nila maaring makapagsalita man ako at ang ibalik naman sakin ay pambabara at kung di naman pangaasar pang muli baka di ko rin mapigilan ang sarili ko kung ano pang magawa ko sa kanila at imbes na hawakan ko ang oras na iyon para maging guro nila sa detension di ko pa magawa ang tungkulin ko.


Kaya inilapag ko ang bag ko sa harap mesang nakaharap sa lahat at dahan-dahang nagsalita sa harap ng mga kapwa estudyante.


“Good Afternoon, I’m Christopher Alcaraz, Tofie for short”

“Anong kinaganda ng hapon na to kung saan nakadetain ang mga kagaya naming mga pasaway o salot sa loob ng klase” sagot ng isang estudyanteng naka suot ng jersey.

“Ano nga ba ang kinaganda ng hapong ito?” nagisip ako ng isasagot sa tanong sakin ng kapwa estudyante ko at dapat hindi sila mapipikon. “Ang kinaganda magkakasama tayo”


“Yeah, right galing mo din tol you’re the man” muling sagot nya sabay tawa pagkatapos nyang sumagot at muli syang humabol ng sagot “Anthony pare”


“Nice to meet you Anthony”


“Maari ko bang malaman kung bakit ka nasa detension?”


“Haha, bakit nga ba? Boring kasi ang subject ko algebra, equations puro na lang yata numbers ang umiikot sa utak ko hindi ko gusto kaya imbes na pumasok sa klase nagcut na lang ako sa covered court ako nagpunta at naglaro ang problema nakita ako ng terror”


“Ah kilala ko nay an si Ms. Dulce, same here pare pero nung una nakaligtas ako pero sa sumunod na teacher wala ng katuwiran values ang subject nang dahil sa maruming uniporme”


Ngayon dalawa na kaming tumatawa sa loob ng klase, pero gaya ng una may puputol parin sa kaligayahan ng lahat.


“Hoy kayong dalawa kung tatawa na lang kayo dyan at magiingay aba magpatulog naman kayo” isang babae naman ngayon ang sumagot na nasa unahan ng silid at nakatungo sa kanyang desk.


“Pasensya na po pero mas maganda kung mas alive tayong makikipagusap sa bawat isa para mawala ang stress ng katawan o kaya kung ano mang problema meron tayo”


Pero sa halip na sagot ang ibigay sakin isang malakas na sampal ang sumalubong sa pisngi ko.


“Masakit ba?” tanong nya


Muntik na talaga akong di makapagpigil sa ginawa niya gusto ko syang gantihan para malaman nya kung gaano kasakit ang ginawa niya sakin buti na lang talaga at nagawa kong pakalmahin ang sarili ko. Sa halip iniabot ko ang kamay ko at “Tofie, nice to meet you, anong pangalan mo?”


Tumingin na lang sya sakin na parang nagtataka kung bakit di man lang ako gumawa ng marahas kong hakbang pero sa tingin ko nakuha ko naman ang atensyon nya para sumama sa aming usapan.


“Claire, yan ang pangalan ko”


“Nice to meet you, Claire so ikaw paano ka napunta sa detension?”


“Working student ako wala kasing nagpapaaral sakin so nagtratrabaho ako sa gabi sa umaga estudyante ako”


“Waow galing naman, so anung work mo?”


“Store cashier sa isang convenient store alam mo na open 24 hours”


“Ah ganun ba okay nga yun eh so ibig sabihin nakatulog ka sa klase kaya ka nandito ngayon sa detention?”


“Hmmm parang ganun na nga”


“Ayos, ikaw naman hmmm?”


“Apollo, Apollo pangalan ko Polo na lang masyadong gangsta pakinggan kung buong pangalan”


“Sige *** Polo paano ka naman napunta dito”


“Kung may natutulog sa klase, varsity player at maruming estudyante ako naman ang late comer”


Humalakhak ako ng sobra sobra sa narinig kong dahilan ni Polo nakisama na rin ang iba pagkatapos marinig ang dahilan niya kung bakit siya napasali sa detension.


“Sorry Polo hehehe pero bakit ka naman laging late”


“Akala ko di mo na itatanong yan at tatawa na lang kayo ng tatawa dyan, kaya ako parating late dahil kailangan ko pang takasan ang tiyuhin ko ayaw nya akong nakikitang nagaaral pero ayaw ko naming tumandang mangmang”


“Pasensya na asan na nga pala ang mga magulang mo?”


“Bata pa lang ako ulila na ako sa kanila at ang tanging naituring kong pamilya ang kapatid ng aking ina ang tiyuhin ko”


“Patawad di ko sinasadya”


“Okay lang ayaw kong kinakaawaan ako”


“Thank you, Polo at ikaw Ms. Yumi anung ginagawa mo dito sa detension?”


“Teka, Yumi? Ayumi Santos?” tanong na may kahalong pagtataka mula kay Anthony


“Ako nga si Ayumi Santos”


“Pero paanong?” pagtataka naman ni Claire


“Nabangga ko ang isang estudyante kanina sa pagmamadali ko kasi kung saan saan ako nakatingin kaya yung dala nyang test tube at kung anu anu pang laboratory equipments nabasag buti na lang di ako pinagbayad yun nga lang ang kaparusahan eto, nakakahiya talaga”


“Okay lang yan Yumi nobody is perfect ika nga nila”


“Eh teka Tofie bakit nga pala ikaw ang naghahandle dito?”


“Sa totoo lang parusa din sakin ang detension pero mas higit pa rin ang ibinigay saking task kaya eto ako sa harap nyo kahit na sinampal at nabara ako ng salita ginagawa ko pa rin ang gawaing iniatas sakin”


“Waow, di ko alam na ang isang Tofie ay masunurin”

“Hehehe, palagi naman teka kung saan pa mapunta ang usapan mahilig ba ang lahat dito sa musika o music?”

“Aba gusto ko yan” sagot ni Claire


“Pwede ko din yan subukan kung kaya”


“Kaya mo yan Anthony”


“Sintunado ako di ko sigurado kung magagawa ko yan”


“Wag ka matakot Polo ako bahala, ano Yumi ready ka ba?”


“May magagawa pa ba ako halos lahat naman susubukan”


“Ayan magaling start tayo, medyo light lang tayo ngayon yung mga tipong hindi mahirap at hindi mataas abutin at yung alam ng lahat”


“Pero mahirap yan Tofie, di lahat ng tamang lyrics alam natin”


“Sabagay tama ka dyan, Yumi teka lang”


Pumunta ako sa harap ng pisara at kumuha ng kapirasong yeso at sinimulang isulat ang mga lyrics ng awit. Habang ang ilan ay nakatuon ang pansin sa mga salitang mga naisulat ko sa pisara mayamaya’y nagumpisang magtanong si Claire.


“Ah Tofie ano yan? Sino ang kumanta nyan at anong klaseng kanta yan?”


“Hahahaha, bago ba sa pandinig never heared?, sige let me introduce you to the new a song for today” parang tumigil ang sandal matapos kong sabihin ang mga katagang iyon.


“Teka teka, you mean to say Tofie ikaw ang incharge sa amin ngayon?” buwelta ni Anthony


“Mismo! Pero hindi para turuan kayo at mag feeling isang professor o teacher pantay pantay tayo kung may gusto kayong sabihin maari nyong sabihin maari kayong magsalita malaya kayong maipapahayag ang gusto nyong sabihin sa loob ng silid na ito sa mga oras na ito”


“Waow, congrats sa ating lahat nakaalis nga tayo sa loob ng mga boring classes natin yun pala dito din pala tayo babagsak para magaral at magaral ulit” sagot naman ni Claire


“Teka, teka di naman niya sinabing sya ang masusunod sa loob ng klaseng ito gusto nya lang sabihin na di dapat sayangin ang oras natin dapat may nagagawa pa rin tayo para sa sarili natin yung nakakaaliw at di yung magmumokmok tayo dito dahil nasa detension tayo” pagtatanggol ni Yumi sa akin


Napangiti na lang ako sa ginawa ni Yumi isang tipikal na estudyante na habang ipaglaban ang karapatan ng isang estudyante ayaw nya may nasasayang na oras. Kaya naisipan ko na rin putulin ang pakikinig ko sa mga pagtatalo nila sa harapan ko.


“Oopps, tama na yan mas maigi pa concentrate tayo sa gagawin natin ngayon okay lang ba?”


“Okay lang sakin” sagot naman ni Polo


“Good bago tayo magumpisang muli, nasabi nyo sa akin na karamihan sa inyo hilig o marunong kumanta, pero paano ba nating masasabing kanta ang isang kanta o awit ang isang awit”


“Hmmm kapag may tono ang bawat salita?” sagot ni Claire


“Pwede, may punto ka dyan ano pa?”


“Kung may salita ang bawat tono”


“Hahaha loko ka talaga Anthony binaliktad mo lang ang sinabi ni Claire pero sa totoo lang ang pagbuo ng isang magandang kanta ay nagsisimula sa isang magandang title”


“Title?”


“Yep, title o titulo Yumi bakit? Ihalintulad natin sa isang cellphone ang natural na ginagawa natin sa cellphone ay magtext o tumawag pero makakapagtext ka pa ba kung walang load? Makakatawag ka ba kung walang load?”


“Alam ko na logic!”


“Ang galing Yumi, logic dito naguumpisang mabuo ang isang kanta dahil sa logic”


“Pero bakit may iba kanta na may ibat ibang salita o may nakahalong kakaiba o malalim na salita”


“Karaniwan sa isang awit o kanta ang palabok o magandang mga salita na inilalagay sa kanta para mailarawan o mapaganda ang awit para maintindihan natin ng lubusan may ipapakita ako sa inyo”


Kumuha ako ang kapirasong yeso at nagumpisang magsulat sa pisara….

Friday, October 8, 2010

Chapter 4: Co-Student, Teacher Continuation

Patay, eto na naman ang isang problema si Ms. Dulce, kung kaninang nalate ako sa klase nya ay pinaglilinis nya ako ng buong covered court ngayon nakita naman niyang magkasama kami ni Eunice anu naman kaya ang susunod nyang ipagagawa sakin.

“Where do you think are you going? Christopher Alcaraz and Eunice Estrada? You have 20 minutes before your next subject”


“Ah, we going to take our lunch now, Ms. Dulce? As in now? Can we?” sagot ni Eunice


“Going to take your lunch? I’m staring at the both of you for a minute or two and I didn’t see you move and go to the cafeteria nor to any store to take or buy your lunch and now you see me infront of you suddenly you have the urge to say your going to take your lunch?”


“But Ms. Dulce we still have 20 minutes left”


“15 minutes to be exactly and are you sure you can both finish your meals at this rate?”


“Yes Ms. Dulce is that right Tofie?” sabay siko sa tagiliran ko


“Okay then I will let you take your lunch if you promise to be back here at the exact time and IF NOT!” doom parang puputok bomba sa katawan ko sa pagtaas ng boses ni Ms. Dulce talo pa nya ang horror suspence and thriller kung pagsasamahin mo sa isang movie genre.


“Another punishment and that involves you too Eunice Estrada”


“Yes Ms. Dulce”


Kaya pagtalikod sa kanya karipas na kami ng pagtakbo di na papunta ng karinderia ng nanay ni Eunice na si Tita Ruth kung di sa tindahan ng banana que at kamote que. Imagine kung anung klaseng tanghalian ang aabutan namin para lang umabot sa cut-off time naming sa pagkain idagdag mo na rin dyan ang panulak na samalamig sa halagang bente pesos solved.


Para lang kaming unggoy sa pagnguya ng mainit na bananaque ang kaibahan lang nito walang balat at nakastick na yun lang makipaghabulan ka ng init at paso sa dila at kung mamalasin dyan naman ang silbi ng samalamig para mawala ang pamamaga ng dila kung sakaling mapaso ka.


Nang malunok ko ang lahat ng bananaque na nakatuhog sa stick agad kong itinapon ang bananaque stick at lumagok ng isang baso ng malamig, nang pupunahin ko kung tapos na si Eunice kumain ng bananaque nakita ko na lang na ang laki ng pisngi niya puno pa rin ng mga bananaque at di makatingin sakin ng diretso nahihiya yata dahil kahit ako natatawa nang makita ko ang itsura niyang di malaman kung anong gagawin sa pagkaing nasa bibig.


Hawak ang isang baso ng samalamig agad niyang hinila ang kamay ko at muli kaming tumakbo para akong tangay-tangay ng isang pulis na tila ako ng criminal kinaladkad ako ni Eunice hanggang sa makabalik kami sa covered court. Kahit na naririnig na niya akong nagsasabi ng “sandali lang Eunice” tuloy pa rin sya sa pagtakbo nakita ko na lang tumilapon ang plastic cup sa basurahan at shoot pa mismo di pa nya nagawang lumingon para makita na pasok sa basurahan ang tinapon nya.


“Kung babagal-bagal ka dyan Tofie tiyak maglilinis ka na naman ng covered court pero this time isasama mo na rin pati ang faculty o mas higit pati ako damay kaya bilisan mo dyan”


“Oo, alam ko yun pero nagmamadali naman ako ang ginagawa mo naman kasi sakin Eunice kinakaladkad mo ako eh”


“Ha?” tumigil lang sya sa paghila sa braso ko para tignan ang natapon na inumin sa aking damit


“Hala anong nangyari sayo Tofie?”


“Eto naliligo sa matamis na tubig na may gulaman at sago”


“Naku sorry Tofie di ko sadya pasensya na talaga, eh pero mamaya nay an mas disaster talaga ang mangyayari satin nito pag di tayo umabot sa oras na sinabi natin kay Ms. Dulce”


Kaya muli na naman naulit ang kaladkaran na kaninang nirereklamo ko kay Eunice, alikabok ang sumalubong sa dadaanan namin habang tumatakbo at papalapit sa covered court. Hanggang sa wakas umabot din kami nakita namin si Ms. Dulce nakatayo sa gitna ng simentadong entablado kung saan huli kaming nagusap.


“Well I’m empress you made it through, now then you may proceed through your next class”


“hay salamat naman at natapos na rin ang delubyo” bulong ni Eunice habang humahakbang papalayo si Ms. Dulce


“And by the way Mr. Alcaraz, please wear a clean and decent uniform, it seems to me that your cleaning the whole university”


Nang makita naman ako ni Eunice di na sya nagtaka o nagtanong kung bakit ganun ang sinabi ni Ms. Dulce, kaya nang makaalis nang tuluyan si Ms. Dulce humarap sya sakin at tumawa ng malakas.


“Sige mang-asar ka pa dyan Eunice ikaw kaya ang may pakana nito”

“Sorry na di ko talaga mapigilan pagtawa ko kasi nakakatawa naman talaga, tignan mo yung uniform mo may sago pa sa bulsa ng polo at may gulaman ka naman sa kwelyo sino ba naman ang di tatawa?” kaya tuloy tuloy pa rin ang paghalakhak niya sa harapan ko.

“Halika na nga bago pa bumalik dito yung terror na teacher na yun dalian natin” ako naman ngayon ang humatak sa braso nya papunta sa susunod naming klase.


Tamang tama lang ang pagdating namin dahil kasunod lang namin ang prof naming sa susunod na subject kaya nang makita naming sya sa aming likuran agad kaminag nagmadali para pumasok sa loob ng silid ngunit sa di inaasahang pangyayari napansin na naman ako ng di inaasahan.


“Mr. Alcaraz?”


“Yes, Ma’am”


“Is that your uniform?”


“Ah, yes I’m afraid so”


“Then you know my standards when it comes to good grooming Mr. Alcaraz”


“Ma’am?”


“Have you read the school handbook?”


“I have’nt read it”


“What do you mean you have’nt read it?, you mean you did’nt open a single page of that book?”


Napatingin ako sa paligid ko at lahat halos nakatingin sakin ramdam ko ang malamig na butil ng pawis ko ang mga kalamnan kong naninigas sa takot dahil malamang isang parusa na naman ang aabutin ko.


“No, no Ms. Santiago its just that I have’nt finished reading the whole book and wala pa po ako sa part ng book for the disciplinary actions and offense”


“Sorry for you Mr. Alcaraz you have violated one rule written on the school’s handbook and I believe you have a punishment for that”


“Not again”


“Are you saying something Mr. Alcaraz?”


“None, Ms. Santiago none”


“Good now get your things and wait for me outside the classroom”


Napatingin na lang ako kay Eunice at di nagpakawala ng kahit isang salita mula sa aking bibig gusto ko sanang sabihin sa kanya at itanong bakit puro na lang kamalasan ang inaabot ko ngayong araw na ito may ginawa ba akong masama. Pero di ko magawa dahil alam kong papansinin na naman yung pakikipagusap k okay Eunice o baka pati siya madamay sa parusa ko.


Inumpisahan kong buhatin ang bag ko kasama ang mga paa ko palabas ng silid aralan patungo sa may pintuan.


“Okay class, I need you to read Society Values page 14-17. When I come back we will start the discussion”


Habang nakikita kong palapit sa kinatatayuan ko si Ms. Santiago magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko na kahit kalian di ko pa nararanasan sabi nga nila there is always a first time.


“Okay Mr. Alcaraz follow me” agad naman akong sumunod sa kanya papunta sa basement ng building.


“Ms. Santiago saan po tayo pupunta?”


“Malalaman mo din, nasabi sakin ni Ms. Dulce na magaling kang kumanta at magpatugtog ng piano kaya di katakataka ang kinuha mong kurso dito sa unibersidad”


Hanggang sa huminto kami sa isang silid kung saan may mga estudyante mga nakayuko sa desk at tahimik na nakikiramdam sa paligid kung may darating na kung sino man.


“Andito na tayo, gusto kong ikaw ang magbigay ng parusa sa mga kasama mo sa detention ngayong araw na ito”


“Po?”


“Maliwanag naman siguro ang sinabi ko ikaw ang maghahandle ng mga kapwa mong estudyanteng pasaway isa pa marami ng guro ang occupied sa mga panahon at oras na ito para maiwasan ang pagsasayang ng oras nais kong ikaw mismo ang humawak ng isang klase na ang mga magaaral mo ay gay among pasaway”


“Pero Ms. Santiago hindi po…”


“Wala ng pero pero dapat magawa mo at dapat makita ko ang mga pagbabago sa kapwa mo estudyante sa loob ng isang linggo ikaw mismo ang mga kargo sa kanila”


Tuluyan na talaga akong pinagsukluban ng langit at lupa iniwan na ako ni Ms. Santiago sa pintuan, di ko alam kung anong unang gagawin ko kaya naglakad ako papunta sa harap ng klase. May limang estudyante ang nasa loob karamihan nga mismo ay mga pasaway sa klase.

Pero di ko inaasahan na makita ang isang babaeng di ko aakalaing dito ko muli matatagpuan. Si Yumi nasa detension.

Sunday, October 3, 2010

Chapter 4: Co-Student, Teacher

Mula ng umalis kami nila Cheska, Ami, Crissy at Julius para kumain sa mall di ko maalis sa isipan ko si Tofie, parang isang matinding kasalanan na bumabagabag sa kunsensya at sa isipan ko minsan naitatanong ko sa sarili ko bakit ba ako ganitong kaapektado kay Tofie ni hindi ko alam kung may nararamdaman sya para sakin o isang kaibigan lang ang turing niya sakin.

“Hoy Yumi ayos ka lang ba kanina ka pa tahimik, wala kang imik dyan”


“Hindi naman Cheska may iniisip lang ako”


“Wag mong sabihing dinadamdam mo pa rin ang nangyari sayo kanina sa klase na pinagalita ka ni Sir Romulo”


“Maari din yun”


Bahagyang pumantay saking palalakad si Julius at marahang nagsalita.


“Sinasabi ko sayo Yumi, oras na malaman ng barkada mo ang tungkol kay Tofie sinisigurado ko sayo na magiging miserable ang buhay nya sa unibersidad kung naalala mo pa ang ginawa nila sa dating nanligaw sayo bago pa ako dumating dito”


Masakit sakin na maalala ang mga pangyayaring yun na kung saan isang malapit na kaibigan ang nawala sakin ng dahil na rin sa mga kabarkada ko ngunit ano naman ang gagawin ko di maaring iwan ko ang barkada ng dahil sa isang tao maaring kumalas ako o ako naman ang guguluhin nila ang hirap mamili.


Sana kung dumating man ang taong dapat mahalin ko at mamahalin din ako sana makaya kong ipaglaban ng tama ang nararadaman ko sana magkaroon ako ng lakas ng loob para maprotektahan ko ang taong yon kung sino man sya.


“Yung dalawa dyan sa likod sumisimple pa kayo sanay na ako sa mga moves mo Julius” pagpupuna ni Crissy


“Ikaw talaga kung di ka lang babae naku”


“Ano yun Julius? Kung di lang ako babae bakit anu magagawa mo sige nga?”


“Wala naman hehehehe joke lang”


“Siguraduhin mo lang dahil nangangati ang mga kamay ko para may pagtripan”


Nakita ako ang pagtulo ng pawis mula patilya ni Julius halatang takot din naman sya sa tatlo dahil nakita at nasaksihan na niya ang kayang gawin ng barkadang ito.


Hanggang sa marating namin ang restaurant kung saan kami kakain ng lunch namin. Marami din ang kasabayan naming kakain marahil bago ang restaurant kaya marami din ang nagusisa para malaman anung luto ang mayroon sa ganitong klaseng restaurant. Humanap lang kami ng magandang lugar kung saan maaring pumuwesto at nang makapili agad na kaming tumawag ng waiter.


Agad naman binigay ng waiter ang mga menu sa amin ngunit mabilis si Amy.


“Ano ang best seller nyo o anu ang specialty nyo sa restaurant nyo”


“Eto po mam ang mga best seller namin at karamihan po sa mga nandito ang kanilang order ay ang special menu of the day namin”

“Ah ganun ba, sige bigyan mo ko ng iba gusto ko iba, yung tipong masasarapan ako at mabibigla ako”

“Po?”


“You heared me right waiter give new that is not included in your menu, a new perspective”


“Ako din” sabat ni Cheska


“Kahit ako” nakisali na rin si Crissy


Gulat na gulat ang waiter sa sinabi ng tatlo at di nakapagsalita o nakapagbukas ng bibig.


“If you love your job waiter be sure to satisfy your customer or else I will complain” pagbabanta ni ami.


“Ako sir eto na lang sakin yung best seller nyo and then ice tea yun lang po” sagot ko


“Ganun din ako” sagot naman ni Julius


“Aba, hanggang sa tipo ng pagkain nakikiayon ka Julius kay Yumi, I can’t believe we allow you to our group” pagpuna ni Cheska


“Hindi naman medyo busog pa kasi ako kaya yun ang napili kong iorder”


“Whatever, so waiter are clear on our orders?”


“Yes Mam”


“Good, now get lost and prepare our orders go!”


“Sir excuse me” tawag ko sa kanya


“Yes Mam?”


“Thank you” at ngumiti na lang ako sa kanyang mukhang balisang balisa sa ginawa ng tatlo.


“It’s my pleasure to help you”


Makaraan ang ilang minute bumalik ang waiter dala ang mga orders namin at tila nasiyahan naman ang tatlo sa natikman nila at nagsabing babalik sa susunod na araw. Nang makatayo ang tatlo sa kanilang mga upuan at si Julius naman ay nagpunta sa CR, kumuha ako ng kaunting halaga sa aking pitaka at palihim na inabot sa waiter.


“Para po sa inyo, pagpasensyahan nyo na po ang mga kaibigan ko”


“Naku mam okay lang po di nyo na po kailangan magbigay sakin ng tip”


“Please po, salamat ng marami ulit”


“Hehehe salamat din po mam sana kasing bait nyo rin po ang mga kaibigan nyo”


“Mababait naman sila kahit ganyan ang pinapakita nila, paano po mauna na ako salamat ulit”


“Salamat din po”


Muli naming tinunton ang parking area kung saan nakapark ang sasakyan at muling bumalik sa unibersidad para sa susunod na klase, dinaanan ng kotse ang karinderia ni Tita Ruth kung saan una kaming kumain ng magkasama ni Tofie.


Sumilip ako sa bintana ng kotse sinisipat ko kung andun si Tofie kung kumakain ba sya magisa o may kasama syang iba ngunit sa kasamang palad walang Tofie na kumakain sa karinderia ni Tita Ruth at muli akong napabuntong hininga.


“Bakit Yumi mukhang mas malalim ang iniisip mo kesa samin”


“Bakit ano ba iniisip nyo”


“Cut!”


“Cut?”


“Yep cut class”


“Hindi kung gusto nyo kayo na lang babalik na lang ako magisa sa unibersidad”


“KJ ka talaga Yumi”


“Hindi pwede sakin yan Amy alam mo yan kung bakit?”


“Okay okay alam ko may pangarap ka”


“Sige na kung baba ka lakad na basta kami aalis”


“Hoy Yumi, wag kang magbabanggit sa Prof”


“Alam ko yun Cheska pero sigurado ba kayong alam nyo ang ginagawa nyo?”


“Malalaki na kami Yumi di na kami bata para pagsabihan at bantayan”


At tuluyang tumakbo ang sasakyan ni Julius palayo sa kinatatayuan ko at ako naman naiwang nakatingin sa papawalang sasakyan at nang di ko na ito maaninag nagumpisa na rin ako ng malakad pabalik sa silid kung saan gaganapin ang susunod na klase ko. May iba akong nakasabay na kapwa estudyante na nagmamadali para umabot sa susunod na klase parang eksena kaninang umaga ngunit ang kaibahan lang nito kalmado ako ngayon subalit kanina nawala ang lahat dahil sa mga di naasahang pangyayari.


Mula sa waiting shed papasok ng malaking gate ng unibersidad nakita ko rin ang mga kaklase ko sa susunod na subject di kasi blocked section ang kinuha ko kaya sa bawat subject ko iba iba na rin ang nakakasalamuha ko, kung sinu-sino rin ang nakakakilala sakin sa campus kaya minsan naisasali ako sa mga school organization, kaunting kamustahan lang sa daan habang nakikita nila ako pero sadyang iba talaga ang trato kapag nabibilang ka sa elite na sections o klase halata mo naman, pagdating pa lang sa school grounds kilala mo na kung sino ang mayayaman at may kaya at sino ang mga scholars ng unibersidad.


Ang mayayaman naka-kotse at parang may kanya-kanyang parking slot kasama sa pagbabayad ng matrikula, samantalang ang mga may kaya naman nakikisabay lang o kung di naman nakataxi pagpasok ng school iilan lang talaga ang mga estudyanteng nakasakay sa bus, jeep o kahit anong pang masang sasakyan.


Nang makaalpas naman ako sa waitng shed kung saan nakita ko ang mga ibat ibang sasakyan bumungad sakin ang covered court ng unibersidad bukod kasi sa gymnasium may covered court kung saan maaring gamitin ng kahit sino anumang oras nila gustuhin. Ngunit kakaiba sa aking mga napansin kanina mga estudyanteng naglalakad o tumatakbo papunta sa kani-kaniyang silid isang guro na nakatayo sa simentadong entablado ng covered court kausap ang dalawang estudyante anunag ko sa malayo na isang babae at lalake ang kausap niya.


Pero parang pamilyar ang tindig at tangkad ng lalake at para makisigurado nilapitan ko kung talagang kilala ko ang lalakeng naaninag ko. Laking gulat ko ng si Ms. Dulce ang bumungad sa pagsisiyasat ko sa takot ko na rin di ko na nakuhang makita ang mukha ng lalakeng inaaninag ko sa halip nagtatakbo ako palayo mula sa covered court.